Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Frances Flores – Super Radyo Nationwide, DZBB


FLORES: Magandang umaga po, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Ka Francis at magandang umaga po sa inyong mga tagapakinig dito sa DZBB.

FLORES: Salamat po.

SEC. ANDANAR: Naalala ko tuloy iyong newscast namin habang pinapakinggan kita.

FLORES: Matagal ng panahon iyon, Secretary.

SEC. ANDANAR: Naku.

FLORES: Ikaw ay nandiyan na sa puwesto mo, ako’y hindi mo pa rin nakakalimutan – salamat po, Secretary.

SEC. ANDANAR: Bakit naman kita makakalimutan eh 1999 tapos iyong unang newscast ko sa tala ng buhay ko ay kasama mo, ikaw iyong mentor ko eh.

FLORES: Ay naku po, ako ay nanliliit diyan sa sinasabi mo. Anyway, thank you. Baka saan pa mapunta ang usapan, baka magkabukingan pa rito.

SEC. ANDANAR: [laughs].
FLORES: Sec., alam kong happing-happy ka ngayon, mayroong mga magandang sinabi si

Pangulong Duterte. But before that, gusto ko munang alamin sa iyo itong munting detalye baka madagdagan mo. Itong kababasa ko lamang na balita. Ang gusto ni Pangulong Duterte dito sa isinagawa lamang na papanumpa niya doon sa BTA, iyong Bangsamoro Transition Authority. At ito partikular kong nakita, sabi ng Pangulo na hinihiling niya sa mga kasapi dito sa Bangsamoro Transition Authority, iyon bang sikaping magawa ang lahat ng kanilang makakaya sa pagsunod sa rule of law, that’s number one. And number two, sikapin din na tumulong ang mga rebeldeng kasapi ng Moro Islamic Revelation Front at Moro National Liberatio Front doon sa pagkakalap o pagpapasuko ng lahat ng mga armas ng mga rebelde. Sige nga bigyan mo nga ako ng kahit kaunting mga detalye nito, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo when that happened I was in Cebu. So alam naman natin na ang rule of law of which the basic is premised on na kailangan talaga mayroong kapayapaan sa buong Pilipinas at isa nga sa mga rason kung bakit talagang tinulak itong Bangsamoro Organic Law ay para magkaroon din ng pang habang buhay na kapayapaan sa Mindanao kung saan taga doon kami.

At one of the ways to make this BOL really successful ay iyong ma-surrender na iyong lahat ng mga armas ng mga rebeldeng Muslim sa buong Mindanao. So alam naman natin na ito talaga ay matagal ng minimithi ng ating Pangulo, ng ating bansa. Now, kapag hindi kasi na-surrender lahat iyon ay mayroon pa ring threat na baka mayroong mag-alsa na ibang mga grupo o iyong mga splinter groups na tinatawag.

FLORES: Well, as it is, mukhang doon dapat sa nakikita ni Pangulong Duterte sigurado, iyong panimula na talaga iyong binabanggit din ng Armed Forces of the Philippines na lasting peace and order situation sa Mindanao at hindi lang sa Mindanao kung hindi sa buong Pilipinas. What do you think, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Okay iyon, iyon naman talaga ang gusto ng bawat Pilipino. Well, ‘di ba iyong lasting peace sa buong Pilipinas sapagkat alam naman natin na kapag mayroong kapayapaan ay mas mabilis ang progreso ng bansa.

FLORES:Tapos ipinipilit pa doon sa report, ang binabasang iyon, sa mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority na lumayo sa katiwalian at pantay-pantay dapat ang paghahatian ng mga resources ng Mindanao.

SEC. ANDANAR: Well, it is just but natural to say that, kasi ang ating Pangulo naman ay talagang… He’s a man of the law at talagang naging prosecutor iyan at ngayon grabe talagang… pagdating sa batas, mga legalities ng lahat ng pagpapatakbo ng gobyerno ay kumbaga siya talaga iyong epitome, na kailangang sundin iyong batas at kaya natural lang na sabihin ni Presidente iyan.

FLORES: Then, Secretary Andanar now that… nakita na ng mga kababayan natin ang mga Mindanaoans at ang mga kapatid nating Muslims, specifically mga miyembro ito, opisyal galing sa MNLF or MILF na kasapi dito sa Bangsamoro Transition Authority na pumunta pa sa

Malacañang at nanumpa. Sa palagay mo ito ang sinasabing good points/mark ng leadership ni Pangulong Duterte at matagal pa bago magtapos ang kaniyang termino ha?

SEC. ANDANAR: Alam mo Francis magandang na point out mo iyan kasi, tandaan mo ang mga ipinangako ni Presidente during the 2016 campaign ay iyong anti-drugs, successful na iyong anti-drugs: ang shabu nasa 600-800 per gram na from 2,000 per gram; ang criminality ay year on year, bumabagsak. Last year bumagsak ng 90 percent kung ikukumpara mo noong 2017 at iyon po ay from 500,000 plus to 400,000 plus na crime volume, ang ibinagsak; ‘pagdating po sa anti-corruption, plus 12 points po ang inasenso ng Pilipinas ayon sa Transparency International, the highest since 2013. And then number 4, itong peace and order, ay na-deliver

na po ni Presidente iyong Bangsamoro Organic Law na isa sa mga batas talaga na inaasahan natin na magpapatigil ng gulo sa Mindanao.

So dineliver na niya iyong apat so ano pa ba iyong hindi niya nade-deliver? In fact, pati iyong federalism draft constitution ay na-deliver na ni Presidente sa Kongreso. So nasa Kongreso na iyon kung ipapasa iyong federalism or hindi.

FLORES: Would you say, Secretary Andanar sa ating lingo, sa ating trabaho bilang journalist ano, nasa media, would you say dito kay Pangulong Duterte ay malapit ng… boundary siya sa mga deliverables as a President ng ating bansa?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko na-deliver na niya, sobra-sobra pa eh. Kasi—

FLORES: At sa tingin ko dahil sa pagkakabanggit mo ‘no ayaw ko namang magtunog sipsip dito but it seems eh parang ang lumalabas, mukhang aba, mukhang boundary na si Pangulong Duterte dito ah sa kaniyang… dapat mangyari sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Kahapon nga ay… 3 days ago nga ‘di na dineliver iyong expanded maternity leave tapos, dineliver din iyong SSS law na may sampung libong allowance iyong mawawalan ng trabaho sa loob ng dalawang buwan tapos diniliver din iyong Universal Health Care law na hundred percent na mga Pilipino ay makakatanggap na ng primary health care hanggang sa barangay. Dineliver na rin a few years back iyong State Universities and Colleges’ free tuition.

Napakadami na pong na-deliver ni Presidente, sobra-sobra na po. Kaya kung sinasabi mo na… Has he achieved his goal? Ay na-achieve niya na ho iyong mga pangako niya noong 2016.

Iyong pag-extend naman ng olive branch sa CPP-NPA-NDF, ilang beses namang ginawa ni Presidente iyon. Eh alam naman natin na grupo ni Joma Sison ang talagang hindi sumusunod sa mga usapan. So lahat po ay ginawa na po ni Presidente kaya nga it is the sheer political will of the President that made this happened.

FLORES: Well, gusto kong tapusin itong interview ko sa iyo sa pamamagitan ng mukhang… ikaw ay na… How would I consider this to say… Ikaw ay mukhang nabunutan ng tinik doon sa pinupukol sa inyo ng iba na mukhang ikaw ay nakitang nag-represent kay dating Special

Assistant to the President, Secretary Bong Go at pinuna ng iba na mukhang ikaw ay madadali doon sa electioneering. Pero sabi ng Pangulong Duterte, ikaw naman ay exempted – ano ang reaction mo dito, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Ako naman po, I work at the pleasure, at the behest of the President. Kung ano na lang ang inatas sa akin ng mahal na Pangulo ay sinusunod ko lamang. Hindi naman ako gagawa ng isang bagay na walang go signal ng ating Presidente. So para sa akin ay trabaho lang, trabaho lang po at of course ay nagpapasalamat kay Presidente Duterte na tayo po ay sinusuportahan hanggang sa mga oras na ito.

FLORES: Well, palagay ko lang, Secretary Andanar this will give a signal sa mga naunang sinabi niya na bawal makita o mag-endorso ang mga Cabinet officials like you sa mga… itong midterm elections na ito. Pero it seems sa iyo nagsisimula, mukhang ang sabi rin ng Comelec eh pupuwede namang makita ang mga public officials o mga Cabinet officials na katulad ninyo sa mga campaign sorties dito sa election campaign na ito.

SEC. ANDANAR: Well, mayroon naman talagang [unclear] at opinyon ang Department of Justice, mayroon din po ang Civil Service, Comelec na iyon nga nag-e-exempt nga doon sa mga members of the Cabinet pagdating sa ruling na hindi puwede. So ibig sabihin kapag ikaw ay member of the Cabinet puwede ho kayong mangampanya dahil you are a political appointee and an alter ego of the President. Siguro more than that ay mahalaga po iyong… si Presidente

mismo na puwede mong gawin ang mga bagay na ito na nabanggit ko na mag-represent sa [unclear] or sumali sa isang political rally.

FLORES: Well, Secretary Andanar, ikaw ay makikita na rin ano dahil ibig sabihin more of… iyong presence dito sa pagpu-push nitong mga ibang government programs ni Pangulong Duterte. Maraming salamat muli sa pagsagot ng aming tawag, Secretary.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, Francis at mabuhay po ang DZBB at lahat po ng tagapakinig ng RGMA po.

FLORES: Alright, thank you boss. Thank you!

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource