DEO: Secretary Harry Roque sir, magandang hapon po sa inyo.
KAREN: Good afternoon, sir.
SEC. ROQUE: Magandang hapon sa inyo at magandang hapon po sa nanonood at nakikinig sa atin ngayon.
DEO: Ang balita po may order ang Pangulong Digong na bubuwagin po ang NFA Council. So, ano po ang mangyayari dito Secretary, sino na ang mamamahala sa ating—
SEC. ROQUE: Well lilinawin ko po ha. Totoo po binanggit ni Presidente iyon pero pagkatapos po niyang binanggit ay lumapit sa kaniya para i-hold si Secretary Piñol, lumapit sa kaniya si Secretary—si Executive Secretary Medialdea at lumapit din sa kaniya iyong dalawang si ES at saka si Secretary Piñol at ang in-explain sa akin ni Executive Secretary, ang napagkasunduan kasi after that pagkatapos mabanggit ni Presidente iyon ay parang kumambiyo siya at ang sabi ay kinakailangan ay mapasailalim na talaga sa Office of the President ang NFA.
Kasi ang gusto niya ma-centralize iyong desisyon ng pag-angkat sa bigas. Hindi niya binibigay sa NFA ang desisyon na mag-angkat ng bigas, gusto niyang ibigay kay Berna Romulo Puyat ng DA. So doon po nagtapos iyong usapin na iyon at nang humingi nga ako ng instruction kay ES kung ano talaga ang posisyon ng gobyerno ngayon: ang posisyon ng gobyerno ay ipapasailalim sa Presidente ang NFA at kasama na diyan iyong desisyon kung aangkat o hindi aangkat ng bigas.
DEO: So hindi po isasailalim sa control ng DA through Secretary Piñol, Secretary Roque sir?
SEC. ROQUE: Eh nagbanggit ng pangalan si ano eh—
DEO: Si Presidente.
SEC. ROQUE: Si Presidente. Ang gusto niya si Berna Puyat-Reyes pero nilinaw din niya na ang gusto niya ang NFA will be under the Office of the President. Eh ang pag-aawayan naman ngayon iyong desisyon kung mag-aangkat ng bigas o hindi. So ang suma tutal, ang Office of the President na ang magde-decide kung mag-aangkat o hindi ng bigas.
DEO: Aangkat nga po ba ng bigas dahil wala na pong stocks ang NFA, Secretary Harry Roque, sir?
SEC. ROQUE: Linawin po natin, kahapon po nag-commit ng 700,000 bags iyong mga private trader sa gobyerno at 38 pesos. Ano pong ibig sabihin niyan? Wala pong kakulangan at pupuwede talagang ibenta ng 38! So iyan naman po ang sinasabi din ng marami na walang dahilan para mag-angkat. At dahil dito po ay iyon para siguro matapos na itong gulo dito sa isyung ito, Office of the President na ang magdedesisyon diyan. Pero sa ngayon po, malinaw po na walang kakulangan sa bigas ang wala lang NFA na rice.
DEO: Tama po.
SEC. ROQUE: Ang issue: bakit nangyari ito? Pero ang solusyon, hindi lang naman po ang mag-angkat ng bigas. Siguro may mga iba na talagang gustong mag-angkat ng bigas ‘no pero may mga iba namang nagsasabi, hindi iyan solusyon, ang solusyon diyan palabasin iyong mga bigas na nakatago ng maibenta ng mas mababa.
KAREN: Paano po ito, Secretary Harry Roque may mga kababayan po tayo na umaaray na po dahil medyo namamahalan na po sila sa mga available naman po na mga bigas, lalo na po iyong commercial rice po ano na ang kaya lang naman po nilang bilhin ay iyong NFA rice po at iyong presyo po noon ay kumbaga pasok sa kanilang budget?
SEC. ROQUE: Well ang suma tutal nga po diyan is anong magiging epekto ng importation. Kasi iyong importation mo naman—hindi mo naman ibig sabihin na ibebenta mo iyon as NFA prices din eh. Nakasalalay din iyan sa presyo sa pandaigdigang merkado. At ang problema talaga ngayon mataas talaga ang presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado. Tingin ko ang solusyon diyan is—well tama po iyong mga istratehiyang napagkasunduan na, kung kinakailangang mag-import, mag-import. Pero sa ngayon po ang importation naman ay inaprubahan na ay nakasalalay po sa kamay ng mga pribadong sektor. Iyon po ang nililinaw natin! Iyong importation hindi naman itinigil, um-oo na magkaroon ng importation kaya lang hindi po government to government kung hindi private sector led importation.
DEO: Bakit hindi government to government, Secretary Roque sir? Hindi ba mas magandang kung government to government, mas mababa daw po ang presyo at saka magaan iyong bayaran?
