Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Mike Abe (DZAR – Usaping Bayan)


Event Radio Interview

ABE:  Secretary, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:  Hello… [overlapping voices] sa nanonood po ng Sonshine TV.

ABE:  Okay. Thank you Secretary, kahit alam kong busy ka ano. Kung mayroon ka nang idea, ano ang mechanics nitong bagong program na ilulunsad ninyo sa PTV 4? Iyong Otso Otso Citizen Complaint Hotline na kung tawagin – papaano ba ito, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Well, alam mo itong 8888 Digong, 8888 Hotline, ‘yan po ‘yung title niyan—

ABE:  Office of the President, oo.

SEC. ANDANAR:  Yes. Ito po ay isang programa ng Hotline 8888, so kung tatawag ka ng 8888 at mayroong mga sumbong…

ABE:  May sasagot, okay.

SEC. ANDANAR:  Oo, mayroon diyan sasagot, magsusumbong… Tapos mayroong nga sasagot, tapos kung mayroong mga reklamo tungkol sa gobyerno: proseso, korapsyon… lahat na – ‘yung mga taga-8888 po iyong sumasagot diyan at nagpo-forward sa Office of the President.

Now ito pong Digong Hotline 8888, ito po ‘yung re-launching ng programa sa TV. Dito po ay ipapakita sa mga kababayan natin kung ano po ‘yung ginagawa ng 8888 at ng pamahalaang Duterte para po masawata ang korapsyon, para po masolusyunan ang mga inefficiencies ng ating gobyerno.

Tapos ang magiging host po dito ay si Secretary Sal Panelo pa rin, ang Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson; kasama dito si Assistant Secretary Kris Roman ng Presidential Legal Counsel at si Trixie Jaafar ng PTV News. This will be launched on July 11, 2019…

ABE:  Tamang-tama ano ho, bago mag-SONA. So mangyayari dito Secretary, tatanggap sila ng complaint pagkatapos kanila ding sasagutin ito, kung anong development noong reklamo o kung saan makakarating iyong aksiyon doon sa reklamo, ganoon?

SEC. ANDANAR:  Tama po. Tayo magko-complaint sa 8888 tapos ito po ay gagawing programa sa TV. Ngayon alam mo naman Mike, na napakadaming reklamo…

ABE:  Yes… Sabi nga noong Anti-Graft Commission, madami; sabi nina Jimenez, si Belgica at saka ni Commissioner Luna, talagang marami ring nakakarating sa kanila.

SEC. ANDANAR:  Correct. So ito ngayon ay sasalain of course iyong mga cases na ipapalabas sa TV dahil hindi naman puwedeng lahat ay ipapalabas mo. So depende sa kaso, halimbawa iyong kaso korapsyon, isang topic ‘yan. Iyong kaso iyong mabagal na pagproseso ng papeles—

ABE:  Naku, madami doon [laughs]… marami roon kahit sa local.

SEC. ANDANAR:  Oo. Siyempre pipiliin mo lang ‘di ba? Tapos iyong mga solusyon din na mga ginawa ng—

ABE:  Iyon ang maganda, iyong solusyon; ang importante iyong solusyon ay mai-broadcast iyong solusyon.

SEC. ANDANAR:  Opo. At alam mo very timely ito, kasi ito nga—iyong Digong Hotline 8888, ito po ‘yung re-launch ng programang 8888; at timing sinasabi ko, dahil ngayon po ay nasa ikalawang bahagi na tayo ng termino ni Presidente Duterte.

ABE:  Correct. Yes, at saka mayroong papalapit na SONA so kailangan talaga mayroong updated din na report tungkol sa kampanyang ito. At maganda itong—timing itong program before iyong SONA, hindi ba?

SEC. ANDANAR:  Opo. Marapat lamang na magkaroon ng isang legal act na programa. At nabanggit mo na rin iyong SONA—

ABE:  Oo nga eh. Kumusta iyong paghahanda ninyo, kasi kayo ‘yan; lalo na sa’yo dahil under mo iyong Communications. Papaano iyong—sana iyong katulad dati, iyong smooth, maayos na—walang sablay. Wala namang nangyaring ganoon sa ating SONA hindi ba?

