URI: Secretary, magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pareng Henry; at sa lahat po ng nakikinig sa atin sa DZRH. Unang-una sa lahat ako ay nagpapasalamat sa pagkakataong ito muli na makausap ko kayo at marinig po ng milyung-milyong mga taga-subaybay ng inyong programa sa buong Pilipinas at sa buong mundo; at congratulations nga pala sa bago mong time slot for Coffee Break.
URI: Opo, salamat po.
SEC. ANDANAR: At talagang ako ay honored to be your guest for your new time slot ngayong umagang ito.
URI: Yes, sir. Kayo ang unang-una naming tinawagan at gusto naming makakapehan ngayong umaga dahil meron daw kayo ring bagong Cabinet post, although medyo matagal na itong nai-announce yata sa pamamagitan ng tanggapan ni General Esperon ano ho. Pero ito, ito iyong inyong bagong assignment, Cabinet Officer for Regional Development and Security, Secretary?
SEC. ANDANAR: Opo, salamat po at iyong official launching ng CAPDEV, which is the Convergence Areas for Peace and Development, ay nangyari po nung Sabado. So ito po iyong kauna-unahang project po ng CORDS, iyong CAPDEV na namigay po tayo ng 50 bahay sa Barangay Iba, Cabanglasan, Bukidnon. Kasama ko po si Secretary Rolly Bautista ng DSWD at marami pang mga proyekto ng gobyerno; at the same time, during the [unclear] this afternoon, by the first meeting, a joint meeting between the RPOC or Regional Peace and Order Council at the Regional Development Council na presided by yours truly sa CORDS of Northern Mindanao.
URI: Ano po ang magiging primary function po nito, bilang bagong assignment po ninyo?
SEC. ANDANAR: The long and short of it, Henry, is I will make sure na lahat po ng mga proyekto ni Presidente sa Region 10, sa Northern Mindanao ay ma-implement ng husto. Number one, para maibsan po iyong kahirapan sa ating kanayunan.
Number two, para po mapanatili iyong kapayapaan sa pamamagitan po ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Number three, para po iyong mga projects po na infrastructure sa build, build ay talagang ma-implement at mabigyan ng trabaho iyong ating mga mahirap na kababayan doon po sa region; ako po ang magmomonitor at magre-report para kay Presidente.
URI: Sec, kasama ko na iyong aking ka-tandem, magiging regular tandem ko na ang tawag ko sa kanya Secretary ay si BB, siya po iyong aking beauty and brainy tandem.
HISTA: Wow, nakaka-pressure.
SEC. ANDANAR: Hello BB, good morning.
URI: Si Missy po ito. Si Missy Hista is from 101.1 Yes FM and now ka-tandem ko na siya dito and every morning. Missy, si Secretary Martin.
HISTA: Hello po, Secretary. Alam mo nakita ko na ito si Secretary dito, ang bango; ganun ba talaga kapag mestisuhin.
URI: Bagay kayo nito, pareho kayong matangkad.
HISTA: Mas bagay tayo.
SEC. ANDANAR: Congratulations ha.
HISTA: Thank you po.
URI: Matanong lang siguro natin si Secretary Martin, hindi naman nangangahulugan po ba, Secretary na itong bagong assignment po ninyo ay mawawala na kayo sa PCOO?
SEC. ANDANAR: Well, ngayon po tayo po ay concurrent na Secretary ng PCOO at CORDS din po Northern Mindanao. At kung anuman iyong magiging pasya ni Presidente kung saan tayo ilagay, susunod lang naman tayo, dahil we all serve at the pleasure of the President. At mamaya will be the first Cabinet meeting for the CORD here of the President. So malalaman namin kung ano ang mga directives—
URI: So, you will remain as PCOO Secretary at concurrent lang ang position na ito?
SEC. ANDANAR: Well, as of today, hindi natin alam eh kung—lahat kami sa Cabinet ay puwedeng ilipat kahit anong araw.
URI: But later on, mamaya meron kayong Cabinet meeting pa, Secretary ano ho?
SEC. ANDANAR: Opo, meron po kaming Cabinet meeting mamaya. Right now, nandito ako sa PICC ngayon para sa pre-SONA.
HISTA: Speaking of SONA, Secretary. Ano po ang magiging highlight ng ating darating na SONA?
SEC. ANDANAR: Ngayon kasi ang highlight ng pre-SONA ngayon is the economic cluster, which means, about business at infrastructure din, infrastructure cluster. Meron pong tatlong pre-SONA, isa po dito, isa po sa Cebu at isa po sa Davao. And next week will be Cebu and on the 17th we’ll be in Davao. And after that, meron po kaming pre-sONA na press conference na mangyayari sa Malacañang Press Briefing Room one week before the SONA.
Hindi ko pa masabi kung ano ang magiging laman ng SONA, but what I can say is that lahat po ng pag-uusapan sa pre-SONA are the topics na hindi po kayang maipagkasya sa isang oras na talumpati ng Presidente sa State of the Nation Address sa Kongreso.
URI: Merong mga greater accomplishment, I’m sure na ibibida rin ng SONA ng Pangulo.
SEC. ANDANAR: Opo. Well ngayon po marami pong accomplishment na ibibida ang ating economic and infrastructure clusters at sa SONA po mismo ni Presidente pinaghahandaan na po ito ng PMS at sila po ay nangangalap ng mga contributions po ng Gabinete at ito po ay isusulat sa speech sa SONA.
URI: And alam mo, BB Missy, itong SONA ay directed by… si Joyce Bernal na ho yata, tama po ba, Secretary, ang magdidirek ulit?
HISTA: Naku, baka dramatic ang mga panning nito, ‘di ba.
SEC. ANDANAR: Opo, si Director Joyce Bernal po. Opo, well kaabang-abang po. It’s her second State of the Nation Address, because prior to her, it was Brillante Mendoza.
URI: And ano po ba ito, if I may ask you and Missy, mayroong partikular na konsepto ba kayo or mayroon ba kayong partikular na anggulo na sinabi kay Bb. Joyce para ito ang mai-communicate sa mga tao?
SEC. ANDANAR: Well, mayroon namang mga standard shots na gagawin. Of course, mayroon ding mga creative shots na gagawin si Director Joyce Bernal. Just like the last time ay gumamit siya ng isang wide angle na camera na parang pelikula so napakagandang tingnan. So hindi natin alam kung ano iyong kaniyang sorpresa ngayong darating na SONA.
HISTA: Speaking of creative shots, ano po ba ang anggulo ng ating Presidente? Dapat ayan talaga ang malaman natin kung left or right angle. Kasi nga naman ‘di ba, kapag wrong angle, parang kahit gaano kaseryoso iyong sinasabi ng Pangulo parang nagugulo.
SEC. ANDANAR: Oo, bahala na si Director Joyce diyan. Ang pinaka-safe na angle ay iyong sa sentro ‘di ba, iyon ang pinaka-safe na anggulo.
The problem kasi with the entire location ay limited lang iyong shots mo eh. Hindi talaga puwedeng marami kasi, of course, mayroon ding security aspect na kailangan i-consider. At makikita mo napaka-high ceiling ng Kongreso so challenging din iyong paglagay ng mga camera sa taas.
But anyway, the RTVM has been doing this for the last ano, few decades. Actually, starting from Tita Cory all the way to today. So na-master na nila iyan—
URI: May rehearsal ba? May rehearsal uli na magaganap ang Pangulo?
SEC. ANDANAR: Last year we had a rehearsal with the President, and for the past—naka-ilang SONA na ba tayo? Sixteen, seventeen, eighteen – three SONAs, we’ve had rehearsals. So let’s see if we will also have this year.
URI: Oho. Knowing the President, Missy and Secretary, medyo hindi siya ano eh, ayaw niya nung masyadong pabida, ano ho.
HISTA: Magarbo.
URI: Oo. Hindi maiiwasan sigurong ibida ni Bb. Joyce Bernal iyong mga accomplishments, Secretary?
SEC. ANDANAR: We will prepare all of the necessary na backup slides para po ipalabas po natin sa ating himpilan, para ipalabas po natin sa RTVM. And then, of course, iyong iba namang mga network ay may sariling mga slides or backup videos o photos na puwede nilang ilabas. But we will make sure that kumpleto po tayo. Depending on the director kung ano po iyong kaniyang maisip na puwedeng ilagay.
URI: Nag-meeting na ba, Secretary? Nag-meeting na ba kayo nila Joyce Bernal at saka ni Presidente Duterte para mapag-usapan iyong konsepto ng SONA?
SEC. ANDANAR: Hindi pa ho, hindi pa ho kami nagmi-meeting. Ang Radio Television Malacañang at si Director Joyce pa lang ang nagmi-meeting. But we will have a meeting…
URI: Pero ito ay talagang ang Pangulo ang masusunod, basta kung ano ang gusto niyang sabihin at ipalabas?
SEC. ANDANAR: So far naman si Presidente ay nakasentro doon sa speech. Usually hindi naman siya nakikialam doon sa shots ng ating production. Usually doon siya sa laman ng speech. At it’s just between me, RTVM, Director Joyce and Presidential Management Staff ang nagdi-decide kung lalagyan ba natin ng mga litrato or video iyong speech.
URI: All right. Secretary, bago namin kayo pakawalan ni Missy, baka po mayroon kayong gustong sabihin doon sa mga area na hawak ninyo under CORDS, iyong may mga expectation po sa inyong pamumuno ngayon? Go ahead, please.
SEC. ANDANAR: Ang mensahe ko lamang po ay I’d like to congratulate the President for his third year, a full third year in office yesterday. And congratulate him for his first day on his fourth year today, July 1. At dapat malaman ng mga kababayan natin din ay iyong Duterte legacy. Napakadami na pong nagawa ang Presidente, Duterte legacy in his first three years. At sa susunod na tatlong taon, ang Duterte legacy would be poverty alleviation, infrastructure at pangatlo ay itong peace and order sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Itong ELCAC or Ending Local Communist Armed Conflict ay isa po sa mga cornerstones ng ating Presidente for the last three years, including poverty alleviation and Build, Build, Build.
URI: Sec, thank you so much for joining us.
SEC. ANDANAR: Mabuhay po at congratulations sa inyong bagong timeslot.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)