SEC. ROQUE: Eh diyan po ngayon ang kontrobersiya, may nagsasabi na mas mababa ang presyong makukuha kapag pribado ang nag-i-import.
DEO: Ah ganoon? Baliktad yata.
SEC. ROQUE: Oo dahil ang government to government magtatalaga lang sila ng mga presyo kung anong sasabihin nilang presyo. So—pero ang mga pribado naman ay sang-ayon iyan sa presyo ng pandaigdigan.
DEO: Balikan natin Secretary sir iyong pangako ng mga rice traders na kausap ng Pangulong Digong, nangako sila na—
KAREN: Magbababa—
DEO: Magbababa ng presyo ng 38 pesos per kilo ng bigas?
SEC. ROQUE: Oo pero hindi po, ang sabi lang nila magus-supply sila sa NFA, 700,000 na bags ng bigas na ang halaga ay 38. Iyon po ang kanilang pangako na ang sabi ko naman ay patunay na walang rice shortage, eh kaya naman pala nilang mag-supply ng 38 eh—
KAREN: Yes, oo.
SEC. ROQUE: Bakit hindi nila ginagawa? Iyon ang tanong ko!
DEO: So ibebenta nila ito sa NFA, Secretary Roque sir?
SEC. ROQUE: Yes, para ma-replenish ang NFA rice stock.
KAREN: Pero ang tanong, Secretary Harry Roque, hanggang ilang tone-tonelada kasi baka limited supply lang po ito?
SEC. ROQUE: Limited po talaga pero ang sinasabi nga po, mayroon namang parating na ini-import na ng private sector at kung hindi po ako nagkakamali, hindi naman po lalampas ng Hunyo nandiyan na iyan. Pero ayaw ko lang sabihing Mayo kasi baka mamaya kapag sinabi kong Mayo ay hindi dumating eh ‘di magagalit sa atin ang taong bayan. Basta ang assurance nila is by June nandiyan na iyan.
DEO: Isa pa Secretary, anong mangyayari kay Administrator Jason Aquino ngayong ito ay nasa ilalim na ng control ni Undersecretary Berna Puyat Reyes?
SEC. ROQUE: Lilinawin ko lang po, ang gustong mangyari ni Presidente, iyong mga aksiyon na gagawin sa importation ang gusto niyang maging in charge si Berna Romulo Puyat, hindi naman sinisisante si Jason Aquino, nandiyan pa rin siya pero dahil nga doon sa eventually ang naging pronouncement ay mapapasailalim talaga ng Office of the President ang NFAs, lahat ng desisyon sa importation bagama’t ayon sa batas, Council desisyon iyan, Presidente na ang gagawa ng desisyon para wala ng gulo, walang away.
KAREN: So may mga adjustments po na magaganap internally po sa NFA kung iyan po ang inyong sinasabi sir?
SEC. ROQUE: Oo eh talaga namang—alam mo sila naman talaga ay umaakto lamang sa ngalan ng Presidente. Pero kung hindi magkasundo iyong policy making na Council at saka iyong mga implementation na iyong administrator ay tama lang na Presidente na ang pumasok diyan dahil hindi sila nagkakasundo.
DEO: Sa ibang isyu Secretary Roque sir. Si Secretary Aguirre nga ba ay ililipat nga ba sa SSS Secretary?
SEC. ROQUE: Wala pa po akong instruction na magbigay ng kahit anong impormasyon tungkol diyan.
DEO: Iyan. Eh iyong peace talks paano nga pala iyong peace talks Secretary Roque sir? Ang sabi ng grupo nila Joma Sison hindi raw po sila papayag na may mga kondisyon sa pagbabalik ng peace talks. Paano ang mangyayari diyan?
SEC. ROQUE: Wala pa po akong nare-receive na kumpirmasyon na may ganiyang deklarasyon si Joma Sison. So hindi po ako magkokomento.
KAREN: No comment muna.
DEO: Iyan oo. Makakasuhan pa po ba si Secretary Aguirre sir, doon sa mga sinasabing kapabayaan nila sa DOJ?
SEC. ROQUE: Ang tinanggap lang naman po ng Presidente ay resignation. So ang resignation po isang voluntary act!
DEO: Paano po iyong mga DOJ Undersecretary, sir? Sila po ba ay co-terminus kay Secretary Aguirre?
SEC. ROQUE: Ay co-terminus po halos lahat iyan.
KAREN: Ah okay.
DEO: Secretary sir, maraming salamat. Magandang hapon po sa inyo.
KAREN: Thank you po, Secretary.
SEC. ROQUE: Magandang hapon po, salamat po.
###