Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Maeanne Los Baños and Atty. Bruce Rivera (DWFM – Boljak)


Event Media Interview

ATTY. RIVERA: Sec., unang tanong: May grammar check ba iyong mga computer sa PCOO? Kasi—

LOS BAÑOS: Hindi man lang ba nagre-red?

ATTY. RIVERA: Oo, wala bang pula-pula nung sinulat nila. Kasi ang alam ko … ang balita pa ay nakalusot daw sa’yo. Kaya ang tanong—

SEC. ANDANAR: Naloko na.

LOS BAÑOS: Naloko na. Lodi, anong nangyari?

ATTY. RIVERA: Sino, sino ang may sala? At ano ang gagawin nating pagpapako ngayong Mahal na Araw?

LOS BAÑOS: Ang sama ng English ha, Secretary Martin, ang sama.

SEC. ANDANAR: Hay naku, mas masama pa sa masama. Alam mo—

LOS BAÑOS: Sige, maglabas ka na ng sama ng loob.

SEC. ANDANAR: Hindi masama, masama but masamang-masama, talagang walang kawala. Ito kasing gumagawa ng ID, itong sa International Press Center, sila iyong gumagawa ng ID ng MPC at iba pang mga miyembro ng media na wala sa MPC tulad ng mga Foreign Correspondents, tulad ng mga miyembro ng National Press Club, etc.  So ang nangyari dito ay ipinakita sa akin ng aking staff, sabi niya, “Secretary, Boss, kailangan po nating palitan ang logo… ito talaga ang logo. Pinapipili ka, ano ba dapat gawin sa logo dito?” Nag-comment ako, “Ito, ito. Okay na iyan.” Pero hindi niya pinakita back—iyong nasa likod, iyong back flip nung ano… nung ID. So mali na iyon.

Pangalawa, pagdating doon sa IPC, ginawa nila iyong ID, inimprenta agad. Usually, kung anuman iyong mga mensahe… kung ano man iyong mga requests na mayroon akong e-signature binabalik talaga sa akin for final approval.

LOS BAÑOS: Hindi na bumalik?

SEC. ANDANAR: Hindi na bumalik, inimprentra na agad, tapos wala pang paalam na gagamitin pala iyong e-signature ko. Kasi iyong ID lang kasi walang e-signature eh.

LOS BAÑOS: Naku, ginamit iyong signature ninyo.

SEC. ANDANAR: Ginamit iyong e-signature ko. Pang-apat, nag-update na ako ng e-signature ko for this year dahil iyong e-signature ko last year kulang ng isang letra.

ATTY. RIVERA: So old signature pa iyong ginamit?

SEC. ANDANAR: Mali, kaya nga medyo—hindi lang medyo, pero nakakadismaya talaga dahil, number one, iyong mga kasamahan natin sa IPC, alam ko naman iyong ating head doon ay panahon pa ni Makoy nandoon na. So paulit-ulit itong trabaho na ito, paulit-ulit na ito, pabalik-balik na itong trabaho na ito.

ATTY. RIVERA: Sir, question: Sir, nag-imprenta na ng ID, so ilan ang IDs na naimprenta?

SEC. ANDANAR: Lahat ng MPC ay nabigyan ng ID. So what I did was, that same day pina-recall ko lahat ng ID tapos pinaulit ko lahat, iyong nasa likod, hindi lang maraming grammatical error. All caps pa iyong nakasulat, diyos ko po sabi ko, ano ba naman itong buhay na ito. So—

LOS BAÑOS: Sec., may tanong ako, dalawa lang. Una, bago po makarating sa inyo, sir, kasi ang taas na ng posisyon ninyo eh, dapat bago makarating sa inyo ‘di ba dapat may proofreader po?

SEC. ANDANAR: Dapat lang talaga iyon. Kasama sa standard operating yun—

LOS BAÑOS: Nag-i-exist ba iyon, sir? May ganoon ba o hindi rin niya na-proofread?

SEC. ANDANAR: Mayroon pong proofreader. Mayroong—

ATTY. RIVERA: Baka bulag ang proofreader.

SEC. ANDANAR: Kasi ganito iyan, parang imposible talaga sa akin—para sa akin ha, nandito sa Cabinet level, dapat hindi na nakakarating sa akin iyon, in the first place kasi mayroong head ang IPC, mayroon ding …ang IPC is under the News and Information Bureau na mayroon ding head ang News and Information Bureau.

