URI: Atty. Sal, magandang umaga po sa inyo.
SEC. PANELO: Good morning, Henry.
URI: Opo. Iyong pagpa-aaresto kay Jimmy Guban, na ngayon ay nakaditine dahil sa kasong contempt naman sa Senado, maaari na po bang gawin ito ng PNP sa utos ng Pangulo immediately?
SEC. PANELO: Alam mo depende iyan eh. Kung meron siyang pending warrant of arrest; kung meron siyang kaso at merong dating pending warrant puwede na. Kung wala naman, ang ibig lang sabihin ni Presidente, pinakita niya lang na buwisit siya sa mga ganoong klaseng tao. Ibig sabihin noon ay pinapakuha niya iyon para dalhin sa NBI, para imbestigahan.
URI: Ayon, malinaw, para imbestigahan. Hindi naman ito ay para i-shoot agad sa kulungan without due process.
SEC. PANELO: Hindi naman, hindi naman.
URI: So malinaw iyan, pinapakuha sa pulis para dalhin… kasi iyon na nga ang sabi eh, kunin at arestuhin at dalhin sa NBI.
SEC. PANELO: Yes, saka baka merong warrant. Kaya nga si General Albayalde titingnan kung merong pending case.
URI: Iyong pag-amin po ni General Lapeña na talagang nalusutan sila ng smuggled na shabu, ano ang reaksyon naman dito ho ng Pangulo?
SEC. PANELO: Wala pa. Kasi kagabi niya lang iyan—kagabi ko rin narinig iyan sa TV. Pero sinabi niya I am inclined to believe now, kasi dahil sa mga sirkumstansiya na nakikita niyang baka nga meron. Pero hindi ba gaya ng sinabi ko din noon, ganundin ang naging pananalita ni Pangulong Duterte, na sabi ko assuming na totoo iyon na nakalusot, eh wag na kayong magturuan at gawin n’yo na, di ba. Eh kung iyon ang talagang paniniwala mo eh, ‘di you have to do something para makuha mo, matutok mo, makuha mo na iyong mga shabung iyon.
URI: At kung sino man po ang nasa likod nitong si Guban, nitong si Acierto at noong pagpapalusot ng shabu sa Bureau of Customs, ano ang gagawin diyan ng Palasyo, hahanapin ba kung sino talaga ang nuno nitong… utak nitong pagpapasok ng shabu?
SEC. PANELO: Di ba pinaiimbestigahan na nga ni Presidente para malaman niya.
URI: Hindi ba titigil ang Palasyo hangga’t hindi nahahanap ito, Secretary Sal?
SEC. PANELO: Definitely. Kagabi hindi ba sabi niya sa speech niya ay talagang grabe ang korapsyon.
URI: Saka kahapon po, Secretary Sal, habang kami nga po—tayo pare-pareho nasa Malacañang, talagang pinaulanan na naman ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga international human rights advocate, galit na galit na naman siya. Bakit talagang hindi matapos-tapos ang pagmumura niya sa mga ito?
SEC. PANELO: Bakit naman hindi, kahit siguro sino eh, hindi pa nga nag-iimbestiga meron na silang findings. Talagang itong mga ito masyadong nakikialam sa kasarinlan ng bansa, ng ibang bansa.
Alam mo pinapakinggan ko kahapon iyong—interview sa isang istasyon ng telebisyon iyong… I don’t know kung si (unclear) ng IPU o kung sino man siya. Sinasabi niya na pinaimbestigahan daw nila si De Lima, dahil may nagreklamo nga at narinig daw nila iyong dalawang panig ni De Lima at saka ng gobyerno. Sabi ko nga doon sa isang anchor eh, sabi ko, kausap ko naman si—o hindi kausap kung hindi—iyong dalawang Secretary of Justice, iyong dati at iyong ngayon, hindi naman sila kinausap, hindi rin ako nakausap, wala naman kaming tinatanggap na komunikasyon, paano nila nalaman iyong side ng gobyerno.
URI: So, ibig sabihin, hindi totoo, nagsisinungaling sila doon sa sinasabi nila—
SEC. PANELO: Definitely. Kasi ang sinabi lang—ang alam ko nagpunta sila rito, kinausap si De Lima, pagkatapos gumawa na kaagad sila ng findings na merong violation of due process. Paano magkaroon ng violation eh, meron ngang imbestigation sa Senado, sa DOJ, nag release ng finding and court na may probable cause, tapos binibistahan. Binibistahan, tapos sabihin nila may violation, binibistahan pa lang nga eh.
URI: Secretary Sal, I’ll see you later at our press briefing. Get well soon, mukhang hindi pa okay ang boses ninyo. Salamat po ng marami sa inyo.
SEC. PANELO: Salamat, Henry.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)