Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)


Event Media Interview

FAILON:  Magandang umaga po sa inyo Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Good morning Manong Ted; at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa atin.

FAILON:  Sec. Martin, ano po iyong dokumentaryo na balita ko nga po ang start ng airing niya ay tonight?

SEC. ANDANAR:  Yes, ngayong gabi po Manong Ted sa ating government channel PTV alas-siyete ng gabi, ito iyong Gramo na documentary. It’s a 50-minute documentary tungkol po sa war on hard drugs dito po sa ating bansa.

Ito po ay report mula noong June 30, 2016 hanggang ngayong araw na ito. Para malaman po ng publiko kung ano po iyong estado ng war on drugs, ano po iyong mga achievements; number two, para malaman po nila kung ano iyong nangyayari sa on the ground, iyong mga challenges, iyong mga issues na kinakaharap ng ating mga policeman, ng ating mga miyembro ng PDEA kasama po lahat ng ahensiya; at pangatlo, para malaman po talaga nila iyong rationale ni Presidente, which is to save the future of  a nation countering hard drugs, para po masalba ang ating kinabukasan lalung-lalo na ng ating mga kabataan.

FAILON:  When you say documentary, ito ho ay hango sa actual footage?

SEC. ANDANAR:  Ito po ay hango sa actual na mga nangyayari, ito po ay true-to-life story, marami po tayong mga video na nakasama diyan na talagang actual video. Meron din pong mga re-enactment, dahil hindi naman lahat ay nakukuha sa video. Ito po ay nakalagay po dito lahat po ng argumento ng gobyerno, lahat po ng mga achievements ng gobyerno; at iyong mga sa critics din po, iyong mga tinatanong nila sa gobyerno, at sinasagot po ito ng dodumentary.

FAILON:  All right, iyon pong—siyempre po doon sa mga nag-o-obserba at kritiko ng pamahalaang Duterte doon sa usapin na ilan ba talaga ang mga napatay na mga nanlaban, ito hong mga usapin tungkol po sa istatistika, nandoon din po ito?

SEC. ANDANAR:  Na address po ito, sinasabi ng mga critics 27,000; ang sinasabi ng gobyerno 5,700 to 5,800. Nakalagay po doon, even iyong kaso po ni Kian Delos Santos, nakalagay po doon sa documentary. Lahat po sinagot po natin kasama na po iyong mga argumento ni Presidente at iyong argumento ng mga kalaban natin sa pulitika at iba pang mga kritiko sa international community, Manong Ted.

In fact, isa po sa  mga rason na ginawa po natin iyang dokumentaryo ay para din  mabigyan ng kopya iyong international community, iyong mga diplomatic community dito sa bansa natin at iyong United Nations sa Geneva at doon po sa New York sa pamamagitan po ng ating permanent mission doon po sa New York at Geneva.

FAILON:  Is this in Pilipino o may subtitle po ng Ingles?

SEC. ANDANAR:  Meron pong subtitle ng Ingles at iyong pong ibibigay natin sa diplomatic community naka-dub po siya sa English. Pero iyong mapapanuod po natin mamaya alas-siyete sa PTV ay Pilipino po ito.

FAILON:  Who is the story teller?

SEC. ANDANAR:  Si Alex Santos po, siya po iyong reporter doon.

FAILON:  Ngayon, Sec, iyon hong isyu ho ng source ng droga. Ito ho kasi ang malaking isyu hanggang ngayon, if you notice, kahit na po iyong iba hong nakakadaupang palad, maging mga retired na mga heneral ng PNP, pinag-uusapan nila, ‘bakit hindi maubos-ubos?’ Eh klaro na nga ho iyong mandato ng Presidente, iyong kanyang banta sa mga drug lord, ito ho, itong mga nangyayari pong mga pagdinig sa Senado, sa Kongreso. Bakit hanggang ngayon – ito ho kaninang umaga, tatlong milyong halaga ng shabu nanaman sa isang lugar sa Maynila, nahulihan – bakit hindi maubos-ubos. Ito ba ay nandoon?

SEC. ANDANAR:  Maganda ho sa documentary ito, Manong Ted, kasama po dito iyong historical  perspective, mula ho nung panahon ni President Ferdinand Marcos all the way kay Tita Cory, FVR, Erap, Gloria, tapos President PNoy ay nakalagay po diyan kung saan nanggaling iyong  droga.

FAILON:  Kasama  po iyong sa 50 minutes lang?

SEC. ANDANAR:  Medyo kailangan po talagang pagkasyahin, kailangan talagang tight po talaga iyong editing nito. So nandiyan mula doon sa assassination… iyong musketry kay Lim Seng kasama iyon, iyong mga source ng drugs nakalagay din po doon iyong Triad, iyong Bamboo Gang, 14K, Sinaloa nandoon po, until today kung sino po iyong mga source talaga ng drugs, nakalagay. The documentary is very comprehensive, Manong Ted.

FAILON:  Well, unfortunately, for some people who will not be able to watch it, kumbaga iyong launch ng inyong airing, paano po iyong gustong manuod afterwards? Kasi mamaya sila po ay manunuod ng TV Patrol muna. Ako mismo eh, I’ll be doing TV Patrol. So baka po iyong mga suki natin, baka hindi makapaglipat po ng channel. So how can we watch it?

SEC. ANDANAR:  Well, ang palabas po na ‘Gramo,’ bagama’t live po ito sa PTV alas siyete ng gabi, sa oras ng TV Patrol, ay meron din po itong live streaming sa lahat po ng Facebook account ng PCOO, kasama iyong Presidential Communications. Once na nag-live stream iyan, ay nandoon na po iyan puwede n’yo nang panuorin doon.

FAILON:  Eventually, sa YouTube siguro definitely.

SEC. ANDANAR:  Sa YouTube at siguro kung magbibigay ng libreng airtime ng ABS-CBN puwede ko kayong bigyan ng kopya.

FAILON:  Ah oo, siguro pupuwede namang pag-usapan iyan kung saka-sakali ano po ha, para  nga po tayo makatulong dito po sa kampanya po ng pamahalaan din sa war on drugs and  the information dissemination  para din po sa mabalanse pong ang usapin dito po sa… ito hong napaka-kontrobersyal na war on drugs po ng pamahalaan na nakaabot na nga po maging international media at ilan pong mga… alam ninyo na ang ibig kong sabihin. Okay, so Sec, definitely like what we do ‘no gumagawa kami ng mga dokumentaryo, after the airing we can watch now sa YouTube, nandoon na po ito; so most likely ito din po.

SEC. ANDANAR:  Tama po, YouTube, nasa Facebook at ito po ay ide-distribute din po natin sa mga cable channel sa probinsya at meron din po tayong programa with DILG kung saan ipapalabas po ito sa mga barangay, sa mga purok.

FAILON:  Well if I may suggest,  maganda  rin po niyan bigyan n’yo po ng kopya iyong mga bus companies na bumibiyahe sa mga  probinsya na nagpapalabas po ng mga pelikula if they can also show that habang bumibiyahe po iyong mga bus ano, mapapanuod po ng mga pasahero.

SEC. ANDANAR:  Tama po kayo, Manon Ted, lahat po  screens, lahat po ng puwede nating bigyan ng kopya, bibigyan po natin.

FAILON:  Again, invite them sir tonight.

SEC. ANDANAR:  Ngayong gabi po, alas-siyete ng gabi po sa PTV, naka-live stream ho sa lahat ng Facebook account ng PTV and government Facebook specifically ng PCOO, Presidential Communications. Panuorin n’yo po ang dokumentaryo na ‘Gramo,’ this is about saving the future of a nation, countering hard drugs at meron din po kaming ni-release sa media kahapon, Manong Ted, ito pong journal na ‘Saving the Future of a Nation: Countering Hard Drugs,’ lahat po ng impormasyon, lahat po ng  datos ay nandito po Sir Ted at updated po ito at bibigyan ko kayo ng kopya.

FAILON:  Thank you so much sir.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News Information Bureau)

Resource