Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Ria Tanjuatco-Trillo (CNN Philippines – Newsroom Ngayon)


SEC. PANELO:  Good morning.

TRILLO:  Ah, sagot po ng Palasyo sa pahayag ng Chinese envoy na iniimbestigahan na nila ang insidente sa Reed Bank.

SEC. PANELO:  [Recording cut]… puno’t dulo ng pagkakabangga ng Filipino vessel.

TRILLO:  Uhum. Maliban po ba sa diplomatic protest, may iba pa bang aksiyon ang gobyerno laban sa China?

SEC. PANELO:  Depende sa kanilang sasabihin sa atin, depende.

TRILLO:  Uhum. Sir, nakausap ninyo na po ba si Pangulong Duterte tungkol sa nangyari sa Reed Bank at ano po ang reaksiyon niya rito?

SEC. PANELO:  Nabasa niya iyong statements naming tatlo, so he agrees with our statements.

TRILLO:  Oo. Sabi ninyo rin po, tinawag ninyong ‘barbaric’ at ‘uncivilized’ iyong ginawa noong China; at sabi ninyo po, kung—would it require a stronger action from the Philippines kung napatunayan na sinadya po nga ng Chinese vessel.

SEC. PANELO:  Oh certainly. The President will undertake measure that is appropriate for the incident. Depende kasi ‘yan kung anong magiging response ng Chinese government sa ating diplomatic protest.

TRILLO:  Uhum. May mga experts po na nag—they were warning already na hindi malayo ang mga aksidenteng ganito ‘no, sa West Philippine Sea. Ano po sa ngayon ang puwede pong gawin ng gobyerno para protektahan ang mga mangingisda natin doon?

SEC. PANELO:  Ang sabi ko nga, kailangan dagdagan natin ang ating mga Coast Guards. Kasi sa ngayon, mukhang apat lang yata ang umiikot doon eh, kalawak ng ating dagat.

TRILLO:  Uhum. Any active actions po undertaken para madagdagan nga po ang Coast Guard natin, ang puwersa natin doon sa contested waters?

SEC. PANELO:  Sang-ayon kay Secretary Lorenzana, iyon nga ang gagawin natin.

TRILLO:  Okay. Sir, ano po ang payo natin ngayon sa mga kababayan natin, sa mga Pilipinong mangingisda doon?

SEC. PANELO:  Well, pareho ng sinasabi natin: Maging maingat sila sa kanilang ginagawang pangingisda sa lugar na iyon at ipaalam kaagad sa atin kung anuman ang unusual na nakikita nila na maaring magkaroon ng kalakaran kung saan ang kanilang kaligtasan ay malalagay sa alanganin.

TRILLO:  Uhum. Sir sabi ninyo nga, we won’t hesitate to cut a diplomatic ties with China. What would it take po para—ano po ba ang dapat na—ano po ba ang puwedeng mag-trigger nito?

SEC. PANELO:  Iyong sagot kong iyon was predicated on a question. Kasi ang tanong sa akin ng mga reporters, noong sinabi ko noon magkakaroon tayo ng diplomatic protest, ang sabi nila sa akin ay hanggang doon na lang ba sa diplomatic protest. Ang sabi ko naman depende, kung hindi tayo satisfied then iyong next level gaya ng pag-recall ng mga diplomatic personnel natin doon, kahalintulad ng ginawa natin sa Canada. Kung sa Canada ‘ika ko, ang issue lamang doon ay basura, eh siguro mas maselan ito. Kaya if you follow the action of the President, so logically tatamaan ang relasyon natin – kung hindi tayo kuntento sa kanilang paliwanag at wala silang ginawa. Kasi panawagan natin sa kanila, imbestigahan ninyo at gumawa kayo ng punitive actions against the wrongdoers.

TRILLO:  Uhum. Sir at this point po, do you think the Chinese are sincere sa sinabi nilang iimbestigahan naman nila ito or they will look into this incident?

SEC. PANELO:  Well, we give the benefit of the doubt. That was the official response of the Ambassador, so we wait.

TRILLO:  Alright, maraming salamat po. Thank you for your time, Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

###

Resource