Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Milky Rigonan (DZRH – Damdaming Bayan)


Event Radio Interview

RIGONAN:  Secretary, magandang umaga po.

SEC. PANELO:  Good morning.

RIGONAN:  Sir, ano po ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni-lift na kagabi ang suspension po ng operasyon ng lotto?

SEC. PANELO:  Dahil sang-ayon sa kanya inimbestigahan niya at nakita niyang walang paglabag sa batas; walang paglabag sa mga patakaran na nakalahad sa pag-operate ng lotto.

RIGONAN:  So ibig sabihin nito, Secretary Panelo, sa desisyon ng Pangulo ay tingin niya na hindi po sangkot o wala pong bahid ng anumang anomalya sa operasyon lang ng lotto?

SEC. PANELO:  Wala nga, sinabi niya nga wala.

RIGONAN:  Wala. So ang—

SEC. PANELO:  Satisfied siya, satisfied siya sa operation.

RIGONAN:  Oo. Kasi ito po ay regulated naman po ng gobyerno, hindi po ba?

SEC. PANELO:  Oomm.

RIGONAN:  Pero, Atty. Panelo, kumusta po iyon ilan pa pong mga gaming operations under PCSO, like iyong STL, ibig sabihin po ba ay matatagalan pa ang pagbabalik po ng kanilang operasyon?

SEC. PANELO:  Iniimbestigahan pa, hindi pa tapos ang imbestigasyon.

RIGONAN:  May mga panawagan din, Atty. Panelo, na isiwalat ang pangalan ng ilang mga involved, mga tiwaling opisyal ng PCSO. Ito po ba ay gagawin ni Pangulong Duterte?

SEC. PANELO:  Sinabi niya gagawin niya pag natapos na iyong imbestigasyon.

RIGONAN:  Kailan po ba ang imbestigasyon… resulta ng imbestigasyon na ipalalabas ng Malacañang, Attorney?

SEC. PANELO:  Walang oras na itinakda si Pangulong Duterte. Ang mahalaga ay ini-imbestigahan, siyempre matagal ang pag-i-imbestiga, hindi naman basta merong [unclear]… kasimple pag-i-imbestiga.

RIGONAN:  At siguro po ay gusto rin ng Pangulo na kahit matagalan, basta meron pong resulta ang gagawin pong imbestigasyon at paglilinis sa PCSO.

SEC. PANELO:  Yes.

RIGONAN:  Secretary Panelo, meron pong mga imbestigasyon din ang Senado, Blue Ribbon Committee, sa isa pong miyembro ng Gabinete si Secretary Duque, ano po ang reaction po dito ng Malacañang?

SEC. PANELO: Kagaya ng sinasabi niya, kung sino ang inaakusahan, hayaan nating magkaroon ng imbestigasyon. Pero habang wala pang resulta, the presumption of innocence under the Constitution applies to every person being accused of any wrongdoing.

RIGONAN:  So, wala pong balak ang Pangulo na pagbakasyunin ang Kalihim habang ongoing po ang mga imbestigasyon?

SEC. PANELO:  Wala.

RIGONAN:  Okay. Maraming salamat, Atty. Panelo. Magandang umaga po.

SEC. PANELO: Thank you.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource