ASEC. ARCENA: Nasa linya ho ng telepono si Secretary Martin Andanar. Good evening po Sec., live ho tayo sa Cabinet Report.
SEC. ANDANAR: Hello! Maayong gabii, JV. Maayong gabii po sa tanan nga naminaw. Magandang gabi po! Medyo, as usual busy din ang ating linggo JV; nagsimula tayo noong Lunes sa ating Laging Handa na press briefing, tapos in-update din natin iyong ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps ukol sa mga naganap doon sa United Nations sa Geneva. Tapos noong ikalawang araw noong Martes, tayo naman ay nagprograma dito sa Radyo Pilipinas kasama si Pareng Erwin Tulfo, tapos marami pang mga meeting ang ginawa natin.
Tapos—by the way Monday balik ako, may Cabinet nga pala noong gabi. Tapos Wednesday kami po ay nagtungo ng Iligan para mag-courtesy call at para alamin din kung ano ‘yung mga pangangailangan ng Lanao Del Norte at nakausap namin si Governor Angging Dimaporo. And then after that, tayo po ay nakipagpulong sa Task Force Bangon Marawi Communications Group para tayo’y ma-brief kung ano na iyong mga update sa Task Force Bangon Marawi Communications Group sa Iligan.
Tapos nakipag-media meeting tayo sa Iligan and then afterwards interview sa Yes FM. And then tumungo tayo sa Cagayan De Oro para makipag-meeting sa 4ID ng Philippine Army at NEDA para tayo’y bigyan ng briefing naman sa mga updates… tungkol sa mga updates ng NTF-ELCAC lalo na doon sa Region X. Afterwards I head straight to DILG para sa isang briefing din; briefing naman tungkol sa E-CLIP, iyong tinatawag na Enhanced Comprehensive Localized Integration Program ng DILG para din ito sa ating mga kapatid na mga rebelde, iyong mga returnees, lalo na sila ho ay kumuha/nag-avail nitong mga benepisyo ng gobyerno noong sila’y sumurrender.
And then meeting with PIA, again briefing para sa CORDS-X office natin dito sa Cagayan De Oro City. And then the next day mayroon tayong talakayan with PIA at iba pang mga national government agencies sa Cagayan De Oro City. Tapos mga interviews at inspection din ng CORDS-X office. So ganoon, punung-puno rin JV parang sa’yo…
ASEC. ARCENA: Hindi masyadong nakapagpahinga sir ‘no, sunud-sunod ho ang inyo pong mga lakad mula ho last week pa; kakarating ninyo lang from Europe, bigla ho ngayon marami ka naman pong mga inikot. At ito po ay, linawin ho natin, ito po ay parte ng inyo pong role bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security sa Region X, tama po Sec.?
SEC. ANDANAR: Oo tama, tama. At of course at the same time, we’re juggling our responsibility dito po naman sa PCOO main office. At mayroon naman tayong mga capable, able and capable na Office of the Secretary. Mayroon tayong magagaling na mga staff, sa pangunguna ng ating chief of staff si, Rhea; ang ating Head Executive Assistant, sila ni Atty. Glen at iba pa. Hindi ko na mababanggit isa-isa pero bawat tao ay may ginagawa; mayroong nasa CORDS, mayroon sa Manila, mayroon ding nagma-manage ng ating mga line agencies. So tuluy-tuloy lang – the cogs and the wheels are working fine.
Pero ikaw rin siguro JV hindi ka nakapagpahinga, dire-diretso rin iyong trabaho natin.
ASEC. ARCENA: Para po sa bayan Sec. Pero ito pong mga ginagawa ninyo ho Sec., ito pong ginagawa ng atin pong mga Cabinet members ay mayroon naman pong, kumbaga nakikita ho natin iyong resulta dahil ho sa latest ho na SWS survey – and congratulations po sa inyo at sa lahat po ng mga miyembro ng official family ho ng Pangulo dahil ho sa resulta ho ng SWS survey – ano ho ang inyong komento rito, sir?
SEC. ANDANAR: Opo. Tayo ay nagpapasalamat sa mga kababayan natin sa tiwala na ibinigay sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Roa. Duterte. Tayo ay nagpapasalamat kay Presidente Duterte sa pagkakataong binigay niya sa atin at tayo rin ay nagpapasalamat and we are also congratulating Executive Secretary Bingbong Medialdea, ang boss po namin sa Cabinet. Siya po ang nagpapatakbo sa amin. Dahil sa kaniyang liderato ay mataas po iyong ating satisfaction rating.
Kung titingnan ninyo po iyong mga satisfaction ratings mula sa presidency ni President Cory Aquino hanggang kay Ramos, all the way kay Erap, Gloria Macapagal-Arroyo at kay Presidente Benigno Aquino – napakalayo po ng diperensiya ng satisfaction rating. Nasa mga, halimbawa 10-12-14-15-20… 20 na ho iyong pinakamataas eh, iyong kay Presidente Benigno Aquino. Pero itong kay Presidente Duterte po ay 45, net 45 po iyong taas. So very satisfied po iyong ating mga kababayan kaya tayo po ay nagpapasalamat.
Ito lamang ay magsisilbing inspirasyon para sa lahat para ipagpatuloy ang aming ginagawa. Ibig sabihin tama ang ginagawa natin, JV! At sabi ko nga doon sa talakayan sa PIA sa Cagayan De Oro, ang pinaka-pasasalamatan natin iyong mga unsung heroes, ito iyong mga head ng mga regional agencies, iyong mga RDs, regional directors natin, iyong mga nasa byurokrasya, iyong mga nagtatrabaho talaga na hindi mo naman mapapansin dahil hindi naman sila ganoon ka-conspicuous o nakikita pero sila talaga iyong dapat pasalamatan natin. Kasi kung hindi dahil sa kanila, at kung hindi rin dahil sa inyo JV, mga Asec, Usec, mga Director at iyong mga regular employees ay hindi rin namin magagawa sa Gabinete ang mga misyon o objective na gusto naming gawin kasi ito po ay teamwork, Team PRRD.
