LEO: Oy, totoo ba ito? Iyong heartthrob ng Cabinet…
SEC. TEO: Sino?
LEO: Heartthrob ng Cabinet official ng Pangulo. Nasa linya natin iyong aking partner, Secretary Martin Andanar. Good afternoon, Secretary.
SEC. ANDANAR: Good afternoon Leo, at good afternoon sa pinakamagandang Cabinet Secretary, Ma’am Wanda Teo. Magandang hapon po ma’am.
SEC. TEO: Oo talaga… Ikaw iyong pinakaguwapo sa Cabinet Secretary.
LEO: Heartthrob… heartthrob ng Cabinet ‘yan, oo.
SEC. ANDANAR: Hindi… Pero ganito Leo, I would like to congratulate Secretary Wanda Teo for doing such a marvelous job, especially sa pag-iikot nila sa buong Pilipinas, talaga namang si Secretary Wanda Teo ay walang kapaguran sa pag-iikot. Pinpuntahan niya iyong mga piyesta, tapos pino-promote niya iyong domestic tourism, because really ang future talaga ng tourism natin nasa ating mga domestic travelers. Hindi ho ba, Secretary Wanda?
SEC. TEO: Oo, totoo ‘yan. Totoo ‘yan, Martin. In fact nga sabi ko nga, I went to Panagbenga… naglakad kami niyan. Tapos the next day sabi na pumunta na naman kami sa Boracay… ang dami—lahat, halos lahat ng piyesta pinupuntahan ko kasi gusto kong makita kung paano ito. So ‘pag prinomote (promote) namin abroad, at least ito iyong… whether maliit lang iyong lugar… hindi iyong—sa akin kasi regardless of maliit ka o malaki ka na lugar, for as long as mayroon kang festival, ipo-promote natin ‘yan.
LEO: Secretary Andanar kapag kasama ko pala si Secretary Wanda rito, kulang iyong dalawang oras naming dalawa.
SEC. ANDANAR: Hindi, kulang talaga sapagka’t we have 7,100 islands.
LEO: [Laughs] High tide or low tide? O hindi pa malaman kung…
SEC. ANDANAR: Lahat ng island ay—lahat ng mga islands ay mayroong sariling mga feature ‘yan.
SEC. TEO: Totoo ‘yan. Lahat ‘yan sila, kaya dapat mapuntahan talaga lahat ng islands; marami ‘yan silang mga tourist spots na hindi nakikilala at hindi alam paano puntahan. So, we have to see these places.
SEC. ANDANAR: Oo, talaga namang—kasi nandito ako ngayon sa Tagaytay, mayroon kaming Executive Committee meeting at pinaplano natin ang future ng PCOO at iba pang mga programa natin – at dito parang napakadaming turista.
SEC. TEO: Yeah, totoo.
LEO: Huwag ka lang magpakita, kasi ‘pag nagpakita ka dumadami lalo… magpapa-picture [laughs].
SEC. ANDANAR: Talagang nagulat ako Leo, kasi ang daming mga puti.
LEO: Oh?
SEC. ANDANAR: Oo, mga puti. Kasi usually dati, ang nakikita mo dito maraming Asian tourists, lalo na marami tayong mga Korean tourists. Pero this time around, ang dami kong nakikitang mga Caucasian.
LEO: Kasalanan ‘yan ni Secretary Wanda. Kasalanan niya ‘yan!
SEC. TEO: [Laughs] Kailangan…
SEC. ANDANAR: Oo, kasalanan ni Secretary. Pero talagang ano Secretary Wanda iyong influx ng tourists from the west dumadami din ano?
SEC. TEO: Totoo, totoo ‘yan. Ang dami nang turista. Actually ang ano pa natin, halos gusto nilang lahat, everybody would like to go to the Philippines. Kaya nga sabi ko, hindi ganoon kahirap ibenta ng Pilipinas dahil with the President. Siguro because nasa ano ‘yan, na-spotlight talaga ang Presidente and our country, the Philippines. So when they see Philippines, so parang… what is it, how do you go there. Tapos alam nila iyong mga beaches natin, mga major spot…
LEO: Oo lalo na iyong lugar na iyon, nandiyan si Secretary Andanar ngayon ‘di ba?
SEC. TEO: Oo, Tagaytay, Sagada… ang dami, ang daming mga puwedeng puntahan sa Pilipinas.
LEO: Secretary Andanar, nalulungkot si Secretary Wanda kanina at parang may konting sama nga ng loob eh, dahil ang liit lang daw ng pondo niya. Tulungan mo daw siya [laughs].
SEC. ANDANAR: [Laughs] Alam mo ang pondo ni Sec. Wanda, ang pondo niya… halimbawa mayroon siyang one billion halimbawa para sa kaniyang promotion o ads, talagang times ten ‘yan sa pondo natin sa PCOO. Ang PCOO nasa 250 million ang pondo. Pero ‘yan – ang kay Sec. Wanda, one billion promotion – pero kulang pa rin iyong one billion.
SEC. TEO: Kulang. Sabi ko nga Martin, sa abroad if you compare to Thailand, iyong mga ibang countries, wala po… talagang walang kalingkingan iyong budget natin. Ang ka-level ko nga is Vietnam eh.
LEO: Oo, hindi masyadong halata Secretary Andanar ‘di ba? Hindi halatang masama loob ‘di ba? [Laughs]
SEC. ANDANAR: Oo… Hindi, pero ang okay lang kasi kay Sec. Wanda is that kilala ko si Secretary Wanda, galing talaga sa industriya, galing talaga sa ano ito sa tourism, sa travel industry. So she understand what is needed, at the same time kung ano ang mayroon since matagal ‘yan sa private sector, marunong magdaginot iyan.
SEC. TEO: Iyon nga ang sinabi ko kanina, sabi ko, daginot talaga ‘pag ano, ‘pag dating na sa mga ads, naku grabe iyong budget ko. Sabi ko puwede ba dagdagan… Ito lang ang pera namin, pero puwede dagdagan natin iyong time ano ‘to, parang slot… Grabe talaga!
LEO: Pero Secretary Wanda, tutal nandiyan na si Secretary Andanar eh, ‘yan po ang Communications Secretary ng Pangulo. Puwede kang tulungan ni Secretary Andanar, ‘di ba Secretary?
SEC. TEO: Oo, ang lakas ni… typhoon ito kay Presidente eh [laughs].
SEC. ANDANAR: Of course alam mo… Alam mo itong last Cabinet meeting ay nagpresenta nga ako ng national branding, iyong papaano natin i-brand iyong buong bansa sa buong mundo. Now in-approve ito ni Presidente iyong national branding. Of course ang pinakamalaking part lang dito ng PCOO is really the Department of Tourism—
SEC. TEO: Tourism.
SEC. ANDANAR: Oo sapagka’t nasa kanila na iyong structure, etcetera so, kami ni Secretary Wanda, we would help each other. We can work together to craft the national—branding according to the branding of Department of Tourism of the Department of Finance at iba pang mga departamento. So all of us will work together para at least ma-complement iyong tourism advertising ng Department of Tourism. And I think it is very doable, Secretary Wanda.
LEO: At saka alam mo Secretary Wanda, ang PCOO kasi is a… Let’s say, sabihin ko na ha, iyong pagdating sa communication, si Secretary Andanar ay sanay diyan sa promotion-promotion. Kahit hindi mo nga sabihin na promotion pala iyon, Communications eh…
SEC. TEO: Na libre eh.
LEO: Oh ‘di ba? Kaya malaking tulong si Secretary Andanar sa iyo, sigurado iyan pagdating sa pag-promote ng Tourism.
SEC. TEO: Salamat ha.
SEC. ANDANAR: Hindi kasi nagtrabaho naman tayo, Sec. Wanda at saka matagal na kaming magkaibigan ni Sec. Wanda, wala pa kami sa gobyerno.
SEC. TEO: Oo wala pa sa gobyerno.
LEO: Correct.
SEC. ANDANAR: Pero again, iyon nga iyong the biggest project nga will be the national branding which will be—which is really an effort na kailangan lahat ng mga Cabinet Secretaries. So this is really a joint effort and once we release this sa buong Gabinete, kasama na doon iyong tourism, kasama na doon iyong sa investment at ang education and everything. This will be the first, the first branding ever of the entire countries, and lahat dito ay kasama lahat ng Cabinet Department kasama po dito. So we will work together more often but right now, of course kung anong mayroon tayo, the government infrastructure, PTV, Radyo Pilipinas, Presidential Communications, ito ay consider it Secretary Teo’s to domain also.
LEO: Secretary may tanong si Leo Malicdem. Paki-paliwanag iyong national branding?
SEC. ANDANAR: Iyong national branding kasi, iyong halimbawa iyong Australia, mayroon silang Australia unlimited. Mayroon tayo sa Africa, it’s time for Africa. Mayroon kasi tayong mga advertising sa Pilipinas na tourism centered, okay? Mayroon ding advertising na country centered. All encompassing: kasama iyong investment; kasama iyong tourism; kasama iyong education; kasama iyong culture; lahat. So ang national branding ng Pilipinas will center for the entire nation and it is the first time that the country will be branded. Okay. So ito iyong inaprubahan ni Presidente in the last Cabinet.
Now it is all encompassing because lahat ng department member dito sa branding na ito. Once we come up with one name, halimbawa sa Pilipinas, halimbawa sa Philippine is rising, then it will be the brand for everyone, for the country, it will be the brand of the President. It will be the brand of—basta lahat ng makikita mo sa Pilipinas, ito iyong magdadala ng brand natin. Pero kailangan nito ay magtrabaho iyong buong Cabinet, iyong lahat ng departments para walang maiwan.
LEO: Iyan ha, Leo. Nagtatanong si Leo eh. Well again, Secretary. Thank you for your time kahit na alam kong nasa Executive meeting ka, para po sa ikagaganda pa lalo at mga plano pa rin ng PCOO para sa lahat. Maraming-maraming salamat sa pagkakataong ito, partner.
SEC. ANDANAR: Well maraming salamat, Leo and of course I would like to personally thank Secretary Wanda Teo for spending time and going to the studio. Pag talagang para sa atin kapag bumibisita ang Kalihim, isang Kalihim sa ating studio ay karangalan po iyan—
LEO: Sobra.
SEC. ANDANAR: Sapagka’t napo-promote at napo-promote din iyong ating studio na—
LEO: Yes.
SEC. ANDANAR: Bagong bago.
LEO: Oo naman.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Secretary Wanda Teo. Salamat din sa patuloy na pagsuporta mo sa government media at PTV, Radyo Pilipinas, Philippines News Agency. Basta kami po ay nasa likod mo lang. Salamat po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)