SEVERINO: Magandang umaga sa inyo, Secretary Andanar.
SEC. MARTIN: Magandang umaga Howie, at magandang umaga, Kara at sa lahat po na nanunood ng inyong newscast dito po sa GMA.
SEVERINO: Okay, Mr. Secretary, bakit gagawing sobrang maiksi itong susunod niyang—
DAVID: Less than 35 minutes.
SEVERINO: Oo, 35 minutes lang daw, kaysa iyong mga nakaraang SONA, mahigit isang oras.
SEC. MARTIN: Ang Pangulo mismo ang nagsabi sa amin during the last Cabinet meeting na 30 to 35 minutes ang kaniyang talumpati, ito ay base sa kaniyang speed ng pagbasa ng speech. Alam po naman natin na during the past State of the Nation Addresses ay mayroon pong mga sinasabi ang ating Mahal na Pangulo na labas po doon sa speech. So it remains to be seen sa 23rd of July kung itong 35 minutes ay masusunod o hindi.
DAVID: So hindi pa po sigurado kung talagang babasahin niya word for word iyong speech kasi puwede rin siyang mag-adlib katulad ng mga ginawa niya sa nakaraang dalawang SONA niya?
SEC. MARTIN: Opo, iyon po ay prerogative ng ating Pangulo na mag-adlib. Pero ang klaro po sa sinabi niya sa amin sa Gabinete na maaaring hindi siya sumobra sa 35 minutes, at ito rin po ang sinabi ni Secretary Harry Roque sa mga panayam sa kaniya.
SEVERINO: Okay, itong pag-a-adlib niya ano, lalo na dito sa mga importanteng speech, mayroon ba siyang sinusunod na talking points o talagang minsan parang out of the blue niya nasasabi? Pati kayo nasusorpresa doon sa mga iba niyang sinasabi na adlib.
SEC. MARTIN: Actually Howie, nasanay na rin tayo. Siguro noong mga unang linggo ng presidency ni Pangulong Duterte, siyempre naninibago pa tayo. Pero ngayon po, sanay na po tayo na nagbi-veer away po ang ating Pangulo doon po sa prepared speech niya. Siguro naman pati ang taumbayan ay sanay na rin. Sapagkat ang punto po ni Presidente dito ay iyong kaniyang sinasabi ay talagang mas mararamdaman ng taumbayan kapag ito ay adlib o mula sa kaniyang puso mismo. So abangan natin ngayong darating na SONA.
Pero what is good about this State of the Nation Address, Howie at Kara, is that for the last three weeks ay mayroon pong pre-SONA forum na ginagawa po ang Office of the Cabinet Secretary at ang PCOO, at ito nga ay iyong Tatak ng Pagbabago, Tatak ng Pag-unlad, Tatak ng Malasakit at iyong kahapon po, iyong Tatak ng Katatagan – ito po iyong last of the three forums na ginawa po natin dito sa PICC. Kasi hindi po talaga kasya doon sa talumpati ng ating Pangulo kung babasahin niya lahat ang accomplishments ng administrasyon for the last year.
DAVID: Okay, nasabi rin ng Pangulo na iyon nga po iyong mga achievements and accomplishments ng gobyerno ay ipapaubaya na niya dito sa mga pre-SONA na mga conference na ito. So ano iyong magiging paksa ng Pangulo kapag siya ay nagtalumpati sa SONA?
SEC. MARTIN: Well, I am guessing that kasama po dito kung ano ang magiging plano po ng ating administrasyon sa susunod na taon at iyong iba pang mga gustong mangyari ng ating Mahal na Pangulo. Siguro ay isasama niya rin iyong kaniyang staple na war against illegal drugs, war against criminality pati po iyong war against poverty, pati iyong peace talks po.
But then again, iyan po ay depende sa ating Pangulo, kumbaga, adlib man siya o hindi. Kung ano po ang buod ng kaniyang talumpati ay hindi ko po masasabi sa inyo ngayon sapagkat mahirap po naman na ma-preempt po ang ating Pangulo. And of course, it is the job of Secretary Harry Roque to say that.
SEVERINO: Layong mapirmahan na raw ng Pangulo ang Bangsamoro Basic Law sa araw ng SONA. Sigurado na ba ito?
SEC. MARTIN: Well, ang masasabi ko lang po sa inyo ay ito po ang naging laman na pinag-usapan po during the national security meeting, at nandoon po si Senate President Sotto at nandoon po si Speaker Alvarez. At naging very optimistic po ang Senate President na maaari po itong mapirmahan.
SEVERINO: Ano naman ang masasabi ninyo sa pagkuha sa direktor na si Joyce Bernal para sa SONA?
SEC. MARTIN: Sa palagay ko naman ay—iba kasi iyong atake ni Director Joyce Bernal; kami po ay nag-meeting kahapon. Alam mo, ilang araw na po si Direk Joyce na abalang-abala. Talagang hands on po talaga Director Joyce dito po sa production, sa technical production po ng State of the Nation Address. At mayroon po siyang mga dadalhin na equipment sa labas sapagkat gusto niya po ay film iyong dating po ng State of the Nation Address. At mayroon siyang mga gustong ipalabas na mga shots na hindi natin napanood noong nakaraang State of the Nation Address.
Iba po ang style ni Director Brillante Mendoza; iba rin po iyong style ni Director Joyce. And sabi nga, may mga nagtanong kung mayroon daw kontrata or talent fee – ang mayroon po ay blood compact, blood contract – libre po ito; wala po tayong babayaran, pro bono si Director Joyce.
