Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Susan Enriquez (GMA 7 – Unang Hirit)


Event Media Interview

SUSAN ENRIQUEZ: Kaugnay ng bakunahan sa general population at iba pang isyu, makakapanayam natin si Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang umaga po Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Susan. At magandang umaga, Pilipinas.

SUSAN ENRIQUEZ: Opo. Secretary, unang-una po, sinu-sino na po ba iyong kasama sa general population na nakatakdang bakunahan?

SEC. ROQUE: Well, itong general adult population po ‘no, iyong lahat nang hindi pa talaga natin mababakunahan ‘no. Iyan po ay lahat ng Pilipino na ‘no, bubuksan na po natin sa lahat. Pero ito po ay sa mga adult population dahil doon sa mga bata po, mayroon po tayong uunahin doon sa mga 12 to 17 at uunahin po natin ay mga batang mayroon mga comorbidities or iyong mayroong mga karamdaman.

SUSAN ENRIQUEZ: Papaano po? Nabanggit po ninyo na prayoridad pa rin ang mga nasa A1 hanggang A4 category. So, papaano po iyong magiging proseso kapag sinimulan na ngayong buwan ng Oktubre iyong bakunahan diyan po sa general population, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Well, Susan, hanggang ngayon kasi nais pa nating mapataas iyong hanay lalung-lalo na ng mga lolo, lola na magpabakuna no. So, magkakaroon kumbaga ng express lane ‘no at hindi na kinakailangan mag-antay nang matagal kung sila ay magpapabakuna. Kaya intindihin na lang natin na talagang mayroon tayong special treatment sa ating mga lolo, lola at saka may comorbidities dahil sila talaga iyong mga kapag tinamaan ng COVID-19 ay sadyang magkakasakit ng malubha o ‘di naman kaya ay baka pumanaw pa.

SUSAN ENRIQUEZ: Opo. Secretary, may target na ba tayong eksaktong petsa ngayong Oktubre at ano po ba ito? Sa Metro Manila ba muna ito uumpisahan o agad-agad  simultaneous sa buong bansa po?

SEC. ROQUE: Well, ang detalye po ay hihimay-himayin bukas ‘no, Thursday—hindi ngayon pala ano? Ngayon, Thursday, sa IATF meeting po mamayang alas-2:00. Pero inaasahan po natin na kapag sinabi nating general population siyempre po mayroon munang ilang lugar na magsisimula ano, kasi depende rin po iyan sa supply availability at siyempre po bagama’t mayroon tayong kukonting mga Pfizer ay itong mga Pfizer po ay sa mga lugar na mayroong cold storage capacity lamang.

SUSAN ENRIQUEZ: So, kung pagpupulungan ngayon, posibleng bukas ay malalaman na natin kahit papaano iyong ibang detalye po, Secretary?

SEC. ROQUE: Tama po ‘yan. Kasi iyong pag-apruba in principle ay binigay na po ng Presidente, at ito nga po iyong pagbabakuna sa general adult population at saka doon sa ating mga kabataan.

SUSAN ENRIQUEZ: Opo. Papaano naman po, Secretary, iyong pagbabakuna sa mga kabataang 12 to 17 years old, mayroon na tayong proseso dito?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng aking sinabi, talagang uunahin natin iyong mga kabataang mayroong comorbidities ‘no at sa ngayon ay pinapa-master listing na natin ang ating mga kabataan, ang ating mga bagets ‘no. Para kapag full blast na ang mga kabataan, nandiyan na iyong ating listahan.

SUSAN ENRIQUEZ: Opo. Secretary, hihingi kami ng update doon sa revised guidelines kaugnay ng face shield policy ng pamahalaan. ‘Di ba iyong unang sinasabi eh isusuot mo lang ito doon sa mga, iyong 3Cs – closed, crowded at close contacts spaces. Ano, may bago ba, may pagbabago ba doon sa policy kaugnay ho nitong ating face shield?

SEC. ROQUE: Alam ko po mag-iisyu pa, kung hindi ako nagkakamali, ang DILG ‘no ng guidelines. Pero sa akin po gamitin na lang iyong common meaning no ng 3Cs ‘no. Siyempre iyong closed, wala na iyan, kasi pag nasa loob kinakailangan pa rin mag-face shield no. Pero iyong close contact at saka crowded common meaning naman iyan, maski nasa labas kung matao o kaya iksikan ay kinakailangan na magpi-face shield.

SUSAN ENRIQUEZ: Secretary, bukas po Oktubre na, extended ba iyong Alert Level 4 sa NCR o ibaba na at posible rin bang ibalik ang MECQ o kaya’y ECQ dito sa Metro Manila batay sa mga nakukuha nating mga report ngayon?

SEC. ROQUE: Pag-uusapan po iyan mamayang hapon.

SUSAN ENRIQUEZ: Oo. Secretary, ano po ang reaksiyon po ng Malacañang, iyong sa apela ho ng ibang negosyante na maglabas na lang ng Executive Order ang Pangulo para sa pagpapaliban ng SSS Monthly contribution? Mayroon ba tayong reaksiyon diyan?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung kakayanin iyan ng executive order. Kasi iyong pinapaliban ay iyong monthly contribution, iyong ginawa po kailan lamang ng Pag-IBIG ay iyong pagsuspinde ng pag-collection ng penalties at iba pang mga interest kapag nahuli ng remittance no.

So, tingin ko po pag-aaralan po iyan ng ehekutibo dahil ang isyu baka kinakailangan po ng batas, kasi po ika’y makikipag-settle po ng iyong past delinquencies, talagang mag-aantay po kayo ng period ng amnesty na sa pamamagitan ng isang batas po. Pero, itse-check po natin iyan at tatanungin po natin ngayon sa ating mga kasama sa Malacañang kung posible iyan.

SUSAN ENRIQUEZ: Okay. Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang umaga po sa inyo at ingat po kayo.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Susan. At magandang umaga, Pilipinas.

 

END

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)