Q: Secretary Martin, magandang gabi po sa inyo si Orly po ito at saka si Fernan ulit, Sec.?
SEC. ANDANAR: Hello Orly at Fernan, magandang gabi sa inyong dalawa.
Q: Oho, may balita kami na iimbitahan daw iyong nag-transcribe noong kay—interview kay President lodi sa susunod na hearing po ng Senado? Totoo ba ito? [laughs]. Totoo ba iyon, Secretary Martin?
SEC. ANDANAR: Hindi ko—wala akong nabalitaan na ganoon. Alam ko iyong hearing about fake news ni Senator race Poe ay tapos na.
Q: Tapos na pala, oo.
SEC. ANDANAR: Alam ko last na iyon pero alam mo iyong nangyari sa interview kay Sec. Bong Go sa DZRH kasama si ano—
Q: President lodi.
SEC. ANDANAR: President lodi at si Lakay.
Q: Nangyari kay Lakay Deo, seryoso tanong ni Lakay.
SEC. ANDANAR: Na-good time, na-good time. [laughs]. Pero alam mo naintindihan natin iyong kailangan natin diyan ay mayroong humor, kailangan may entertainment value iyong mga interviews. Iyon ay ginagawa natin iyan sa radyo. At alam naman natin na ito naman ay parte ng ating ano, ng ating programa—
Q: Oo satirical, ‘di ba may satirical comment—
SEC. ANDANAR: Napakagaling kasi noong impersonator ni Presidente.
Q: Actually matagal na ngang nag-eenroll sa amin iyan, hindi ko ma-enroll enroll. Si dating Pangulong Ramos puwede pa. Martin na magandang kape. Iyon puwedeng puwede ‘no.
SEC. ANDANAR: Iyon gumaguwapo iyon. Kaunti na lang FVR diyan sa DZBB. Pero ito nga— siyempre alam mo iyong mga transcribers natin sa News and Information Bureau ay they transcribe from one station to the next dahil kaunti lang iyong tao doon at siguro hindi mo rin ma-blame dahil talagang kaboses talaga ni Presidente pero ganoon pa man siyempre mali pa rin at sila naman ay humingi ng paumanhin, sila naman ay nag-release ng erratum. At sa susunod ay kailangan maging maingat na. Hindi lahat ng kaboses ni Presidente sa radyo ay siya. Oo, iyon-iyon.
Q: ‘Ika nga uunawain mo kung ano iyong takbo ng interview.
SEC. ANDANAR: Oo.
Q: Anyway—
Q: Nasabi na ba kung sino iyong nag-transcribe? Nabanggit ninyo na ba sa interview sa inyo, Secretary?
SEC. ANDANAR: Doon sa NIB pero alam mo tayo naman ay naintindihan din naman natin dahil nagkakamali din iyong tao—wala naman—it was an honest mistake. It was not—hindi naman iyon malicious, at after one hour inalis naman kaagad, nag-sorry naman kaagad iyong taga News and Information Bureau. But iyon nga, they just have to be more careful next time kasi nga, alam mo iyong humor natin sa radyo eh since time immemorial – itong si Orly ginagaya si FVR – tapos minsan si—ginagaya mo na rin minsan si Erap.
Q: Oo pare, kaya nga hinahabol ko si Digong suntukan kami.
Q: Naku—baka ma-transcribe pa ito.
Q: Ang dating Pangulo ay hinahamon ng kasalukuyang Pangulo ng suntukan.
Q: Mahirap iyon.
SEC. ANDANAR: At kailangan natin na maunawaan din na bihira si SAP Go magpa-interview, ng live sa radyo.
Q: Kaya nga—
SEC. ANDANAR: Nagulat din iyong [unclear] si SAP Bong magpa-interview sa radyo ng umaga. So hindi naman nila inakala na igu-good time din dito si SAP Bong ng imitator ni Presidente or iyong impersonator. So iyon ang nangyari.
