GULAPA: Sec., magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Good morning, Guwapo.
GULAPA: Sinusuwerte kami ngayon. Ito iyong sabi ng SWS, iyon daw gabinete ng Pangulo, iyong net satisfaction rating umakyat sa ‘good’, positive 32 mula sa positive 25 noong nakaraang second quarter, Sec.?
SEC. ANDANAR: Para lang ikaw sabi mo, sinusuwerte kayo eh. Oh eh ‘di ang Gabinete rin ay suwerte rin dahil tumaas. But anyway, kidding aside tayo ay nagagalak and we will use this high rating para magtrabaho pa, tumutok pa sa mga inatas sa atin ng ating mahal na Pangulo.
GULAPA: Eh kaya lang eh mga naglalabasang balita eh bubuwagin na daw po itong PCOO at magiging Office of the Press Secretary na. Paano ba mangyayari sa mga tauhan ninyo, Sec., at ikaw?
SEC. ANDANAR: Kasama iyan sa naging panukala po noong 2016 pa, Fernan na kailangan ng ibalik na iyong Office of the Press Secretary dahil nga napakadaming mga puwede pang gawin under the Office of the Press Secretary or iyong mga divisions doon na paunti-unting nawala noong naging PCOO. But anyway, wala namang problema na bubuwagin ito, ang mahalaga iyong kapakanan ng burukrasya nang mas lalo pang lumakas, Fernan. At doon naman sa tanong kung anong gagawin ko, depende na iyon kay Presidente Duterte kung saan ako i-a-assign ng mahal na Pangulo. Wala namang problema kung sa palagay ko kaya po naman ang ibibigay niya sa aking assignment, eh okay lang naman.
GULAPA: Binabanggit ninyo, kayo ang may panukala nito noong 2016 kasi lumabas iyong balita noong nandoon kayo sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Senate President Tito Sotto na kailangan maging Office of the Press Secretary na. So ikaw pala ang may panukala nito?
SEC. ANDANAR: Oo, noong 2016 nagbigay ako ng isang Executive Order proposal kay ES Medialdea, eh kaso na-taken over siya ng mga political events, kaya maganda at binuksan muli ni SP Tito Sotto iyong posibilidad, iyong proposal niya na maging Office of the Press Secretary at naalala ko naman noong magkasama kami sa Myanmar ay isa ito sa mga pinag-usapan namin, pati kaming dalawa iyong partner, buddy-buddy kami noong biyahe ni Presidente sa Myanmar eh at isa iyan sa mga napag-usapan namin. And ako ay nagagalak na ito nga ay naging panukala ni Senate President Tito Sotto at sinang-ayunan naman ni Presidente. Kaya nga iyong EO na isinubmit ko noong 2016 ay ni-resubmit ko ulit this year kay ES Medialdea at hinihintay na lang natin ito ay mabuo at mapirmahan ni Presidente.
GULAPA: Ano ba ang problema kung PCOO at may Spokesman, iyong ngayong setup kung ikukumpara noong dati na may Press Secretary, Secretary Andanar?
SEC. ANDANAR: Iyong original kasi na Office of the Press Secretary sa panahon ni Tita Cory noong 1986 ay magkasama pa iyong dalawang opisina. Iyong Office of the Press Secretary at saka Office of the Presidential Spokesperson; pero noong 1989 ito ay hiniwalay ni Tita Cory, nagtayo siya ng Office of the Presidential Spokesperson. And then from that time ay iyon na nga iyong naging setup hanggang ngayon.
Noong panahon ni PNoy itong Office of the Press Secretary hiniwalay niya ito, into PCOO at PCDSPO. Sa ilalim po ng Duterte administration ito ay pinagkaisa natin, inalis na po natin iyong PCDSPO at ngayon ay PCOO na lamang. Pero ang gusto po ni Presidente ngayon ay talagang pag-isahin na lang iyong PCOO pati iyong Office of the Presidential Spokesperson para isang tao lang ang nagre-report sa kaniya.
GULAPA: Pero sa panahon ni Erap, ni Arroyo ‘di ba may Press Secretary tayo?
SEC. ANDANAR: Mayroong Press Secretary at mayroon ding Presidential Spokesperson, naalala ko noong panahon ni Presidente Erap, si Jerry Barican, iyong kaniyang Presidential Spokesperson. Ang Press Sec., niya alam ko si Rod Reyes yata kung hindi ako nagkakamali kaya noong panahon ni Erap; at si Dong Puno. At kahit iyong panahon din ni Presidente Arroyo ang naging Press Secretary niya, marami iyon eh—
GULAPA: Si Bunye—
SEC. ANDANAR: Si Bunye pati si Jess Dureza, Jess Dureza tapos iyong kaniyang Spokesperson si Ric Salud, Ric Saludo tapos si ano rin, at the same naging concurrent ES at Spokesperson si ES Ermita.
