Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Arnold Clavio and Ali Sotto – Double a sa Double B, DZBB


CLAVIO:  Good morning sa iyo at good morning si Ali rin sa iyo.

SOTTO:  Magandang umaga po, Secretary.

SEC. ROQUE:  Good morning Igan, take two na tayo; good morning Ali.

CLAVIO:  Hindi ko naman sinabi kay Ali na isusumbong mo ako sa kaniya, kaya okay lang.

SOTTO:  Secretary, ito na nga pumutok na itong diumano nagkaroon ng zoom meeting na naging bull session dahil nagkaroon ng shouting match ano. Were you there, isa po ba kayo sa kasama doon sa zoom meeting. What are you at liberty to divulge; ano ang maaari ninyong sabihin sa amin?

SEC. ROQUE:  Ang makukumpirma ko lang ay mayroon pong nagaganap na imbestigasyon ngayon na pinangungunahan ni Secretary Quitain ng Office Presidential Assistant, siya po iyong pumalit sa puwesto ni Senator Bong Go, at ang imbestigasyon ay nakatutok sa IT system na diumano ay gustong bilhin ng management ng PhilHealth worth mahigit 2 billion na tinutulan ng mga pribadong mga Board of Directors.

So, iyon lang po ang makukumpirma ko ay nakukumpirma ko rin naman po sa dati pang aking adbokasiya, dahil nga ang tagumpay po ng Universal Healthcare ay nakasalalay sa PhilHealth, makukumpirma ko na maraming mga reklamo na may korapsyon diyan.

Pero ngayon nga po nag-i-imbestiga na si Secretary Quitain at hinihimok ko po lahat ng mayroong mga impormasyon na ipagbigay-alam po kay Secretary Quitain ang kanilang mga nalalaman at kung pupuwede magbigay sila ng ebidensiya nang sa once and for all eh, ma-address-an na itong isyu ng korapsyon sa PhilHealth

SOTTO:  So bago sa pandinig ng ating mga manunuod at mga nakikinig po itong information   technology, IT naman ang pag-uusapan at kanina nga nag-report si Senate reporter Nimfa Ravelo namin na si Senator Ping Lacson nga daw po ay magpapatawag na po ng imbestigasyon sa Senado dahil nga sa pagputok nga nitong sunud-sunod po na supposed to, diumano ay resignations, definitely po si Atty. Thorsson Montes Keith ang supposed to be ay siya ay legal officer ano po.

SEC. ROQUE:  Fraud investigator po siya.

SOTTO:  Anti-Fraud Legal Officer.

SEC. ROQUE:  Yes.

SOTTO:  Ang sabi ni kanina ni General Dick Morales, wala daw ganoong posisyon.

CLAVIO:  Sabi ni General Morales, wala daw ganoong item sa PhilHealth?

SEC. ROQUE:  Okay. Pero ang pagkakaintindi ko po, siya mismo ang nagpadala diyan kay Atty. Keith—

CLAVIO:  Ay dineny din po kanina. Kasi nabanggit nga kita sabi ko, kaya nandoon kasi pareho silang PMAer sabi mo sa akin, Secretary. Pero sabi niya hindi nga qualified daw si Atty. Thorrson, kasi ang nagdala daw diyan iyong isa Ali, iyong binabanggit ko na nag-leave muna para mag-aral—

SOTTO:  Si Val Laborte.

CLAVIO:  Iyan daw po ang nagdala kay Atty.

SOTTO:  Magpa-PhD, iyon naman ay Head Executive Assistance po ni General Morales. Pero matse-check naman po natin kung talagang may item for Anti-Fraud Legal Officer sa loob po ng PhilHealth ‘no. But having said that, nakarating na po ba sa Pangulo itong latest tungkol sa PhilHealth?

SEC. ROQUE:  Well alam po ninyo, kaya nga po nag-i-imbestiga si Secretary Quitain, it is pursuant to an order of the President na mag-imbestiga. So talagang iyong mga may nalalaman, may mga hawak na ebidensiya, ilabas na po inyo ngayon or forever keep your peace.

