Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Gerry Baja & Anthony Taberna (Dos Por Dos – DZMM)


 

ANTHONY: Nandito na si Presidential Spokesperson Harry Roque.

GERRY: Pinutol daw iyong kaniyang bakasyon! Dapat sana’y next pa yata darating, eh na-cut short ang kaniyang bakasyon!

ANTHONY: Ang dami namang kasing pangyayari sa—

JOEL: Eh tanong natin bakit nga, bakit nagkaganoon! Secretary..?

SEC. ROQUE: Uy, Anthony at Gerry magandang hapon. Magandang hapon sa lahat ng nakikinig at nanonood sa inyo.

ANTHONY: Eh, hindi ba kayo napagalitan ni Ate Maila? Eh pambihira nakabakasyon, pinutol-putol ninyo iyong bakasyon daw.

SEC. ROQUE: [Laughs] Malalaman ko po iyan pag-uwi nila, dahil hindi pa sila dumarating [laughs]…

ANTHONY: [Laughs] Nauna pala kayo.

GERRY: Nauna kayong umuwi? Nauna pong umuwi.

SEC. ROQUE: Naiwan pa po. Opo, nauna na po akong umuwi.

GERRY: Hindi! Ganoon talaga, dami ng trabaho diyan sa Malacañang ano?

SEC. ROQUE: Opo.

ANTHONY: Pinauwi ba kayo ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Hindi naman po, kaya lang natuloy po iyong Cabinet meeting; ang feeling ko naman bagong-bago ako, dapat nag-a-attend ako ng Cabinet meeting. So natuloy po iyong Cabinet meeting ng a-kuwatro, eh dati po walang—dati po dapat sked iyon na every Monday po iyon naka-schedule. So noong nabalitaan kong natuloy ng Tuesday, eh sabi ko obligasyon naman na attend-an dahil once a month lang iyan, opo.

GERRY: Iyan ang public servant.

JOEL: Talaga, minsan isasakripisyo mo iyong pamilya mo pagka tawag ng tungkulin eh. Okay. Secretary, hindi pa ba kayo nagsisisi at pinasok ninyo itong [laughs]… itong tungkulin na ito?

SEC. ROQUE: Well ang mabuti po eh, hindi lang po sa pagbalik kung hindi doon sa trabahong ito – at least pumayat po ako. Tiningnan ko iyong timbang ko kanina, all time low po ang timbang ko.

GERRY: Wow! Gaano kalaki ang nabawas?

SEC. ROQUE: Ay naku malaki-laki na po, mga limang kilos na po [laughs].

ANTHONY: Limang kilo? Ay hindi, baka naman nagki-key to diet kayo ha.

SEC. ROQUE: Ah hindi po, talagang—

ANTHONY: Natural.

SEC. ROQUE: —pagiging Spokesperson, papayat ka [laughs].

ANTHONY: Kung sabagay, totoo ho iyon.

GERRY: Eh ito ho, kaya kami napatawag Secretary dahil nagkakaroon ng kalituhan. Kanina ho kasing umaga, eh inanunsiyo ni Secretary Piñol na binuwag na ng Pangulo ang NFA Council. Eh tapos ngayong hapon, may narinig kami na parang pinapabulaanan daw ng Palasyo. Ano ho ba talaga?

SEC. ROQUE: Well unang-una po, too late na po ang tawag ninyo. Kasi ngayon ang kasunduan namin eh magka-clarify na muna kami kay Presidente na wala na pong issue. Pero ang katotohanan po niyan ay nakita ko nga po iyong statement ni Secretary Piñol, at inaamin ko po narinig ko rin iyon na sinabi ni Presidente. Pero ang sasabihin ko lang po is noong sinabi po ni Presidente iyon, tumayo si Secretary Piñol, tumayo si Executive Secretary, nag-usap sila sa entablado. At narinig ko rin po after na—at siguro nagkaroon sila ng mga pag-uusap kaya lang hindi naman ako nasa entablado po, so hindi ko na alam.

Pero ang sinabi ko lang po din kaninang umaga, iyong mga narinig ko lang. Pero ngayon po ang usapan, ay ika-clarify na lang kay Presidente kung ano talagang gusto niyang mangyari. Kasi noong nauna po, eh mayroon ding usapin na i-a-abolish na iyong NFA kasi magkakaroon po tayo ng Tariffication. Iyong Tariffication ay papayagan na nating pumasok ang mga imported na bigas basta magbabayad ng tariff. At kapag nangyari po iyon, wala nang dahilan na para magkaroon ng NFA.