ATTY. RIVERA: Iyon nga, sir. Parang … ito lang iyan ha, ang daming mata na dapat tumingin niyan bago dumating sa’yo. Kasi ako, ako kung nasa posisyon ho ako, talagang magbi-beast mode ako kasi ang dami ninyong … ano kayo, puro sila lahat tanga na before dumating sa’yo ay iyon na iyon. Kasi dapat may nag-filter na diyan kasi those things, those are things that you should not be, like, worried about. Kasi sa laki ng trabaho mo, eh di dapat sila iyon ang trabaho nila na to make sure that you do your job well. How can you do your job well as a PCOO Secretary, kung iyong mga bagay na as little as grammar or as little these things ay kailangan mo pang pag-isipan at kailangan mo pang pagtuunan ng pansin.

SEC. ANDANAR: Mayroon talagang glitch of protocol na nangyari, hindi lang sa area ko pati doon sa—basta mayroon akong … nagpadala ako ng show cause, Atty. Bruce.

LOS BAÑOS: May isa pa akong tanong, Sec. Martin, isa pa. Kung hindi man umobra or lumusot siya sa proofreader, Sec., di ba ano iyon, template lang naman iyong nasa likod ng ID? Pare-pareho lang iyong nakalagay doon ‘di ba, “The bearer of this ID achuchuchu cannot transfer if lost. Please return to …”

ATTY. RIVERA: Puwede ngang, “This ID is non-transferable,” period. Kasi sa liit ng space, the more you talk, the bigger iyong … mas malaki iyong gastos ng pagpi-print.

LOS BAÑOS: Correct. Template lang iyon, bakit kasi binago pa, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR: Exactly. Bakit pa binago—

LOS BAÑOS: Nagbida-bida.

SEC. ANDANAR: Nagbida-bida, tapos iyon pala …

ATTY. RIVERA: Iyon pala sablay ang English.

SEC. ANDANAR: Kaya nga after itong show cause na ito… ay naku, alam mo due process tayong lahat.

ATTY. RIVERA: Oo, pero alam mo naman, Secretary, tanga is forever ‘di ba. So walang gamot diyan. Mag-isip-isip na sila.

SEC. ANDANAR: Dahil sabi ko sa kanila di… Sabi ko, alam mo ba na iyong ginawa ninyong kalokohan na iyan, sabi ko, it caused a national controversy—

ATTY. RIVERA: And humiliation on the PCOO kasi—

SEC. ANDANAR: On my part—

ATTY. RIVERA: Oo, on your part.

SEC. ANDANAR: Sabi ko, kami dito trabaho kami nang trabaho, nagdidildil kami ng asin, ikot nang ikot sa buong Pilipinas para labanan itong mga fake news, lahat, kung ano na lang. Tapos ito, akala ko isang maliit lang na bagay naprenda na… naka imprenta iyan sa internet—

LOS BAÑOS: At saka, sir, parang feeling ko, sanay ka na na dumipensa sa mga tao mo. I mean, gets mo naman who I’m talking about na iyong kotrobersyal na tao po. Pero pati ba naman ID, talagang ‘di ba. Ako, who would have always known si Secretary Martin na cool lang iyan. But I can only imagine, ito talagang nagalit ka.

SEC. ANDANAR: Siyempre na… I’m really, you know, bothered kasi dahil alam ko na… of course, mahirap talagang gamutin ang …sabi ni Bruce, iyong sabi ni Bruce. Pero at the same time, wala, you’ll get frustrated but you have to act on it kaya may show cause order tayo.

LOS BAÑOS: Pero totoo bang pinagre-resign ninyo, sir? Pinagre-resign ninyo iyong nagsulat?

ATTY. RIVERA: Dapat lang, dapat lang.

LOS BAÑOS: May ganoong ba, sir?

SEC. ANDANAR: Antayin ko na lang iyong show cause order kasi baka sabihin nila hindi ako patas.

LOS BAÑOS: Kasi may kumalat na parang may red ink, nakalagay na “Please, tender your resignation.” So hindi pala totoo iyon, fake news iyon? Humihingi ka muna ng show cause?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. May show cause, oo. Sa lahat ng bagay … siyempre may iba diyan ay …siya ay protektado ng Civil Service Code, so hindi naman puwedeng tough ano—

ATTY. RIVERA: At saka, sir, PCOO sila dapat ang—nandoon na nga iyong title eh, “Communication”. So iyong dapat… dapat ano iyon eh, that is the rudimentary quality to be part of that department na you have communication skills.

SEC. ANDANAR: Basic, basic.

ATTY. RIVERA: Iyong basic grammar ‘di ba. Iyong parang iyong mga bagay na iyon ay non-negotiable iyon sa mga posisyon nila.

SEC. ANDANAR: Of course.

ATTY. RIVERA: So kung hindi nila kayang gampanan iyon, eh di magdildil sila ng aspalto sa daan kasi hindi sila makakabulahaw ng ganoon.

