Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa (Sunday Gwapo – DZBB)


FERNAN: Secretary Andanar, magandang umaga po. Hi, Sec.!

SEC. ANDANAR: Good morning, Guwapo.

FERNAN: Sec., ano itong magkakaroon ng national brand ang Pilipinas na aprubado na daw po ng Pangulong Duterte, Secretary?

SEC. ANDANAR: Pakiulit ho, pakiulit.

FERNAN: Iyong magkakaroon ng national brand ang ating—binanggit mo doon ay iyong kagaya doon sa Australia, Australia Unlimited, sa Africa It’s Time for Africa, parang ganoon, Sec.?

SEC. ANDANAR: Noong last Cabinet meeting kasi ay iprinisinta natin sa buong Cabinet pati kay Pangulong Duterte iyong mga nasa national brand name. So alam mo, Fernan, hindi pa ho nagkakaroon ang Pilipinas nang talagang conscious effort na magkaroon ng isang brand para sa Pilipinas. Ang brand ho talaga natin na ginagamit ay usually—

FERNAN: Sa tourism hindi ba? Sa tourism?

SEC. ANDANAR: Oo nakasentro sa tourism. Naka-sentro sa Department of Tourism at ang tourism ng Pilipinas ay Wow Philippines, iyong It’s more Fun in the Philippines pero wala ho talagang isang national brand na all encompassing. Meaning ito ay pino-promote hindi lang ang turismo kung hindi pino-promote din iyong ating investment, ating education, ang ating tao, lahat ng kung anong mayroon sa Pilipinas pino-promote. So ito po ay first in the Philippines and ang ating Pangulo po ay in-approve iyong national branding so ito pong national branding na ito, ito po ay dadalhin natin doon sa isang bansa, overseas. At para sa kapakanan ng mga kababayan nating nakikinig. Ano ho ba iyong branding? So for example, GMA7 ‘di ba, ang naging branding ng GMA7—

FERNAN: Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lang.

SEC. ANDANAR: Oo serbisyong totoo lang, tapos alam mo pa iyong naging branding ng GMA? Where You Belong.

FERNAN: Where You Belong, iyan.

SEC. ANDANAR: Iyong mga ganoon ‘di ba? So—sa mga komersiyal naman halimbawa, iyong mga ‘Coke is it’ ‘di ba? Mga Pepsi, ‘The choice of the new generation’. Iyong mga ganoon ‘di ba?

FERNAN: Itong ‘Experience the Philippines’, hindi ba iyong DOT mayroon ng ganoon? Ano iyon?

SEC. ANDANAR: Iyon nga, ang sinasabi ko ang branding na ginagawa po ng Pilipinas most of the time is centered in tourism. Okay? Turismo nakasentro pero hindi po, wala pong naka—nagba-branding ng investment in the Philippines, wala po nagba-branding ng Go to school in the Philippines, work in the Philippines, investment in the Philippines.

FERNAN: Sino makakatuwang ninyo dito? Anong ahensiya ng gobyerno, Sec.?

SEC. ANDANAR: Buong Gabinete, buong departamento ay makakasama natin, lalong-lalo na iyong Department of Trade and Industry, iyong Department of Finance, iyong Department of Tourism. Nandoon din po iyong Department of Labor and Employment. Lahat—Office of the Cabinet Secretary, lahat po ngayon kasama natin.

FERNAN: So ano ito, iyong slogan na naiisip ninyo, mayroon na ba o idadaan ninyo ito sa contest?

SEC. ANDANAR: Idadaan ito sa isang branding steps. Dadaanan nito lahat ng buong Gabinete mag-uusap po, ako ay nagtatrabaho sa pangunguna ng PCOO. Kami po ay magtatrabaho, kami iyong magre-research tapos kukuha ho tayo ng isang ahensiya, advertising agency na international at i-dissect din ho natin iyong mga brand na maiisip nila, magpi-picture silang lahat. Kasi this will be a very big branding project exercise for the entire country.

FERNAN: Mukhang maganda ito?

SEC. ANDANAR: Oo marami hong ideas pero mayroong ideas like… Philippine is rising, mayroon din hong mga ideya na tulad ng… The Philippines will work for you. Marami, I’m sure iyong mga nakikinig sa atin ngayon, marami silang naiisip ngayon.

FERNAN: Sigurado ako marami iyan.

SEC. ANDANAR: Opo marami iyan. So this will be very good for our country, kapag ito po ay natuloy. Ito po iyong makikita ninyo sa mga Airport natin. Makikita ninyo sa ating mga eskuwelahan. Makikita ninyo po—mapapakinggan ninyo po sa DZBB kasi iyong mga advertising and then hopefully, hopefully po ay magkaroon tayo ng budget para iyong mga mapapanood natin sa mga international network na—ito iyong mapapanood natin sa Amerika, sa China, Australia at United Kingdom. So maganda po ito dahil—

FERNAN: Hindi ninyo makikita iyong mga terorista, hindi ganoon? Ito positive na ito, positive na ito.

SEC. ANDANAR: Positive… [unclear]. Anong sabi ng US news, ‘di ba the best country in 2018, Philippines ‘di ba?

FERNAN: Ang ganda nga noon.

SEC. ANDANAR: Ang ganda noon ‘di ba iyong mga tourism spot natin, iyong ibang tourist spot natin, iyong ating kultura, iyong ating mga… iyong mga workers natin. One of the best workers in the world.

FERNAN: So paano ito? May petsa na kung kailan masisimulan, Sec.?

SEC. ANDANAR: Hindi, ang timeline po namin is nasa mga dalawang buwan kasi siyempre pag-aaralan pa iyan ‘di ba?

FERNAN: Okay so dalawang buwan. Ito hong EWBS maganda rin ito. Iyong Emergency Warning Broadcast System nai-launch na daw po?

SEC. ANDANAR: Ay naku salamat at na-mention mo iyan. Nailunsad na ho iyan sa Davao City, ang Davao City po iyong kauna-unahang siyudad, ang pilot city ng Early Warning Broadcast System. So, ano ho ba ito? Parang sa Japan, mayroon kang isang receiver na kahit nakapatay ang TV mo basta nakasaksak lang sa kuryente ay automatic mag-o-on iyan kung mayroon pong—

FERNAN: Emergency?

SEC. ANDANAR: Mga emergency tulad noong sa Tsunami, storm surge, bagyo, earthquake, mayroon hong ganiyan, ang bansa ho natin ay nasa Pacific Ring of Fire at nadaan ho tayo ng mga super typhoon. So, napakahalaga po nito: para ito po ang magiging katuwang ng NDRRMC; mga rescue 911 ng ating Municipal Risk Reduction Management Council. Ito po iyong magiging partner nila sapagkat ang pinakamahalaga sa lahat, Fernan, ay buhay ng tao.

FERNAN: Ang tawag dito ay EWBS Early Warning Broadcast System, Sec.?

PART 2

12:47

SEC. ANDANAR: Oo, iyong EWBS Early Warning Broadcast System ay isang technology, isang feature na magagamit lamang ito kapag iyong broadcasting ng isang telebisyon, iyong broadcasting method is digital. Okay, ang PTV ay digital na ho, ang PTV sa Davao, sa Metro Manila, PTV dito sa Naga. Now ang—

FERNAN: Ang sinasabi mo kahit naka-off iyong TV basta nakasaksak siya sa kuryente bigla na lang mabubuhay, magbubukas ganoon?

SEC. ANDANAR: Basta magbubukas ho, hindi ho multo ang magbubukas kung hindi magbubukas ho talaga dahil sa technology. Kung ikaw po ay nanonood ng isang programa – halimbawa itong Super Radyo, ang programa ni Fernan – pinapanood mo iyong Teleradyo tapos bigla na lang mayroong—magus-super impose iyong warning at mayroong mag-aalarma iyon, alarma ‘pagka-alarma noon lalabas ngayon iyong warning na ‘Uy mayroong parating na storm surge, mag-evacuate ka na.

FERNAN: Iyon.

SEC. ANDANAR: Ang kagandahan dito dahil EWBS at digital siya, ang kagandahan dito ay depende sa locality, puwede siyang mag-trigger doon sa locality kung saan ay mayroong emergency. Hindi ho buong Pilipinas, hindi pong probinsiya, puwede ho iyong isang locality, isang siyudad lang, tulad ng CDO, ito po ang kagandahan nito. Now, sino po ang mayroon nitong EWBS? PTV4 ho lamang ang mayroon.

FERNAN: So sa gobyerno?

SEC. ANDANAR: Oo sa gobyerno, so therefore kapag ito po ay na-launch na ho talaga natin sa buong Pilipinas at sa mga lugar na mayroong digital, kakausapin ho natin ang national telecommunication commission at sasabihin natin na pakiusapan lahat ng pribadong kumpanya na digital na ho iyong broadcasting dahil mayroon na hong digital box na iyong mga susunod na generation ng digital box ay kailangan EWBS ready. Para ho ang warning ng gobyerno ay hindi lang ho doon sa government TV kung hindi sa lahat ng commercial television na digital box na po iyong gamit dahil digital na po iyong broadcast.

