JULIUS: Sec. Andanar, good morning po
SEC. ANDANAR: Hello, good morning to you and good morning Zen
ZEN: Good morning
JULIUS: Sec. Andanar, natuloy po ba iyong pakikipagpulong ninyo kay Pangulong Duterte?
SEC. ANDANAR: Natuloy po. Ito po ay nangyari noong Biyernes at mga alas-siete ng gabi, tapos nagkaroon pa kami ng briefing sa speech. And then blocking din, it took about 2 hours, ni review ni Presidente iyong kanyang talumpati. From 28 pages, Julius and then naging 19 pages iyong talumpati. So, the President is trying to at least target between 45 minutes to less than an hour na the speech.
Ongoing naman iyong aming pag-edit ng speech as ordered by the President at tingnan natin kung mayroon pa siyang gustong idagdag o ibawas later on.
ZEN: Ang tanong po, ‘ano ba, susundin ba ng Pangulo ngayon ang kanyang script talaga?’
SEC. ANDANAR: Well, kung titingnan natin Zen, the blocking average is based on the last 3 SONA – ‘16, ‘17 and ‘18 – iyong 2018, last year ‘no, 98% sinunod ni Presidente, as in hindi siya masyadong nag ad lib, mga 2% lang iyong ad lib niya. Umabot lamang ng 48 minutes iyong speech, last year.
Ang tumagal lang naman dito Julius and Zen, ay iyong political skirmish diyan sa Kongreso, ‘di ba last year, kaya humaba. Pero noong 2017, nasa 2 hours iyong SONA, tapos noong 2016, nasa 2 hour and 30 minutes plus, so mahaba.
JULIUS: So, this time ang ini-expect ninyo, gaano kahaba iyong kanyang magiging speech, kung susundin ng Pangulo iyong kanang script?
SEC. ANDANAR: Between 45 minutes to 1 hour.
ZEN: Half of the longest SONA ng Presidente so far.
SEC. ANDANAR: Opo
JULIUS: Papaano ba ito, iyong speech ba nito, sino ang gumagawa nito at papaano inilalagay ni Pangulong Duterte iyong kanyang mga thoughts doon sa kanyag speech?
SEC. ANDANAR: Ang speech na ito ay collaboration ng Presidential Management Staff at PCOO at ang Office po ni Usec. Boy Quitain. Kasi ano ito eh, palitan ng mga ideas and then the President at the same time, pinapadala sa kanya, tapos ini-edit niya iyong speech. It’s basically a collaboration of everybody, pero mostly the President’s inputs.
ZEN: Sa experience ninyo, ilang beses tumagal, nirerepaso ng Pangulo iyong kanyang script?
SEC. ANDANAR: Based on the last 3 SONAs, an average of about 7 times, tapos—talagang hands-on si Presidente.
ZEN: Mabusisi.
SEC. ANDANAR: Mabusisi talaga, hands-on even doon sa nangyari noong Friday. Kasi iyong time na mayroong teleprompter tapos babasahin niya and then babasahin niya: ‘Pag sabi niya, hindi maganda ito, ito hindi kaya, imposible ito hindi kayang ma-achieve ito within three years.’
So, hindi lang doon sa wordings ng speech, pati mismo sa reality kung kaya ba na tapusin iyong isang proyekto. Sasabihin niya talaga: ‘ito burahin mo iyan.’ Kaya nga during peace times, dumaan na ang SONA, paborito ang PMA, ang OSAP at ang PCOO ng mga Cabinet Secretaries. Kasi ‘pag nasama ka sa speech, ‘di ba, isang karangalan iyan kasi parang, hindi lang parang kasi nagiging polisiya, kapag binanggit ka, kapag binanggit iyong project mo, importante ka dahil na sa SONA.
JULIUS: So mayroon ding lumalapit sa inyo para ipalagay iyong achievements nila, mayroong magre-request?
SEC. ANDANAR: Oo, actually lahat, lahat talaga – from the very beginning ibinibigay iyong kanilang accomplishments – but then again kaya nga nagkaroon kami, Julius, ng pre-SONA. Kasi hindi talaga lahat maisasama doon sa speech dahil andaming departamento, kaya nagkaroon ng tatlong pre-SONA – Luzon, Visayas, Mindanao – para na rin to give justice to the hard work of the other Cabinet Secretaries na hindi masasama doon sa State of the Nation Address mismo ni Presidente.
ZEN: So, how would you describe sir, iyong final version of the script? Of course, kapag SONA kasi, alam ng mga tao: ‘Naku, ayan na naman iyong mga ano, di ba, ililista iyong mga accomplishment, pangako? Pero how would you describe this final version?
SEC. ANDANAR: Nakatutok talaga si Presidente sa….
ZEN: Honest ba?
SEC. ANDANAR: Nakatutok talaga si Presidente sa naging accomplishments ng Build, Build, Build. Tapos nakatutok din siya sa gagawin for the next three years. Now, again iyong poverty alleviation; bringing poverty down from 21% to 14% at ia-angat iyong ating ekonomiya to upper middle class status by the end of the term; at Build, Build, Build; tapos iyong peace and order, nakatutok talaga diyan, dahil ito iyong Duterte Legacy for the next 3 years and beyond.
Sabi ko nga, setting the bar for public service para sa susunod na presidente. Iyon po iyong mahalaga sa speech na ito. Dahil alam naman natin, Julius at Zen, kapag 3 years na lang ang ibig sabihin niyan, actually 2 years na lang talaga, kasi iyong 3rd year ay nakatutok na lahat sa election sa 2022.
Kaya napakahalaga na between now and 2021 ay ma-implement iyong mga project sa Build, Buld, Build; mapirmahan iyon mga policies na kailangang pirmahan sa Senado, Kongreso at ng Presidente para sa 2021 and 2022 ay naka focus talaga lahat sa susunod na presidente.
JULIUS: Ano pa iyong mga pagbabago na inaasahan na makikita at maririnig mula sa Pangulo kumpara doon sa mga nakaraang speech niya sa SONA?
SEC. ANDANAR: Well, siguro Julius iyong technical, iba iyong plano ni Direk Joyce ngayon. Magkakaroon ng orchestra para tumugtog ng mga paboritong awitin ni Presidente. Tapos nandiyan iyong orchestra for the national anthem and then, mayroon ding LED na ikinabit ang Lower House, alam ko mayroon silang dalawa-tatlong LED na ikinabit diyan. Tapos mayroong mga shot din interests Joyce na gusto niyang ipakita sa publiko na hindi pa natin alam, kahit sa amin hindi pa niya sinasabi, and sa speech naman ay expected natin na iyong mga contentious na policies, issues ay mababanggit din sa SONA, katulad ng West Philippine Sea.
ZEN: You and I was about to ask nga iyan Secretary, kasi nakikita na natin iyong inihahandang protesta at mukhang sumesentro doon sa West Philippine Sea issue, that would be addressed sir?
SEC. ANDANAR: Oo. Let’s expect that to be addressed and then of course hindi ko na masasabi kung ano talaga iyong sasabihin ni Presidente. I can’t really pre-empt him and if he does say something outside of the script that will be his prerogatives. Pero sa atin naman sa media, Julius at Zen, mas maganda pag mayroong sabihin na off the script., para may additional story at ako nga, kahit na andiyan na ako sa gobyerno at nakikita ko na iyong speech ay nai-excite ako pag mayroong off-script.
JULIUS: Mababanggit din ba iyong tungkol sa issue ng United Nations, iyong protesta nitong… iyong paimbestigahan ng UN human rights council?
SEC. ANDANAR: Human Rights Commission. Hindi ako sigurado Julius kung babanggitin iyan. Hindi ko talaga, honestly, hindi ko sure kung babanggitin iyong sa United Nations. Pero you know, isa sa legislative agenda ni Presidente, ay iyong National Land Use Act. Alam mo ang laking problema niyan, Julius at Zen, kasi for how many administration ay parang ang hirap mag distribute ng lupa. Wala tayong national land use policy na kung ito ba ay sa negosyo, polisiya para sa paghahanda sa isang property pag nagkakaroon ng disaster, etc, so that is a very important policy. At iyan ay most likely ay babanggitin din.
JULIUS: Nabanggit din sa mga survey like itong Pulse Asia survey na ang gusto daw marinig ng mga Pilipino sa Pangulo ay iyong pagtaas sa suweldo ng mga manggagawa at pagpapababa ng mga presyo ng mga basic goods. May mga mababanggit ba ang Pangulo tungkol dito sa mga isyung ito?
