Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Tutok Erwin Tulfo/Radyo Pilipinas


TULFO: Sir, ito diretso na ho tayo. Mass gatherings, construction, papaano ito? Maraming nagtatanong kung sila ay nasa GCQ na ngayon, General Community Quarantine, pupuwede na ba or hindi pa rin pupuwede; pakilinaw daw po, sir.

SEC. ROQUE: Lahat po ng mass gatherings ay hindi pa po pupuwede ‘no—

TULFO: Kahit GCQ?

SEC. ROQUE: Oo, sa GCQ. Bagama’t in-approve po ng IATF iyong mass gathering para sa religious, for as long as there is a two-meter social distancing ay talaga naman pong pinutakte kami ng reklamo ‘no. Pinadala ang mensahe ng mga governors sa akin, na galit na galit sila. Sabi ko, huwag kayo sa akin magalit na personal dahil hindi ko po desisyon na personal iyan; at kinunsidera naman po iyan ‘no.

Kaya nga po pag-uusapan muli ngayong araw na ito, kasama iyong detalye ng SAP para doon sa pangalawang tranche, ng IATF itong mass gatherings for religious purposes at saka iyong mga meetings ng mga empleyado sa mga workplaces. Iyan po iyong iri-reconsider yata ngayon sa IATF. Sandali na lang po at magsisimula na iyan ‘no, in less than 30 minutes.

Tapos ang norm pa rin po ngayon is social distancing. Ang construction po, pinapayagan na ngayon kasi alam naman natin kinakailangang buhayin ang ekonomiya ‘no. Ang bibigyang linaw ko lang po ay iyong private construction; kasi iyong mga public construction ang siyang pinapayagan lalung-lalo na iyong mga priority projects—

TULFO: Iyong mga kalsada, tulay.

SEC. ROQUE: Oo, tulay at saka iyong mga repair po ng mga trains natin ay pinapayagan na po iyan. Ang hindi ko lang pong masagot at lilinawin ko ngayon iyon mga private, iyong sa mga bahay-bahay, kasi iyong mga highways naman po ay mga pribado rin iyan, mga PPP iyan ‘no. Pero iyong mga sa bahay na mga repairs at construction, bibigyan-linaw ko po ngayon iyan sa DTI.

TULFO: All right. Sec., kanina kausap ko si Mayor Bolompo ng Lian, Batangas at sabi niya, sila ay bayan na nasa likod na ng Batangas – medyo malayo na sa Batangas City. Baka puwede raw po—sila kasi ay kasama pa rin sa ECQ eh bagama’t sabi niya, dalawang linggo na ho iyan, tatlong linggo na wala na silang COVID positive, pati iyong mga PUI nila ay negative na. Kung pupuwede raw ba sila at sampung bayan pa yata or 14 na bayan na ibaba na sila sa GCQ from ECQ, sir, kasi medyo mahirap daw kumilos?

SEC. ROQUE: Ang problema po kasi—ang tinitignan natin na batayan ay iyong bilis na pagkalat ng sakit sa isang probinsiya at saka iyong available na health facilities lalo na iyong critical care facilities.

TULFO: Or iyong second wave, iyong tinatawag na second wave, Secretary?

SEC. ROQUE: Oo. So napakahirap po ngayon na ilang mga munisipiyo o ilang mga bayan sa isang probinsiya ay magiging GCQ at iba ay ECQ. Pupuwede po siguro na sa GCQ, iyong ilang mga bayan – at may kapangyarihan po ang mga governors ‘no – at mga component cities ay ilagay pa rin sa ECQ bagama’t ikaw ay GCQ na ‘no. May ganiyang kapangyarihan po ang mga governors in consultations with the local IATF; ang mga mayor po ng mga component cities. Iyong mga highly urbanized cities naman ay may kapangyarihan na maglagay sa ECQ ng ilang mga barangay nila pero kinakailangan din po ng coordination sa IATF. Pero iyong binabanggit po na GCQ sa ECQ, kinakailangan IATF po ang magdeklara niyan.

TULFO: Sir, moving forward, one last question: Cash aid distribution, SAC, marami pa rin pong problema. May mga pumirma pero one month na ay hindi pa rin nabigyan. May mga iba naman na talagang pasado sila, mga single parent, walang trabaho ever since, hindi nabibigyan ng 4Ps ay dinadaan-daanan lang ng barangay. How will we address this problem? O ito po ba ay ia-adress ng IATF, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, iyan po ay nasa lokal na mga pamahalaan na, at ito naman po ay ina-address ng kapareho ng DSWD at ng lokal na pamahalaan. Noong una po ay binigyan talaga silang ng warning na kapag hindi nila maibigay ang ayuda sa lahat ay magkakaroon ng show cause order at pagpaparusa. May iilang mayors po ang nagsabi, ‘Eh ikulong ninyo na kami,’ kasi napakahirap magbigay ng ayuda na hindi pupuwedeng magtipun-tipon at kinakailangan mag-observe ng social distancing.

Iyong PPPP kasi na tinatawag natin, iyong 4Ps, ang pamimigay diyan ay pinupuno ang mga multi-purpose hall na parang mayroong political rally ‘no – hindi nga po pupuwedeng gawin iyan. Eh mantakin ninyo po na doble, na triple, naging apat na beses pa iyong dami ng beneficiaries sa isang lugar ‘no at hindi sila pupuwedeng mamigay na en masse gaya ng ginagawa nila sa 4Ps.

So naintindihan naman po ng Pangulo iyan, at frustrated man lang siya ay gagawin pa rin po natin ang kayang gawin; binigyan nga sila ng palugit ng pitong araw. Pero tingin ko naman matapos ang pitong araw, dapat naman ay majority kung hindi po kabuuan ng mga ayuda ay dapat nakarating na sa mga nangangailangan.

TULFO: Papaano po iyong sinasabi ng barangay na hindi ka qualified and yet you’re qualified, may pag-asa po ba sila ngayon sa second tranche na makakuha ng ayuda sa SAC or ng SAC, Secretary?

SEC. ROQUE: Doon po sa unang tranche, mayroon pong appeal process diyan. Kasi ang ginawa natin nga, although nagkamali tayo na 18 million lang ang ating binigyan ng budget eh pinagbibigyan na natin ang lahat ‘no. Kaya nga po sa second tranche, mas kaunti na iyong available para sa ayuda. And tingin ko po, bagama’t pagpupulungan pa ito ng IATF, ang magiging desisyon siguro ay hindi na bigyan ang lahat ‘no, baka ibigay na lang sa ECQ kasi lumiit na nga iyong 205 billion na binigay ng gobyerno dahil intended lang iyon for 18 million eh mas malaki po iyong nabigyan natin – parang mga 23 or 24 million ang talagang nabigyan natin sa first tranche o bibigyan pa sa first tranche.

TULFO: All right, okay. Now malinaw na. Secretary Harry Roque, maraming salamat, sir. Magandang umaga. Please stay safe, sir.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. See you po ulit.

 

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)