ATTY. SECO: Magandang umaga sa iyo, Atty. Harry.
SEC. ROQUE: Magandang umaga sa iyo at magandang umaga, Pilipinas.
ATTY. SECO: Kumusta na po kayo at kumusta ang pagdiriwang ng Pasko, Secretary?
SEC. ROQUE: Ito po lumaki na naman ang bilbil. Alam mo naman po ganiyan talaga ang nangyayari kapag Pasko at lalaki pa dahil sa Bagong Taon.
ATTY. SECO: Secretary, sa palagay ko sa ngayon, mas okay na lumaki ang bilbil, kaysa sa tiyan ng iba ang palakihin natin.
SEC. ROQUE: Oo nga po.
ATTY. SECO: Dahil sa taas na ng populasyon ng Pilipinas ay mukhang mas mahihirapan tayo kung mas tataas pa ang Philippine population, lalo pa ngayong panahon ng pandemya.
SEC. ROQUE: Oo naman, panyera.
ATTY. SECO: Nasa Maynila lang kayo, Secretary?
SEC. ROQUE: Nasa Maynila po at mayroon pa pong pagpupulong bukas eh, sa IATF at kay Presidente po.
ATTY. SECO: So, ano po ang ini-expect natin bukas, Secretary. Ano ang mga tatalakayin?
SEC. ROQUE: Well, sigurado po diyan iyong klasipikasyon ng buong bansa, dahil patapos na ang Disyembre at kinakailangan desisyunan ng Presidente kung ano ang magiging klasipikasyon, lalung-lalo na dito sa Metro Manila at sa karatig na lugar ‘no. At bukod pa po doon kung mayroon pa pong mga ibang bagay na dapat talakayin na hindi natalakay kahapon pagdating po dito sa bagong strain ng COVID.
ATTY. SECO: So, bukas ang tatalakayin ay tungkol lamang sa health?
SEC. ROQUE: Oho, puro health po iyon, dahil IATF meeting din po iyon.
ATTY. SECO: Oo. Pero kahapon, Secretary, medyo marami-rami rin ang mga tinalakay ninyo kahapon?
SEC. ROQUE: Opo. Dahil nga po dito sa bagong strain ng COVID. Unang-una po pinalawig iyong flight ban sa lahat ng mga flight galing sa UK o iyong mga pasahero na nag-transit sa UK. So dapat po iyan mapapaso ng a-31 ng Disyembre, pinalawig po iyan, pinahaba hanggang iyong unang dalawang linggo ng Enero. Tapos po nagkaroon po ng rule na lahat po ng mga manggagaling sa lugar na kung saan nakapasok na itong bagong strain, eh isa-subject na po natin ngayon sa 14-day mandatory quarantine kahit ano pa ang resulta ng kanilang PCR test. Pagkatapos po ay iyong lahat po ng mga specimen ng UK travellers ay kinakailangan pong iparating at dalhin doon sa Genome Center natin para sa tinatawag na genome sequencing, para malaman natin kung nakapasok na sa ating bayan iyong bagong strain. At pang-apat po ay iyong pagpapaikli po ng panahon para gumawa ng Implementing Rules and Regulations, para po doon sa advance passenger information na tinatawag.
ATTY. SECO: So, ang mga apektado nito ay iyong mga inbound passengers?
SEC. ROQUE: Opo, mga inbound passengers po iyan.
ATTY. SECO: Pero iyong palabas ay hindi natin problema.
SEC. ROQUE: Ah, hindi po, wala po, wala po. Although they have to observe pa rin iyong mga protocol, dito naman po ay wala hong problema naman iyong mga papalabas.
ATTY. SECO: Pero magkakaroon ba ng biyahe kung ganoon, kung walang pumapasok, mahirap iyong lalabas, kasi ibig sabihin, wala ng parating dito.
SEC. ROQUE: Well, depende po iyan sa mga airlines dahil mayroon din po silang laman na mga cargo. At karamihan naman po talaga ng mga flights ngayon ay cargo ang laman at kakaunti lang ang mga pasahero.
ATTY. SECO: Pero iyong cargo ba ia-allow natin ang incoming?
SEC. ROQUE: Opo, allowed po ang cargo. At iyan naman po ay subject to disinfection lamang.
ATTY. SECO: Okay. Secretary may nabanggit po na ibi-veto – maiba tayo tungkol naman sa budget. May nabanggit po na ibi-veto sa 2021 National Budget ang Pangulo.
SEC. ROQUE: Mayroon po, pero I am not at liberty to say po ‘no. Pero nonetheless, ngayon po ay pinag-aaralan na mabuti ni Presidente iyan.
ATTY. SECO: Pero ito po ba ay related –sa anong aspeto po ito?
SEC. ROQUE: Well, kagaya ng sinabi ko po, I am not at liberty to discuss it yet, kasi nasa lamesa na po ng Pangulo.
ATTY. SECO: Akala ko makakalusot ako sa tanong ko eh! Secretary, ikaw ay nagpabakuna na ng Sinovac?
SEC. ROQUE: Hindi pa po.
ATTY. SECO: Bakit ang sabi mayroon na.
SEC. ROQUE: Sabi po ng Presidente mayroon na, marami na raw sundalo, pero may mga comorbidities po tayo, so nag-iingat po.
ATTY. SECO: Marami na po ba diyan sa Malacañang, sa Gabinete ng Pangulo ang nagpabakuna nito?
SEC. ROQUE: Wala po akong alam sa Gabinete. Bagama’t ang alam ko lang iyong sinabi ni Presidente, marami na siyang sundalo na nabakunahan.
ATTY. SECO: So, priority talaga natin ang mga sundalo at nasa law enforcement.
SEC. ROQUE: Oo, dahil sabi po ni Presidente, kagabi, kinakailangan mapanatili po iyong law and order, so binigyan po rin niya ng prayoridad ang kaniyang mga kasundaluhan.
ATTY. SECO: Secretary, ano ho ang inaasahan natin sa mga susunod na araw?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano talaga ang aspetong gusto ninyong talakayin diyan.
ATTY. SECO: Actually, magiging classification ng quarantine natin? Mas mag hihigpit ba with the new strain or mananatili lang?
SEC. ROQUE: Hindi ko po masabi iyan, kasi iyan ay isang collegial decision. Maingat po ako na hindi ko po talaga pinangungunahan ang IATF, dahil napakarami pong miyembro niyan at napaka-opinionated ang lahat ng miyembro niyan. So, hintayin na lang po natin, iyan naman po ay data based. Titingnan natin iyong two-week average attack rate at saka iyong ating hospital utilization level at iyan naman po ang pagbabasehan.
ATTY. SECO: Secretary, ito na lang – siguro naman masasagot ninyo ito – saan po magse-celebrate ng New Year ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Well, ang tingin ko po, bagama’t nandito siya ngayon sa Maynila ay baka bumalik po ng Davao, pero hindi pa po iyan sigurado, dahil wala naman pong official na pronouncement. Pero doon po siya nagpasko, bumalik po siya dahil dito sa bagong strain. At sa akin naman, it’s just a two-hour flight to Davao, wala naman pong problema iyan.
ATTY. SECO: So, kung saan man mag-celebrate ng New Year ang Pangulo ay mananatiling naka-alerto at nakaantabay sa mga bagong development considering medyo alarming po itong sitwasyon ng mas mabilis na pag-spread nitong bagong strain ng virus.
SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang po natin na mas mabuti pang nag-iingat. But I wouldn’t say na dapat tayong maalarma, kinakailangan talaga nag-iingat palagi.
ATTY. SECO: Anyway, Atty. Harry Roque, maraming salamat.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, si panyera ito ‘no? Hi panyera! Sinasabi ko na nga ba maski, hindi nila sinabi kung sino, pero sabi ko mukhang boses ni panyera.
ATTY. SECO: Anyway, Atty. Harry Roque, it’s nice laughing with you sa gitna ng pandemya, sa gitna ng mga challenges na kinahaharap natin, eh kahit papano ay maganda pa rin na mayroon tayong light moments dahil nakakabawas ng stress at nakaka-boost ng immune system ang pagtawa.
SEC. ROQUE: Okay. Salamat, Panyera! Happy New Year at stay safe.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)