Pagkatapos ang isang punto naman po diyan eh, iyong pagbubuo po ng NFA eh isang batas at kasapi po iyong Council doon sa batas, so kinakailangan pa rin ng isang batas ‘no. pero iyong paglipat sa NFA kung ito’y maging sa under ng OP o sa under ng DA, iyan po ay sakop pa rin ng kapangyarihan ng isang Presidente. Pero ang usapan po ngayon as of 5 minutes ago, is hintayin na lang natin ang clarification kay Presidente kung ano talaga ang gusto niyang mangyari.

GERRY: Ay tama ho, at para magkalinawan kaagad bago makalikha ng confusion itong mga balitang ito, kung ano ba ang bubuwagin – iyong NFA Council ba, iyong NFA ba o pareho bang bubuwagin.

ANTHONY: Siguro para mas klaro kombachero, puwede ba talagang buwagin ang NFA—ng Pangulo ha through an executive order?

GERRY: Ay itanong natin sa isang dating kongresista; isang abogado na ngayon ay Presidential Spokesman. Secretary…

SEC. ROQUE: Well ang hirap po ay Presidential Spokesman ako ngayon, pero ang pagkakaalam ko po eh mayroon din pong batas na bumuo diyan ‘no. So, kinakailangan ng amendatory na batas din. So—pero baka po ako nagkakamali din. So…Pero ngayon po nag-usap na rin kami ng PMS; tinitingnan na rin nila po kung paano mai-implement iyong gustong mangyari ni Presidente – kung talagang gusto niyang buwagin ang Council.

Pero iyon nga po, lilinawin kay Presidente. Kasi ang nangyari po, nagdeklara siya tapos nagkaroon ng usapan sa entablado mismo. Ako naman, hindi ako kasama sa usapan na iyon so i-clarify na lang kung ano talaga iyong nais mangyari ng Presidente.

ANTHONY: Iyong kuwan yata kombachero, iyong NFA ay creation ng batas ano, kaya nga may charter—

GERRY: Iyong NFA.

ANTHONY: Pero iyong NFA Council, iyon po ba’y creation din ng Kongreso o ng batas?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po doon sa charter mismo ng NFA, doon nakasulat din ang NFA Council. Kasama rin po siya doon sa batas ng charter.

ANTHONY: Kaya na nga napansin natin dito sa NFA Council na ito eh, para ho itong bolang pinagpapasa-pasahan eh. Naalala ko dati, ito’y pinamumunuan ng DA Secretary…

GERRY: Agriculture Secretary. Biglang nawala ho sa eksena ang Agriculture eh.

ANTHONY: Isip-isipin mo, NFA Council wala iyong in-charge sa rice production…

GERRY: Eh kaya nga.

ANTHONY: Oo, tapos that’s number one. Number two, noong dumating po si Secretary Kiko Pangilinan diyan, iyong Presidential Adviser on Agricultural Mode—napunta sa kaniya iyan eh. Napunta sa kaniya tapos—at iba’t iba pa. Eh parang bolang… hindi ba, na pinagpasa-pasahan.

GERRY: Mga ahensiyang nasa ilalim ng DA noon, na naihiwalay sa DA.

ANTHONY: Oo. So parang ganoon po, mukhang kung kaninong opisina na dapat sumailalim, mukhang iyon po ay flexible based on history o recent history ha Secretary, ano ho?

SEC. ROQUE: Opo. So ang pinag-uusapan po talaga, kung sino magkakaroon ng supervision over NFA itself. So puwede po italaga iyan, nasa kapangyarihan ng Presidente po ‘yan; na may kapangyarihan talaga ang Presidente na mag-reorganize ng bureaucracy. Pero ang kasunduan nga po is tanungin na lang natin si Presidente kung ano talaga ang gusto niya, kasi pupuwede naman na buwagin ang Council lamang.

Pero kung kinakailangan magsabatas ng amendatory law, eh kinakailangan iyon. Pupuwede ring buwagin ang NFA itself ‘no, dahil kung pupunta nga tayo doon sa Tariffication at binigyan naman po ng—kasama po iyan sa legislative priorities ng Ehekutibo rin at sinumite sa Kongreso itong Tariffication, iyong pagpapasok nga ng bigas na, na mawala na iyong monopoliya ng NFA sa pagkakalap ng bigas.

GERRY: O sige, hihintayin ho namin Secretary ang clarification. Within an hour kaya ay malaman na natin ‘yan? [Laughs]

SEC. ROQUE: Hindi po [laughs].

GERRY: O sige po. Habang hinihintay natin iyan eh may iba pa kaming katanungan. Tutal eh, ito’y nangyari noong sa meeting ng Pangulo sa mga rice traders. Mayroon hong—nagalit ang Pangulo eh, na ipinatatawag daw sa Malacañang taga—Regional Director ng LTO at isa yatang opisyal ng DPWH na isinumbong ng mga rice traders. Nakarating na ho ba diyan sa Malacañang?

SEC. ROQUE: Well kung nakarating po siya, hindi pa siya naboldyak ni Presidente. Kasi si Presidente po’y nasa Davao ngayon. So iyong pagboboldyak hindi pa po nangyayari. Pero baka po iyan ‘no, nagreklamo po iyong mga rice traders na mayroong—parang doon sa isang weighbridge diyan sa Nueva Vizcaya ay mayroong nangingikil. At doon mismo tinawagan talaga ni Presidente si Transportation Secretary Tugade at sabi “Sibakin mo ‘yan ha,” at hindi po dapat iyan ganiyang nangyayari ‘no. So pakita na naman po iyan na talagang seryosong-seryoso si Presidente pagdating sa kampanya laban sa korapsyon.

GERRY: Oo… So, pumunta pa kaya sa Malacañang iyan? [Laughs]

ANTHONY: Hindi, kung ako sa kaniya hindi na ako pupunta.

GERRY: Biruin mo nga ang sabi daw ng Pangulo eh lalamukusin niya ang pagmumukha [laughs].

SEC. ROQUE: Tama po iyon [laughs]. Ako magpapatunay na talagang sinabi ni Presidente—

ANTHONY: Hindi, lalo pa kung ang nagsumbong eh mismong nabibiktima nitong buwiset na modus na iyan ano.

SEC. ROQUE: Tama po. Tama po.

GERRY: Okay. So ano hong naging pinagkatapusan noong meeting ng Pangulo with the rice traders?

SEC. ROQUE: Ay ang mabuting balita naman po, eh nag-agree sila na magbebenta sila ng 700,000 bags of rice sa NFA at 38 pesos. So ito naman po’y patunay na wala talaga po tayong kakulangan sa bigas. Naubos lang talaga iyong NFA rice. Now kung bakit naubos hindi pa natin alam at talagang I’m sure paiimbestigahan ni Presidente iyan bakit nga naubos iyang ganiyang bigas na iyan ‘no. Pero wala po talagang rice shortage, iyan po ang mabuting balita naman! At iyong katunayan nito ay nakakapagbenta nga sa NFA ng ganiyang parehong halaga ang mga private sector, so iyan po ay good news dahil wala pong dapat ikabahala. Hindi dapat mag-panic buying, sapat-sapat po ang supply! Iyong NFA rice lang po ang naubos.

ANTHONY: At mayroon namang papalit na, may parating na hindi po ba?

SEC. ROQUE: Mayroon pong parating na. So—at ngayon nga po kung kinakailangan pang magbenta ng mas marami ay willing naman po iyong mga rice traders na magbenta sa NFA.

ANTHONY: Sa halaga na hindi masyadong mataas?

SEC. ROQUE: 38 pesos po, ang kakaiba lang nito normal kasi ang binibilhan ng NFA ay ang mga magsasaka diretso. Eh ngayon po tumulong naman iyong mga rice traders, sige bentahan namin kayo ng mababang halaga para maibenta rin sa publiko ng mababa.

ANTHONY: Ito po ba ay ginagawa lagi ng mga rice traders? Ang binebentahan NFA? Parang extra-ordinary po ito—

SEC. ROQUE: Hindi po, sa pagkakaalam ko po extra-ordinary po ito. Ito rin ang nagpatunay ng pagpapatuloy ng suporta ng mga rice traders sa ating Presidente. Kaya naman ganoon din naman ang aksiyon ng Presidente sa mga reklamo ng rice traders. May reklamong may nangongotong, sibak!

ANTHONY: Iyon ang kailangan. Kasi ang dahilan din po kumbaga minsan kaya tumataas ang presyo sa merkado, ang nangyayari ay pina-factor-in ng mga biyahero ng mga traders iyong kotong sa kalsada. Actually hindi lang po bigas iyan ha pati gulay—

GERRY: Pati sa iba, oo.

ANTHONY: At iba pang agricultural products?

SEC. ROQUE: Ang nireklamo po ay LTO at saka DPWH—

ANTHONY: DPWH.

GERRY: O sige titingnan natin ang update diyan. Isa pang issue Secretary tutal eh bihira namin kayong matiyempuhan. Nito hong mga nakaraan ay nagkaroon din ho ng kalituhan tungkol doon sa isyu na kung ano ba talaga at nagbago ba ang posisyon o paninindigan ng Pangulo tungkol doon sa endo tungkol doon sa kontraktuwalisasyon na isa sa mga campaign promises ng Pangulong Rodrigo Duterte. Ano ho ba talaga ng isyu doon Secretary?

SEC. ROQUE: Bago po ako magbakasyon kinausap ko si Presidente tungkol sa endo kaya nanindigan siya, pangako pa rin niya iyan sa ating mga botante noong siya ay kumuha ng mandato, so tutuparin po niya iyang pangakong iyan. At nakita naman natin na kung iyong kailan lamang na si Secretary Bello ay nag-order nga na dapat i-regularize ang mga fast food, iyong kanilang nga empleyado. So napag-usapan po namin ni Presidente iyan, naninindigan siya alam niyang ginawa niya ang pangako niya at tutuparin po niya iyan.

GERRY: Wala hong nagbabago sa posisyon na iyan ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Wala po eh sabi niya talaga ay nasa campaign promise that I have to—

GERRY: Puwede ho ba iyon na magawa ng Pangulo sa ilalim lang ng isang Executive Order?

SEC. ROQUE: Well tingnan po natin kung anong mga pangyayari na susunod, kasi ang—kung titingnan mo po sa isang panig, ang endo po talaga ay ipinagbabawal naman sa existing Labor Code. So kung implementation lang iyan ay pupuwede naman po iyan ‘no. Eh nandiyan na iyong polisiya na ibinigay ng Kongreso at iyan po nga ay sa pamamagitan ng Labor Code.

ANTHONY: So hindi na kailangan ng bagong batas?

SEC. ROQUE: Siguro iyong bagong batas po kinakailangan para lang sa refinement, kasi marami na po kayong mga bagong development since the Labor Code, lalong lalo na pagdating dito sa mga call center, sa mga bagong industriya na dati-rati ay wala. Pero iyong prinsipyo po ay nandiyan na naman talaga iyang mga pagbabawal na iyan eh, wala lang nga akong mga—ang pino-provisional diyan ay iyong general na pino-provision ng Labor Code.

GERRY: Eh kaya ho namin naman naitanong iyan dahil nagsimula na ho iyong iba’t ibang grupo ng kanilang serye daw ng kilos protesta, kanina mayroon diyan sa Mendiola at ang kanila ngang isinisigaw at kanilang sinisingil ay iyong pangako ho ng Pangulo sa endo, sa kontraktuwalisasyon.

SEC. ROQUE: Well, iyon po ay talagang sinabi po sa akin ni Presidente na tutuparin niya iyang pangako niya sa ating sambayanan.

GERRY: Okay, isa pa Secretary ha. Iyong sa peace talks, peace negotiations sa CPP-NPA, may mga kondisyon na hinihingi ang pamahalaan na dapat ay itigil muna ang mga pag-atake mula sa NPA at itigil din ang pangongolekta ng revolutionary tax. Mayroon ding hinihingi naman na kondisyon din ang CPP-NPA-NDF, tanggalin daw iyong terrorist tags sa kanila?

SEC. ROQUE: Ewan ko po kung pormal na iyang naiparating sa atin kasi nandoon po ako sa Palasyo noong ipinarating ni Presidente ang kaniyang mga kondisyones sa CPP-NPA sa pamamagitan ni dating Congressman Braganza. So ang alam ko po hindi pa bumabalik si Congressman—dating Congressman Braganza kung anong kasagutan ng CPP-NPA. So hintayin p0 natin ang pormal na kasagutan sa pamamagitan ng mensahe na ipadadala ni Congressman Braganza.

GERRY: Okay, Secretary—

ANTHONY: Wala ba kayong i-a-announce, may sisibakin pa ganoon, wala? [laughs].

SEC. ROQUE: Well marami pa po iyan. Huwag kayo pong mag-alala dahil nagpapakita naman po iyan na seryoso ang Presidente sa kaniyang kampanya laban sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno. Eh mayroon na po siyang nabanggit na susunod na sisibakin, hayaan na nating siya naman ang mag-anunsiyo o kaya naman ay bigyan na natin siya ng sapat na panahon para maggawa ng pinal na desisyon pero mayroon na po siyang nasabi sa aking pangalan.

ANTHONY: Cabinet member po?

SEC. ROQUE: Ay naku tama na po iyon. [laughs].

ANTHONY: Ay kuwan po ito, Cabinet level ba ang kaniyang hinahawakang posisyon?

SEC. ROQUE: No comment naman muna ako diyan dahil either way kapag sumagot ako diyan ay magkakaroon kayo ng clue kaya hayaan na muna natin ang Presidente—

ANTHONY: Tao ba ito?

SEC. ROQUE: Ay tao po talaga.

ANTHONY: Babae po o lalaki?

SEC. ROQUE: Eh kayo talaga, oo. Tama na po iyon. [laughs].

ANTHONY: Secretary, maraming salamat po sa inyong oras.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po.

ANTHONY: Happy long weekend po.

SEC. ROQUE: Happy long weekend din po ha, TGIF. Thank you po.

ANTHONY: Thank you po.

GERRY: Si Secretary Harry Roque, ang Presidential Spokesperson.

###

 

Resource