Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Rhea Santos (GMA 7 – Unang Hirit)


Event Radio Interview

SANTOS:  Secretary Andanar, good morning.

SEC. ANDANAR:  Hello Rhea, good morning; at sa lahat po ng nanunuod, good morning po.

SANTOS: All right. Sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maikli lang ang SONA ni Pangulong Duterte ngayong taon. Gaano kahaba ba, may idea ka, ano ang lalamanin?

SEC. ANDANAR: Well, iyong sa akin Rhea, tinitingnan ko iyong 2016, 2017 at 2018, so maga-average iyan between 45 minutes to one hour and 20 minutes. Kung talagang… if the President sticks to the speech, sa palagay ko nasa mga 45 to 50 minutes eh, pero kung dadagdagan mo ng adlib doon hahaba.

SANTOS:  May reaksyon na ba ang Pangulo doon sa hindi pagdalo ng kanyang mga anak si Mayor Inday Sara, Vice Mayor Baste? Ito ba ay may kinalaman sa hindi pagkakasundo ng mag-aama sa speakership issue, Martin?

SEC. ANDANAR:  Kagabi, Rhea, magkasama kami ni Presidente Duterte at wala naman siyang nabanggit tungkol diyan at instead iyong napag-usapan ay iyong sa Bureau of Customs officials na kinausap niya.

SANTOS:  Wala siyang reaksyon doon sa—kasi usually kapag SONA kumpleto talaga ang pamilya eh. So hindi napag-usapan talaga?

SEC. ANDANAR:  Hindi po eh. Palagay ko naman, si  Vice Mayor Baste talagang busy, galing akong Davao, talagang ang daming trabaho doon. And again, I can only pray for Mayor Inday na siya ay gumaling na sa agarang panahon.

SANTOS:  Pero may away, may hindi pa talaga pagkakasundo ang pamilya, kasi parang magkakaiba iyong gusto nila na maging Speaker ano. Although dapat hindi nila pinakiki-alaman itong isyung ito, pero siyempre may mga kanya-kanya silang pambato kumbaga, Martin. Meron bang hindi pagkakasundo?

SEC. ANDANAR:  Wala naman akong nakikita, Rhea. Hindi ko naman nakakausap si Mayor Inday at si Congressman Polong. Sa akin naman ay nakatutok lang ako sa preparasyon ng State of the Nation Address at iyon nga… mamaya Rhea ay meron kaming presidential briefing sa magiging talumpati at iyong blocking ni Presidente pagdating sa Kongreso.

SANTOS:  Si Kong. Polong, pupunta kasi kongresista siya ano?

SEC. ANDANAR:  I am not certain if Congressman Polong is going; pero of course expected kasi congressman po si Congressman Polong.

SANTOS:  Kaugnay naman nitong reklamong sedition laban kay Vice President Leni Robredo at ibang taga-opposition ‘no, parang 30 plus pa, anila political persecution at harassment daw ito; ano ang reaksyon ninyo dito?

SEC. ANDANAR:   Palagay ko naman, merong sapat na mga abogado ang oposisyon and they can defend themselves. Kung talagang walang sedition, then they will go scot-free.

SANTOS:  Ito ay ihinabol talaga para sa SONA ng Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko alam, I don’t know with the Philippine National Police, sila po iyong merong jurisdiction diyan.

SANTOS:  So walang hand ang Malacañang dito kasi parang itong si Bikoy nga – itong Advincula – parang sabi naglalako ng mga impormasyon ito, pinapatulan depende kung saan panig siya. May bigat ba talaga itong sedition laban kay Vice President Leni Robredo, Martin?

SEC. ANDANAR:  Definitely, wala pong kinalaman ang Palasyo diyan, ang executive branch, this is the own—the decision of the Philippine National Police at wala po kaming kinalaman diyan. We have so much work to do; marami pong ginagawa ang Presidente, he is fighting corruption left and right at kagabi nga ay kausap niya iyong mahigit 41 Bureau of Customs officials at sila ay haharap sa Ombudsman at the same time, there will be prayer that they be suspended while they are in Court.

SANTOS:  Ano ito, may mga Customs officials na matatanggal sa serbisyo, ganoon ba?

SEC. ANDANAR:  Opo, sila po ay haharap sa kaso, sa Ombudsman and then sila po ay irerekomendang i-suspende; but they will have their day in Court and they can defend themselves.

SANTOS:  Okay, ito namang impeachment complaint na binabalak ihain laban sa Pangulo ng mga militanteng grupo, reaksyon ng Malacañang, Martin?

SEC. ANDANAR:  Alam mo Rhea, halos every administration naman ginagawa ng mga militante iyan, hindi na bago iyan at kung anuman iyong mga impeachment complaint na kanilang isusumite diyan sa Kongreso, iyan naman ay haharapin din ng… at pag-aaralan din ng mga Congressman. I’m pretty certain that with the super majority ay hindi makakalusot iyan.

SANTOS: Secretary Andanar, maraming salamat at magandang umaga.

SEC. ANDANAR:  Thank you, Rhea. Good morning

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource