SEC. ROQUE: (recording starts) … kasi po mukhang hindi na mababago ang desisyon.
ARNOLD: So naiparating na po sa kanila itong ating intensiyon?
SEC. ROQUE: Hindi ka po alam. Pero ang magpapatupad po niyan ay ang Department of Foreign Affairs, pero ang binigyan ng talaga ng Pangulo ay ang Executive Secretary. Kahapon po, kinumpirma ko na magkakaroon ng ugnayan sa panig ni Executive Secretary Medialdea at ang Department of Foreign Affairs.
ARNOLD: Pero sabi nung ilang kritiko – siyempre iyong mga complainant diyan sa ICC – ay iniiwasan daw ng Pangulo itong posibleng indictment?
SEC. ROQUE: Hindi po. Kung tutuloy naman iyang kasong iyan, haharapin naman po iyan ng Presidente. Alam n’yo po ngayon, hindi tayo sigurado kung matutuloy pa rin iyong preliminary investigation kasi ngayon pong stage na ito, preliminary examination, hindi po iyan kasama doon sa mga formal stages ng hukuman. Pero iyong withdrawal process, one year po iyan. Kung sa one year period na iyan, magkaroon ng preliminary investigation, so itutuloy po ang kaso laban kay Presidente. Pero kung sa loob ng isang taon ay walang mangyari at hindi umusad galing sa preliminary examination, eh mawawala na po ng tuluyan iyong kaso.
ARNOLD: Sabi ng ICC, sa huling statement ay wag daw tayong kumalas, Secretary.
SEC. ROQUE: Naku, too late. Too late po, parang naka-alis na po ang tren.
ARNOLD: Okay. Pero bigyan din kita ng pagkakataon, kasi ikaw rin ay nababatikos, parang bumaligtad ka raw sa una mong posisyon sa ICC, tama ho ba?
SEC. ROQUE: Hindi po ako bumaligtad, totoo po iyan ako po talaga ay nanguna doon sa pagra-ratify ng—
ARNOLD: Isa ka sa mga nagsusulong noong araw, di ba?
SEC. ROQUE: Oho. Well, hindi lang po sa isa, ako na po siguro iyong pinakamatinding nagsulong. Pero sa akin po, tama naman ang desisyon ng Presidente, dahil kaya naman tayo naging miyembro ng ICC ay dahil doon sa prinsipyo ng complimentarity.
Hindi po natin itinalaga ang ICC bilang court of first instance, kung hindi court of last resort. Ang dapat na gumana muna po ay mga lokal na ating mga hukuman. Ang nangyari po rito ay para bagang hindi gumagana ang ating mga hukuman sa Pilipinas kaya nagsimula ng preliminary examination. Iyan po ay hindi katanggap-tanggap dahil labag ito doon sa consent na ating ibinigay para maging miyembro tayo ng ICC.
ARNOLD: Tama ho. Kasi ang dapat, lahat ng puwedeng gawin sa Pilipinas ay ginawa muna bago tumakbo sa ICC.
SEC. ROQUE: Tama po iyan, insulto po iyang ginawa ni prosecutor na kinondena niya ang ating hukuman na para bagang inutil, dahil gagana lang naman ang ICC kung ang lokal na mga procedure at mga hukuman ay inutil doon sa mukha ng impunity.
ARNOLD: Lilipat lang ako sa ibang paksa, dito sa naging desisyon ng National Prosecutor’s Service sa mga drug lord. Sabi ni Secretary Aguirre iyong nabanggit mo sa twitter account mo na kapag hindi naayos o naresolba, ipapalit na ikukulong si Secretary Aguirre. Sabi niya nagjo-joke lang daw ang Pangulo. Ikaw na mismo ang magsabi, ano bang naging reaksyon ng Pangulo sa nangyaring ito?
SEC. ROQUE: Well, galit po ang Pangulo talaga ano. At ang sa akin naman, palagi kong sinasabi, kung hindi natin kukuning literal ang Pangulo, seryosohin natin ang salita ni Pangulo. So sabihin na natin na nagbibiro nung sinabi iyon, ang mensahe naman po, hindi katanggap-tanggap sa kanya na ang mga malalaking isda ay hindi po napaparusahan.
ARNOLD: Opo, pero iyong panawagang siya ay magbitiw, iyong tiwala ng Pangulo kay Secretary Aguirre, buo pa rin, Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Well, kung wala na po kasing tiwala iyan ay hindi na po hihintayin ni Pangulo ang pagbibitiw, talagang sisibakin na po. Dahil alam mo naman na napakadami nang sinibak ng ating Pangulo.
ARNOLD: At meron bang sisibakin na Cabinet secretary sa mga susunod na linggo.
SEC. ROQUE: Wala naman po, hindi sa susunod na linggo. Pero talaga pong nagsalita naman ang Pangulo doon sa Malacañang na merong doseng mga mamamahayag na nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview siya. Talagang sabi niya na merong mga secretary na hindi siya happy sa performance at magkakaroon nga daw po ng mga pagbabago sa Gabinete.
ARNOLD: Okay, Secretary, maraming salamat po. Good morning.
SEC. ROQUE: Good morning po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)