TULFO: Magandang umaga, Secretary Roque, sir.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga po, Pilipinas.
TULFO: Alam mo, Secretary, happy birthday, sir. Talagang—
SEC. ROQUE: Ay, thank you po.
TULFO: Akala ko hindi ka na nagbi-birthday, sir, kasi parang hindi ka naman tumatanda. Since noong propesor ka pa, ganoon na rin ang itsura ninyo, wala man lang lines akong nakikita.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pareng Erwin, talagang that’s the greatest birthday gift that I had today. Maraming salamat po.
TULFO: Thank you, sir. Thank you. Anyway, sir, dito ho tayo. Sir, si Secretary Bello kahapon ay nagsabi na mayroon daw na apat na libo na mga OFWs at seaman na nandiyan sa mga iba’t ibang hotel na ginawang quarantine facility ang hindi makauwi. Bagama’t sila ay dumating noong Thursday at na-testing sila noong Thursday ng Red Cross ay nandiyan pa rin sa hotel dahil daw hindi pa nailalabas ang resulta. Parang naiipit ngayon dahil daw dito sa PhilHealth na utang. Papaano po ito ngayon—at marami raw dumarating, sir, by hundreds, araw-araw baka matambak na naman ang mga OFWs natin, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, kahapon po iyon. Pero ngayon po ay nagawan na po ng paraan. Mayroon naman po tayong 113 RT-PCR at saka 35 GeneXpert PCR testing centers ‘no. So kumuha lang po tayo ng panandaliang kapalit kasi kaya naman po naantala iyon kasi bigla iyong decision ng PNRC na bumitaw ‘no. Pero ngayon naman po, iyong mga ibang labs ay nagti-take over na para nga po hindi maantala ang pag-uwi ng mga OFWs sa kanilang mga mahal sa buhay.
TULFO: All right. Pero papaano po itong 4,000, sir, ito po ba ay lalabas? Ang inaantay lang po nila ay resulta, Secretary.
SEC. ROQUE: Well, sandali lang po iyong naging pag-antala sa kanilang pag-uwi kasi nga po kinakailangang kumuha lang ng relyebo, pero marami naman pong relyebo ‘no. At sa tingin ko rin, maaayos na rin po itong gusot sa PNRC.
TULFO: Ayun, all right. Sir, moving to another topic, Secretary. Ito pong budget, okay na ho ba at ito ho ba ay ano hong balita ho ninyo? Na ito po’y umakyat na sa Senado at inaantabayanan na lamang ngayon.
SEC. ROQUE: Well, pinasasalamatan nga po namin iyong Kamara de Representantes sa kanilang pagpasa ng budget on third and final reading. Pero kinakailangan din po ma-transmit po nila iyong soft copy ng budget o dili naman kaya iyong hard copy on or before 28. Dahil iyan po ang sabi ng mga senador, kung hindi nila matanggap on or before the 28 ay baka magkaroon na naman po tayo ng pagkaantala sa pagpasa ng budget na baka pa rin maging dahilan na magkaroon tayo ng re-enacted budget.
So inaasahan naman po namin na mayroon pa naman pong mga pitong araw ‘no before 28 ay baka kayanin pa po iyan ng ating Kamara.
TULFO: Secretary Harry Roque, IATF/Presidential Spokesperson, maraming salamat, sir. Again, belated happy birthday, Sec!
SEC. ROQUE: Maraming salamat po.
###
—