Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Patrick Tulfo (PTV – Tutok Erwin Tulfo)


Event Media Interview

FRANCIS TULFO: By the way, ito na po on the other line, huwag nating paghintayin, si Presidential Spokesperson at ang IATF Spokesperson, si Secretary Harry Roque. Good morning po, sir. At thank you very much at sinamahan po ninyo kami, Secretary Roque, sir. 

SEC. ROQUE: Good morning, Patrick. At good morning, Pilipinas. 

FRANCIS TULFO: Good morning po. At kumusta kayo, sir, ngayong araw na ito, sir? 

SEC. ROQUE: Okay naman po, medyo puyat pero back to work pa rin 

FRANCIS TULFO: Mabuhay ka, sir. Anyway, kagabi, sir, nakaabang ang mga tao sana po doon sa announcement po ni Pangulong Duterte doon sa mga panibagong estado ng quarantine. Pero, sir, medyo pinagpaliban muna. Ngayon po ba, sir, ay mayroon na tayong announcement as to what will be the quarantine status of Metro Manila for example, sir? 

SEC. ROQUE: Inanunsiyo ko naman po iyan kahapon ‘no kaya lang iyan po ay subject to appeal kasi mayroong mga ilang araw na binigay sa mga LGU para mag-apela dahil medyo mahaba iyong listahan ng mga MECQ areas na iyon.

Pero sa Metro Manila po tayo, tayo po ay GCQ na mayroong kakaunting restrictions naman. Ito po ay pagdating doon sa mga indoor dining at sa mga gyms no. So, sa ating gyms ay 40% pero kung may safety seal ay posibleng madagdagan pa; tapos 40% din iyong ating dine-in sa mga restaurants ‘no. So, hindi po siya totally GCQ kasi kung tuloy ang GCQ nasa 50% po iyan. Pero ito po ay alinsunod doon sa sinasabi nating unti-unting pagbubukas. Pero bukod naman po doon ay, more or less, parang ordinaryong GCQ na po ang Metro Manila bukod pa doon sa dalawa.

FRANCIS TULFO: Opo. Sir, paglilinaw kasi kanina I said earlier that under the GCQ mayroon nang sub-classification like GCQ with high restrictions, GCQ with some restriction. Sir, binanggit ninyo, sir, baka may posibilidad kung pababa pa rin iyong mga infections sa Metro Manila, rate of transmission baka, sir, sa susunod GCQ lang wala ng mga restrictions, sir? 

SEC. ROQUE: Well, in fact, lumabas na iyan sa pagpupulong kahapon ng IATF pero ang binawasan lang naman po iyong gym at saka indoor dining. Halos lahat po talaga parang ordinaryong GCQ na iyan ‘no. Pero ito nga po ay para nga po maalalayan pa rin kasi bagama’t bumababa na nga po talaga ang numero natin kumpara doon sa nag-peak nga tayo, ang problema po ay hindi pa tayo nakakarating doon sa bago pumapasok ang mga bagong variants. 

So, kung ikukumpara mo doon sa panahon na wala pang bagong variant ay mataas pa rin po at iyong panahon na wala pang bagong variant ay ni minsan hindi tayo nakaabot ng MECQ ‘no. So, talagang kinakailangan pa rin paigtingin pa po natin ang ating prevention sa pamamagitan ng mask, hugas, iwas; iyong ating detection, isolation at treatment.

FRANCIS TULFO: Opo. Sir, tungkol po doon sa isa namang isyu na tinatanong ho ng mga kababayan natin na balikbayan tungkol sa quarantine Sir, na iyong iba po nagri-request na baka naman after seven days na nag-negatibo sa swab, sir, baka puwedeng sila po ay mag-quarantine sa bahay nila. Napag-usapan po ba iyan? 

SEC. ROQUE: Napag-usapan po ‘no, pero ang problema po kahapon kasi umalis po ako doon sa IATF meeting kahit hindi pa po sila tapos dahil kinakailangan ko nang pumunta ng Malago ‘no. So, baka ngayon po sa aking 12 noon na press briefing ay mayroon tayong  mga anunsiyo pero noong umalis po ako kahapon iyan po iyong pinag-uusapan. Hindi ko na po alam kung ano ang naging resolution but I will check the official resolution po. At ang isa pa pong iaanunsiyo natin ay iyong travel ban ay na-extend po until July 15, iyong mga galing po sa mga bansang UAE tapos India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh ‘no, na-extend po iyan until July 15. 

FRANCIS TULFO: Okay, alright. Sir, kumusta po ang pagmo-monitor ng IATF po sa mga kaso naman ng COVID-19 outside of Metro Manila Po?

SEC. ROQUE: Well, iyon nga po ‘no, naparami talaga iyong areas under MECQ ‘no. So, habang bumababa po ang kaso sa NCR, sumisipa naman po ang kaso diyan sa Mindanao at sa Visayas. So, kinakailangan po talaga mas paigtingin pa natin sa labas ng Metro Manila. Pero alam naman po, nakabase sa siyensiya, ang kuta pa rin at ang pinanggagalingan pa rin ng COVID-19 ay ang Metro Manila. 

So, habang napapababa natin ang positive dito sa Metro Manila ay magkakaroon na po iyan ng epekto din nationwide. Pero kinakailangan po talaga doon sa mga iba’t-bang lugar na tumataas ay mas paigtingin natin ang ating PDITR – Prevention, Detection, Isolation and Treatment. 

FRANCIS TULFO: Alright. Sir, we’ll just wait for your presscon maya-maya pong alas-dose. Mabuhay ka, Secretary Roque, at salamat po pinagbigyan ninyo kami, sir.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Patrick, at have a good day.

FRANCIS TULFO: Salamat po, Presidential Spokesman Secretary Harry Roque.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)