Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Tutok Tulfo Reload 2.0)


Event Media Interview

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin. Salamat sa pagkakataon na linawin ang bagay na ito.

TULFO: Naku, sir, ako ang magpapasalamat sa iyo dahil naguguluhan na itong mga magulang at text nang text sa akin. Ito nga iyong iba, iyong pang-text ko sa ayuda dito na sila nagtatawag at gustong malinawan diyan sa kung sino raw ba ang susundin – si Pangulo, si DepEd at DOH o si IATF? Ano raw ho ba, Secretary, sir?

SEC. ROQUE:  Well, wala naman pong pagkakaiba sa mensahe ano. Ang Presidente, ang sinabi niya, hindi niya ilalagay sa alanganin ang buhay ng kabataan – malinaw po iyan. Kaya naman po ang sinasabi natin noong una pa ho bago magsalita ang Pangulo, kapag mayroon nang new normal ay pupuwedeng mag-face to face. Pero kung hindi umabot sa new normal ay magkakaroon ng blended learning.

Ngayon, ang naging final resolution po, matapos magpulong ang Presidente at si Secretary Leonor Briones noong isang araw ay tuloy po ang pasok, pero gagawin nating blended. Ang blended learning po, hindi lang iyan computer, hindi lang iyan radyo, hindi lang iyan TV without prejudice din iyan sa klase, pero mas maliliit na klase for specialized reasons, so blended. Lahat-lahat po ay gagamitin natin, kaya nga lang, hindi talaga pupuwede na normal classroom capacity dahil alam naman natin na hindi sapat ang ating mga espasyo.

So ang primary mode of learning natin sa radyo, sa TV, sa internet. Kung anong mayroon doon sa lugar na iyon, isu-supplement na lang natin ang small classes para sigurado po na mayroong social distancing, at paminsan-minsan siguro once or twice a week. So talagang we will adapt to the new normal po, lahat po ng paraan para matuloy ang edukasyon ng ating mga kabataan.

TULFO:  Ayon, so malinaw: Tuloy ang pasukan, August 24, private at public.

SEC. ROQUE:  Opo.

TULFO:  Kasi may mga nagsasabi pa nga raw, sir, parang pang mayaman lang iyan, iyong August 24; iyong pangmahirap, wala pa, wala pa talagang schedule.

SEC. ROQUE:  Hindi po, kasi po blended learning po eh so hindi lang naman computer iyan. May nagsasabi kasi maraming mga mahirap ang walang computer. Sa mga walang computer po, mayroon din tayong mga community radio, community TV. Tapos isu-supplement natin ang maliliit na mga klase para sa ganoon po ay mas sigurado, pero iyan po ay paminsan-minsan lamang.

TULFO:  Ang tanong po ng ilan lalo na iyong sinasabi ninyo sa public school: Okay, kung wala po silang internet, hindi sila online, makukuha nila iyong mga lessons nila po sa mga radio, sir. Papaano naman sa exam, papaano ibalik sa teacher iyong examine?

SEC. ROQUE:  Kaya nga po blended eh. Without prejudice na paminsan-minsan siguro na pagkaklase na mas maliliit. Kasi ang mangyayari diyan, kakayanin naman ng mga teachers iyan dahil kokonti lang naman ang mga papasok lang naman ‘di ba, at saka paminsan-minsan lang naman. So para lang ba mayroong sense na back to normal. Pero siyempre dahil nga ayaw nating ilagay sa alanganin ang mga kabataan, primarily talaga, alternative learning ang gagamitin, without prejudice to paminsan-minsan smaller classes.

TULFO:  Gets ko na, sir. So imbes na, for example, iyong estudyante niya sa public school sa Grade 4 ay singkuwenta na bata ay baka puwede na munang hatiin iyan o dose muna ngayong Lunes, dose sa Martes, iyong iba naman … gets ko na, sir.

SEC. ROQUE:  Tapos sa pang-araw-araw na mayroon silang radio, mayroon silang e-learning. [garbled]

TULFO:  Secretary, panghuling katanungan, sir. Papaano raw po ito, mukhang iyong ibang school nagdadagdag sila ngayon sa matrikula, ng mga tinatawag na miscellaneous dahil sa online learning, computer use, etc., etc.

SEC. ROQUE:  Well, sa mga private schools po iyan. Pero wala naman pong dagdag sa tuition na hindi dapat inaaprubahan ng either sa higher learning – DepEd o kaya sa CHED. So kinakailangang sumunod din sila sa mga palatuntunan bago sila magtaas po ng tuition fee dahil hindi naman po nakasalalay lang iyan sa kamay ng eskuwelahan, mayroon din pong say ang gobyerno diyan.

TULFO:  Sir, paghuli na lamang, ito may clarification, Secretary. Salamat nga pala po iyong nilapit ko po sa inyo, sabi ninyo may biyahe na iyong mga taga-Dubai, nakauwi na. Maraming salamat po, Secretary Roque, at naka-landing na po iyong mga iyon. Anyway, panghuli na lamang po, sir. Ang tanong nitong mga kababayan natin, sa GCQ raw, Sec., kung saka-sakali ay handa na po ba ang Metro Manila for GCQ? Ano pong report sa inyo sa IATF?

SEC. ROQUE: Handang-handa na po. Kaya lang po talagang maliit pa iyong public transportation, zero hanggang 20% ang karamihan ng MRT, mga ganiyan, hanggang 20% pa lamang kasi naman sa una pa lang naman iyan. Pero as we go along ay pataas nang pataas po iyong capacity hanggang 50%.

TULFO:  Salamat po, Secretary Harry Roque. Magandang umaga po, Secretary.

SEC. ROQUE: Salamat po. Magandang umaga po.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)