SEVERINO: Okay, sabi ninyo gustong gawing parang mukhang film ni Joyce Bernal, pero movie director din si Brillante Mendoza. So ano iyong naging assessment ninyo naman doon sa ginawa ni Director Brillante Mendoza sa mga nakaraang SONA?
SEC. MARTIN: Very superb po ang naging pagdirek ni Direk Brillante. As a matter of fact, napakadaming shots po noong nakaraang dalawang SONA na medyo kriniticize (criticized) po ng ating mga manonood. And hindsight, talagang masasabi po natin na iyong mga close-up shots, iyong mga shooting up na shots ni Direk Brillante ay magagamit po ito in the future, lalung-lalo na kapag nag-produce po tayo ng documentary ni Presidente Duterte. So these shots, at least, are available for us sa mga darating na panahon. And I’m sure—actually, nabanggit din sa akin Direk Joyce na mayroon din siyang mga shots na kakaiba rin. And these shots will also be good and it will be used in the future.
DAVID: All right, Secretary, isa pa sa mga maiinit na usapin ngayon ay iyong isyu ng federalism na I suppose ay palaging ding binabanggit ng Pangulo sa kaniyang mga speeches at pati doon sa kaniyang nakaraang State of the Nation Address. Mainit na usapin ngayon itong planong people’s initiative sa Kamara para ipagpaliban daw iyong eleksiyon sa susunod na taon dahil gusto raw nila na mapagtuunan ng pansin itong federalism, itong shift to federalism. At lumulutang nga po itong mungkahi na bumuo raw o mag-convene daw ng isang constituent assembly ang Kongreso para sa muling pagbubukas ng sesyon sa Lunes. Ano po ang stand dito ng Malacañang?
SEC. MARTIN: Maraming salamat sa tanong na iyan, Kara, at napakaganda niyan dahil noong last Cabinet meeting, doon po ay prinisinta kay Pangulong Duterte at sa amin po. Binigyan po kami ng kopya nitong draft federal constitution. Ibig sabihin po nito ay tapos na po ang trabaho ng Ehekutibo na gumawa po ng draft nitong constitution, at ito naman ay ipinasa na po sa Lower House at sa Upper House, at sila po iyong magbabalangkas – bahagi po iyan ng demokrasya, bahagi po iyan as a co-equal branch of government. Actually, the ball is already in the court of the Lower House and the Senate.
So we just wish that … and urge both Houses na magkasundo rin sila. I’m sure the Senate, they have their own version; the Lower House, they have their own version. At kung anuman ang kanilang conflict, I am pretty certain that they will resolve that conflict. Itong federalism naman ay para sa kapakanan ng buong bayan.
DAVID: Yeah, pero ito pong scenario ng no election in 2019, ano po ang stand ng Malacañang dito? Are you in favor of this?
SEC. MARTIN: Well, personally, Kara, nasa Konstitusyon natin iyan na mayroong eleksiyon. At marami po sa ating mga kababayan ang nakaabang din diyan sa eleksiyon na iyan – iyong mga pulitiko, iyong mga gusto pong makaupo sa puwesto, so inaabangan po ng lahat iyan. So by what is written in the Constitution, talagang dapat po talaga ay magkaroon ng halalan.
DAVID: Ito po ba ay napag-uusapan na sa Cabinet meeting, this prospect of no election scenario?
SEC. MARTIN: Hindi po napag-usapan iyan during the last Cabinet meeting. Napakadami pong mga issues pa na pinag-usapan. As a matter of fact, iyong draft constitution, after binigay po sa amin ay hindi po na-discuss iyan extensively dahil mayroon pa pong ibang mga topics na pinag-usapan po namin. At of course, iyong mahalaga po na napag-usapan po during the national security meeting ay iyong Bangsamoro Basic Law.
SEVERINO: Okay, Mr. Secretary, samantalahin na rin po namin ang pagkakataong ito. Kaugnay naman po ng 60 million peso deal para sa ad placement ng Department of Tourism sa PTV 4 na isa sa mga hinahawakan ninyong ahensiya. Isa raw kayo sa mga paiimbestigahan kaugnay nito, ano po ang reaksiyon ninyo rito? At ano ba ang naging papel ninyo sa naturang deal?
SEC. MARTIN: Ito pong ad placement na ito ay mayroon na pong notice of disallowance na binigay ang Commission on Audit sa Department of Tourism. So now, it is up to the Department of Tourism to resolve the issue, at iyong PTV po naman ay nakapag-submit na ng mga requirements ng COA. At iyan po naman ay normal na proseso na kapag mayroong AOM or observation memo na ibinigay po ang COA, dapat po ay kailangan i-satisfy iyong requirement; at iyon po naman, red flag iyan eh.
And then, it’s up to COA to investigate and to come up with their decision kung ano po iyong gagawin. But for now, wala pa hong bumababa na desisyon ang COA sa PTV. Pero mayroon na po silang ibinigay na desisyon doon po naman sa Department of Tourism.
Ngayon po, pagdating po doon sa kontrata between the Department of Tourism at PTV, ang mayroon po niyan … ang nakapirma po diyan ay iyong General Manager ng PTV at iyong DOT. Kami po sa PCOO, we are overseer of the agencies under us. Pero PTV being a government-owned and controlled corporation, mayroon pong sariling personality at identity.
DAVID: Maraming salamat po sa inyo, PCOO Secretary Martin Andanar.
SEC. MARTIN: Maraming salamat po. Mabuhay po kayong dalawa.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)