SEC. ANDANAR: Well, abangan natin. Pero doon sa ikalawa, iyong pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin, alam naman natin na bumaba iyong inflation to 2.7% at inaasahan natin na ito ay bababa pa to 2.4% by the end of the year, pero pagdating doon suweldo ng ating mga kababayan, hindi ko masasabi. But then again, siguro lahat naman tayo Julius, gustong magpa increase ng suweldo.
JULIUS: Oo
SEC. ANDANAR: I think it’s already part of our day to day living. Ang gusto natin ay mas malaki iyong kita natin. Pero one thing is for sure, dahil doon sa TRAIN Package 1 ay lumaki iyong take home pay ng mga kababayan nating minimum wage earners o iyong sumusuweldo ng 20 thousand pababa, dahil doon sa wala na silang babayaran na income tax.
ZEN: So basically sir to be clear ‘no, iyong mga controversial issues, hindi na ninyo kailangang ilagay pa ‘no, doon sa speech, doon sa script ng Pangulo and it’s up to him, discretion na niya kung gusto niyang talakayin?
SEC. ANDANAR: Tama. Nasa kay Presidente na iyon kung…kasi alam mo siyempre pag nag submit ka, ang nagbibigay ay Presidential Management Staff, sila talaga iyong nagko-collect niyan Zen at Julius, alam ninyo naman iyan. They’ve been doing this for how many presidents already; at the end of the day, pag ang sinasabi mo byurokrasya, ay conservative talaga iyan, byurokrasya di ba, kung ano lang iyong talagang puwedeng i-report at kung ano iyong ginagawa ng byurokrasya, iyong Presidential Management Staff bureaucracy, lalayo talaga iyan sa pulitika.
Iyon naman talaga iyong practice niyan, tapos nasa Presidente na iyan, nasa OSAP na iyan sa Office of the President na iyan kung isasama iyong mga political issues in nature.
ZEN: How about Secretary, iyong uupo katabi ni Pangulo sa SONA itself, sigurado na ba iyon na si Congressman Allan Peter Cayetano, ang katabi niyang Speaker of the House?
SEC. ANDANAR: Well, parang nagkaintindihan na sila ni Congressman Pulong Duterte, na nabasa ko sa mga diyaryo ninyo. At noong Friday kasama ko rin si Congressman Allan Cayetano, nagkaroon kami ng meeting at very confident din naman si Congressman na siya iyong magiging Speaker. So, sa palagay ko si Congressman Cayetano at si Senator Sotto ang magiging katabi ni Presidente Duterte sa darating na Lunes.
ZEN: Baka kasi may mga last reminders si Pangulo na, ‘okay ayaw ko na ng drama ha, like last year.’
SEC. ANDANAR: Oo nga. Well, you know it will be exciting again for the media to cover these types of drama. Ito iyong tinitingnan natin, kasi di ba mayroong… iyong una mayroong hiwalay na breakfast di ba? Hiwalay iyong breakfast ng kampo ni Congressman Cayetano mayroon ding breakfast si Congressman Duterte. Pero noong huling update na nabasa ko ay a-attend si Congressman Cayetano sa breakfast din ni Congressman Pulong Duterte, so we will see. I’m sure there will be a little drama that we will not expect to happen – mayroon talaga iyan, imposibleng wala.
JULIUS: Oo kasi last year, di ba sa last SONA, nagkaroon ng delay sa kanyang speech dahil nga nag-aagawan pa sa posisyon diyan sa mace.
SEC. ANDANAR: Nawala iyong mace.
JULIUS: So this year, hindi naman natin inaasahan na magkakaroon ng ganoon?
SEC. ANDANAR: Alam mo, sana Julius wala, kasi it steals the thunder from the President at iyong SONA ay napakahalaga dahil state of the nation eh. Ito ay estado ng bansa natin at ito iyong panahon na nakakausap ng Presidente ang buong Pilipinas, bawat Pilipino at napapakinggan ng bawat Pilipino lalung-lalo ng masa kung anong plano talaga ng Presidente for the next three years, ‘saan ba tayo nito?’
Sa mga negosyante naman, ‘teka muna saan ba tayo mag i-invest, ano bang polisiya, ano bang priority ng gobyerno: i-improve ba iyong hospital, i-improve ba iyong maritime industry?’
At para naman sa mga magulang, eh siyempre kung papakinggan mo talaga iyong SONA ng husto at sinabi ng Pangulo na ‘i-improve natin iyong ating nursing homes, etc., so alam na ng magulang kung saan ba, anong kurso ipapaaral sa kanilang mga anak, ‘eh anak dito ka na lang dahil ang government policy pala na magpadala ng mga engineers doon sa Saudi etc. so this is really a very important day for every Filipino. Kaya mahirap na mawala sa Pangulo iyong focus tulad noong nangyari last year.
JULIUS: Kumusta naman ang Pangulo doon sa iyong pakikipag-usap sa kanya, okay naman siya; doesn’t he look parang pagod, kasi mayroong mga Cabinet secretaries daw na na nag-a-advice sa Pangulo na magpahinga muna?
SEC. ANDANAR: Oo nga. napaka hard working ni Presidente, kahit… Kung saan-saan siya pumupunta at hindi siya tumigil for the last three years. Noong Friday that was the last I saw him – okay ang Presidente, talagang he was in high spirits at nag-usap sila ni Direk Joyce and binibigyan siya ni Direk Joyce ng rundown kung ano iyong gagawin sa Monday. At pati iyong ano… ang galing nga kasi nakakatuwa iyong mga anecdote ng… pati iyong lighting ini-explain sa atin ni Direk Joyce. Sabi ni Presidente, ‘Ay ganoon ba, ganoon pala iyan?’ Kailangan daw iyong lighting ganyan, ganyan, alam mo ang direktor napaka detalyado iyan pati iyong sound, everything, pati iyong speech talagang iniisa-isa ni Direk Joyce, because honestly, all of us there, except for the Office of the Special Assistant to the President, si Usec. Quitain – that was our first time to really hear the entire speech, noong Friday – kaya pati si Direk Joyce, ‘ah puwede kayang ganito, puwede kayang ganyan?’ Sabi ko, sige kausapin mo lang iyong Office of the Special Assistant to the President.
ZEN: Wala bang special request si Pangulo or bilin na parang, ‘ito lang iyong ayaw ko ha’, anggulo ko ito ha’? Mga ganoon, wala bang ganoon?
SEC. ANDANAR: Wala naman. Ano kasi eh, siyempre si Presidente hindi naman kasi gumagamit ng teleprompter, di ba? At iyong huling gamit niya ng teleprompter na nakita ko ay noong SONA last year, so siyempre ako naman also a mediaman ay concerned ako na kailangan hindi lang kaliwa sa pati sa kanan tumitingin. So dini-discuss namin ni Direk Joyce iyon. Tapos maya-maya makikita mo na lang si Presidente, hindi pa namin sinasabi, ginagawa na niya – ang galing. Tapos tumitingin sa kaliwa, sa kanan, sa gitna. Sabi ko, talagang nababasa ni Presidente kung ano nasa isip ni Direk Joyce.
JULIUS: Uhum
SEC. ANDANAR: So iyon iyong mga nakakatuwa lang na nangyayari.
JULIUS: Mayroon iyang [unclear] Secretary di ba, si Direk Joyce na lalagyan niya ng mga.. parang ethnic background iyong likuran ng Pangulo, iyon ba ay—matutuloy ba iyon?
SEC. ANDANAR: Iyon ang hindi ko alam Julius, kasi Kongreso iyan eh. Sila talaga iyong magdedesisyon niyan kasi, ‘di ba traditionally, Philippine Flag lang iyong nasa likod di ba – malaking-malaking Philippine Flag.
JULIUS: Oo
SEC. ANDANAR: So, titingnan ko kung iyan ba ay pinayagan ng Mababang Kapulungan. Because at the end of the day, eh sila naman talaga ang magde-desisyon. Tulad ng pamimigay ng mga SONA invitations; marami ang humingi sa akin sabi ko hindi, sabi ko Lower House ito, event nila ito, sila iyong namimigay ng invitation pati Senado.
We’ll see kung ano man, kasi alam mo Julius, iyong orchestra lang malaking pagbabago iyon eh. Never nangyari sa history ng mga SONAs sa bansa natin na mayroon orchestra. At talaga namang nag volunteer kaagad ang, I think it’s Philharmonic Orchestra or Manila Philharmonic oo, nag volunteer agad sila, hindi sila magpapabayad.
JULIUS: Papaano iyong magiging program noon, papaano iyong magiging program ng orchestra, kailan ito papasok at gaano kahaba iyong kanilang performance?
SEC. ANDANAR: I think sa entrance, habang naglalakad si Presidente ng Batasan, kasi medyo matagal-tagal iyon eh. Dadaan siya, di ba, mahaba-haba iyong protocol na iyon, dadaan siya sa opisina ng Speaker, etc. and then perhaps, the last music/song would be the Philippine National Anthem na itutugtog nila. But let me find from Congress kung ilang kanta lang iyong kanilang pinayagan.
JULIUS: Iyon bang fashion show ng mga misis, misis ng mga congressman at ng mga congressman, iyan ba ay papayagan this year?
SEC. ANDANAR: Palagay ko Julius at Zen, although we are concerned about the display about ostentatious wealth, siyempre kailangan maging sensitive tayo di ba? Meaning, hindi naman iyong dagdag na iyong mga diamonds, di ba? Palagay ko Julius, we should encourage fashion show but Filipiniana. Kasi ako, personally, in my three years of experience in government at iyong makakasama ko sa mga biyahe ni Presidente, nakikita ko, ang bansang Thailand, Indonesia, Malaysia, Cambodia – hindi lang doon sa official function suot nila iyong kanilang national dress, pati iyong day to day official business. So, it really goes to show how proud they are of their local fabric, local dressmaking, iyong kanilang national costume.
Tayo, sa bansa natin, hindi ganoon eh, hindi natin nakikita na, di ba pumunta ka ng Makati o Ortigas, hindi naman nagfi-Filipiniana ang mga office workers or iyong mga boss, etc. Hindi ba pumunta ka ng Indonesia Julius, di ba naka-Batik, hindi ba naka-Batik talaga. Pati babae, hindi lang iyong…mayroon talaga silang costume. Eh tayong mga lalaki naka-Barong normal lang iyon.
So, natutuwa nga ako sa project ni or doon sa itinayong negosyo ni Marga Nograles, nagtayo siya, di ba? Kaya sabi ko, ngayong SONA, I think it’s important for us to showcase our Filipiniana para makita ng buong mundo kung gaano kaganda iyong mga damit natin at saka di ba iyong mga fashion designers, it’s really time for them to shine also na… magagaling tayo, pagdating sa arts, magagaling tayo.
ZEN: Specially, since government officials tayo di ba, iyong a-attend?
SEC. ANDANAR: Oo. Tama and really to be able promote this types of outfit not only para sa mga government officials, para rin sa pribadong sektor – iyon lang naman iyong para sa akin, it’s just my personal opinion, pero huwag naman siguro…iyong iba may mga diamante di ba?
ZEN: Masyadong mahal!
JULIUS: Iyong [unclear] iyong mga accessories.
SEC. ANDANAR: Oo
ZEN: Tanong ko lang Secretary, bago tayo maghiwalay ng landas, iyong mga attendees dito sa SONA, hindi naman nagbago ba, iyong mga nagsabi na pupunta? I’m just asking kasi siyempre kasi halimbawa si Vice President Leni Robredo, invited pa rin ba despite na… of course iyong mga issues recently regarding the cases that was filed against their group?
SEC. ANDANAR: Of course, invited naman. The State of the Nation Address is not just for the administration pati sa opposition; it’s for every Filipino, even all living presidents are invited. Ang alam ko lang, hindi a-attend si President PNoy…
ZEN: Pero pinapadalhan pa rin ng invitation?
SEC. ANDANAR: Oo naman. Pati si Vice President, lahat naman invited dito. dapat, the only political situation here should be just be during the voting of the Speaker and the Senate President which happens during the day. Pero apart from that, it should really be a State of the Nation Address for everybody – kahit anong political color ay dapat kasama.
JULIUS: Okay, thank you so much Secretary Andanar and good luck po tomorrow
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa panahon na ibinigay ninyo sa akin Julius at Zen, at mabuhay po ang DZMM at magandang umaga po sa inyong lahat.
JULIUS: Thank you so much Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)