Si Secretary Quitain naman po sa Malacañang din nag-o-opisina, kung mayroon kayong gustong iparating sa kaniya, i-diretso ninyo sa PMS o di kaya sa kanyang tanggapan or sa tanggapan ko at ipo-forward ko po kay Secretary Quitain kung anuman iyong ipapadala ninyo sa akin. Ang aking opisina po ay nasa 3rd floor NEB, lockdown lang po kami ngayon pero magbubukas muli sa Lunes at mayroon naman po akong email din kung ayaw ninyong magbigay ng mga dokumentong physical ‘no, spox@harryroque.com.

SOTTO:  Ito kasi parang bagong chapter na naman ito, matatandaan po natin noong June 2019, si Pangulo po directed si Chief Roy Ferrer and other board members to tender their courtesy resignation in the light of ito ngang WellMed na mga ghost kidney dialysis patients na naniningil pa after… iyon pala, deceased na, patay na pala iyong mga diumano’y nag-claim sa PhilHealth.  So, in the light of that WellMed scandal, iyong naalala natin, June 2019 nga, kaya nga po na-appoint si General Dick Morales, di po ba, Secretary?

SEC. ROQUE:  Totoo po iyan.

SOTTO:  Ano nga po ang nangyari doon sa ano?

SEC. ROQUE:  Wala pa pong nangyayari, ang nakulong lamang iyong whistleblower at hanggang ngayon po ang daming mga suit na nakabinbin pa laban sa whistleblower, pero naalala po ninyo dinismiss iyan ng RTC kasi mali iyong pinayl ng legal department ng PhilHealth. Ako naninindigan na sa mula’t-mula mali iyong kasong ipinayl nila, kasi ang ipinayl nila ay estafa eh wala namang private funds diyan, ang PhilHealth funds naman ay public funds ‘no; dapat iyan misappropriation.

In-authorize ako ni Prosecutor General, ako na ang gumawa ng complaint, hindi naman ibinigay sa akin ang dokumento ng PhilHealth, sabi nila covered by privacy legislation daw, sumulat na ang Privacy Commission, hindi totoo iyan, dahil criminal investigation, hanggang ngayon wala pa po sa akin ang dokumento, so hindi pa nasasampahan ng tamang kaso iyang mga taga-PhilHealth.

SOTTO:  So, legal department po nila ang nagsampa at na-dismiss.

SEC. ROQUE:  Sa legal department po nila nagsampa niyan na na-dismiss at talagang sila iyong pumili ng charge na estafa. Kaya nga po ngayong mayroon ng otoridad na binigay ang Presidente kay Secretary Quitain ay lahat na po ng may hawak na dokumento ay lumabas na po kayo at ibigay na iyan kay Secretary Quitain ng matapos na po ang kultura ng korapsyon diyan sa ahensiyang iyan.

SOTTO:  Iyong legal department, nabanggit na lang din ninyo, the past years, 2o17 and 2018, ang score po nila for Governance Commission for GOCCS ay tumataginting na ‘zero.’

SEC. ROQUE:  Dalawang taon po iyang zero, kasi ni isang kaso wala silang nasampa. Ang nangyari po diyan, sa batas ng bumubuo ng PhilHealth (garbled)

SOTTO:  Secretary choppy po, tiguk-tigok po iyong sinasabi ninyo, aayusin lang natin iyong linya, para hindi sayang.

SEC. ROQUE:  Sang-ayon po doon sa batas na bumuo ng PhilHealth na nais ko sanang amyendahan noong isinulong natin ang Universal Healthcare ‘no, iyong legal department kasi siya iyong imbestigador, prosecutor, judge at saka siya iyong nagpapataw ng parusa.  Sa lahat talaga ng anomalya, kapag hindi na-address ng PhilHealth, kasalanan iyan ng legal department kasi iyan iyong nakasaad sa kanilang batas ‘no.

At iyan nga po ang problema sang-ayon na doon sa gobyerno mismo, dalawang taon bokya ang legal department, kasi ni isang kaso wala silang naisampa. May mga kaso pa diyan na iyong sa Region 1, mayroon ng authority na ibinigay na sampahan, parang 3oo cases ata iyong sasampahan, mga nangungupit ng pondo ng PhilHealth hanggang ngayon po hindi naisampa. At wala pong pinal na sinabi kung bakit. Mayroon pang taguan po iyan ng case files eh. May mga sinabi na ng Board na sampahan ng kaso, biglang mawawala ang kaso, para walang kaso na isasampa.

SOTTO:  Iyon po iyong binabanggit po yata ninyo iyong sa Corpuz Hospital, iyong mga hindi na-file na mga administrative cases.

SEC. ROQUE:  Oo, madami po iyan. Kaya nga po ngayon—ang tanong ninyo kasi alam ba ni Presidente? Alam po. Kaya nga niya binigyan ng otoridad na mag-imbestiga itong si Secretary Quitain.

SOTTO:  Sir, Secretary Quitain po hindi po PMS with Bong Go, hindi po. So siya po iyong pumalit kay Senator Bong Go.

SEC. ROQUE:  Oo, siya iyong Office of the Presidential Assistant.

CLAVIO:  Secretary, di ba kaya inilagay si General Morales, prayoridad niya iyong mga nauna ng pumutok na katiwalian, pero inabot ng pandemic. Kahit papaano ba may nai-report na si General Morales na katiwalian sa PhilHealth noong umupo siya?

SEC. ROQUE:  Alam po ninyo, ka-kosa ko itong si General Morales eh, so talagang kakampi ko iyan, kaya ang taas ng pag-asa ko noong siya ay umupo diyan ‘no. Pero ikinalulungkot ko nga na hanggang ngayon wala naman pong na-imbestigahan, walang napaparusahan.

CLAVIO:  Wala ni isa, ganoon?

SEC. ROQUE:  Oo. Mayroon pong sinampahan ng mga kaso ang mga NBI para dito sa WellMed, pero iyong ilan sa nasampahan nila, lima na-promote pa. So, hindi ko alam kung ano ang nangyayari diyan. So, natutuwa naman ako na nandiyan na si Secretary Quitain, kaya nga po less talk na ngayon at iniengganyo ko na lang po ang lahat: Dalhin po ang ebidensiya kay Secretary Quitain.

SOTTO: So iyong panawagan po ni Secretary Roque, pati po iyong may mga alam tungkol doon sa interim reimbursement mechanism po nila dahil iyon din po ang kinukuwestiyon. Para po sa inyong kaalaman, ito pong programa nila na IRM na tinatawag, binibigyan po ng advance payment up to three months iyong mga ospital ‘no sa iba’t ibang rehiyon. Ang kinukuwestiyon po, payment to non-accredited hospitals and payment to hospitals with pending administrative cases. So iyan po sana po ay mauungkat din kapag humarap na sa Senado iyong mga ipatatawag po na concerned.

So iyong panawagan natin ‘no, Secretary, kung mayroon po kayong nalalaman tungkol dito sa interim reimbursement mechanism na ito, come forward na rin ano?

SEC. ROQUE:   Well, ako po, nagsalita ako diyan sa interim reimbursement mechanism na iyan at pinagbigay-alam ko sa lahat na may dokumento akong hawak na nagbigay sila noong simula ng COVID pandemic ng 300 million sa Region V at saka 300 million sa Region VIII para sa COVID. Eh ang problema, wala naman halos mga kaso sa Region V at Region VIII.  So, sabi ko, bakit hindi ninyo binigay sa Region VII, sa Cebu na malalaki ang kaso. Bakit hindi ninyo ibigay sa Metro Manila, alam naman na natin kung saan ang epicenter. Bakit nagbigay kayo ng 300 million sa mga lugar na kakaunti lang ang kaso ng COVID.

SOTTO: Oo. Advance iyan ha, advanced payment for COVID.

SEC. ROQUE: So, ang problema diyan, advanced iyan. Oo, all they have to do is reimburse. At kung maalala ko, iyong mga kaso ng [unclear], iyong mga pneumonia, iyong mga katarata na hinahakot ang mga tao, kasi nga mayroon na silang advanced payment [garbled] nagkaroon ng korapsyon.

Ako doon sa meeting na iyon bagama’t wala na akong ibang sasabihin kung anuman o hindi nangyari sa meeting na iyon. Ako kasi ang nagsalita, I can confirm na nilabas ko iyong bagay ng reimbursement na iyan at bakit nagbigay P300 sa mga rehiyon na hindi naman mataas ang COVID.

CLAVIO: Okay. Sabi ni General Morales sa akin kanina, Secretary, wala siya sa Zoom meeting. Wala nga ba?

SEC. ROQUE: Sino po?

CLAVIO: Si General Morales, wala daw siya doon sa Zoom meeting na binabanggit kaya hindi siya makapagbigay ng komento doon sa sinasabing sigawan o bulyawan.

SEC. ROQUE: Well, ang pagpupulong po na sinasabi ko at ito naman po ay wala nga akong ibang sasabihin na ibang detalye kasi may imbestigasyon na, naroroon po si General Morales, physically. At on Zoom, iyong mga pribadong mga direktor, sila Dr. Suzie Mercado, si [unclear] at may isa pang doktorang babae na nasa Zoom.

SOTTO: Iyong ex-officio members po?

SEC. ROQUE: Nandoon din po sila. Nandoon si Secretary [unclear], nandoon si Secretary Avisado, nandoon si Secretary Dominguez, nandoon si Senator Bong Go, nandoon si Secretary Duque at nandoon po ako.

CLAVIO: Eh sino iyong nagsigawan?

SEC. ROQUE: Hindi ko po makukumpirma kung mayroon ngang sigawan ‘no kasi detalye po iyan. Ang bibigyan ko lang kumpirmasyon, ako naglabas doon sa reimbursement kung bakit mayroong mga 300 million [garbled] doon sa mga lugar na kakaunti naman ang kaso ng COVID.

CLAVIO: Okay. Paliwanag pa ho ni General Morales, nag-resign lang diyan at sa August 31 daw effective kaya sabi niya sana bukas, si Atty. Keith.  Iyong isa po ay nag-leave for study at iyong isa ay dinenay na nag-resign siya. So iyon iyong lumabas na tatlong opisyal na nag-resign ay hindi raw po totoo. May humabol pa, pang-apat, si Dr. Susie Pineda-Mercado. Ang sabi ho ni General Morales ay noong June 1 pa ay hindi na siya—o noong June ay hindi na siya nag-renew ng kontrata dahil sa family reason.

SEC. ROQUE: Well, ako po, mabibigay kumpirmasyon ko lang naka… kinapi (copy) furnish po ako ni Atty. Keith ng kaniyang resignation so iyon lang po ang masasabi kong kumpirmasyon na nag-resign.

CLAVIO: So isa lang ang nag-resign talaga?

SEC. ROQUE: Iyon lang po ang alam ko.

SOTTO: Hindi, mayroon na ring nag-resign para mag-aral.

SEC. ROQUE: Iyon lang po alam ko. At saka alam ko rin po na hindi na nagpa-renew itong [garbled]

SOTTO: Secretary, sandali lang po, iyong ating communication. Secretary, ang tanong ko po, recorded po ba iyong Zoom meeting just in case sa Senate investigation po ay humingi ng kopya ang ating mga senador?

CLAVIO: Teka, wait lang daw.

SOTTO: Wait lang daw. So iyon na nga eh, ano ba Senate Committee of the Whole ba ang ano?

CLAVIO: Senate Committee of the Whole.

SOTTO: Okay. So para mahimay din iyong mga issue na naman po na lumabas.

CLAVIO: Okay. Secretary, naka-record ho ba iyong Zoom?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, hindi ko po alam kasi hindi naman ako iyong nag-set ng meeting; naimbitahan lang ako doon. Ang buong akala ko nga, kami lang ni General Morales. Nagulat ako lahat sila nandoon.

CLAVIO: Iyong Secretary of Health, ano siya sa PhilHealth? ‘Di ba Chairman siya?

SEC. ROQUE: Chairman po siya.

CLAVIO: Nandoon din siya?

SEC. ROQUE: Nandoon po siya.

SOTTO: Wala po siyang contribution during the meeting?

SEC. ROQUE: Well, you know, I can only speak for what I said in that meeting ‘no. Dalawa naman iyong intervention na ginawa ko, iyong pagkumpirma na doon sa IT mga 734 million ay hindi pa naaprubahan ng DICT. Bagama’t ang sagot ni General Morales kaya kumukuha sila ng approval sa DICT.

SOTTO: So kasi nga ang patakaran pala ngayon, kailangan mong isumite sa Department of Information Communication Technology at dapat aprubahan nila iyong mga ipu-procure, hindi po ba?

SEC. ROQUE: Para po kabahagi sila ng IT strategy ng buong bansa, parang ganoon po.

SOTTO: Ang nangyayari, ang alam ninyong mabigat ang allegation dito. Ang mabigat na allegation na dapat pong tumbukin ng Senado, sinasadya po daw – daw ha, ‘daw’ – allegedly na gawing fragmented itong IT ng PhilHealth ng sa gayun ay mas mahirapan na matunton iyong mga anomalya.

SEC. ROQUE: Well, alam ko po kapag mahina ang IT, talagang maanomalya iyan ‘no. Kaya nga nangyari WellMed kasi iyan is a matter of submission of forms ‘no. At ni wala ngang record ang PhilHealth kung buhay o patay ang tao kaya nga nangyari iyan. So kapag ma-automate iyan at saka magkaroon ng national ID system, siguro maiwasan na iyan.

SOTTO: May 132.2 million pa na ano, malabo iyong description ng item that will allow that very same item to be bought again the following year. May ganoong item po—

SEC. ROQUE: Alam ninyo, ilalabas ko rin sana iyan doon sa pagpupulong kaya nga lang, hindi ko na nailabas kasi wala ng oras kasi marami na nagsalita. Kasi akala ko diyan, noong naimbita ako ni Senator Bong Go for the meeting, akala ko kami lang ni General Morales at saka siguro si Secretary Duque. So nagulat na lang ako na the entire board was there. Para siyang board meeting na unofficial. So hindi na ako masyadong nakapagsalita po.

SOTTO: Para lang maintindihan ng ating mga listeners and viewers where you’re coming from, why you are so invested, kayo po kasi ang author ng Universal Health Care Law.

SEC. ROQUE: Opo. At lahat po ng pondo na ipamimigay natin sa taumbayan para sa libreng pagamot at libreng gamot, iyan po ay dadaan sa PhilHealth. Kaya nga po iyong orihinal bersiyon ko sa House eh binubuwag ko ang PhilHealth, papalitan ko. Kasi alam ninyo naman sa Civil Service rules, napakahirap magtanggal; maski alam mong bulok na, napakahirap.

Pero ginapang po ng PhilHealth na hindi talaga sila mabuwag at pinalakas pa sila. Kaya noong ako pa ang nagdidipensa ‘no, ako ang nag-iisang nagdipensa ng bill na ito, nagpuputok ang butsi ko kasi nalaman ko ang dinipensahan ko ay kabaliktad ng aking in-author. So nagwawala ako sa floor pero tinawagan ako sa telepono ni Senator Pia Cayetano, who was then presiding, sabi niya ayusin na lang natin iyan sa Senado, hayaan na natin basta maipasa sa Kamara, doon na natin ayusin sa Senado.

Eh pagdating po sa Senado, hindi na ako kongresista, ang nangyari, kaya lang ako nag-intervene, hindi gumalaw naman sa Senado na walang certification of urgency. So pina-certify natin ng as urgent kay Presidente, pero hindi nabago iyong sistema – nanatili ang PhilHealth. Ngayon, hindi natin matanggal iyong mga bulok diyan kasi napakahabang proseso para matanggal ang mga—

SOTTO: Mga bulok, ihiwalay na doon sa mga matitino kasi marami naman pong matino.

SEC. ROQUE: Madaming matino! In fact, paano ba natin nalalaman ang nangyayari sa PhilHealth kung hindi sa matitino. Kaunti lang naman po iyong mga bulok diyan. Pero unfortunately, sila po iyong mga matataas.

SOTTO: Just to give them an idea, ang hinihingi daw po yata ng Department of Health para sa implementation ng Universal Health Care next year is 180 billion.

SEC. ROQUE: Oo. Pero ang nakalagay po sa budget, itong darating na taon ay 77 billion dahil nga po hindi naman maibigay iyong buong hinihingi ng PhilHealth. Pero 77 billion is still 77 billion.

CLAVIO: Okay. Secretary Roque, good luck po. Maraming salamat.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga po.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)