Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Alex Santos and Vic Lima (DWIZ – Lima and Santos sa 882-DWIZ)


Event Media Interview

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Alex at Vic. At magandang umaga, Pilipinas.

Q: Okay. Unang-una po siguro, Secretary, tomorrow, October 16, ay mukhang mayroon hong sinabi ang House of Representatives – they are setting to approve the budget. Ano po ang pakiramdam ho ng Malacañang dito, sir?

SEC. ROQUE: Well, kumpiyansa naman po ang Malacañang na matatapos po iyong third and final reading ng budget sa Kamara dahil nga po nagpapasalamat kami na naisantabi nga po ang pulitika diyan sa Kamara. At naniniwala po kami na dahil dito ay mapapasa naman po ang ating anti-COVID-19 budget sa lalong mabilis na panahon at hindi po tayo magkakaroon ng re-enacted budget.

Q: Okay. So, with that, natapos na po iyong mga intramurals naman po sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Pero ang umuusbong daw ho, Secretary, baka daw ho may emergence of a new minority and opposition. Kinababahala ho ba iyan ng Malacañang?

SEC. ROQUE: Hindi po, dahil iyan naman po talaga ay decision din ng Mababang Kapulungan. At ang naiintindihan ko naman po noong nagpulong po si dating Speaker Alan Cayetano at si Speaker Velasco sa Malacañang noong kahuli-hulihang pagkakataon ay pareho naman po sila na nangako sa Presidente na magiging isang super majority pa rin sila sa Mababang Kapulungan para  nga po tulungan ang administrasyon sa kanilang legislative agenda.

Q: Ayon, buo pa rin ha, buo pa rin ang coalition ng majority ho diyan, sir.

SEC. ROQUE: Opo, buung-buo pa rin po.

Q: Iyon bang … I do not know ‘no kung … iyong nag-FB live si Speaker Cayetano dati, iyon ba ay tinanggap ng Pangulo iyong resignation niya or it’s for Congress only?

SEC. ROQUE: That’s for Congress only po kasi separate branch of government naman po ang lehislatibo. Pero tingin ko po ay iyan ang naghudyat para matapos nga po iyong agawan sa puwesto dahil with the former Senator Alan resigning irrevocably from the Speakership, nagkaroon po ng bakante at napadali po ang proseso ng ratification ng paghalal kay Speaker Velasco.

Q: Pero iyong kaniya pong pag-sorry sa Pangulong Duterte, was that accepted by the Chief Executive?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po, opo, kasi para nga pong ama si Presidente noong pagpupulong na iyon.

Q: Okay na iyong Speakership, bakuna ho tayo. Mukhang may pera na ho ang Presidente para sa bakuna, Sec?

SEC. ROQUE: Well, dati pa po iyan ‘no dahil hindi naman po natin inasa sa iba iyang pagbakuna na iyan. At tayo naman po ay gumawa ng paraan para ma-finance iyong pagbibili ng bakuna, ang magbabayad po muna ay Landbank at saka ang DBP. At inaasahan po natin  na makakabili tayo ng 40 million doses para sa 20 million na pinakamahihirap ng ating bayan at saka iyong ating mga men in uniform – sa kapulisan at saka sa buong sandatahan – at siyempre po iyong ating mga frontliners.

Q: Baka ang inaasahan po ng taumbayan na sabi po ng Pangulo ay iyong hundred plus million na Filipinos ay makikinabang ho dito sa bakuna. Hindi ho ba ito libre sa lahat, sir?

SEC. ROQUE: Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may-kaya naman po ay makakabili rin ‘no. So iyong ating mga hakbang na ginagawa ay para nga po mag-angkat hindi lang para sa pinakamahirap, kung hindi para sa lahat.

Q: Pero hindi ho ba tayo hihingi pa ho sa Kongreso for additional funds for this, Secretary?

Q: Para mabigyan lahat.

