Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Deo Macalma – Damdaming Bayan, DZRH


DEO MACALMA: Sir, magandang umaga sa iyo, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang umaga sa iyo at magandang po, Pilipinas. Deo Magandang umaga.

DEO MACALMA: Good Morning Secretary Sir, ayan. Sa tingin ninyo totohanan na ito at talagang ayaw na ng Presidenteng tumakbo at sa kabila po ng endorsement ng PDP-Laban na tumakbong bise-presidente?

SEC. ROQUE: Naniniwala po ako na gusto ng magretiro ng Presidente, pero naniniwala din po ako na gagawa ng decision ang Presidente na mas makakabuti sa ating sambayanan. So, sa tingin ko po iyong isyu kung siya ay tatakbo o hindi, nakadepende po iyan, unang-una kung tatakbo si Mayor Inday Sara.

Kung tatakbo po si Mayor Inday Sara, sigurado po ako hindi siya tatakbo ng vice president, pero kung hindi po tatakbo si Mayor Inday Sara ay palagi naman po niyang sinasabi na at sinabi na rin po ni Sen. Bong Go na kapag hindi tatakbo si Mayor Inday Sara pupuwedeng tumakbo si Sen. Bong Go pero tatakbo lang siya kung katambalan niya si Presidente Rodrigo Roa Duterte.

So, sa akin po, tingnan muna natin ang mga pangyayari, kasi parang mayroon mga different scenarios at ang decision po ni Presidente siyempre ibabase niya kung anong nakakabuti sa ating sambayanan.

DEO MACALMA: At iyong sabi niya na hindi rin niya papayagan si Inday, si Inday na tumakbong Presidente. Mahirap ang pagiging Presidente, Secretary Roque Sir.

SEC. ROQUE: Well, tingin ko naman po may sariling decision po ang ating Mayor Inday Sara at alam naman natin na mas mabuti nga na maging decision niya bilang Mayor Inday Sara dahil walang sisihan kumbaga. At sa akin naman po, iyong mga sinasabi ni Presidente consistent para sa kaniya iyong naging karanasan niya na pagiging Presidente, ito po ay napakahirap at ito po ay pasanin na ayaw niyang ibigay sa kaniyang mga kamag-anak.

DEO MACALMA: Ayan. Secretary Harry Roque, sir sa iba pang isyu po aba’y ang Presidente nagalit na sa mga pasaway lalo na alam na nga na nag-positive sa COVID-19 pero pagala-gala pa rin at tipong sinasadyang makapanghawa pa ng COVID. Sabi ng Presidente puwede ba silang kasuhan ng murder, Secretary Harry Roque?

SEC. ROQUE: Iyan po ay iminungkahi ni Sec. Sal Panelo. Pero alam ninyo naman po kaming mga abogado ay mayroon kaming mga isang milyong interpretasyon ng batas. Hindi ko po ina-agree-han iyong interpretation ni Sec. Sal Panelo, kasi kinakailangan po ng murder hindi lang intent pumatay, kinakailangan din po ng qualified circumstances kagaya ng treachery, ng abuse of strength na hindi po natin mapapatunayan doon sa mga taong nagkakalat ng sakit.

Mayroon po kasi akong isang panukalang batas na isinulong noong 17th Congress noong ako ay Congressman na nagpapataw ng parusa doon sa mga mayroong HIV-Aids na alam nila na mayroon sila at hinawaan nila iyong iba. So, ang aking paninindigan po talaga ang pinakamadali ay magkaroon po tayo ng special na batas, magpapataw ng parusa sa isang quarantine law na ang isang tao na alam niyang mayroon siyang communicable disease na nagbibigay nito sa iba ay mayroong pananagutan.

Pero sa tingin ko po bagama’t mayroon tayong mga sapat na basehan ngayon iyong disobedience to lawful orders of persons in authority at saka iyong reckless imprudence, mas mabuti pa rin na magkaroon ng pang-national na batas sa quarantine, kasi pati nga po itong IATF ang legal na basehan lang po niyan is an executive order na inisyu ni Presidente Noynoy Aquino.

So, kinakailangan talaga po natin ng permanenteng quarantine law at iyong ibang mga bansa naman po talaga ay mayroon, para kapag mayroon na po tayong permanenteng quarantine law wala ng isyu. Hindi na kinakailangan ng mga ordinaryong ordinansa kung anong ipapataw na parusa doon sa mga hindi sumusunod sa minimum health standards.

