Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Mike Abe (DZAR – Usaping Bayan)


Event Radio Interview

ABE:  Magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:  Hello Mike, good morning.

ABE: Thank you sa oras ha, alam kong bising-bisi kayo at nakasingit kami. Kumusta na ang paghahanda? Last two days na lang tayo, kung sa basketball last two minutes na lang SONA na, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Tapos na iyong ating pre-SONAs, so tatlo po iyan, mga two days ago, we finalized it sa Davao City; at mamayang hapon, Mike, alas-kuwatro meron tayong briefing with the President sa kanyang talumpati at iyong mga camera angles, iyong blocking.

ABE:  Parang final na iyan.

SEC. ANDANAR:  Oo, final na. The speech is about 95% done already. So, by this afternoon, kumpleto na iyan for the perusal of the President and then on the 22nd alas-kuwatro ng hapon ay SONA na po ni Presidente.

ABE:  Kaya kami nagtatanong din kasi alam mo naman lagi kaming naka-live diyan sa Kongreso. So, idea lang,  more or less sa tingin mo, one hour, 30 minutes, 45 minutes?

SEC. ANDANAR:  Iyong unang SONA kasi nung 2016, nasa 1 hour and 30 minutes; iyong 2017 nasa 2 hours; 2018 nasa 48 minutes, palagay ko ay ia-average na lang natin between 45 to one hour ang magiging talumpati ni Presidente.

ABE:  Kasi ang Presidente lang naman ang puwedeng magdagdag diyan or bawasan kung ano iyong isinumite ninyo na mga Secretary doon sa proposal for SONA, hindi ba?

SEC. ANDANAR:  Tama po iyan. Kung dadagdagan ni Presidente, kung gusto niyang pasobrahan, then doon po hahaba iyong kanyang speech.

ABE:  Meron ka bang idea at puwede mong mabanggit kung ano iyong mga puwedeng i-highlights man lang, kung hindi man lahat iyong mga posibleng mabanggit kung puwede, okay lang ba iyon?

SEC. ANDANAR:  Nandiyan po iyong tatlong agendas ng ating Pangulo para sa susunod na tatlong taon – iyong poverty alleviation, na maibaba po iyong poverty rate from 21 to 14% at maiangat po iyong ekonomiya to upper middle class.

Nandiyan din po iyong pangalawa, na build, build, build o patuloy na infrastructure projects po ng ating pamahalaan – meron po tayong mga 75 big ticket infrastructure projects at ito pong 75 ay kailangan po ay masimulan po ito, iyong iba po diyan ay matatapos po within the term.

At iyong pangatlo po, iyong peace and order highlighting the National Task Force to End Communist Local Armed Conflict.

ABE:  About West Philippine Sea, meron kayang mababanggit doon?

SEC. ANDANAR:  Possible po iyan mabanggit kasi binanggit po ni Presidente iyan during the ambush interview dito po sa Malacañang na magbibigay po siya ng lecture.

ABE:  So—iyong tungkol sa corruption talagang dapat ay masama iyan dahil meron pa rin, hindi pa tapos eh. Di ba Secretary meron pa ring ganyang report na nangyayari?

SEC. ANDANAR:  Oo nga. Iyong corruption eh tuloy-tuloy po iyong programa diyan laban sa corruption, in fact, last night ay pinulong po ni Presidente iyong mahigit 41 Bureau of Customs officers  sa Malacañang at sinabihan niya po na kakasuhan itong mga ito ng katiwalian sa Ombudsman at hihingin ng Pangulo sa Ombudsman na isuspinde habang nahaharap sa kaso.

ABE:  Malamang, baka masingit din ito sa SONA, baka mabanggit din ito, dahil bago lang itong nangyaring ito at saka talagang hindi siya masaya, ang Pangulo, doon sa nangyayari sa Aduana, sa Customs, Secretary.

SEC. ANDANAR:   Possible po iyan, Mike.

ABE:  Isa pang maitanong ko, Secretary. Parang—tama ba na may mga binago kayo sa Congress, sa loob mismo ng session hall, sa style ng presentation or iyong coverage ng RTVM at ng live coverage. Kasi kami alam mo naman nagla-live broadcast kami diyan every SONA—parang may kaunting adjustment yata. Sino ba ang may idea noon, ikaw o talagang iyong director nung SONA?

SEC. ANDANAR:  Nagdagdag po ang Kongreso ng LED, naglagay po sila ng LED; tapos sa PCOO naman ay naging rekomendasyon ni Director Joyce na maglagay ng orchestra para sila po ang magtugtog nung paboritong kanta ni Presidente at iyong kay Freddie Aguilar, pati po iyong Philippine National anthem.

ABE:  Basta ang importante rito iyong lahat na iyong audio/video lahat makukuha lahat ng network na maayos, malinaw, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Tama po kayo.

ABE:  So, ano ito, maliban mamaya, kailan pa meron pang huling mga meeting before Monday or final na mamayang hapon?  Secretary, final na ba iyong meeting mamaya o meron pa bukas, meron pa sa Sunday?

SEC. ANDANAR:  Iyong rehearsal po?

ABE:  Diyan sa SONA na iyan.

SEC. ANDANAR:  Mamaya pong alas-kuwatro mangyayari ito at malalaman po natin mamayang alas-kuwatro kung ano ang magiging pasya ni Presidente.

ABE:  So ang feeling po, Secretary, ano na ready na kayo, 100% ready na ang PCOO at ang Office of the President para sa Monday, sir?

SEC. ANDANAR:  Ready na po ang PCOO, ready na po ang RTVM, ready na po lahat ng ating mga government media agency at ngayong hapon po ay iyon nga iyong presidential briefing and after that magkita-kita po tayo sa July 22, alas-kuwatro po ng hapon iyong speech ni  Presidente.

ABE:  Actually iyong coverage namin umaga pa lang diretso na hanggang gabi, sa maghapong iyan diyan kami lahat nakatutok Congress, Senate at siyempre iyong mismong ating SONA. Thank you, Secretary sa oras ha, alam kong busy ka, salamat po.

SEC. ANDANAR:   Salamat Mike; mabuhay ka.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource