ANGELO: Secretary, good morning.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Angelo; at magandang umaga sa lahat ng nanunuod at nakikinig sa atin ngayon.
ANGELO: Sabi po ng Ombudsman eh, ‘teka muna, based on merit naman iyong aking desisyon.’ Eh kaya lang 6 months lang pala ang parusa noon, Secretary, dito sa kaso ng pagkaka-involve ng dating Pangulong Aquino at dating Secretary Butch Abad sa DAP dahil sa usurpation of legislative power?
SEC. ROQUE: Ibig sabihin po iyan, dahil ang parusa ay anim na buwan lang, puwedeng walang kulong dahil meron po tayong tinatawang na probation. Lahat po ng merong parusa na 6 months and one day at mas mababa, pupuwedeng hindi na makukulong. Kaya nga sinasabi ko, bilyung-bilyong piso na inamin naman nila na ginastos nila hindi sang-ayon sa national budget. Kung hindi man ito napunta sa bulsa nila, nakinabang pa rin sila dahil pinambili nila ng boto para ma-impeach si Corona at para makakuha ng alyado sa Kamara. Hindi ba konsiderasyon na rin iyan? Ang konsiderasyon naman, hindi ibig sabihin na ipupunta sa bulsa po, ikaw ang gagamit. Pero basta ika’y nagkaroon ng benepisyo, iyan ay konsiderasyon na rin.
ANGELO: Sec, ano ang option ngayon?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko po puwede pa namang maghain ng motion for reconsideration—well, hindi na po pala dahil ito ay tapos na, ito ay motion for reconsideration nga; iyong nauna ngang desisyon ng Ombudsman binabasura ang kaso. Kaya nga sinasabi niya, anong sinasabing merito, merito ito, eh nung una nga binasura iyan.
At saka ang tanong ko, bakit naman napakatagal? Ako po ang nagdala niyan sa Korte Suprema eh, iyong DAP. ‘Di ba po, ang aking kliyente eh si Belgica. Aba’y ngayon bagong tanong ko: bakit 2014 pa nagkaroon ng desisyon ang Korte Suprema, malinaw na malinaw pa sa sikat ang araw ang desisyon ng Korte Suprema unconstitutional. 2018 na naisampa iyan na hinabol pagkatapos na binabato ng kritisismo ang Ombudsman na selective prosecution, hindi kinakasuhan ang dating administrasyon.
So sa akin po, bagama’t agreed, may mensahe na ang mga pinakamatataas na opisyales ay eventually nahahabol ng katarungan, eh dapat naman iyong totoong katarungan at iyong karapat-dapat na parusa kung mapapatunayan ang dapat ipataw doon sa mga ganitong mga krimen.
ANGELO: So, ano ang option, what is left para ho sa mga naghahabol dito ho sa usaping ito?
SEC. ROQUE: Wala naman pong double jeopardy iyon, antayin natin iyong Ombudsman na itatalaga ni Presidente Rodrigo Roa-Duterte.
ANGELO: Ah hindi siya papasok, eh paraho hong mga ebidensyang ipapasok?
SEC. ROQUE: Eh wala pa naman pong hukuman ito, ang dismissal naman po at saka pagsasampa ay Ombudsman lang. Meron pong double jeopardy pag nakahain na sa hukuman.
ANGELO: Hindi, paano kung halimbawa biglang sinabi niya, sige magpailalim ka na sa Sandiganbayan, magpa-arraign ka na?
SEC. ROQUE: Well, okay lang po iyon, kasi pupuwede namang magkaroon ng dalawang kaso – isang usurpation, isang malversation. Wala pong inconsistency ang dalawang iyan.
ANGELO: Ah, even with the same evidence?
SEC. ROQUE: Opo, even with the same evidence puwede po. Kasi ang elemento naman ng malversation ay isa po sa elemento ng usurpation.
ANGELO: Pero iyon din po iyong pinayl ninyo, iyong naunang kaso malversation?
SEC. ROQUE: Malversation po iyong una ‘no, pero habang hindi naman po nadi-dismiss iyan ng hukuman ay pupuwede pa po iyang mai-file muli sa Sandiganbayan.
ANGELO: Ang option – kasi nga magre-retiro naman na si Ombudsman Morales – hintayin n’yo na lamang.
SEC. ROQUE: Antayin na lang po ang bagong Ombudsman, kasi after all, araw na lang ang binibilang ‘no bago magkaroon ng bagong Ombudsman.
ANGELO: Meron na ho bang napipisil ang Presidente?
SEC. ROQUE: Wala pa po, hindi pa namin pinag-uusapan iyan at saka wala pa pong binibigay sa kanyang shortlist ang Judicial and Bar Council.
ANGELO: Sec, maraming salamat ha. Magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Angelo.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)