SALVACION: Secretary Roque magandang umaga, live kayo sa Radyo na TV pa.
SEC. ROQUE: Magandang umaga, Weng; at magandang umaga Pilipinas.
SALVACION: Salamat po. Alam ko busy kayo, nagsimba pa kayo. Pero sir, ito ang unang tanong: Ano ang nagtulak kay Presidente para magpatawag ng special session? Kasi may umiikot na resolusyon doon sa Kamara eh para ibalik ang session, eh talagang ang Pangulo na ang kumilos para masigurong maibabalik sa plenaryo ang budget.
SEC. ROQUE: Well, panigurado po niya iyan ‘no para maisabatas na itong ating proposed 2021 budget. Dahil alam naman natin na itong budget na ito ay budget para labanan ang COVID-19. At bagama’t naniniwala rin naman siya na gagawin ang lahat para hindi nga magkaroon ng reenacted budget, eh mas masisiguro ngayon na dahil nagkaroon ng special session nga mapapasa on third and final reading sa Kamara iyan at makakarating sa Senado.
SALVACION: Iyong apat na araw, iyong 13, 14, 15, 15 ay good para po sa Kamara ito, para maipasa on third reading, maiakyat ng Senado para matuloy sila plenary but not necessarily approval hanggang Senate di ba?
SEC. ROQUE: Hindi po. Ang Senate, bagama’t nagsimula na po sila ng pagdidinig nila, hindi naman sila pupuwedeng mag-plenaryo hanggang hindi matapos po ang bill sa House on third and final reading.
SALVACION: So masasabi natin, Secretary, na more of pangangalampag sa Kamara ito, ‘Uy bumalik kayo sa trabaho hindi puwedeng maapektuhan ang budget sa intramurals ninyo.’
SEC. ROQUE: Mas gusto kong sabihin na panigurado na maipapasa ang budget on time.
SALVACION: Pero, sir my crucial date doon sa in between ng special session, October 14. Ano ang paalala ng Pangulo doon sa dalawang nag-uumpugan sa Kamara para doon sa petsa ng October 14?
SEC. ROQUE: Sabi naman po ng Presidente, huwag ninyo akong isama sa gulo ninyo, labas ako diyan, internal matter iyan ng Kamara. Ang ayaw lang niya ay iyong agawan sa puwesto ay maka-apekto sa pang-national na budget.
SALVACION: Okay. Ano po iyon ‘no… siguro ang sinasabi ng Pangulo, tapusin ninyo ng budget, ilang araw man ang gugulin ninyo diyan hanggang doon sa special session, after which bahala na kayo kung anong intramurals ang gusto ninyo, iyong pagpapalit ng liderato ng Kamara, basta huwag maapektuhan ang budget.
SEC. ROQUE: Tama po iyan, kasi ang desisyon naman talaga kung sino ang maging Speaker nakasalalay sa mga miyembro ng Kongreso, pero hindi naman po pupuwede nga na iyong ating panlaban sa COVID-19 ay maantala.
SALVACION: Okay. So iyong mga hamunan ng dalawang… ano ba ito, asaran ng dalawang kapulungan na ‘hoy, ikaw, bahala ka na, ikaw ang masisi kapag hindi naaprubahan iyan,’ water under the bridge na iyan. Dahil ngayon, mayroon na tayong siguradong time table para sa approval. At ngayon masusunod na ng direkta iyong time table na itinakda para po sa approval.
SEC. ROQUE: Tama po iyan. So wala na ring dahilan po ang kahit sinong Kamara para ma-delay iyong atin pang taunang budget.
SALVACION: All right. Dito po sa iringan sa Kamara between Speaker Alan Peter Cayetano and Lord Allan Velasco. Talagang totally hands off na ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Opo, iyon naman ang palagi niyang sinasabi. Kasi nga dati na niyang sinabi kung sino ang may numero, siya ang magiging Speaker ay iyan po ay isang pamamaraan para sabihin na mga miyembro pa rin ng Kamara ang magdedesisyon.
SALVACION: Pero ang Presidente ba, wala siyang kinikilingan doon sa dalawa na ngayon na lumabas na iyong… parang hindi nasunod iyong agreement na nasa harapan mismo ng Pangulo?
SEC. ROQUE: Well, alam naman po niya hindi nasunod iyon ‘no. Ang sabi naman niya ay talaga namang—sana, quoting again the President, ‘sana matuloy iyong kasunduan, pero kung wala talagang numero si Congressman Lord Allan ay wala akong magagawa.’ Paulit-ulit ko pong sinasabi iyan, pero hindi po ako lumalabas doon sa mga narinig ko mismo sa dalawa kong tainga na nanggaling sa bibig ng Presidente.
SALVACION: All right. Ito lang, sir, ay tanong ng marami at ito ay lumulutang na talaga kahit pa sa social media at gusto kong ibato sa Malacañang: Mapagkakatiwalaan pa rin po—pinagkakatiwalaang pa rin po ni Presidente si Speaker Alan Peter Cayetano despite the fact na hindi siya sumunod doon sa agreement sa kanilang usapan?
SEC. ROQUE: Basta ang kailangan lang po ni Presidente maisabatas ang 2021 budget.
SALVACION: Napaka-safe, Secretary; hindi kita mapiga. [laughs] Magiging mabait ako sa iyo, kasi alam ko galing ka ng church.
Anyway, sir, ganito doon sa isyu naman po ng COVID-19. Malaki iyong probability na magbaba tayo sa new normal, dahil ang ganda na po ng trend natin. Sabi ko nga palagi every Saturday, congratulations mga Pinoy, huwag lang tayong magpatuloy na matigas ang ulo makakaligtas na tayo sa COVID-19.
SEC. ROQUE: Tama po. Nagpapasalamat po kami sa sambayanang Pilipino kasi tingin ko nagkakaisa sila doon sa mensahe ni Presidente na para lahat po ay magkaroon ng hanapbuhay kinakailangan pag-ingatan ang buhay.
So, patuloy pong bumababa ang mga numero, bagama’t ang nais natin tuluyan pang mapababa at iyong mga new normal naman po, sigurado po iyan na bagama’t hindi buong Pilipinas ay mapapasailalim sa new normal, mayroon ng mga ilang lugar na papunta na po doon.
SALVACION: Okay, pero ang Metro Manila malayo-layo pa, Secretary ‘no?
SEC. ROQUE: Well, tingin ko po, mataas pa rin kasi ang mga numero, nasa libo pa rin, pero kinakailangan naman kilalanin natin iyong ginagawa ng ating mga kababayan lalo na sa Metro Manila na habang sila po ay nagma-mask, naghuhugas at umiiwas at bumababa rin po ang numero ng COVID-19.
SALVACION: Okay. Pero dahil maganda na ang trend, kahit na po tayo manatili sa GCQ mas makakapagbukas ba tayo ng maraming sektor at saka matutuloy na ba iyong sinasabing dagdagan natin ang pasahero sa mga public transport?
SEC. ROQUE: Well, magpupulong po ang buong Gabinete sa Lunes para desisyunan itong bagay na ito, pero sa tingin ko po safe ng sabihin na talagang bubuksan pa ng mas malawak ang sektor ng transportasyon. Kasi sa GCQ 50% lang ang bukas na ekonomiya, pero 30% lang po ang mayroong na sasakyan. So kinakailangan po talagang magbigay pa ng 20% transport para iyong kalahati man lang ng ekonomiya [manggagawa] makarating po sa kanilang mga trabaho.
SALVACION: Totoo naman po na bitin Secretary, kung halimbawa ang transport mo nasa mo nasa 50% tapos mas malaki na ang niluwagan ng ekonomiya mo, eh paano po papasok ang mga manggagawa?
SEC. ROQUE: Korek po ‘no. Kaya bukod pa po doon sa pagrerepaso sa one-meter distance tinitingnan din po natin iyong pagbubukas muli ng Angkas at saka pagdagdag pa sa iba pang mga transportasyon.
SALVACION: Nasaan na iyong pag-aaral sa pagbubukas ng Angkas motorcycle taxis, Secretary?
SEC. ROQUE: Nirekomendahan na po ng IATF sa Kongreso na muling payagan ang kanilang pilot study, kasi alam naman ninyo kinakailangan ng prangkisa iyan, pero nagagawan naman po iyan ng paraan sa pamamagitan ng pilot study habang wala pa pong prangkisa.
SALVACION: Pero sir parang iniikot natin iyong sitwasyon, bakit hindi na lang bigyan ng prangkisa, kasi nasubok naman sila ng nakaraan ah?
SEC. ROQUE: Eh nasa Kongreso po iyan. Alam naman ninyo ang Presidente, basta kinikilala niya ang separation of powers, mas mabuti nga na imbes na another resolution on a pilot study, dapat siguro bigyan na ng prangkisa.
SALVACION: Sir, balikan ko lang iyong budget bago ako magba-bye sa iyo, alam ko sobrang kapos ang time, napaka-tight ng oras mo sa akin ngayong umaga. Iyong budget kailan ang target na ma-sign ni Presidente?
SEC. ROQUE: Sana po bago mag-recess ang Kongreso or pagka-recess nila at least tapos na para bago mag bagong taon mapirmahan na ng Presidente.
SALVACION: Ayon, may time table na tayo. Kasi sir sabi ko nga ang laki ng pangamba kung mabitin iyan, kumusta naman ang COVID response natin?
SEC. ROQUE: Kaya nga po, alam ninyo parang band-aid lang iyong ginawa nating Bayanihan 1 at 2, ang kabuuang ng ating response talaga sa COVID-19, nandito po sa 2021 budget.
SALVACION: Eh, pero sir ang isa pang malaking pangamba iyong pagtustos sa 2021 budget. I understand mas malaki ang uutangin natin. Marami ba ang nag-o-offer sa atin ng loan para mopondohan ng budget natin, Secretary?
SEC. ROQUE: Kaya nga po nag-iingat sa pag-uutang ang ating Secretary of Finance Sonny Dominguez kasi importante sa kaniya na manatili iyong napakagandang BBB+ sa credit rating natin kasi habang ganiyan ang credit rating natin, mababa ang interest na nakukuha natin at maraming gustong magpautang sa atin.
SALVACION: All right, Secretary. Maraming salamat po at good luck, mag-ingat po kayo palagi.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po, magandang umaga po.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)