Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Ted Failon (DZMM-Failon Ngayon)


Event Radio Interview

FAILON:  Sec. Sal, good morning po, sir.

SEC. PANELO:  Good morning, Ted.

FAILON:  Akin pong nakapanayam po si Atty. Jay Batongbacal ano po at binabanggit niya iyon daw pong pahayag ng ating Pangulo – kung tama po ang amin pong discernment ano po doon sa kanya pong sinasabi – na hayaan natin ang mga Chinese fishermen na mangisda sa ating Exclusive Economic Zone sa ngalan ng pagkakaibigan.

Ang sabi po ni Atty. Jay, when you say Exclusive Economic Zone, talaga po daw dapat exclusively for Filipinos iyang lugar na iyan to explore, to exploit our natural resources, kasama po diyan ang pangingisda. At ito daw po ay, sabi niya, hindi magandang implikasyon sa napakarami pong aspeto. Atty., please go ahead.

SEC. PANELO:  Number one, hindi pa natin alam exactly kung sila nga iyong nangingisda roon; parang wala pa, hindi factor iyan. Ang alam lang natin nandoon sila at that time, hindi natin alam kung nangingisda roon or they are just passing through that place.

Number two, sinasabi ni Presidente na even under the UNCLOS eh puwede tayong magbigay ng pribilehiyo sa mga ibang bansa na mag-fish sa lugar ng EEZ.

Number three, alam mo ang tinitingnan ko kung bakit si Presidente on the basis of his statement, kasi magkakaibigan tayo. At pag sinabi niyang magkakaibigan, tinitingnan ko ano bang naging base ng pagiging pagkakaibigan natin. Marami tayong trade relations, marami tayong negosasyon sa gobyerno ng Tsina upang paunlarin ang ating bansa. Kumbaga, meron tayong pakinabang sa kanila, baka sa punto ni Presidente eh magbigay din tayo ng konti sa kanila. Parang ganoon ang dating sa akin sa mga sinabi ni Presidente.

FAILON:  So, tatlong punto po iyong inyong binabanggit. Numero uno, just to reiterate po Atty., hindi naman tayo ika ninyo sigurado na talagang nangingisda iyong mga Chinese sa lugar na iyon.

SEC. PANELO:  Correct.

FAILON:  Opo—

SEC. PANELO:  Hindi pa, hindi pa. Kasi wala pang findings diyan.

FAILON:  Iyong pangalawa po, ika ninyo maging doon sa UNCLOS provision hindi naman… maaari mo namang payagan ano ho, tama po?

SEC. PANELO:  Yes.

FAILON:  Ang ibang mga bansa na mag-ano din ano… pakinabangan din iyong ating natural resources doon sa EEZ na ito. Okay. And then pangatlo nga po, iyong binabanggit ninyo kanina, iyon pong relasyon natin sa China ho talaga na matagal na po itong ating trading partner.

Atty., pero doon po sa mga unang reports pa ng mga Chinese poachers na sinisira po iyong mga corals po sa ilang areas po ng ating Exclusive Economic Zone at maging iyong… siguro  inyo ring napanuod, iyong mga features nga at mga dokumentaryo na pati po iyong mga taklobo ay kanila pong sinisira, Atty?

SEC. PANELO:  Yes, di ba meron na tayong mga ginawang pag-protesta doon sa pamamagitan ng ating DFA, prinotesta na natin iyon.

FAILON:  Okay. So kumbaga, nalaman po natin ito at tayo at nag-protesta to make it on record dito ho sa ginawang ito ng ilang mga Chinese poachers na ito.

SEC. PANELO:  Yes. Saka alam mo Ted, kaya tayo merong bilateral mechanism eh, para pag-usapan ang lahat ng mga isyu na bumabagabag sa ating damdamin kaugnay diyan sa South China Sea. At walang hindi mapag-uusapan doon sa mekanismong iyon.

FAILON:  Sige po sir. So ano po ang mensahe po ninyo – sa ngalan po ng ating Presidente – sa lahat po na ngayon ng mga reaksyon po sa naging pahayag ng Presidente; na ito ho sa ating text line ngayon ang sinasabi iyon pong parang pag-tolerate dito po sa Chinese na ito na panghimasukan po ang ating likas na yaman na dapat nga po ay exclusively ay para po sa Pilipino?

SEC. PANELO:  Well, ang masasabi po lang natin diyan na sila ay magtiwala sa Pangulo, sapagkat siya ay gumagalaw, lahat ng hakbangin niya ay batay sa probisyon ng Saligang Batas na bigyan ng proteksyon ang sambayanang Pilipino at pagsilbihan ito.

Lahat ng mga ginagawa po ni Presidente ay binabalanse niya iyong kapakanan ng ating bansa, ang interest, at iyon ding magiging konsekuwensiya kung tayo ay hindi rin susunod sa mga patakaran na binibigay ng batas international. Sa madali’t-sabi, he is balancing the interest of the state as well as against potential dangerous consequence na puwedeng mangyari kung tayo ay magkamali sa mga galaw natin.

But what is foremost in the mind of the President is that, hindi tayo papayag na ang ating kasarinlan o sovereignty ay yapakan – iyan eh nakakasiguro ako diyan, Ted.

FAILON:  Opo. Well said, sir. At least po amin pong nakuha ang inyong panig ano ho para po dito nga sa pinag-usapan po namin kanina, mga opinion din po at pananaw ni Atty. Jay Batongbacal sa usapan po ng ating Exclusive Economic Zone.

Atty. Sal, salamat sa panahon, sir; and we will be keeping in touch.

SEC. PANELO:  Salamat po, Ted.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

 

Resource