GULAPA: So paano magiging setup nito kung nandiyan na iyong Office of the Press Secretary, Secretary Andanar?
SEC. ANDANAR: Isa na lang iyong Press Secretary, isa rin iyong—
GULAPA: Spokesman—
SEC. ANDANAR: Iyon po iyong magiging setup nito, kung hindi—depende po iyan, puwede iyong Press Secretary, puwede pong gawin niyang Spokesperson iyong kaniyang Undersecretary – na kay Presidente na po iyon. Pero isa lang po iyong Secretary, iyon po talaga iyong magiging boss nitong opisina na ito.
GULAPA: At sino na ang mamamahala doon sa PNA, sa PTV4 at iba pa na hawak-hawak ninyo ngayon?
SEC. ANDANAR: Iyong Press Secretary po, siya po iyong hahawak ngayon noong operation, lahat, operation ng buong government media pati po iyong pagiging Spokesman ng Presidente.
GULAPA: So, may offer ba sa iyo na gawing political adviser, iyong puwesto ni Tolentino, Sec.?
SEC. ANDANAR: Wala pa ho, wala pang offer sa akin, wala pa hong position na napag-uusapan. Ang sinabi lang po ni Presidente, I should be sticking around, iyon lang po, at tayo naman ay naghihintay lang kung ano iyong ibibigay sa atin. Kung mayroon mang ibigay o wala, okay lang po.
GULAPA: Eh biro nga ng Pangulo, eh hindi pa naman nananalo sa eleksiyon si Andanar, paano ka magiging Political Adviser?
SEC. ANDANAR: Totoo naman. [laughs].
GULAPA: Hindi ka pa naman kumandidato eh.
SEC. ANDANAR: Hindi pa ako kumakandidato, hindi pa ako tumatama sa halalan o sa kahit anong eleksiyon – tama si Presidente.
GULAPA: So paano iyan? So diyan ka pa rin sa administrasyon pa rin?
SEC. ANDANAR: Well sa ngayon hanggang sa hindi pa nabubuo itong Office of the Press Secretary at hindi pa naman tayo ina-assign ni Presidente sa ibang puwesto eh mananatili tayo sa ginagawa natin, at the same time tayo po ay magiging busy din sa communications din ng PDP-Laban dahil isa ho ito sa napag-usapan namin ni Secretary Al Cusi sapagkat kailangang planuhin na iyong communication, iyong media ng PDP-Laban sa darating na 2019.
GULAPA: Ayun, sige. Sec., maraming salamat po sa panahon po ninyo. Maraming salamat—oo nga pala iyong sa binabanggit—ano ba talaga iyong sakit ng Pangulo at nangingitim iyong mukha, Sec.?
SEC. ANDANAR: Wala hong sakit si Presidente, nabanggit na ho ito ni Presidente, iyong mayroon daw siyang parang pinahid na—
GULAPA: Cream?
SEC. ANDANAR: Oo cream, ito daw ay cream ni Ma’am Honeylet at alam mo itong mga treatment sa mukha kapag hindi mo ito—sinunod iyong mga instructions doon, halimbawa huwag kang magpa-araw, etcetera ay minsan eh nakakasira ng balat eh kasi siguro naging—nag-discolor ng kaunti.
GULAPA: Iyong mga beauty regimen kung tawagin?
SEC. ANDANAR: Oo. [laughs].
GULAPA: Kaya si Sec. Martin ay hindi nagpapa-araw iyan eh.
SEC. ANDANAR: Hindi, alam mo kasi ‘di ba si Presidente, punta nang punta ng Kampo, naaarawan tapos iyong mga sundalo, talagang masipag si Presidente na mag-ikot sa buong Pilipinas at alam mo naman we are tropical country, mainit talaga at kapag naaarawan ang balat, ang mukha tapos mayroon kang in-apply na cream doon at hindi naman dapat maarawan eh talagang magkakaroon ng discoloration.
GULAPA: Iyon so iyon lang, wala iyong sakit-sakit sa [overlapping voices] na binabanggit.
SEC. ANDANAR: Kaya nga iyon… ‘di ba iyong mga Misis natin, Fernan kapag nagwa-whitening ‘di ba, eh hindi nagpapaaraw eh, ‘di ba? Kasi makakasira ng balat, iyon yun.
GULAPA: Okay. Sec., thank you po. Thank you, thank you.
SEC. ANDANAR: Salamat Guwapo. Thank you.
###