ASEC. ARCENA: Tama po. And balita ko po ‘di ba iyong Duterte administration nakakuha ng ‘excellent’ rating. Iyong Cabinet naman po ay nasa ‘good’ yata at 10 points iyong itinaas. So ang laki ho talaga ng itinaas ng ratings o iyong approval rating ho ng Duterte administration at noong Cabinet officials ng Pangulong Duterte!
SEC. ANDANAR: Opo. Kaya congratulations po sa ating mahal na Pangulo, Presidente Rodrigo Roa Duterte at congratulations po sa sambayanang Pilipino dahil sa napakataas po na grado na nakuha po ng gobyerno. Ibig sabihin po ay sinuportahan ninyo po iyong gobyerno para mas mabilis pa at mas maayos ang pagpapatakbo ng ating bayan. Kasi alam mo, mas maayos talaga ang pagpapatakbo, mas mabilis talaga iyong pag-progress kung mayroong suporta ang ating mamamayan.
ASEC. ARCENA: Ito pong ratings na ito sir ‘no ay isa rin pong pagpapatunay na mali ho iyong sinasabi rin ng mga kritiko. Iyong lagi hong pumupuna sa ginagawa natin, ibig sabihin itong ginagawa ng Duterte administration ang tama.
SEC. ANDANAR: Oo, tama… tama. Ito rin ay supalpal sa mga kritiko, pero hindi nangangahulugan na ayaw natin ng kritiko. Mas gusto nga natin iyon para tayo ay parating alert at nakikita natin kung tama ba iyong ginagawa ko o mali. Kasi kung constructive criticism naman, pinapakinggan naman natin ‘yan. Pero ‘pag destructive criticism ay iyon ‘yung isinasantabi naman natin at maglalagay na lang tayo ng tapa ojo (Horse eye patch), parang kabayo para dire-diretso na tayo [laughs].
ASEC. ARCENA: And sir, congratulations din pala sa inyo pong napakaganda hong mensahe sa United Nations Human Rights Council at kayo po ay umani ho, alam ko na umani po kayo ng mga papuri at congratulatory messages from your colleagues ‘no sa Cabinet. Ito po ‘yung mensahe ho ni Secretary Andanar sa 43rd session sa United Nations Human Rights Council Session High Level Segment.
Actually later ay ipapanood natin ulit iyong kaniya hong speech ‘no, dahil dito ho ay sinagot niya iyong—o inilahad niya iyong sitwasyon ng human rights sa Pilipinas at dinepensahan niya iyong atin pong mga polisiya para sa pag-protect sa karapatang pantao at media freedom sa Pilipinas.
Can you please share Sec., iyong inyo pong experience doon sa UN?
SEC. ANDANAR: Iyong experience ho ay kakaiba, one of a kind. Siguro isang beses lang itong mangyayari sa buhay natin na tayo ay mabibigyan ng pagkakataon na magsalita doon sa bulwagan ng United Nations sa Geneva kung saan ay nandoon ho iyong majority ng mga bansa sa mundo para saksihan po iyong talumpati ng isang bansa o statement, o stand ng isang bansa. Eh siyempre isang karangalan ho iyong mabigyan ng pagkakataon.
Again, tayo ay nagpapasalamat sa Department of Foreign Affairs lalong-lalo na sa ating mahal na Pangulo dahil sa kaniyang binigay na pagkakataon na tayo po ang mag-represent para sa Republika ng Pilipinas para ipahiwatig, ipaalam sa buong mundo ang ating posisyon pagdating sa human rights, pagdating ho sa red tagging, pagdating ho sa press freedom, pagdating ho sa freedom of expression, pagdating ho sa kalayaan ng ating mga civic organizations na makapag-operate at makatulong po sa marami nating mga kababayan.
Doon po natin inilahad iyong ating sama rin ng loob dahil sa naging desisyon ng United Nations Human Rights Council noong nakaraang taon sa pangunguna ng Iceland. At bagama’t nakatanggap tayo ng papuri, bagama’t tayo ay nagpapasalamat at very thankful tayo, ito naman ay hindi mangyayari kung hindi dahil sa interagency work. Iyong buong speech po na iyon ay pinagtulung-tulungan ho iyon ng PCOO, sila JV, opisina ni JV, opisina ng ating Permanent Mission sa Geneva, Department of Foreign Affairs, sila Secretary Locsin at iba pang mga agencies tulad ng PNP at ng PTFOMS, ganoon din po ng PDEA kasi sa kanila po nakuha iyong mga datos ‘di ba.
So ito po ay talagang collaboration of the different agencies na involved po sa mga issues na ito. Kaya congratulations po sa ating interagency sa napakagandang speech na naisulat po, at ako lamang ay isang mensahero ng ating gobyerno. So congratulations din JV at congratulations sa team mo.
ASEC. ARCENA: Thank you Sec., at uli congratulations. Nakita ko ho kung paano iyong reaksiyon ‘no ng mga delegates doon sa session na iyon at biglang lumapit sa’yo, kinamayan ka at nagpalakpakan. Of all the speeches na narinig ko during that session, iyon po iyong talagang marami ang nag-applaud, marami ang lumapit kay Secretary Andanar. And magandang part talaga doon sa speech ni Sec., iyong kaniya hong panawagan sa UN-HRC na maging prudent sa pag-assess ‘no sa mga claims or allegations against the government on human rights issue.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)