SANTOS: Sec. Harry, how are you, sir? Good afternoon!
SEC. ROQUE: Masayang-masaya po at magandang hapon sa inyong lahat! Ang buong Pilipinas po ay nagdiriwang dahil patapos na po itong pandemyang ito sa pagdating ng kauna-unahang bakuna dito sa ating bayan. Bagamat ito po ay 600,000 lamang, good for 300,000 people, at least nagsimula na po tayo at tuluy-tuloy na po ito matapos tayong magsimula.
SANTOS: Oo, Sec. Kanina noong marinig ninyo ang makina nitong eroplano na ito, anong nangyari doon sa loob?
SEC. ROQUE: Naku! Talagang nagulantang na kami ano dahil excited kami lahat ‘no! First time na ang pagdating ng eroplano eh pinanood namin kasi ang laman po ng eroplanong iyan ay pag-asa na makakabalik na tayo sa ating mga buhay dahil nga po sa bakuna. Iyan po, ang eroplanong iyan ay hindi lang eroplano ngayon, iyan po ay pag-asa at iyan po ang liwanag sa napakadilim na paglalakbay natin—
SANTOS: Iyong yugto ng buhay.
SEC. ROQUE: Yugto ng ating kasaysayan. Halos isang taon na po noong tayo po ay nag-lockdown. Marso po iyon at ngayon po there is light at the end of the tunnel. That is the light po, ang tawag po diyan bakuna.
SANTOS: Alam ninyo, Pareng Erwi at Usec. Rocky, habang kami ay nagkukuwentuhan dito bago kami pumasok ay may nai-share po si Secretary Roque sa akin. Puwede ba nating i-share sa ating mga kababayan?
SEC. ROQUE: Oo.
SANTOS: Ito po iyong ano?
SEC. ROQUE: Ito po iyong larawan kung ano iyong parating ngayon ‘no.
SANTOS: Iyong larawan po, ipakita natin lapit ka rito sa camera.
SEC. ROQUE: Ito po iyong darating na 600,000 ‘no.
SANTOS: Ito na po iyong isinakay po diyan sa eroplano na iyan. Nakikita ba ninyo? Pareng Erwin, nakikita ninyo na? Usec. Rocky huh?
USEC. IGNACIO: Oo.
SANTOS: Ito po ay nai-share ni Secretary Roque sa atin. Ito po iyong laman, ito po iyong makikita rin po natin. Okay, Sec., now na dumating na po ito, kailan tayo magsisimula?
SEC. ROQUE: Ewan ko if I’m at liberty to say, pero anyway, ang press briefing ko bukas naman sa PGH ‘no, at diyan na po talaga pormal na magsisimula. Marami rin tayong mga ospital na pagsisimulan pero doon ako sa PGH at may mga ilang doktor na magpapabakuna na. Mayroong mga ilan sa kanila na isasapubliko ang pagbabakuna pero karamihan talaga gusto nila gawin sa pribado ‘no.
Pero importante po iyan kasi alam natin na sa pag-aaral the way to build vaccine confidence is magpakita ang mga health providers, mga medical frontliners na sila ang unang nagpapabakuna ‘no. At siyempre, talagang importante iyong panimula. Naiintindihan natin, naantala nang kaunti pero kapag nagsimula na inaasahan natin dire-diretso na iyan at inaasahan natin sa taong ito eh makakamit natin iyong fifty to seventy million na ating goal na mabakunahan nang sa ganoon magkaroon na tayo ng herd immunity at balik-buhay na tayong lahat dito sa Pilipinas.
SANTOS: Secretary, initially, I’m sure nag-usap kayo ni Ambassador Xilian, ano pong mga message po niya sa atin po?