SEC. ANDANAR: Oo. Basta iyong nasa show cause order natin, Atty. Bruce, ay kailangang patunayan na hindi sila kasuhan ng administrative case. Iyon lang naman eh—

ATTY. RIVERA: At saka, sir, i-trace mo kung saan—bakit dumiretso sa’yo. Kasi hindi naman puwedeng ano—kasi ikaw, of course, I do understand you,  sa daming trabaho mo, iyong mga bagay na iyon ay in-assume mo na tsinek na nila so pinipirmahan. Pupuwede naman, diretso na—

LOS BAÑOS:  At saka we’re talking to you, Secretary Martin—sandali ha, liwanagin lang natin, dahil pirma ninyo po ang nandoon.

SEC. ANDANAR: Exactly. At saka alam mo, talagang mayroon kaming sistema sa opisina, sa opisina ko lang mismo na mayroon kaming … apart sa executive assistant, hindi ko pipirmahan iyong isang bagay na hindi na-check ng chief of staff. So sa pagkakataong ito, kulang na nga iyong dokumetong pinakita sa akin, nalinlang na ako kung ano dapat i-approve ko tapos wala pa doon iyong pirma ng chief of staff.

LOS BAÑOS: Kumbaga sa industriya natin sa media, Sec. Martin, parang script na hindi dumaan sa mga dapat dumaan, pina-voice diretso sa’yo, tapos pangalan mo iyong nandoon.

SEC. ANDANAR: Oo, mayroon talagang mga critical points sa workflow na hindi dinaan doon because otherwise, kung sinundan iyong workflow nang husto ay hindi talaga mangyayari kasi lahat ng dokumento ay sinusuri ng husto eh.

LOS BAÑOS: But you don’t think sinadya ito? Ito ay talagang … ano ito, negligence lang?

ATTY. RIVERA: Hindi ba ito sabotage, sir? Kasi siyempre ang tsismis diyan ay talagang ano daw, may mga bagay—sa sarili mo raw na departamento ay may mga tao din talaga na mga maverick or mga pasaway, iyon ang mga balita. At alam mo naman ako, tsismosa ako.

SEC. ANDANAR: Ay marami. Naku, Bruce, napakadami, napakadaming actor sa mundong ito.

ATTY. RIVERA: Oo, ang daming pang-Famas diyan.

LOS BAÑOS: Ah talaga. So may ganoon bang anggulo, Sec., na baka sinabotahe?

ATTY. RIVERA: Malamang.

SEC. ANDANAR: Well, hindi naman sa aking anggulo. Actually, nanggaling kay Bruce, galing kina Mike Enriquez, lahat nung mga anchor… nababasa ko lang sa transcript.  Sa akin lang—

LOS BAÑOS: Sana naman hindi.

SEC. ANDANAR: Sana hindi. Pero of course kailangan nating—

ATTY. RIVERA:  Mainam na dapat heads must roll because, you know, this is – ako, for me, personally, this is unacceptable. Kasi una, hindi lang pangalan ni Sec. Martin iyon na-ano eh, pangalan ni President Duterte nadadamay dito. Because remember, lahat ng mali kahit sa kinababaang tao, it will always reflect on the President. So siguro, if they really love the President, or they really their jobs, they shouldn’t be doing these things. Na iyong mga bagay na ano, pinalalagpas na ganoon.

SEC. ANDANAR: Exactly.

LOS BAÑOS: We hope, sir, na hindi ninyo nga talaga palalagpasin ito dahil medyo malaking boo-boo ito.

SEC. ANDANAR: Hindi. Talagang we gave them 72 hours, they have the right to appeal to… Basta darating din tayo doon sa dulo.

LOS BAÑOS: One last, sir, bago kami mag-break: Kailan matatapos iyong 72 hours?

SEC. ANDANAR: Holy Week kasi, nag-start ito noong Friday. So dapat – Friday, Saturday –Tuesday, kaso iyong iba nagbakasyon na. We would be there, pero I’m expecting one answer today, or about two answers today.

ATTY. RIVERA: Sir, ilang tao ba iyan?

SEC. ANDANAR: Tatlo.

LOS BAÑOS: Balitaan ninyo kami ha, sir, kung ano ang laman.

ATTY. RIVERA: Last question pa: Anong level? Asec? Usec?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi, wala ho. Nasa mga Director level.

LOS BAÑOS: Director level. Okay, salamat, Sec. Martin. Mapayapang Holy Week po sa inyo. Saan ka magho-Holy Week? Uwi ka ba ng Siargao?

SEC. ANDANAR: Hindi, basta kasama ang pamilya. Of course, kasama mga anak ko. Ano lang, ma-iisip-isip lang kung ano ang dapat gawin.

LOS BAÑOS: Sec. Martin Andanar, maraming salamat.

ATTY. RIVERA: Thank you, Sec.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Maeanne at Atty. Bruce. Salamat. Mabuhay kayo. Thank you.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource