MACALMA: Nasa ating linya mga kaibigan, Presidential Spokesman Salvador Panelo. Secretary Panelo, sir, magandang umaga po sa inyo.
SEC. PANELO: Good morning, Deo.
MACALMA: Yes, sir. Secretary kayo po at si Pangulong Duterte, saan po kayo ngayong panahon ng Undas?
SEC. PANELO: Nasa Davao siya.
MACALMA: Okay, nasa Davao. Kayo po, wala sa Davao?
SEC. PANELO: Hindi, papunta na akong Bangkok. Mauuna ako sa kaniya.
MACALMA: Ah, para sa ASEAN summit.
SEC. PANELO: ASEAN.
MACALMA: Anyway Secretary Panelo, sir, aba’y nagagalit po kayo dito sa Waze. Bakit tinawag ninyong social waste ang Waze app Secretary Panelo, sir?
SEC. PANELO: Aba’y dalawang beses nangyari sa Waze eh, it’s a waste of time. Palagi akong… mali ang binibigay sa akin; mas marunong pa ako eh. Siguro sa iba, sa iba na hindi alam talaga ang daan eh pabor sa kanila, pero alam ko kasi ang mga daanan eh.
MACALMA: Siguro makakatulong ‘yan pagka hindi mo alam ang kalsada puwede mong—iyong address, puwede mong i-Waze ‘yan pero—
SEC. PANELO: Oo. Pero alam mo, marami kang alam siyempre doon sa…
MACALMA: Oo. Sabagay ako rin nabiktima rin, paikot-ikot eh [laughs]. So anong balak ninyo, magrereklamo ba kayo sa app ng Waze, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi na. Hindi ko na lang gagamitin.
MACALMA: [Laughs] Hindi mo na lang gagamitin. Anyway, Secretary isa pa ha. Ano ang reaksiyon ng Pangulong Duterte doon sa ibinibentang Halloween mask doon sa Amerika, iyon nga pong kamukha ng Pangulong Duterte? Ano ang reaksiyon ng Presidente rito?
SEC. PANELO: Hindi ko pa siya natanong, pero kung ako ang tatanungin mo, I find it amusing and it means that he has arrived; ibig sabihin kung hindi ka naman sikat, hindi naman kukunin iyong mukha mo para lang gawing mask. Eh siguro dapat bigyan nila ng royalty si Presidente doon.
MACALMA: [Laughs] Manghingi ng royalty. Sabagay—
SEC. PANELO: Kikita sila eh.
MACALMA: Oo. At saka maganda sa Pangulong Duterte, aba’y naihanay sa mga world leaders katulad ng President Vladimir Putin, si Donald Trump din, Kim Jong Un ha… mga kilalang world leaders. So ito ay maituturing ninyong parang compliment sa Pangulo, Secretary Panelo, sir?
SEC. PANELO: Ay, kung ako ‘yan ‘di matutuwa ako at tatawa lang ako siguro.
MACALMA: Oo. Kaya lang eh ang puna namin Secretary, hindi kamukha ni Presidente iyong ginawang mask. Parang mas kamukha pa si Star Trek eh [laughs].
SEC. PANELO: Hindi magaling iyong artist.
MACALMA: Oo, hindi magaling iyong artist. Sa isa pang usapin Secretary Panelo, sir, ‘ayan. May balak bang kausapin si Vice President Leni Robredo para formally i-offer na pamunuan ang kampanya laban sa illegal drugs?
SEC. PANELO: Hindi, susulatan siya.
MACALMA: Kasi parang hindi raw po siniseryoso iyong mga text at tawag po ninyo, dahil kung serious daw ang nasabing offer, aba’y dapat idinadaan ‘to sa sulat o kaya formal letter Secretary, sir.
SEC. PANELO: Ito naman si VP Leni, alam mo ‘yung text ko sa kaniya bilang kaibigan, binigyan ko lang siya ng advanced notice kumbaga. Kasi ang padala kong text sa kaniya, I don’t even know kung natanggap niya, sabi niya hindi raw natanggap. Pero nakalagay sa telepono ko, ‘delivered’. Ang nakalagay ganito, kung sa Tagalog: “O, mayroong offer si Presidente na ganito, tatanggapin mo ba?” Kumbaga eh magkaibigan naman kami, binibigyan ko lang siya ng advanced notice.
MACALMA: Hmm. So parang text ng kaibigan, hindi within government officials.
SEC. PANELO: Hindi. Dati naman kaming nagte-text eh. Pero seryoso si Presidente doon ha, seryoso siya doon.
MACALMA: Talaga?
SEC. PANELO: Eh kung marami siyang naiisip na baka effective; kasi sinasabi niya hindi effective, binibigyan siya ng pagkakataon ngayon ni Presidente. Kaya sabi ko kung ako siya, aba’y I will grab the opportunity to show my mettle as public servant – at makakatulong pa ako sa gobyerno ‘di ba.
MACALMA: At mababawasan ang load, problema ng Presidente sa matinding problema sa illegal drugs.
SEC. PANELO: Yes! Makakatulong siya. Importante iyong magtulungan tayo, hindi lang tayo magaling mag-criticize.
MACALMA: ‘Ayan… Secretary sir, kailan pipili ang Pangulo ng susunod na PNP Chief? Bakit—ang mga panawagan ng mga taga-PNP nga dapat sa lalong madaling panahon eh humirang na ang Pangulo ng permanenteng PNP Chief.
SEC. PANELO: Mayroon namang OIC eh, ‘di ba?
MACALMA: Pero iba daw kasi iyong OIC, Secretary sir, parang iyong iba nag-aalangan eh. Iyong iba eh ayaw… well, hindi naman sa ayaw sumunod pero iba daw iyong naitalaga na talaga kaysa iyong OIC lamang.
SEC. PANELO: Hindi totoo iyon eh. Tayong mga Pilipino, marami lang tayong mga reklamo. Kung sino ang boss diyan ngayon, iyon ang sundin natin, ganoon lang kasimple iyon.
MACALMA: Oo. Pero tatagal pa ba o ASAP ba mag-a-announce na ang Pangulo sa susunod na PNP Chief?
SEC. PANELO: Hindi. ‘Di ba ang sabi nga ni Presidente, “Naghahanap ako ng honest.”
MACALMA: Eh doon sa tatlo ba na nababanggit eh, hindi ba kuntento ang Pangulo doon sa mga tatlong opisyal na iyon?
SEC. PANELO: Eh baka nilalawakan niya lang iyong minahan.
MACALMA: Hmm, oo. Okay Secretary Panelo sir, anong mensahe po natin sa ating mga kababayan ngayong panahon ng Undas Secretary Panelo, sir?
SEC. PANELO: Aba’y kailangan mag-ingat tayo sa pagpunta sa mga pupuntahan natin dahil maraming tao eh. Pangalawa, kailangang mas maaga tayo para hindi tayo mahirapan.
MACALMA: Kayo ba ay lalabas ng Metro Manila o dito lamang kayo, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi, dito lang.
MACALMA: Secretary Panelo sir, maraming salamat. Magandang umaga po sa inyo.
SEC. PANELO: Salamat. Thank you.
###