Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV 4 – Tutok Tulfo)


Event Media Interview

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga, Pilipinas.

TULFO:  All right. Iyong pag-iikot po ni Pangulong Duterte, ano po ang latest dito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, simple lang po ang mensahe ni Presidente, pag panahon ng sakuna, nandiyan po ang gobyerno para bigyan ng tulong ang ating mga kababayan. Nandiyan po mismo ang ating pinakamataas na opisyales dito sa ating bayan, ang Presidente para ipakita na gumagana ang gobyerno at magbigay ng pag-asa na darating na po ang tulong.

TULFO:  All right at mukhang mabilis din naman, sir, dahil iyong mga rescuers natin noong umaga, pagputok ng araw ay nandiyan na po yata ang AFP natin, ang Coast Guard at ang iba pang mga LGU rescue units, Secretary?

SEC. ROQUE:  Tama po iyan. Kasi tandang-tanda ko po, parang mayroon akong premonition na may masamang nangyayari, hindi po tayo nakatulog noong Thursday kaya alas-kuwatro pa lang po ay nakipag-ugnayan na ako kay USec. Jalad. Ito po ay alas-kuwatro, at ang sabi naman po niya, maski madilim pa ay naka-preposition po ang rubber boats, napa-preposition po ang mga rescue teams natin galing Coast Guard lalung-lalo na dito sa Cagayan. Kaya nga po by 7 A.M. ay napakadami na pong datos na naibigay sa akin iyong mga individual na na-rescue natin, nasa bubong, nasa kung saan-saang lugar ano.

At iyan po ay patunay bagama’t hindi masyadong malakas ang naging ulan sa Cagayan eh handa po tayo just in case nga po umapaw iyong mga rivers na iyan ‘no. At alam din naman po natin na two days before ay nagsabi rin po iyong Magat Dam na magri-release sila ng tubig, kaya naman po naka-preposition din iyong ating mga tulong sa lugar na pupuwedeng maapektuhan ng paglabas ng tubig sa Magat.

TULFO:  Pero, parang iyong mga kababayan natin, sir, eh hindi nakapaghanda dahil iyong ilan sa kanila—uy, marami-rami rin ilang daan din po iyong mga umakyat sa mga bubungan nila. I was informed though na mayroon daw abiso, pero mukhang ang mga kababayan natin hindi nila ika nga … not necessarily hindi sineryoso, pero hindi pa rin natin masabi na naging kampante. Pero mukhang hindi yata inaasahan na ganito kadaming tubig ang ilalabas diyan sa Magat Dam o itong dadaloy sa buong Cagayan, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, tama po iyan. Bagama’t handa tayo, parang na-underestimate natin. Ang sabi nga po ni Mayor Antonio ng Alcala, this is the worst flood in a 100 years. So hindi naman po natin talaga na-anticipate na ganitong katindi at lilinawin ko rin po na mayroon na kasing siyensiya na pinag-aralan itong Cagayan River at ang sabi nila marami talagang dahilan kung bakit umapaw iyan. Bagama’t isang dahilan ay ang paglabas siguro ng tubig sa Magat ay hindi naman po maiiwasan iyon, dahil kapag hindi naman lumabas ang tubig doon baka tuluyang sumabog ang Magat eh mas malaking aberya ang mangyayari.

Pero problema din iyong pagmimina na illegal diyan sa area na iyan, iyong illegal na pagpuputol ng mga kahoy hindi lang po sa Sierra Madre kung hindi diyan din po sa Cordillera na nagsisilbing water shed po ng Cagayan at Isabela. At mayroon din po talagang problema tayo, dahil doon po sa Cagayan River parang mayroong chokepoint na tinatawag po doon  na kapag nag-overflow po diyan sa chokepoint ay iyan po ay napupunta sa ibang ilog na dumidiretso sa Alcala, Cagayan na isa ngayon sa pinakabahang lugar sa buong Cagayan ‘no. I understand na lahat ng mga barangay sa Alcala, iisa lang po ang barangay na hindi po nabaha at the whole municipality is under water.

So, doon naman po sa pagpupulong ni Presidente, talagang sinabi naman ni DENR Secretary na baka kinakailangan gawan ng major infrastructure work iyong chokepoint sa Cagayan River at ito po ay nirekomenda na ng JICA matagal na panahon ng nakalipas.

TULFO:  All right. Panghuli na lamang, Secretary. Ano po ang reaksiyon ninyo, wala pa rin pong puknat itong #NasaanAngPangulo, dinagdagan pa nitong ilang mga estudyante na  nagpapakalat ng position paper or white paper na sinasabing one week no classes, mass students strike now, dahil ika nga sa inability of the government or neglect of the government ngayong panahon ng delubyo. Ano po ang reaksiyon ninyo ito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, iyan po ay desisyon ng mga kolehiyo at mga pamantasan, dahil kinakailangan sila po ang magdesisyon diyan ano dahil mayroon tayong tinatawag na academic freedom, so pababayaan nating magdesisyon ang mga administrator.

Pero magkukomento ako doon sa sinasabi ng ilang mag-aaral na mag-a-academic strike daw sila, binabasa ko po statement nila ang sabi nila, hindi raw sila magsa-submit ng mga academic requirement. Alam mo Pareng Erwin tayo ay naging aktibista rin naman at ngayon ay pusong aktibista pa rin, pero hindi po natin ginawa na hindi natin sinabmit iyong mga academic requirements as part of our protest, kasi iyan po iyong minimum requirement para makapasa ka ng kurso.

At dahil halos 20 taon din naman ako nagturo sa Pamantasan ng Pilipinas—sa UP po, bagama’t puro aktibista iyan, hindi po iyan nangyayari iyan sa College of Law ‘no. Puwede silang mag-rally, puwede silang mag-sit down, pero kapag sinabing kinakailangang kumuha ng final exam, kinakailangan kumuha ng final exam; kung sinabing kinakailangang mag-recitation, kinakailangang mag-recitation; kapag sinabing kinakailangang mag-submit ng term paper, kinakailangang mag-submit ng term paper.

Hindi po dahilan iyong tinatawag nilang freedom of expression para huwag pong sumunod sa mga academic requirement. Iyan po ay sure formula ng pagbagsak kung gagawin po nila iyan.

TULFO:  Very well said. Maraming salamat po, Secretary Harry Roque. Magandang umaga po. Please stay safe, Secretary.

SEC. ROQUE:  Stay safe din, Pareng Erwin. Magandang umaga po.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)