BABAO: Sec. Roque, sir, good morning!
SEC. ROQUE: Hi, Julius! Magandang umaga! Talaga namang magandang balita po.
BABAO: Secretary, may reaksiyon na ba ang Pangulo doon sa naging desisyon po ng Ombudsman?
SEC. ROQUE: Well, kami naman po’y buo ang tiwala sa opisina ng ating Ombudsman at kaya nga po binuo niya ang task force na kasama rin po ang Ombudsman kasi sa batas naman po tanging Ombudsman at saka Civil Service Commission ang mayroong karapatan na magpataw ng preventive suspension.
So, umuusad na po ang proseso at hayaan po nating umusad pa lalo at malaman natin ang katotohanan, maparusahan ang mga nagkasala.
BABAO: Isa ka sa mga unang pumuna nito, Secretary, sa mga supposedly anomalya na nangyayari po diyan sa PhilHealth. Ano po ang inyong personal na reaksiyon dito sa pangyayaring ito?
SEC. ROQUE: Well, nagagalak naman po kami kasi, unang-una, kaya naman tayo nagsampa ng mga kaso diyan eh para pangalagaan po iyong Universal Healthcare na ating isinulong noong 17th Congress.
At dati ko na pong sinasabi na hanggang hindi po malinis ang hanay ng PhilHealth eh baka hindi po magtagumpay iyong ninanais nating magkaroon ng libreng pagamot at libreng gamot sa lahat.
So, ngayon pong nagkaroon na ng kauna-unahang preventive suspension order galing sa Ombudsman, lumilinaw na po ang kinabukasan ng ating Universal Healthcare. Sa panahon ng pandemya importante po ito dahil nagbibigay po ng pag-asa at saka tiwala sa taumbayan na sagot po ng ating gobyerno ang kanilang pagkakasakit.
BABAO: Habang suspended itong mga opisyal na ito, Secretary, ano po ang plano para dito sa PhilHealth? Paano po ito patatakbuhin?
SEC. ROQUE: Well, marami naman pong mga matitino po talaga tayong mga kasama diyan sa PhilHealth. Karamihan po sa kanila matitino ‘no, mayroon lang talagang mga “mafia” nga na tinatawag. At tingin ko naman po ngayong mayroon ng ganiyang suspension eh mas makakausad na nga po, mas makakabigay ng benepisyo ang PhilHealth sa nakakarami dahil mapupunta na po sa mga miyembro at taumbayan ang kaban ng PhilHealth.
BABAO: May pag-asa pa, Secretary, na maisalba itong ahensiyang ito?
SEC. ROQUE: Ako po’y naniniwala sa mula’t-mula na sagot naman po ng gobyerno ang PhilHealth kaya nga po siya ay Universal Healthcare at hindi insurance lamang, kapag nagkulang ay kinakailangan pong tustusan ng gobyerno pero kinakailangan din po iyong tinatawag na good stewardship ‘no, pangangalaga ng mga taong walang bahid ng kurapsyon.
BABAO: Oo, sige. Iyong sa ano naman, Secretary, iyong sa—ano ang announcement ninyo kaugnay sa simula ng GCQ ngayong araw?
SEC. ROQUE: Well, na anunsiyo na po natin ‘no iyong mga bagay-bagay ‘no. Sandali po huh…
BABAO: Pero may curfew tayo hindi bas a Metro Manila?
SEC. ROQUE: Unang-una po, inanunsiyo po natin na ang mass gatherings po sa GCQ ay hanggang sampung katao lamang. Hindi po kasama ang 10% sa religious services, hanggang sampung katao lamang.
Ang mga gyms, ang mga internet cafes, mananatili po silang sarado. Ang mga restaurants at salons, barbero, bukas po sila pero ang kanilang capacity ay to be determined po by the local government unit.
Iyong curfew po, nagbotohan ang mga mayors pero iyong tatlong siyudad po na mayroong mga ordinansa na ten o’clock ang curfew, kinakailangang baguhin ang ordinansa. So, iyong effectivity po ng curfew na eight to five maliban po doon sa tatlo na may existing ordinance na 10 P.M. po iyan ‘no. Pero nagbotohan po sila na dapat uniformed na eight to five.
Tapos ang mga LGUs po pupuwedeng mag-issue ng quarantine passes. Siyempre po iyong mga lugar na subject to localized lockdown and granular lockdown, importante po na gamitin pa rin iyong mga quarantine passes nila.
Tapos sa back ride po ano, unang-una, allowed po ang back ride kung ang pasahero ay APOR, iyong authorized person outside of residence; kung kapareho pong address noong driver at saka noong back rider, hindi na po kinakailangan ng barrier pero kung magkaiba po ng address, kinakailangan po ng ‘Angkas-type’ barrier. At kinakailangan din po mandatory ang facemask, ang helmet at saka ang face shield kapag gumagamit po ng motorsiklo.
BABAO: All right, sige po. Maraming salamat, Secretary at magandang tanghali po!
SEC. ROQUE: Salamat po! Magandang tanghali po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)