SEC. ROQUE: Well, magsasalita naman siya ‘no, so, hindi ko na siya pangungunahan ‘no. Pero ang importante rin nating ipakita iyong ating pasasalamat at utang na loob sa ating mga kapatid na Tsino na sa pinakamadilim na yugto ng ating kasaysayan eh nakapagbigay-tulong naman po ang Tsina ‘no. At alam ninyo po, mahigit isanlibong taon na ang ating pagkakaibigan, so ito po ay patunay na ang ating patuloy na pagkakaibigan sa parte ng Pilipinas at ng bansang Tsina.
SANTOS: Ito po, Secretary Roque, makikita ninyo si Ambassador Xilian with Secretary Locsin and Secretary Lorenzana.
SEC. ROQUE: Opo, and Secretary Lorenzana. Importante po ang mensahe niyan, na talagang ang pagkakaibigan ng dalawang bansa nagresulta sa pagdating ng kauna-unahang bakuna para sa mga Filipino.
SANTOS: Oho. At Secretary, iyon nga isa rin po sa mga tanong dito, dahil nga napakaganda nitong ginawa pong manifestation of support ng China sa atin, in a long run ano pa ba, mas lalalim pa ba ang relationship with the Philippines and China?
SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko po ‘no, itong nakapagbigay sila ng tulong sa panahon na wala talaga tayong makuhang mga bakuna ano dahil nag-uunahan na iyong mga mayayamang bansa at na-corner nila ang supply, ito talaga ang basehan para lalo pa nating paigtingin ang ating pagkakaibigan.
Alam mo, tayong mga Filipino mayroon tayong kasabihan, “Makipag-away ka na sa pamilya, huwag lang sa kapitbahay” ‘no, at siyempre dahil karatig-bansa natin ang Tsina, sila iyong ating kapitbahay at ito ay patunay na ang patuloy na pagkakaibigan at hudyat para lalo pang mapaigting at mapalalim ang ating malapit nang samahan.
SANTOS: Okay. Secretary, ito na. May mga naka-PPEs, siguro ito na iyong magche-check siguro ng laman, Sec., ‘no?
SEC. ROQUE: Inaasahan ko na iyong mga nakasakay diyan eh sila iyong magsu-supervise din ng pag-u-unload noong ating cargo na ipinakita na natin ‘no. At ang nakikita natin ngayon kasama ni Ambassador Xi iyong kaniyang staff, Ambassador ng China ay si Mr. Xilian ‘no. Actually, si Mr. Xilian parang siya talaga iyong in charge sa mga bakuna at lahat noong ating komunikasyon pagdating sa bakuna eh siya iyong ating kinakausap ‘no.
Alam mo, maganda ring symbolism ito dahil military aircraft ang nag-landing dito ‘no. Alam mo ang military aircraft normally iyan ginagamit kapag mayroong away, kung mayroong giyera pero itong military aircraft eh nagdadala nga ng pag-asa na bakuna natin ‘no. So, maganda po iyong symbolism na itong pandigmang eroplanong ito ay ginagamit para mag-deliver ng solusyon sa problema ng pandemya sa ating bayan.
SANTOS: At Secretary, pagdating ng atin pong Pangulong Duterte ay lalapit ho ba siya sa eroplano o ilalapit po ang mga bakuna ho dito sa kaniya?
SEC. ROQUE: Ilalapit naman po. Magkakaroon po tayo ng inspeksiyon nang malapitan dito sa bakuna bago tayo magkaroon ng pormal na seremonya dito sa kalayaan sa Kalayaan Hall.