SEC. ANDANAR:  Opo, wala naman.

ABE:  Malaki-laking trabaho ‘yan.

SEC. ANDANAR:  At noong Lunes lang ay nagkaroon po tayo ng una sa tatlong pre-SONA, ito po iyong ginawa sa PICC. Ito po ‘yung ‘Tatak ng Pagbabago 2019: Patuloy na Pag-unlad’ at nandoon ang economic at infrastructure cluster sa pangunguna po ni Secretary Dominguez at Secretary Mark Villar, si Secretary Tugade nandoon din po.

ABE:  ‘Yan, importante ‘yan lahat.

SEC. ANDANAR:  Opo. At ngayong darating na a-diyes ng Hulyo, dito po naman sa Cebu. At ito po naman ay sa pangunguna ng Human Development and Poverty Reduction Cluster, at iyong ating participatory governance sa pangunguna po ni Secretary Rolly Bautista, Secretary Abuel at Secretary Ed Año, at—

ABE:  Oo, pangmasa…

SEC. ANDANAR:  Pangmasa po, oo pre-SONA po ito. Sa a-katorse po ay sa Davao City naman at ito po ay sa pangunguna ng ating Climate Change Adaptation Mitigation and Disaster Risk Reduction Cluster at Social Security, Justice and Peace Cluster sa pangunguna po ni Secretary Cimatu at Secretary Lorenzana – sa Davao City po naman ito.

Ipaliwanag ko muna sa ating mga kababayan na kaya mayroon pong pre-SONA, dahil sa dami po ng—

ABE:  Oo, sa dami ng ire-report kasi three years na eh. After three years, mahalaga ‘yan.

SEC. ANDANAR:  Oo. Hindi naman makakasya ito sa isang oras na SONA.

ABE:  Correct, oo. Dahil marami—kailangan iyong mga highlights, iyong malalaki, iyong mga importante talaga.

SEC. ANDANAR:  Oo. So kaya mayroon po tayong pre-SONA; tapos mayroon din po tayong magiging pre-SONA briefing sa Malacañang one week before the State of the Nation Address.

ABE:  So ‘yung paghahanda sa SONA ay talagang nandiyan na?

SEC. ANDANAR:  Opo, opo.

ABE:  Iyong mga paghahandang ito. At mayroon ka bang idea kung one hour ito, 45 minutes ito o… anong tingin mo – more or less?

SEC. ANDANAR:  Iyong more or less, SONA naman is between 45 to 1 hour ‘di ba. By the way, mayroon ding post-SONA. Pagkatapos noong SONA ni Presidente, mayroon pang mga bagay na kailangan ipaliwanag…mayroong post SONA sa Malacañang press briefing.

ABE:  Tuluy-tuloy na ‘yun. After nga ng SONA’ng ‘yan, budget na naman ang pag-uusapan. So alam kong bising-busy kayo sa paghahanda dito Secretary. Sino ba ang direktor ng SONA, sino ang magdi-direct? Mayroon ba?

SEC. ANDANAR:  Si Director Joyce Bernal.

ABE:  Ah siya na, okay.

SEC. ANDANAR:  Pero alam mo, magaling itong si Director Joyce—

ABE:  Oo naman, eh awarding director ‘yan. Last year, siya rin hindi ba?

SEC. ANDANAR:  Opo. Magpasalamat tayo dahil she’s offering her services. Pero alam mo Mike, ang gusto kong i-highlight talaga iyong Duterte Legacy, kasi the last three years ibig sabihin  niyan, the last three years para sa atin – how to cement and how to communicate to the people itong Duterte Legacy. Iyon ang magagandang—

ABE:  Iyong positive talaga, aksiyon na ginawa. Oo, development.

SEC. ANDANAR:  So ‘yun po ang tututukan natin: poverty alleviation; iyong ating infrastructure projects; at peace and order.

ABE:  Tama ‘yan… So ‘ayan—ay naku, nawawala-wala iyong signal ha. Anyway okay na siguro Secretary, at alam kong bising-busy ka. At congratulations, good luck uli sa mga bagong programang ito at paghahanda ninyo sa SONA dahil napakahalaga ng SONA’ng ‘yan ng Pangulo. Salamat, Secretary.

Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource