Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista – Coffee Break/DZRH


URI: Secretary?

SEC. ROQUE: Pasensiya na, Henry at Missy, talagang kinakailangan pa nating palakasin ang ating telecoms talaga.

URI: Yes, good that we have the third Telco. Anyway, ano ang sabi ng Pangulo doon sa pangyayari kagabi sa pagitan ng PDEA at PNP?

SEC. ROQUE: Gaya noong sinasabi ko kanina, pagtapos na iyong aming recording ng Talk to the People kahapon noong pumasok iyong report.

Unang-una, siya ay nalungkot ‘no. ‘Naku, mga pulis ko na naman at mga PDEA ko ang namatay,’ tapos ang sabi niya, ‘kinakailangan malaman ko ang nangyari dito, tapos sabihin mo sa kanila huminahon muna at magkakaroon talaga tayo ng masinsinang imbestigasyon.’ Iyon po ang mga binigkas na mga salita ng ating Presidente.

URI: Magpapatawag ba siya ng, let say for example, urgent command conference? Iyong pinuno ng PDEA at PNP ipapatawag po ba ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Sigurado po ako na bibigyan ng panahon ng Pangulo para magkaroon ng isang patas na imbestigasyon at bagama’t bumuo na po ng joint panel ang PDEA at saka PNP, eh tingin ko po papapasukin din ng Presidente iyong NBI para maging talagang impartial na imbestigasyon. Gaya noong nangyari noong nagkaroon ng putukan sa panig ng sundalo at militar doon po sa Sulu.

URI: Ito po ba ay maaring nakarating na sa inyo iyong mga puna na ‘iyan na nga ba ang sinasabi ko, isa iyan sa magpapatibay na hindi tagumpay iyong anti-drug campaign ng ating pamahalaan’?

SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko naman po ‘no, ito po ay mga kumbaga eh hindi natin ninanais na mga pangyayari. Pero nakatutok pa rin po tayo dito sa kampanya laban sa droga at patuloy naman po ito lalo pa natin paiigtingin, dahil ang ating goal eh maging drug free talaga ang Pilipinas bago po matapos ang termino ng ating Presidente.

HISTA: Matanong ko na lang din, Secretary Harry. Ano po ang gagawin natin para po ma-adjust or mapaigting ang training ng ating mga kapulisan at ganoon na rin ang PDEA?

SEC. ROQUE: Well, siguro po talagang kinakailangang pag-isipan na ito ‘no, kasi pangalawang insidente po ito na parehong mga ahente ng mga pulis ay nagkasagupaan ‘no. Tingin ko kinakailangan ng mas closer na coordination sa mga hanay ng mga alagad ng batas ng sa ganito po ay maiwasan iyong mga misencounter na gaya nito.

URI: Speaking of coordination, kumbinsido po ba kayo at saka ang Pangulo may lack of coordination na nangyari dito?

SEC. ROQUE: Well, hindi pa po natin alam talaga ang pangyayari, kahapon nga po ang inorder talaga ni Presidente malaman talaga kung ano ang nangyari dito at siya ay nabahala at nalungkot ‘no. Pero sa tingin ko kung mayroon po talagang koordinasyon eh… Metro Manila naman po ito, hindi naman ho ito Sulu. Gaya noong Sulu puwede natin pang sabihin na talagang mainit talaga doon. Kung Metro Manila naman po, dapat siguro magkaroon talaga ng coordination at komunikasyon sa hanay po ng lokal na pulis at ng PDEA.

URI: Okay, so let’s leave it to the PNP and the newly created panel na mag-iimbestiga dito. Secretary, iyong sa indemnification clause, papaano ba ang sistema? Halimbawa, kapag ikaw ay nagkaroon ng adverse effects, automatic iyon lahat ng gamot at lahat ng procedure na gagawin sa iyo, kung dahil sa vaccine kaya ka nagkasakit, sagot ng gobyerno po iyon?

