DE CASTRO: Secretary, magandang umaga po.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Kabayan. At magandang umaga, Pilipinas.
DE CASTRO: Tama ho ba na simula bukas ay bawal nang pumasok ang mga flights mula sa UK?
SEC. ROQUE: Tama po iyan ‘no. Epektibo po ng 12:01 bukas, December 24, ay hindi na po natin papapasukin ang lahat ng flights na galing sa UK. Iyong mga manggagaling po sa UK ng 14 days before 12:01 ng December 24 ay hindi rin po makakapasok. Pero iyong mga naka-transit na po ‘no, iyong mga nasa ere, palalandingin po sila pero magsa-subject po sila sa mandatory 14-day quarantine sa New Clark City kahit ano pong resulta ng kanilang RT-PCR test.
DE CASTRO: Opo. Hanggang kailan po ito, Secretary?
SEC. ROQUE: Hanggang a-treinta y uno po ng Disyembre ‘no. Hanggang katapusan ng buwan, I should say, December 31.
DE CASTRO: Okay. Wala na ho bang iba pang bagong balita diyan sa Malacañang?
SEC. ROQUE: Well, ito po ang pinakabagong balita at ito naman po ay para malaman ng mga kababayan natin na nagpaplanong pumunta dito sa Pilipinas: Sa simula ng a vente y kuwatro, ipagpaliban ninyo po muna ang inyong mga biyahe.
DE CASTRO: Okay. Maraming salamat po, Secretary. Magandang umaga at Merry Christmas.
SEC. ROQUE: Merry Christmas, Kabayan.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)