SEC. ROQUE: Oo, humingi rin po tayo ‘no kasi naman ang ating ginawa ay kapag lumabas na, dapat may pera. Kasi kung hindi naman gumawa ng paraan ang Presidente, kung ngayong tao ay pupuwede nang bumili at wala pang budget for 2021, eh di hindi tayo makakabili at wala namang ganiyang budget po doon sa current budget ng 2020. So kumbaga, laging handa po tayo ‘no.

Kung sumipa na po ang 2021 budget, kukunin po natin doon; hindi na kinakailangang mangutang sa bangko ‘no. Pero kung sumipa po ngayon na mayroon ng vaccine ngayong taong ito, handa rin po tayong bumili.

Q: Ito pang tungkol sa bakuna pa rin, Pareng Vic. Secretary, may sinasabi po na Russia will be ano daw, trying to build a pharma facility here in our country. Iyan po ba ay swak po sa atin pong Saligang Batas?

SEC. ROQUE: Well, kinakailangan po silang sumunod doon sa requirement ng ating Saligang Batas na 60-40 pa rin po ang manufacturing ‘no. Pero sa tingin ko naman, walang problema iyan kasi ang talagang kinakailangan po ng Russia ay iyong local partner na magma-manufacture hindi lang para sa Pilipinas kung hindi sa buong Southeast Asia.

Q: Pharmaceutical firm po ito ‘no?

SEC. ROQUE: Opo, opo.

Q: I mean, I was thinking kasi na baka magtatayo rito pero ang gagawin lang nila ay puro bakuna para sa COVID for maybe Southeast Asia, East Asia. Hindi, talagang pharmaceutical?

SEC. ROQUE: Tingin ko po ang pinakamadaling paraan dito ay makipag-partner sila sa isang pharmaceutical na mayroon nang kakayahan para gumawa ng bakuna. Ang ibibigay lang po nila talaga ay iyong patent nila at saka siguro iyong proseso ‘no at ilang mga makina.

Q: Pero papayagan naman siguro iyan, Secretary, dahil nga nasa national emergency tayo ‘di ba?

SEC. ROQUE: Pinapayagan naman po. Napakadaming mga pharmaceuticals sa Pilipinas po talaga na mga dayuhan – lahat po sila ay nagma-manufacture na rin dito, hindi lang nagma-market ‘no. Pero marami rin po tayong malalaking Filipino pharmaceutical companies.

Q: Isa pa pala, tinutulak ninyo na rin ho na mabigyan na ng prangkisa itong JoyRide at Angkas ‘di  ba para matapos na?

SEC. ROQUE: Opo. Ako po ay naninindigan nga na bagama’t binato uli ng IATF sa Kongreso iyan na sa pamamagitan ng pag-iisyu ng panibagong congressional resolution ay tingin ko naman po, kapag national emergency na kagaya nito ay pupuwede namang ma-authorize na iyang ganiyang angkas lalo na ang ekonomiya natin sa Metro Manila ay bukas nang 50% pero 30% nga lang po ang ating transportasyon ‘no.

So pinag-aaralan din po iyong emergency powers ng Presidente. Bagama’t ang pagkakaintindi ko naman, handa naman po ang Kongreso, iyong Committee on Transportation, na mag-isyu ng resolution para nga po matuloy iyong pilot study na naging dahilan kaya nakapag-operate initially itong ang Angkas at saka JoyRide.

Q: So kailangan lang madaliin lang ito ng Kamara.

Q: Kasi nga hirap na hirap po iyong mga frontliners natin eh. Kapag bumibiyahe ako, nakikita ko talagang wala hong masakyan eh. Wala talaga eh.

SEC. ROQUE: Talaga naman po mula noong sila ay nag-pilot study ng Angkas at JoyRide, halos lahat po talaga ng ating mga mananakay ay sumakay na diyan sa Angkas.