SEC. ROQUE: Sagot na po ng gobyerno iyon. Mayroon pang karagdagang pondo na 500-million po na puwedeng pagkuhanan ng danyos at bukod pa po iyan doon sa mga benepisyo na makukuha natin sa PhilHealth.

URI: Sakop ba ito, sakop ba ng Universal Health ninyo itong mga benepisyong ganito?

SEC. ROQUE: Sakop din po, oo. Sakop din po iyan dahil lahat naman po ng pagkakasakit ay mako-cover natin sa Universal Health Care at iyon nga po. In fact, ang mekanismo na gagawin natin, pararaanin pa rin po natin sa PhilHealth.

URI: Oo. At kahit sinong Filipino? Basta Filipino, automatic iyon?

SEC. ROQUE: Opo. Iyan po ang ginawa natin doon sa ating batas, lahat ng Filipino miyembro na ng PhilHealth, so lahat po ay magkakaroon na ng benepisyo galing po sa Universal Health Care.

URI: Oo. Pero teka muna, magkano ang pupuwedeng ma-avail na tulong kapag nagkasakit ka nang dahil sa vaccine? Hanggang magkano?

SEC. ROQUE: Well, siguro po magkakaroon po ng nagpupulong ang PhilHealth at magkakaroon sila ng tinatawag na packages kung kinakailangan. Sa ngayon po kasi, they work on the basis of case rate na tinatawag – kung ano iyong sakit, ito iyong benepisyo na makukuha sa PhilHealth. At ganiyan din po iyong ginawa natin sa COVID, depende kung mild, kung serious or kung naging fatal. So, inaasahan ko ganiyan din po ang magiging patakaran pagdating po dito sa danyos na pupuwedeng bayaran pagdating po sa mga side effects.

URI: So, bukod sa bayad sa ospital, may danyos pa? Ibig sabihin, may civil liability pa?

HISTAH: Liability.

SEC. ROQUE: Well, inaasahan ko po iyan kasi, kaya nga po tayo bumuo ng indemnity fund para hindi lang iyong actual damages para sa medical cost, kung hindi baka mayroon pang additional damages na pupuwedeng ma-recover. Pero hintayin po natin iyong implementing rules and regulations ng batas.

URI: Okay, Missy?

HISTAH: Yes. Matanong ko na lang, Secretary Harry, hindi po kaya makakabawas ng tiwala sa Filipino, sa bakuna ng COVID itong paghingi pa ng indemnification fund ng ating mga manufacturers ng bakuna?

SEC. ROQUE: Hindi po. Makaka-boost nga po iyan ng kumpiyansa kasi alam ng lahat na pupuwede na pong gobyerno na ang magbayad ng danyos sa mga side effects ‘no. So, kapag mayroon kasing ganiyan na kasiguraduhan eh lalo pong nabubuo ang kumpiyansa.

URI: Okay. Sige po, Secretary, basta kami po ay mag-aantabay. Ang bakuna, may binabanggit naman iyong kausap natin kahapon sa briefing na hopefully bago matapos ang buwang ito ay darating iyong Sinovac ano?

SEC. ROQUE: Opo, mamaya po sa aking press briefing mayroon po tayong mga bagong-bagong mga anunsiyo tungkol diyan.

URI: Aba’y baka puwedeng patikimin mo naman ako?

SEC. ROQUE: Baka ako papayatin ni Joseph Morong, ni Ace Romero—

URI: Patikim lang, patikim lang!

SEC. ROQUE: Kung magbibigay tayo ng scoop.

URI: Darating na ba bukas o kailan?

SEC. ROQUE: Darating. Darating at darating po iyan, huwag po kayong mag-alala.

URI: Bukas o sa Lunes?

SEC. ROQUE: Alas dose po, malalaman natin.

URI: Sige, Secretary. Salamat, salamat!

SEC. ROQUE: Sige po.

HENRY URI: Thank you so much, Secretary.

SEC. ROQUE: Sige po.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center