SALUDAR: Secretary, magandang umaga po sa inyo. Secretary Salvador Panelo…
SEC. PANELO: Good morning.
SALUDAR: Ely Saludar po ito sa RMN-DZXL, Secretary. At unang-una po sa lahat, ano ho ang magiging opisyal po na hakbang ng ating gobyerno dito po sa nangyaring insidente na kung saan ay binangga po ng Chinese vessel ang Philippine—Filipino fishing vessel diyan po sa Recto Bank sa Palawan; at hinayaan pang ano ‘no, hindi nila ni-rescue iyong dalawampu’t dalawang crew, kaya lumilitaw talagang sinadya – ano po ang masasabi ninyo rito, Secretary?
SEC. PANELO: [choppy line] sinadya iyong pag-abandona, not concerning na sinadya iyong pagbangga, hindi pa natin alam iyon. Number two, kinondena na natin iyong ginawang pag-abandona noong nakabangga doon sa binanggang vessel natin. Number three, si Secretary Locsin ang gumagawa noon – dapat gawin niya bilang Secretary ng Foreign Affairs.
SALUDAR: Opo. Pero kasi, ang anggulo ho rito Secretary parang sinadya kasi nakaangkla po ito ‘di ba, nakahinto iyong ating fishing boat. Pero gayun man, ay—
SEC. PANELO: Huwag tayong mag-speculate, pabayaan nating imbestigahan muna.
SALUDAR: Opo. Pero iyon na po ang report ng AFP, Secretary, na kung saan iyong fishing boat daw na iyon ng Pilipino ay naka-anchored ‘no, sa Recto Bank in Palawan.
SEC. PANELO: Hindi po. Naka-anchor nga but it doesn’t mean na sinadyang binangga, hindi pa natin alam iyon.
SALUDAR: Okay. So, dito ho ay ipinauubaya na po ng Malacañang iyong aksiyon sa Foreign Affairs, ganoon po?
SEC. PANELO: We have already confirmed it. We issued a statement, kaming tatlo na ang nag-issue ng statement.
SALUDAR: Opo. Pero iyong—diplomatic protest ho ba, maghahain po tayo rito Secretary?
SEC. PANELO: Si Secretary Locsin ang gagawa niyan.
SALUDAR: Opo. So, dito ho ‘no, at siyempre hindi ho agad—dapat hindi po talaga ito, sabihin natin ay ibintang sa kabuuan ‘no sa China dahil sa maaring… iba ho ito, mga mangingisda o kung anuman ‘no, iimbestigahan. Pero puwede ho ito siguro hihingi ng tulong mismo ‘no kay President Xi o papaano ho, para ilabas po, oho…
SEC. PANELO: Hayaan muna natin si Secretary Locsin. Unang-una, pinaimbestigahan natin sa Chinese government iyong insidenteng iyon; Pangalawa, si Secretary Locsin ang gagawa ng kaukulang hakbang kaugnay diyan.
SALUDAR: Opo. Samantala Secretary, sa ibang pang issue. Iyong naghain na po ‘no ng courtesy resignation ito pong mga opisyal ng PhilHealth, tinanggap na po ba ito ng Pangulo, Secretary?
SEC. PANELO: Siyempre, dahil siya na ang nag-demand ng resignation, ‘di obviously siguradong tanggap.
SALUDAR: Tanggap na ho ito? So…
SEC. PANELO: Eh siya nga ang nag-demand ng resignation eh.
SALUDAR: Opo. So iyong kapalit ho na ano, pumayag na ho ba? Sino ba ‘yun – Dr. Cruz, iyong negosyanteng doktor sa Davao pumayag na po ito?
SEC. PANELO: Haka-haka lang iyon, haka-haka lang iyon. Wala namang—ang sabi ko nga, may narinig akong ganoon pero hindi ako sigurado kung siya iyon o whatever. Let’s just wait for the announcement kung siya nga, kung tinanggap niya o whatever.
SALUDAR: Opo. Nakuha namin kasi ‘yan kay Senator-elect Bong Go ‘no na—pero ang sabi, hindi pa naman daw pumapayag. Opo…
SEC. PANELO: O ‘di ‘antayin natin kung pumayag na.
SALUDAR: Opo. So, ito pa ang tanong ho Secretary: Dito po sa Speakership, mananatili ho bang ano—hindi po mag-eendorso ang Pangulo, kasi ngayon naglalaban-laban, nag-aaway-away ho iyong mga congressman?
SEC. PANELO: We have repeatedly said, paulit-ulit na naming sinasabi na si Presidente, hindi makikialam. Hindi iyon ang estilo ni Presidente. Hayaan mo sila mag-away-away, matira-matibay – ‘yan ang style ni Presidente.
SALUDAR: [Laughs] Okay. So Secretary, salamat po sa inyong oras ha dito po sa DZXL-RMN. Good morning po sa inyo.
SEC. PANELO: Salamat, Ely. Thank you.
SALUDAR: ‘Yan po si Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)