FERNAN: ‘Di ba launching nito, itong third week dito sa Metro Manila?

SEC. ANDANAR: Sa Metro Manila tina-target po namin ay either third or fourth week ng March or second week ng April. Hinihintay natin iyong ating mga Japanese counterpart, dahil bahagi ho ito ng programa ng OCD with Japan and JICA.

FERNAN: Sec., panghuli lang, pahabol ko lang. Sinasabi daw po ng Presidente ng Assembly of the State-Parties sa ICC: “Huwag na daw kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na under itong ICC.” Ano ba reaksiyon dito ng Malacañang?

SEC. ANDANAR: Aba’y desidido na po ang ating Pangulo na kakalas po tayo. Alam mo sa mga kababayan po natin, dapat po malaman po nila even ang Estados Unidos ho hindi ho miyembro dito. So malalaking bansa, if I’m not mistaken China, hindi miyembro, Russia.

FERNAN: Hindi rin ho?

SEC. ANDANAR: Oo hindi rin ho miyembro. Now, napuno na ho si Presidente kasi sobra na hong one-sided itong ICC, very one-sided ho. Kung ano-ano hong sinasabi niya and then sinasabi na hindi natin kayang idaan sa sarili nating judiciary. Eh gumagana naman iyong judiciary natin. Nakita naman natin na mayroon na tayong dalawang Pangulo na ipinakulong ‘di ba? Si Presidente Erap, si Presidente Macapagal-Arroyo. Anong ibig sabihin noon? Hindi gumagana iyong ating judiciary—iyong justice system, ‘di ba? So anong kanilang sinasabi na hindi kayang magta-try, hindi kayang ilagay sa isang trial ang isang Pangulo or iyong laban natin sa iligal na droga, etcetera. Gumagana iyong—kaya ho ganoon. Puno na, napundi na…

FERNAN: So wala ng atrasan?

SEC. ANDANAR: Wala na, wala na ito.

FERNAN: Sinuntok ba talaga ng Pangulong Duterte iyong pader daw Malacañang nang malaman na absuwelto sila Kerwin Espinosa at si Peter Lim?

SEC. ANDANAR: Iyon ang sinabi ni Bato iyan ‘di ba?

FERNAN: Opo, opo.

SEC. ANDANAR: Oo, wala ho ako noon, noong nag—kung saan at kailan nakita ni Bato, wala ho ako doon so hindi ako maka-comment na sinuntok ho iyong pader.

FERNAN: Panghuli na lang iyong sabi ni Trillanes iyong isinampa sa kaniya diyan sa Pasay Court iyong Inciting to sedition para daw mapatahimik siya ng Malacañang?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi ho. Hindi naman ho, wala hong kinalaman ang Palasyo doon sa pagsampa ng kaso kay Senator Trillanes. Alam mo 104 million Filipinos ay lahat ho may karapatang magsampa ng kaso. Wala namang ano—at si Presidente ay hindi ho siya vengador, hindi ho siya ganoon. Kami ay trabaho lang ho kami, trabaho lang kami nang trabaho para lang gumanda iyong takbo ng bansa natin. At si Pangulo ay naniniwala po sa freedom of speech, freedom of expression, freedom of the press. Hindi ho siya isang tao na nagkakaso ng mga libel o ano mang kaso, wala ho.

FERNAN: Magkakaroon daw ng tanggalan sa Gabinete. Sino iyong mauuna, Sec.?

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung sino iyong mauuna pero nandoon ho ako sa meeting na iyon, tapos may nagtanong ho kung masaya ba si Presidente sa—

FERNAN: Performance?

SEC. ANDANAR: Performance sa Cabinet. Pero nabanggit ni Presidente na mayroon siyang aalisin. Hindi naman tanggalan pero mayroon din daw siyang aalisin. So iyon, kaya at na—

FERNAN: Hintayin na lang?

SEC. ANDANAR: Nangyaring Cabinet reshuffle, it’s the prerogative of the President kung gusto niya pong magtanggal ng Gabinete. Nasa kaniya ho iyon dahil siya ho ang Pangulo, we all serve at the pleasure of the President. Kaya nga po sa lahat po ng Cabinet members, sabi ko, we just have to do our best every day. As if today is our last day in our position dahil we serve at his pleasure.

FERNAN: Okay sige, Sec., maraming salamat po sa oras po ninyo. Thank you po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Fernan at mabuhay po ang DZBB. Good morning po. Thank you.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource