Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista – Coffee Break, DZRH


URI: Merry Christmas ha, na-receive na namin—

SEC. ROQUE: Alam mo kung sino iyon? Si Piolo Pascual po iyon, nakita ko.

URI: Uy kalma ka, ako lang ito; Merry Christmas. Sir, ano ang wish ninyo sa ating Pangulo, sa ating gobyerno at sa buong sambayanang Pilipino?

SEC. ROQUE: Naku, isa lang po ang wish ko na matapos na itong pandemyang ito ng tayo ay makabalik na doon sa ating mga dating mga buhay. At siyempre ito ay mangyayari lang kapag nakarating na po ang bakuna at naibigay na po sa lahat ng ating mga kababayan dito sa Pilipinas. Pero iyong pag-asa na nandiyan na po ang bakuna, iyong pag-asa mismo, iyan po ay napakagandang Christmas gift na. Dahil dati-rati, hindi natin nakikita ang pagtapos nitong pandemyang ito; ngayon nakikita natin, ay mayroon din palang bukas.

URI: Partner mayroon ka bang gustong itanong kay Secretary?

HISTA: Yes, Secretary Harry. Ano po ang maibibigay ninyong payo sa mga tao na parang nawawalan ng pag-asa sa kanilang 2021, dahil nga nalugmok sila sa 2020?

SEC. ROQUE: Naku, alam po ninyo, sabi nga ng mga matatanda, kapag ikaw ay bumagsak, ika’y tatayo ‘no. Dahil hindi po naging maganda ang ating 2020, chances are naging napakaganda po ng ating 2021. Gaya ng lumulubog ang araw, sisikat din po iyan at pagdating ng 2021, mayroon po tayong bagong pag-asa, hang in there, kalma lang.

URI: Ako lang ito. Sec, the nation is of course—me, myself sapagkat ako ay beneficiary naman niyan ay nagpapasalamat sa iyong—kailan ba napirmahan iyong UHC? Kasi di ba considered as Papasko mo iyon sa ating mga kababayan ha.

SEC. ROQUE: Opo. Alam kong magpapasko noon, noong dalawang taong nakalipas na pinirmahan po iyan at hindi naman natin akalaing magkakaroon ng pandemya. So talagang parang mayroon plano talaga iyong Panginoon natin at dahil at least, mayroon tayong UHC, mayroong at least tayong libreng mga pa-PCR test at napakalakas natin kahit papaano ang ating health sector bago po dumating itong pandemya.

URI: Wait, iyong pagkakalibre ng marami, lalo na ang mga OFWs sa PCR-test. Was it because of the Universal Healthcare Law na ang bumayad nga po iyong gobyerno at saka iyong contributor ng PhilHealth?

SEC. ROQUE: Ay kasama po talaga iyan, nakasaad po diyan na talagang bibigyan natin ng libreng mga diagnostic ang ating mga kababayan, kasi nga mas mabuti ng ma-diagnose ng maaga kaysa tuluyang magkasakit, dahil mas mahal gamutin ang talagang nagkasakit na. So, tiyempung-tiyempo naman po naipasa natin iyan bago nating kailanganin itong ten million na PCR test mayroon tayo ngayon at ngayon halos 7 million na nga po ang ating mga na-test.

URI: Ayun, naku salamat. You were the principal author of that Universal Health Care bill, magandang Papasko iyan, hanggang ngayon tinataglay pa ng ating mga kababayan ang pakinabang diyan. And hopefully huwag na sanang magkaroon po ng kung anu-ano pang dagok ng pagsubok nitong mga ganitong klaseng sakit. Although may UHC, hindi rin naman maganda na palagi na lang tayong may sakit, Secretary.

SEC. ROQUE: OO nga po, pero inaasahan natin eh dahil talaga ang pagkakasakit ay kabahagi ng pagiging tao. Mayroon naman pong tulong na makakamit tayo galing sa gobyerno.

URI: Secretary, salamat ng marami sa iyo, enjoy the holidays. We will see you soon. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Merry Christmas!

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)