CABAL: Makakausap natin ngayon si Presidential Communications Secretary Martin Andanar. Magandang tanghali po, Secretary Andanar.
SEC. ANDANAR: Magandang tanghali, Ruth, sa lahat ng nanunood ng CNN Philippines.
CABAL: Secretary, unahin ko lang po kayong tanungin dito sa development sa Kamara kung saan nag-positive itong si Cong. Johnny Pimentel. So far, magkakaroon po ba ng change of plans or didiretso pa rin ang Pangulo mamaya to be physically present doon po sa Batasang Pambansa para sa SONA?
SEC. ANDANAR: Well, wala pa hong changes sa plano despite the fact na nagpositibo nga si Deputy Speaker Pimentel at mayroon din pong mga nagpositibo na rin po sa mga sinuwab mula po sa Palasyo, mga anim po iyon. So that would bring it to about seven, iyong mga nag-positive na a-attend sana diyan sa Mababang Kapulungan.
CABAL: Iyong anim po, iyan po iyong today? Sa test po iyan today o iyong—‘di ba mayroon pong PCR yesterday and then rapid test, tama po ba?
SEC. ANDANAR: I’m not sure if it’s the result of today or last night. Pero just the same, may nag-positive so it’s not good.
CABAL: So, ano pong mangyayari diyan sa nag-positive diyan sa anim diyan? And then ano pong measures—ano pong opisina iyan saka ano pong measures ang gagawin diyan sa Malacañang?
SEC. ANDANAR: Wait and see na lang po tayo sa magiging desisyon. Sa ngayon po ay naghihintay din po kami kung anong final decision ng Office of the President, ng PSG at ng Lower House. Basta ang PCOO naman ay nakahanda na whichever venue na mapili po ng ating PSG, kung ito po ba ay sa Lower House o sa isang hall dito po sa Malacañang.
CABAL: Secretary, itong anim po, taga-saang department po diyan sa Malacañang or can you tell us, give us more information?
SEC. ANDANAR: Sa Palasyo po ito pero hindi ko lang po siguro maibigay iyong eksakto na mga division nga kasi wala pa sa aking mga kamay iyong impormasyon.
CABAL: Pero supposed to be kasama po sila doon sa mag-a-attend kasi kaya nga po sila nag-test dahil dapat po mag-a-attend sila ano po?
SEC. ANDANAR: Iyong ilan po doon, iyong ilan po ay kasama dapat sa technical na mag-a-attend sa Lower House.
CABAL: Okay. Going naman to the actual SONA, nakita ninyo na po ba iyong draft or final copy ng speech ng Pangulo? And can you give us an inside story? Ano po ba ang magiging tone nito, tono nito?
SEC. ANDANAR: Hindi ko po nakita iyong eksaktong draft pero batay po sa report sa akin, dahil nagkaroon po ng isang pagsasanay kagabi, nagkaroon po ng practice kagabi ay siguro aabot siguro ng mga one hour to one hour and 20 minutes without adlib. Now, kung ano po iyong lalamanin nito ay asahan po natin na mayroon pong message of recovery, na kung anong tatahakin natin para mag-recover po ang ating bansa, ang ekonomiya nito, ang health sector at ang social services ng ating bansa, optimism, pag-asa.
Siguro atin pong abangan ang magiging istratehiya ni Presidente Duterte para po makabangon ang ating ekonomiya. Mababanggit din po siguro ang mga napirmahang mga batas, halimbawa, iyong Malasakit Center Act at kung ano po bang maitutulong nito sa ating bansa sa panahon ng pandemya. Ganoon din po iyong mga subsidy programs para sa mga frontline agencies at ang mga benepisyaryo po ito.
Siguro atin ding abangan, Ruth, itong enactment ng Bayanihan Law, kung ano po maitutulong nito sa COVID-19 response programs ng ating pamahalaan at iyong fiscal management strategies na para po ay matulungan din po ang ating mga negosyante na nalulugi na po sa mga panahong ito. And iyong pag-outline po ng socioeconomic recovery program ay isa rin po sa mga aasahan din po natin. Iyong konkretong plano ng ating gobyerno talaga para sa lahat ng mga ahensiya ng ating pamahalaan na makakatulong po sa recovery.
And, of course, nandiyan po iyong mga legislative agenda ng ating Presidente na maaari pong mabanggit ngayong State of the Nation Address. But this is really an appointment, an appointment with destiny as I have always mentioned.
The SONA this afternoon will be the most important SONA sa mga nagdaang SONA dahil itong pinagdaanan po natin ay unprecedented ‘no for the last 50 years. Siguro ang pinakagrabe na siguro in the last 60 years would be World War II ano at bago iyan ay iyong Spanish Flu noong 1918/1920. Pero ang generation natin at iyong generation nauna sa atin malamang ito ang pinakamatinding krisis na nadaanan.
CABAL: Secretary, you talked about iyong optimism and then recovery, economic policies. But how will this reflect kaya iyong leadership ni Pangulong Duterte? Sa SONA niya mamaya, ano pong makikita natin o maririnig natin tungkol diyan?
SEC. ANDANAR: Just the same, strong po ang leadership ni Presidente Duterte, decisive po ang ating Pangulo kaya importante nga na manood ang bawat Pilipino dahil dito malalaman ng bawat Pilipino kung anong daan ang tatahakin ng ating mahal na Pangulo kasama po ang buong bansa para maka-recover nga tayo sa lahat ng pinagdaraanan natin ngayon – economic, social, lahat po … talagang napakahirap, health, ang problems … delicate balance po between health and also livelihood. Eh in both cases eh mayroon pong kinalaman sa survival ng isang tao. Of course, kailangan malusog ka at the same time na mayroon kang trabaho para may maipakain ka sa sarili mo at sa iyong pamilya.
And thirdly, kung wala rin po namang ekonomiya ay wala pong mapagkukuhanan ng buwis ang ating gobyerno para mapondohan po iyong mga social safety net programs ng ating pamahalaan para iyong ating mga mahihirap na kababayan ay matulungan po silang makaahon mula sa kahirapan, para tuluy-tuloy po iyong mga proyekto. May mga programa tulad ng mga libreng edukasyon, mga programa na makakatulong po talaga sa ating mga mahihirap na kababayan.
CABAL: Secretary, dito kasi sa CNN Philippines, nag-conduct kami ng survey doon sa mga netizens kung ano iyong gusto nilang marinig from the President ‘no. Nabanggit ninyo na rin iyong mga topics na gusto nilang marinig – COVID-19, economic recovery, job opportunities. Pero mayroon din pong nagbanggit na mga netizens na gusto nila marinig about transportation, West Philippine Sea, war on drugs and terrorism. May ganiyan po kaya sa SONA ng Pangulo mamaya?
SEC. ANDANAR: Hindi ko masasagot iyan pero just the same these are very important topics. Malamang baka mapakinggan din po natin ang mga programa tulad ng Build, Build, Build and hopefully makasama po diyan ang Department of Transportation. Sa war on drugs, hindi ko po ako nakakasiguro na iyan po ay mababanggit.
CABAL: Okay. Marami pong salamat sa inyong panahon, Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)