SANTOS: Secretary, baka mayroon kang sasabihin sa ating mga kababayan lalung-lalo na iyong mga tao pang nag-aalinlangan pang magpabakuna?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, uulitin ko lang po iyong sinasabi ng mga eksperto. Kung ayaw ninyong makinig sa Filipino, makinig kayo sa Amerika, eksperto si Dr. Fauci. Ang pinakamagaling na bakuna ay iyong bakuna na naririyan na at pupuwedeng gamitin. Huwag na po tayong maghintay, kung mayroon pa tayong inaasahan na mas magaling dahil ang sabi po talaga ng mga Amerikano na huh, kung ayaw ninyong makinig kay Dra. Bravo, kung ayaw ninyong makinig kay Dr. Salvaña na pare-pareho ang sinasabi na ang pinakamabuting bakuna ay iyong naririyan na, pakinggan ninyo si Dr. Fauci, pareho po sila nang sinasabi. Huwag na po kayong maghintay dahil sa panahon na nandiyan na iyong mga bagong variant na mas nakakahawa eh baka hindi pa tayo umabot.
Uulitin ko po huh, iyong 50% na efficacy ay ito po ay doon sa clinical studies na ginawa lang sa mga medical frontliners. Pero noong ginamit po iyan sa mga ordinaryong mga mamamayan, 91% din po iyan at iyong 50% na iyon ang ibig sabihin iyong mga kalahating posibleng magkasakit, iyan po ay mild, ay asymptomatic, hindi na kinakailangan pang pumunta pa ng doktor pero 100% wala na pong maho-hospital.
So, itong bakunang pong ito epektibo dahil wala naman pong bakuna na makakapagsabi na 100% sure na hindi ka na mahahawaan pero ang importante 100% sure na hindi malala, hindi seryoso, at hindi makamamatay iyong sakit kung ikaw ay tamaan man lang. Kaya mga Filipino, tayo na po, bakuna na tayo.
SANTOS: Secretary, mukhang may tanong yata ang ating kasamahang si Pareng Erwin Tulfo. Pareng Erwin, go ahead.
TULFO: Pareng Alex, itatanong ko lamang kay Sec—
SEC. ROQUE: Hindi ko naririnig si Erwin. Sandali lang, sandali lang Pareng Erwin. Pareng Erwin, go ahead, Pareng Erwin.
TULFO: Secretary, I’m sure hindi po ito ang huli na bakuna na Sinovac from China, pero ang tanong ho ng karamihan, ito po ay donasyon. Iyong mga susunod po bang darating ay bibilhin na po natin, tama?
SEC. ROQUE: Well, mayroon po tayong inorder na 25 million na Sinovac galing po sa bansang Tsina at iyan naman po ay inaasahan natin na darating unti-unti. Ang inaasahan po natin Marso hanggang Mayo tig-one million ang ide-deliver nila buwan-buwan. Pagkatapos po ng Hunyo hanggang ma-deliver na lahat ng 25 million eh tag-two million a month po ang kanilang ide-deliver.
TULFO: Ano ho ang target, Secretary, na mabakunahan at least 75% ng population dahil iyong sinasabing herd immunity? Kailan ho ito? Hanggang next year po ba, 2022, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, ang ating objective po, ang ating goal ay mabakunahan ang fifty to seventy million Filipino ngayong taong 2021. At kung ang twenty-five million naman po ng Sinovac ay makakarating eh mukha naman pong makakamit natin iyang goal na iyan dahil mayroon pa rin tayong hinihintay na seventeen million galing sa AstraZeneca at iyong pinakamalaking order natin, forty million po ‘no, galing sa Novavax na gagawin po ng Serum Institute of India ‘no.
So, inaasahan po natin na sapat-sapat ang magiging supply natin, depende na rin nga po iyan sa: Number one, iyong willingness ng ating mga kababayan na magpabakuna. Pero ako ay naniniwala naman po ‘no, sang-ayon sa mga pag-aaral, ang gusto lang ng Filipino makakita ng kanilang kaibigan at kapitbahay mauna at sila naman po, 77% ay handang magpabakuna, gusto lang nilang may mga mauna. At importante nga po na bukas eh makikita natin ilang mga medical frontliners eh magpapauna na sa pagbabakuna.
TULFO: All right. Maraming salamat po, Secretary Harry Roque, sir. Good afternoon!
SEC. ROQUE: Good afternoon, Pareng Erwin.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center