RECORDING START:
MERCADO: Was there any concern about his health? Bakit po siya sa bahay gumawa ng mga paperwork niya during those five days?
SEC. PANELO: You don’t have to be suffering from any ailment for you to work in the house. In fact, mayroon na nga tayong batas na pinapayagan na natin ang empleyado na magtrabaho sa bahay, ‘di ba?
MERCADO: But you must admit, Atty. Sal, it’s a little bit unusual for 5-day straight ‘no nasa bahay ang Pangulo. Hindi natin sinasabi—you know, I’ve worked for the government and I know iyon pong talagang dami ng paperwork at dami ng trabaho. Pero iyon pong stretch ng limang araw sa bahay, is there any health concern or any particular reason why he decided to work from home?
SEC. PANELO: Wala, wala ngang—walang health reason. Nag-concentrate lang siya, iyong ayaw niyang maistorbo. Kasi kung nandoon ka sa opisina mo, eh marami talagang mang-iistorbo sa iyo – maraming tatawag, maraming magtata—ganyan talaga eh.
I’m sure noong ikaw ay nagtatrabaho sa gobyerno or whatever, kahit saan, mayroong mga oras na ayaw mong iniistorbo, gusto mo naka-concentrate ka lang sa trabaho mo.
MERCADO: Okay. Marami pong salamat, Presidential Spokesperson Sal Panelo.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)