DEO MACALMA: Ayan. At nabanggit ninyo rin iyong IATF Secretary Roque Sir, aba ay marami po tayong mga kababayang dumagsa po sa Matabungkay Beach sa Batangas, hindi na po nasunod ang physical distancing at of course face mask. Pinapayagan na po ba iyong ganitong pagpunta ng ating mga kababayan sa mga beach sa labas ng NCR plus Secretary Roque, Sir?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po kasi pagka kasi outdoor na non-contact sports allowed. Pero hindi po ina-allow iyong walang social distancing. So, kinakailangan po nating tingnan kung ano iyong naging sitwasyon doon. Remember nasa GCQ with restrictions, pero kung outdoor na mayroon social distancing, hindi po iyan pinagbabawal.

In fact, iyan po ay allowed kasi kinakailangan mabuhay muli ang turismo pero hindi ko po alam kung ano iyong nangyari sa Matabungkay kaya hindi ko po masasabi kung mayroon pong nalabag na minimum health standard. Basta ang swimming po sa outdoors allowed po iyan pero depende po siguro iyan sa ginawa noong kung gaano karami iyong mga tao kung mayroong social distancing, dahil kung nalabag naman po iyong social distancing paglabag rin po iyan ng minimum health standard.

DEO MACALMA: At saka alin ba ang dapat umiral Secretary Roque Sir, iyon bang rules na ipinapatupad ng IATF o iyon pong rules na ipinapatupad ng mga LGUs sa kani-kanilang lugar?

SEC. ROQUE: Ano rin po, ang policy making body naman po ay IATF pero ang nagpapatupad po niyan ay LGUs. So, talagang magka-partner po ang IATF at ang LGUs dahil wala naman kaming kakayahan na magpatupad ng ating mga polisiya ng walang kooperasyon ng ating mga Local Government Units kaya inevitably palagi po nating kinokonsulta ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng MMDA na isang miyembro ng IATF at sa pamamagitan po ULAP – ang representante po nila ay si Governor Dax Cua – para po masigurado na iyong mga polisiya ay pupuwedeng ma-implement ng mga implementers.

DEO MACALMA: Secretary Roque Sir, marami pong mga Cabinet members ang nabalitang tatakbong senador at kasama daw po kayo doon Secretary Roque Sir, totoo ba iyan?

SEC. ROQUE: Well, ako po ay nagdadasal at talagang kumonsulta sa mga doctor dahil minsan tayo ay nagplano at nabigo naman tayo dahil sa aking kalusugan, ayaw ko na pong maulit iyong heart break na iyon, [inaudible]. So, kung ako po ay magdidesisyon, tatanungin ko po iyong aking doctor kung kinakailangang magpabukas na bago mag-election tayo po ay magri-resign early para po magpa-opera kung kinakailangang magpa-opera, kung hindi naman po ay I would want iyong talagang medical assurance na we are safe po. Kung sa akin po, ganoon po ang aking proseso. Pinagdadasal po natin iyan pero ayaw ko na pong magkaroon ng pangalawang heart breaks – magsasampa ng certificate ng candidacy at hindi makakapanya dahil sa kalusugan.

DEO MACALMA: Bakit Sir, may diperensiya na po ba iyong puso po ninyo?

SEC. ROQUE: Ay ako po ay na-heart attack noong 2019 kaya ako ay napilitang mag-withdraw at binigyan naman po ako ng stent angioplasty, pero ang sabi ng mga doktor ay two to three years lang din lang iyon, kaya kailangan kong magdesisyon, ano ba, magpapabukas ako bago mag-election kung kakayanin ba? So, iyon po ang aking estado.

DEO MACALMA: Kailangan kaunting exercise at palakas Sen. Harry Roque, Sir.

SEC. ROQUE: Alam ninyo sa totoo, bago sinarado ang mga gyms, 5 times a week po ako nag-e-exercise. Kahit papaano gusto ko na I’m in a perfect health para makakampanya, kaso nasarado po ang mga gyms, dalawang buwan na.

DEO MACALMA: Ayan, good luck Sec. Harry Roque Sir! Good morning, thank you very much! Ingat po kayo.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.

DEO MACALMA: Mga kaibigan – Secretary/Senator Harry Roque.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center