URI: Atty. Sal, magandang umaga po sa inyo and thanks for picking up our call.
SEC. PANELO: Eh ginising mo nga ako eh.
URI: Aba, eh talaga namang—hindi kasi kuwan, lilinawin ko lang areng statement na nasa mga pahayagan ngayon na sinabi daw po ninyo – eh sa bagay nasa briefing ako kahapon – ‘Stop whining about fare increase or fare hikes.’ Ang pagkakasabi daw ninyo ay kumbaga huwag maligalig dito sa fare increase na ito, Secretary Sal?
SEC. PANELO: Hindi, wala naman akong sinabi. Sinabi ko lang na baka naman temporary lang kako iyan. Iyon ang sinabi ko kahapon. Eh hindi ba sinabi ko dahil nga nagkakaproblema tayo sa increase ng oil and then sinabi ko rin na iyong mga presyo ngayon sa market nagbababaan … so ibig sabihin kung tumaas noon pansamantala lang, eh bumabalik tayo sa normal. ‘Di ba there are instances na itinaas noon ang presyo ng pamasahe at binababa rin after a while.
URI: Oo. Are you saying Secretary Sal na ang publiko ay—ano bang eksaktong gusto ninyong sabihin, hindi dapat magalit, hindi dapat maligalig, huwag magreklamo. Anong talagang kuwan—konteksto po dito?
SEC. PANELO: Siguro we have to accept the fact na talagang masama ang panahon, so magtiis muna tayo.
URI: Your words is ‘magtiis muna pagkat…’ Ano ito, dahil?
SEC. PANELO: Dahil nga hindi natin kontrolado ngayon iyong panahon kung saan nagtataasan ang presyo ng langis and apektado ang lahat, globally. But hopefully, that will taper down kasi history naman shows, bumababa rin naman ang presyo ng langis ‘di ba?
URI: Okay, and then iyong martial law sa Mindanao, linawin nga po ulit ninyo. Hindi ito… tama ba, hindi ito iniisip ng Palasyo ng Malacañang?
SEC. PANELO: Hindi, ang liwa-liwanag naman iyong sinabi ko kahapon. Sabi ko hindi ba, ‘it will depend on the recommendation of military.’ Kasi noong in-explain niya noong the first time, ‘di ba iyon ang kanilang rekomendasyon. Kasi sang-ayon sa kanila kailangan pa at because of the martial law doon nako-control nila iyong peace and order; at mayroon pang threat iyong mga rebeldeng terorista.
URI: Pero wala ang proposal mismo na galing sa Palasyo?
SEC. PANELO: Wala. Ina-antay siyempre ng rekomendasyon iyon, eh ang Pangulo naman—‘di ba ang sabi ko kahapon, iyang mga military nasa grounds, sila ang nakakaalam noon. They will be the ones to advice the President, kung papalawigin o ili-lift na.
URI: But the Palace is open, just in case sabihin ng militar?
SEC. PANELO: Mag-ano?
URI: But the Palace is open to martial law extension just in case irekomenda ng militar?
SEC. PANELO: Well, the President certainly will consider their recommendation but he has the final say.
URI: Okay. Lastly, Secretary Sal, sa speech ng ating Pangulo kahapon ay sinabi niya at kinumpirma niya na iyong pagkakapagpatanggal kay Speaker Pantaleon Alvarez ay operated by his daughter, Mayor Sara Duterte. Sabi niya, ‘Sara can even oust the Speaker,’ and sabi niya ay, ‘She operated from Davao.’ Anong impact nito sa sitwasyong pulitikal sa bansa? Hindi ba ito daw ay dapat eh—hindi ba daw ito gigiba at sisira sa relasyon ng Legislative at saka ng Executive?
SEC. PANELO: Hindi naman. Kasi ultimately whoever suggested the ouster, ang magde-decide pa rin ang members ng Kongreso. ‘Di ba narinig natin iyong mga bumoto, sinasabi nila they were discontented with the way it is being run. Kaya madali’t-sabi kahit pa… kahit pa and even assuming na Presidente ang magsabing tanggalin ninyo iyan eh kung ayaw naman ng mga tao doon dahil hanga sila sa liderato. Sa madali’t-sabi eh, ultimately, it’s the House of the Representatives that decided regardless of whoever initiated it.
URI: Dahil sa performance na rin ng isang Speaker?
SEC. PANELO: Iyon nga ang sinasabi ng mga nagboto laban sa kaniya, rightly or wrongly iyon ang perception.
URI: Alright. Attorney Sal, maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming tawag.
SEC. PANELO: But, teka muna may sasabihin lang ako.
URI: Yeah, please.
SEC. PANELO: Rightly or wrongly, iyan ang perception ng mga bumoto laban sa kaniya; pero as far as the administration is concerned iyong ginawa ni Speaker Alvarez eh pabor sa administrasyon, iyong mga bills na sinertify na urgent napalusot niya lahat iyon.
URI: Alright. Salamat po and good morning, Attorney Sal.
SEC. PANELO: Thank you, Henry.
URI: Salamat.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)