Q: Secretary, isa pa ho sa aming gustong malaman sa parte po ng Malacañang, ang sabi po ng Department of Justice ay mukhang okay na daw ho ang implementing rules and regulations ng Anti-Terrorism Law. Mukhang malapit sa kalooban po ito ng ating Pangulong Duterte, na ito po ang hinihintay ho niya ‘di ba, Secretary?

SEC. ROQUE: Opo. Bagama’t nilinaw natin na hindi naman kinakailangan ng implementing rules para mapatupad ang batas, pero mas malinaw po kung mayroong implementing rules. Pero dahil nga po sa implementing rules, pagpapatupad lang po ng batas iyan, wala pong bago na pinapasok sa implementing rules. Pero iyan po ay makakatulong para sa mas mahusay na pagpapatupad ng batas na iyan.

Q: Oho, dahil marami pa ring kumukontra pa rin dito eh, Secretary.

SEC. ROQUE: Opo, opo. Well, anyway, lahat naman po ng mga saloobin ng mga mamamayan ay nakabinbin na rin ngayon sa Korte Suprema. At sa ngayon po ay wala naman pong TRO naiisyu sa Korte Suprema sa pagpapatupad ng batas.

Q: Lastly, Secretary, galit na galit ho kayo rito oh, “Shut up, UP experts!”

SEC. ROQUE: Ay, hindi ko sinabing ‘shut up’. Ang sinabi ko lang po, oo, winelcome po natin sa kanila iyong kanilang mga inputs, ako pa nga ho ang naging instrumental para makarating sa Malacañang ang grupong iyan. Pero ang sinasabi ko po ay iyong mga rekomendasyon kasi, ang rekomendasyon na iyan ay para sa mga classifications; eh ang classification, ang nagdidesisyon ay si Presidente. So kung ikaw ay nais mong magbigay ng recommendation na tanging Presidente lamang ang magpapatupad, bakit hindi mo idiretso sa Presidente; bakit dapat idadaan sa publiko?

‘Di ba po, simple lang naman po iyon, pero lahat po ng mga research nila, uulitin ko po, naging instrumental ako sa pagpapapunta nila sa Malacañang, iyong mga panahon na wala namang nakikinig sa kanila. Pero ako ay naniniwala ako talaga sa kanila, dahil importante na makipagtulungan ang lahat para dito sa pandemyang ito.

Pero pagdating nga po doon sa rekomendasyon, iyon nga lang po ‘no, kasi kung mapapansin ninyo ang IATF ay magri-recommend sa Presidente, hindi po namin dini-discuss; ang mga Metro Manila mayors ay magri-recommend sa IATF, hindi rin dini-discuss, kasi nga ayaw nating pangunahan iyong desisyon ng Presidente. So hindi ko po maintindihan kung ano talaga iyong layunin nila. Kung ang layunin nila ay makatulong sa Presidente, iparating po nila sa Presidente ang rekomendasyon at hindi na po dapat ipangalandakan sa publiko. Bagama’t welcome po iyong ginagawa nilang information campaign, kung ano talaga ang estado ng COVID-19 sa ating bayan.

Q: Idaan sa proper channel ‘di ba. All right, Sec., Pareng Alex, thank you ho—

Q: Lastly ho, wala bang anunsiyo ang Pangulong Duterte sa mga susunod na mga araw?

SEC. ROQUE: Wala pa po kasi ang ating classification ay end of the month naman po, pero magsisimula na po iyong discussion sa IATF. At napakahabang proseso po iyan, iyon nga po ang ini-explain ko rin ‘no na hindi lang po iyan epidemiologists, hindi lang iyan statisticians, hindi lang iyan mathematicians, hindi lang iyan doctor, mayroon din tayong mga health economics ‘no. So lahat nga po ay ginagamit ang whole nation approach para magbigay ng rekomendasyon sa Presidente. Welcome naman po ang inputs ng lahat pero ganoon po kaselan talaga iyong issue ng classification.

Q: Okay. Sige po. Sec., thank you so much, sir. Ingat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga po.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)