TULFO: All right, sir alam ko nagmamadali kayo, bibilisan ko na lang. Okay na ba sir, kailan i-implement itong 15 years old hanggang 65 puwede ng lumabas ng bahay para bumili ng kanilang kailangan, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ang naaprubahan po ng Gabinete kasama ng Presidente ay lahat ng kabuuan ng rekomendasyon na ginawa po ng economic team sa pagbubukas ng bahagya pa ng ating ekonomiya, kasama po diyan iyong edad. Pero nakasulat po doon ‘e.g. 15 to 65’, so medyo, ang e.g. ibig sabihin po ‘for example’ ‘no. So lilinawin ko lang po kung talagang 15 to 65 na iyan. dahil iyon po iyong kumbaga oversight doon sa recommendation, hindi siya fix, sinabi doon e.g.. So ipagbibigay-alam ko po ito sa IATF para magkaroon ng paglilinaw, pero ang talagang naaprubahan na po ay babaguhin na natin, hindi na po 21 to 60 iyan, dahil pupuwede na pong mas marami pang mga 21 to 60. Hindi na po 21 to 60 iyan, mas marami na po ang makakalabas, hayaan lang po ninyong klaruhin ko sa IATF kung ano talaga iyong edad, dahil sa rekomendasyon, ‘e.g.’ po iyong nakasulat doon, 15 to 65.
TULFO: Kailan po kaya natin malalaman, Secretary dahil suweldo na bukas, iyong mga magulang ay excited na ring mailabas iyong mga anak nila, iyong mga nasa high school na ilang buwan na ring naburo sa kani-kanilang mga tahanan.
SEC. ROQUE: Opo, naiintindihan ko po iyan, pero sa Tuesday po yata ang susunod na meeting, kasi budget hearing po ngayon. Dahil nag-resume ang budget, ang DOH po, bukas po iyong pagdidinig ng budget nila, kaya wala pong meeting ng IATF.
TULFO: All right, curfew naman sir, iiklian na daw ngayon, papaano ba, anong oras na po?
SEC. ROQUE: Tama po iyan. Well ngayon po karamihan naman po ng curfew ay 10 to 5, bagama’t iyong iba po kasi nagkaroon naman ng maagang curfew. So, ang desisyon po ng Gabinete, irekomenda na nga sa lahat ng mga local government units na paikliin na iyong curfew. Ito po ay rekomendasyon sa mga local government units, dahil sila naman po ang magpapatupad nito sa pamamagitan ng mga ordinansa.
TULFO: All right, so wala pa hong sinasabi? May nagsabi kasi, ang curfew raw ay 12 midnight na lang hanggang 4 AM, ewan ko kung totoo iyon?
SEC. ROQUE: Iyan po ay rekomendasyon ng Gabinete, pero siyempre po dahil magpapasa sila ng ordinansa, nasa lokal na pamahalaan po iyan.
TULFO: Isa pa po, sir kapasidad sa mga upuan, one seat apart kahit mag-asawa, kailangan ay one seat apart talaga, Secretary?
SEC. ROQUE: One seat apart po sa pampublikong transportasyon, ito po ay nagtapos doon sa debate kung one-meter o .75. Consensus po iyan, unanimous decision po iyan ng Gabinete. Basta po kasama ang one seat apart, may kasamang pagsusuot ng mask, pagsusuot ng face shield, iyong distancing, iyong constant disinfection, walang salita, walang kainan, at saka iyong mayroong proper ventilation. So, iyong tinatawag po nating seven commandment.
TULFO: Sir, iyong Angkas at saka Joyride, iyong motorcycle taxi sa next week na ho ba ito o wala pa ring final decision ng IATF?
SEC. ROQUE: Mayroon na pong pinal na desisyon, inindorso na po namin sa Kamara de Representante na kung pupuwede, bigyan. Magpasa uli sila ng resolusyon para magkaroon ng pilot study muli, dahil habang wala pong prangkisa ang Angkas ay wala po talagang legal na basehan. Pero kung hindi pa po maipasa talaga iyong prangkisa nila, kahit resolusyon po ay hiningi na po ng IATF nang makapagsimula po muli na bumiyahe ang Angkas at saka Joyride.
TULFO: Sir, panghuli na lamang po talaga, I’m sorry sir ha. Marami po kasing nakapansin, Secretary na kahapon ang reported na nahawaan ng COVID is 1,990 na lang from 2,000 plus, from 6,000 last month. Mukhang may ginagawa raw yatang tama ang pamahalaan kaya pababa nang pababa at sabi ng UP-OCTA ay bumababa na raw ho talaga ang mga nahahawaan. Ano po masasabi ninyo rito, Secretary?
SEC. ROQUE: Iyan po ay resulta ng tamang ginagawa ng mga mamamayan na sila po ay nagma-mask, naghuhugas at umiiwas at nagpi-face shield kung kinakailangan. So iyan po ay dahil din po sa sambayanang Pilipino na pinangangalagaan ang kanilang buhay para sila ay makapaghanapbuhay.
TULFO: Sir, mayroon pong nag-text ngayon-ngayon lang. Iyong interest rate daw sir, bakit daw ho ganoon, iyong mga bangko hinold nga po ng ilang buwan itong pagbabayad, may moratorium, pero iyong interest rate pumasok naman? Iyong ibang mga bangko naniningil ng up to 8% na interest, puwede raw po ba or kasama ba ito sa Bayanihan ngayon o puwede ba itong i-hold muna itong pag-aakyat ng mga interest rate sa mga utang sa bangko?
SEC. ROQUE: Nakapagtataka po na tumaas ang interest rate, dahil ang ginagawa po ng Central Bank ay talagang dinadamihan iyong ating money supply para bumaba po ang interest rate at all-time low nga po ang ating interest rate. So, hindi po dapat na taasan ang interest rate at the time na all time low dapat ang interest rate, dahil binibigyan na nga natin ng credit subsidy ang mga bangko, dahil napakababa ng binibigay ng Central Bank na pautang mismo sa mga bangko para mapautang muli sa sambayanang Pilipino. At saka linawin din po natin, baka naman kaya umaabot ng 8% dahil sa mga penalties? So kinakailangan pakiusapan din natin iyong ating mga pinagkakautangan na dapat walang penalties lalung-lalo na kung ang hindi pagbabayad po ay sakop ng Bayanihan 1 at saka Bayanihan 2.
TULFO: Secretary Harry Roque, IATF and Presidential Spokesperson, sir maraming salamat po magandang umaga.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po at maraming salamat po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)