Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Legal Counsel Salvador S. Panelo by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)

Event Radio Interview

FAILON:  Good morning, sir. Thank you for dropping by.

SEC. PANELO:  Good morning, Ted.

FAILON:  Sir, unahin ko lang po iyong POGO. ‘Di ba over the weekend, may impormasyon na kumalat na mayroon daw ginagawa ang Chinese government, hinahabol daw iyong mga nanditong mga workers po sa POGO at ang sabi nga daw po, magkakansela  po ng mga visa.

SEC. PANELO:  Mga passport.

FAILON:  I’m sorry, passport nila. Ano po ang impormasyon na nakalap po ng Malacañang?

SEC. PANELO:  Basta kami, ang posisyon sa Executive, kung may violation, we will have to enforce the law. Iyon lang. Lahat ng mga illegal entrance, we will send them back to where they came from.

FAILON:  Opo. Kapag po ba ganiyan, ano po ba ang dapat na protocol? Dapat iyong Chinese embassy will have to coordinate with DFA here, right?

SEC. PANELO:  Iyong Immigration ang dapat na tumitingin diyan kung anong mga violation mayroon ang mga Chinese nationals. So for that matter, any foreign nationals.

FAILON:  Okay, sige po.  So, sir, what’s your take, ito po may hearing ngayon in the Senate. Actually, ang binabanggit nga po ng mga Senador, hindi naman pag-uusapan mismo iyong mga bills pending but iyong concern sa usapin ng mga binabanggit ng mga franchise violation po ng ABS-CBN. What’s your take, sir?

SEC. PANELO:  Alam mo, Ted, sabi nga ni Presidente, trabaho nila iyon eh so pabayaan mo  silang magtrabaho. Under the Constitution, their work is to legislate; number two, to investigate in aid of legislation, eh di hayaan mo sila. Kung ano ang mangyari doon, let the law takes its course. Palagi iyang sinasabi ni Presidente.

FAILON:  Kumusta po si Presidente, sir? Is he in Davao now?

SEC. PANELO:  Hindi, nandito siya. Magkasama kami kagabi. Nandito siya. Basta tandaan mo, Ted, si Presidente, kung anuman ang mga nasabi niya laban sa network, iyon ay nanggagaling doon sa nangyari sa kaniya, personal na bagay iyon. Kapag sinabi niyang, “I’ll shut down,” hindi ibig sabihin literal na isa-shutdown mo. Sinasabi niya, I’ll shut down iyong mga  illegal practice ng network, iyong mga malpractice. Pagdating doon sa franchise, wala siyang pakialam doon – Kongreso iyon. Iyon lang ang gusto niyang ipaabot sa inyong lahat.

FAILON:  We will stand by your word, sir.

SEC. PANELO:  Yes.

FAILON:  Thank you for dropping by, Secretary. I mean, appreciated it.

SEC. PANELO:  Eh palagi naman tayong dumaraan dito.

FAILON:  Basta ako po, lagi kitang inaabangan sa TV Patrol, sir. Sabi ko nga kay Kabayan, “Nakita mo naman si Secretary Sal, ‘di ba walang kakupas-kupas ha.” Maayos na po ba iyong pinaayos sa inyong—

SEC. PANELO:  Almost.

FAILON:  Kaunti na lang ‘n0. Ngayon alam ko na ang paliwanag sa mga nagtatanong, bakit daw sa baba ay hindi klaro, sa taas ay klaro.

SEC. PANELO:  At saka graded ito.

FAILON:  Opo. Ako naman para sa aking katarata, automatic shutdown. Salamat, Sec, ha.

SEC. PANELO:  Yes, thank you.

 

###

Resource