Q: May protocol ba na kailangan kapag may ganiyan ay tina-transcribe tapos ipapadala sa Malacañang Press Corps o kailangan dumaan pa sa Secretary ng PCOO?
SEC. ANDANAR: Hindi, hindi na. Alam mo itong mga News and Information Bureau ano natin—iyong ating transcribers matagal na iyan diyan, panahon pa ni FVR ang iba diyan eh. Tapos—talagang sila ay mga beterano na. Tao lang nagkakamali, nagkataon na iyong nag-imitate kay Presidente talagang kaboses tapos kuhang-kuha iyong punto, kuhang-kuha iyong salita, lahat doon.
Q: Pati mura yata kuhang kuha? [laughs].
SEC. ANDANAR: Lahat kuhang kuha. So parang iyong taxi driver doon sa Davao ‘di ba ganoon din?
Q: Oo, si ano—
Q: Tinawagan ka ba? ‘Secretary Andanar, mukhang nagkamali kami?’
Q: Oo, paano ba na i-break sa inyo ito?
SEC. ANDANAR: Hindi naman, hindi naman. Nakita ko lang tapos before matawagan ko ay naglabas agad ng erratum ang NIB. Naintindihan naman natin iyon, alam naman natin kapag malicious ho o mukhang hindi malicious and obviously iyong pagkakamali ng News and Information Bureau ay hindi naman siya—hindi naman malicious iyong istorya, wala namang nasaktan kung hindi bagkus ay talagang naisulat lang talaga ng mga kasamahan natin sa media at nai-release din nila, ganoon po iyong nangyari.
Q: Secretary, binabanggit ninyo na matagal na iyong nag-transcribe diyan sa Malacañang, noong time pa lang ni dating Pangulong—
SEC. ANDANAR: Ang alam ko mayroong mga panahon ni Pangulong Ramos—
Q: Pabalik-balik?
SEC. ANDANAR: Oo tapos mayroon ding panahon ni Aquino, ni GMA. So talagang mga—iyong mga taga News and Information Bureau natin ay mga beterano na iyang mga iyan. Minsan nagkakamali lang minsan—
Q: Hindi naman sinasadya.
Q: Hindi naman siguro ito magiging problema ninyo na parang naging sitwasyon ho sa Philippine News Agency, Secretary Martin?
SEC. ANDANAR: Actually iyong sa Philippine News Agency kung tutuusin mo talaga—
Q: Sabotahe?
SEC. ANDANAR: Orly, hindi rin ano iyon—hindi naman malicious din ang ano—kumbaga. You can call it fake news kapag maliciously done at parang mayroong nasaktan talaga na tao. So iyon naman ang naging depenisyon na napag-usapan doon sa Senate hearing ni Senator Poe na ang fake news or disinformation is a written piece, written news made to deceive people and destroy other people, talagang malicious.
Q: Oo nga sir that’s why hindi lang dapat diyan sa mga government, dapat lahat tayo diyan, sabi nga… tingnan mo sa gobyerno, sila lang ang masabihan, dapat pare-pareho, walang ligtas, parang kukuwangan mo.’
SEC. ANDANAR: Oo iyong sa PNA naman, ang nangyari naman doon nagkamali sa logo although mayroong pananagutan iyong gumawa noon kasi sa sobrang tagal na niya hindi niya alam kung ano iyong—may negligence, may negligence na nangyari. May negligence, oo.
Q: Okay sige po. Anyway, Secretary maraming salamat at magkakapanayaman pa tayo every now and then, lalo na sa mga taong mga nais ninyong iparating, ang mga importanteng kinakailangang sagutin ng Palasyo po sa ilalim ninyo po.
SEC. ANDANAR: Opo, mabuhay po.
Q: Thank you sir.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Orly at Fernan.
Q: Thank you po.
SEC. ANDANAR: Mabuhay kayo at ang DZBB.
Q: Thank you po sa inyo, Secretary Martin Andanar.
###