Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon – Failon Ngayon, DZMM


FAILON: Magandang umaga po, Sec. Harry! Attorney, good morning! At mabuhay po ang uring manggagawa!

FAILON: Magandang umaga po! Mabuhay po ang ating mga manggagawa! Magandang umaga buong Pilipinas!

FAILON: Good morning and thank you po sa inyong panahon. We sincerely appreciate this, Attorney. Unahin ko lang po itong tanong ng Malacañang Press Corps. Unahin ko na ito bago po ang ating katanungan. What will be the President’s activity on Labor Day? What’s the government’s Labor Day gift to workers? How will the government address the growing unemployment due to the coronavirus lockdown?

FAILON: Well, mayroon naman pong mensahe ang Presidente, ipararating ko po iyan sa inyo siguro mga alas nuwebe kasi nga po mayroon na tayong three-scheduled interviews. Pagkatapos po, in-unveil na po ni Kalihim Silvestre Bello iyong ating mga recovery plan kung saan may mga ayuda naman po tayo talaga ibibigay sa ating mga manggagawa. Iba’t-ibang mga ayuda po, kumbaga additional pong ayuda, additional pa ito doon sa kanilang programa para sa COVID-19 at saka para doon sa TUPAD.

Bagama’t ang mabuting balita nga po sa araw ng May 1 iyong mga programa ng DOLE na naitigil na dahil wala ng pondo, ipagpapatuloy po. Ito po ay maliit na paraan naman para po ipakita sa ating mga manggagawa ang kanilang halaga sa ating lipunan.

FAILON: And you-re talking about the CAMP campaign—program, iyong CAMP, right?

FAILON: At saka iyong CAMP po at saka iyong TUPAD.

FAILON: Okay. Opo, sige sir. Alright… Sir, para lang ho mas klaro ano po, mayroon hong inilabas na listahan kayo kahapon sa IATF ng mga probinsiya na under Enhanced Community Quarantine, right. So, does it—

FAILON: Tama po yon.

FAILON: Does it follow, sir na iyong nasa listahan—iyong wala doon sa listahan na iyon, iyon po iyong under GCQ?

FAILON: Opo. Iyan na po ang ating new normal. Kung wala po kayo sa ECQ, kayo po ngayon ay nasa GCQ.

FAILON: Ano ho ang basically ang kaibahan kapag nasa ilalim po ng GCQ ang probinsiya o lugar kumpara po doon sa ECQ?

FAILON: Well, ang ECQ po, as is where is iyong mga lugar gaya ng Metro Manila, Cebu at Davao City. Ibig sabihin, hindi pa rin po tayo makakalabas sa ating mga bahay maliban na lang po para bumili ng ating mga pangangailangan sa pang-araw-araw lalung-lalo na pagkain at gamot.

Ang mga industriya po karamihan sarado pa rin bagama’t iyong mga industriya na kinakailangan natin lalung-lalo na para may makain tayo, iyong agrikultura, forestry, iyong mga utilities ay patuloy pa rin.

Pero under sa GCQ po mapapansin ninyo halos binuksan na iyong lahat ng sektor ng ekonomiya bagama’t may iba’t-ibang category na puwedeng 100%, 50 to 100% at iyong ilan naman ay puwede sanang 50% sa opisina – 50% sa bahay gawin. Pero ang mga ipinagbabawal lang po ay iyong mga industriya na kumbaga ay magkakaroon ng pagkakataon na para magtipon-tipon ang mga tao, iyong mga amusement at saka iyong mga leisure industry at saka ang turismo.

Ibig pong sabihin, halos lahat po ng industriya pupuwede nang buksan except po iyong mga negosyo na related sa amusement, turismo, iyong mga kabataan, eskuwelahan at saka iyong mga negosyo at industriya na nagkukumpul-kumpol ang mga taumbayan.

FAILON: Opo. So, Attorney, para ho mas klaro pa, sa under GCQ hindi ka pa rin puwedeng mamasyal?

FAILON: Hindi pa rin po. Dapat necessary pa rin po ang inyong paglabas-labas sa bahay o hindi naman kaya work-related. Wala pa rin po tayong pasyal-pasyal.

FAILON: Opo. Kasi nga po napansin ko ho dito ho sa inyong ginawang briefing material kahapon na pinagbabawalan pa rin under GCQ iyong aalis ka ng bahay na mamamasyal ka o kaya dadalaw ka sa kung saang kapamilya mo, tama ho ba?

FAILON: Oo, may pagbabawal pa po dahil alam ninyo po, wala pa rin tayong bakuna, wala pa rin po tayong gamot para sa COVID-19. Itong ginagawa po natin ay para mapabagal lamang ang pagkalat ng sakit dahil nga po inaabatan natin na kapag nagkasakit ang taumbayan dapat mayroong sapat na mga bed capacity at saka iyong sapat na [unclear] tinatawag, iyong mga ICU bed.

FAILON: Opo. Meaning, sir iyon pong mga tourist destinations sa mga lugar na under GCQ, kung taga-GCQ ka rin na lugar hindi ka pa rin pupuwedeng pumunta doon sa tourist destination na iyon?

FAILON: Well, wala nga pong pasyal-pasyal pa eh—

FAILON: Opo, kaya nga, hindi ba? Para ho klaro ano.

FAILON: Oo, dahil ang ninanais lang natin kahit papaano nga bigyan na ng kabuhayan ang mga mamamayan at buksan na iyong ekonomiya dahil hindi naman pupuwedeng indefinite po na sarado ang ekonomiya natin.

FAILON: Opo. Okay… so, kasi nga iyong tourism industry ho nagsu-suffer ho talaga ngayon, so kahit na po GCQ kayo, iyong tourism hindi pa ho siya makapagbubukas. Ang binabanggit natin ho ngayon partikular po ng mga industriya, uri ho ng trabaho, paki paliwanag po, sir.

FAILON: Well, alam ninyo po tama po iyan. Nakakalungkot na sarado pa rin ang turismo, ang mga hotels puwede lang silang magbukas kung gagamitin iyan ng OFW o kaya naman mayroon silang mga dayuhan na mayroon ho silang booking bago pa dumating ang May 1 o iyong mga long staying guests at para lang sa accommodation purposes. Hindi sila pupuwedeng magbukas ng restaurant, magse-serve man sila ng pagkain para lang doon sa mga long term guests na naroroon na.

Pero tourism as we know it, na nang-eenganyo tayo ng mga lokal o ng mga dayuhan ay hindi pa po iyan bukas. In other words, sa GCQ po, ang Boracay, ang Bohol – bukas; pero ang mga hotels kung bukas sila gagamitin lamang para titirahan ng mga OFW na nagka-quarantine o hindi naman kaya ay para doon sa mga long term staying guest at saka iyong mga foreign tourist na matagal na pong mayroong booking na. At tingin ko naman kakaunti lang iyan dahil hindi nga natin pinapayagang pumasok sa Pilipinas ang mga dayuhan sa ngayon, lahat po ng visas ay revoked.

FAILON: Okay. So, sir tama ho ba ang aking pagkakaunawa na kung ano man po ang magiging resulta sa COVID cases sa mga areas under GCQ will be the basis for the IATF decision sa kinabukasan ng mga lugar under ECQ? Meaning, kapag po tumaas ang COVID cases under GCQ, there is a possibility na hindi ka muna mag-lift ng ECQ sa mga lugar na under ECQ.

FAILON: Well, posible po iyan dahil ang siyensya po tinitingnan nga natin iyong pagdami ng kaso ng COVID-19 at iyong kakayahan na magbigay ng medical attention. So, kung makikita po talaga ng IATF na bagama’t bahagya pa lamang kumbaga itong pag-o-open ng ekonomiya at paglalabas ng mga tao sa lansangan under GCQ ay talagang napakataas ng dami ng COVID-19 na hindi natin mabibigyan ng medical attention, may possibility pa rin po na maantala iyong… number one,—

FAILON: Lifting.

FAILON: Iyong pagpapatuloy ng GCQ; at pangalawa, iyong pagiging GCQ ng mga ECQ.

FAILON: Opo. Kasi nga po hindi maitatanggi rin may mga lugar ho sa ibang bansa nga na nag-lift ng lockdown and then eventually nagkaroon po ng mas marami pang kaso – bumalik po sa lockdown, ano ho Secretary, right?

FAILON: Iyan nga po ang naging karanasan ng Singapore at iyan po ay ating iniiwasan. Kaya ang ating pakiusap po ngayong GCQ na ang ilang areas sa atin, patuloy pa rin po ang social distancing, ang good hygiene. Intindihin na lang po natin kaya po bahagyang binuksan ang ating ekonomiya dahil kinakailangan naman tayong mabuhay pero nandiyan pa rin po ang banta habang walang vaccine, habang walang gamot.

FAILON: Opo. Sir, akin di pong nabasa sa inyo pong ginawang presentation na pinapayagan po iyong… kumbaga, iyong pagbiyahe ng mga cargo trucks na may laman pong mga kargamento, unhampered ‘ika ninyo.

FAILON: Opo.

FAILON: Opo. Gawa tayo ng example, kapag pinag-usapan po iyong pagkain, agricultural products wala hong problema doon. Kumusta po ang construction materials, iyon pong ginagamit sa mga hardware, iyon pong mga bagay na ito. Kung manggagaling po for example sa isang lugar under GCQ to GCQ areas, pupuwede po iyon? Wala pong problema iyon?

FAILON: Wala na pong problema iyan dahil binubuksan na nga po natin iyong ating ekonomiya.

FAILON: Kung ECQ to GCQ?

FAILON: Well, wala rin pong problema dahil kung iyong mga supply na iyan ay kinakailangan ng industriya na bukas na GCQ.

FAILON: Okay. Sa ECQ area po, kasi po NCR for example, or Central Luzon and Southern Tagalog, kung manggagaling ang mga materyales po sa NCR patungo po sa mga lugar na iyon, kung ito ho ay construction materials, hardware materials, pupuwede pong i-transport, sir?

FAILON: Pupuwede po kasi halos lahat naman po ng materyales talagang galing din sa Metro Manila. So, puwede na po iyan, dati po kasi eh medyo may pagka-istrikto—at saka dati naman maski ECQ po ay pupuwede naman po talaga iyong mga hardware materials, pati po ang mga hardware ay pinapabayaan naman pong bukas even under ECQ.

FAILON: Ano po ang dapat na hawak po ng mga magta-transport nito? Mayroon ba silang kinakailangan din po na mga pass na hawak?

FAILON: Well, ngayon po ay mayroon pa rin tayong mga RapidPass na puwede pa rin po silang mag-apply para hindi na nga po sila magkaroon ng kahit na anong aberya sa mga checkpoints. Pero importante rin po siguro dalhin nila iyong kanilang pruweba, iyong papeles na kung saan papunta iyong delivery nila, kumbaga iyong delivery receipt nang makita po ng mga law enforcers kung saan papunta iyong mga cargo na iyan.

Pero kung mayroon po silang RapidPass, hindi na nga po sila dapat harangin at ia-ano na lang po… babarilin po iyong kanilang RapidPass na tinatawag.

FAILON: Saan po maaaring makapag-apply po RapidPass ang sinuman pong negosyante na nagbabalak nga po na magsimula na ho ng deliveries?

FAILON: Well, ang alam ko po puwede kayong mag-apply diyan sa DTI at puwede ring mag-apply po sa DICT. Ang nagbibigay po talaga niyang RapidPass na iyan ay DICT po.

FAILON: Okay—

FAILON: Kasi bar code po iyan, bar code.

FAILON: Dito po sa option to shift to GCQ in moderate to low risk areas to industry, 100% opening. Nakalagay po dito kasama po iyong healthcare – hospitals, clinics and drugs stores. Clinics – dental clinics po, sir?

FAILON: Puwede na pong magbukas ngayon ang dental.

FAILON: Opo. Sino po ang gagawa ng—kasi binanggit ho ninyo bawat departamento may toka ng paggawa po ng panuntunan. So, clinics po—

FAILON: DOH po.

FAILON: DOH?

FAILON: DOH.

FAILON: Opo. Kailangan ho bang hintayin muna maglabas sila ng guidelines?

FAILON: Hindi na po kasi ang mga dentista naman doktor din po iyan. Siguro naintindihan nila iyong very high sanitation, iyong hygienic and practices na kinakailangan nilang ipatupad. Kung dati siguro po ay mayroon lang silang face mask at saka mga mask iyong mga dentista eh pag-isipan na po nila kung gusto rin nilang magsuot ng PPE. Kasi siyempre po sa bibig iyan, may laway, ayan po ang pinanggagalingan ng sakit, sa throat area ano, so kinakailangan talagang mag-ingat po sila. Proper protective gear po ang dapat ginagamit ng mga dentista.

FAILON: Okay, sige po. So, kapag po pinag-usapan iyong mga barber shop, mga salon para po doon naman sa mga gusto pong magpa-serbisyo dito. Sa GCQ area, sila po ba ay makakapag-operate na po at ano po ang panuntunan, sino ang gagawa?

FAILON: Well, DTI po ang gagawa niyan, kasama po ang DOH. Pero iyon nga po kinakailangan, very strict din ang hygienic standard, kasi nga po malapit sa bibig ang mga barber at mga beauty parlor. So, bukod sa mask siguro po kailangan po nilang magsuot ng face shields. Pero ilalabas po iyan ng DOH at ng DTI.

FAILON: So, ang suggestion po natin, huwag muna silang mag-operate hangga’t wala pa iyong guidelines na iyon, kasi sa ngayon po yata wala pa pong detalye ito, right?

FAILON: Ang alam ko po mayroon ng na-release iyong mga iba’t ibang mga departamento. So, in the next coming days po hihimay-himayin po natin iyan, kaya nga lang po limitado rin iyong ating oras, iyong ating press conference kahapon.

FAILON: Sige po, kami po ay inyong katulong ho ito sa pag-aanunsiyo kung mayroon na po tayong makitang mga guidelines tungkol dito.

FAILON: Opo.

FAILON: Sir, iyon pong mga grupo ng physical therapist, iyon pong nagbigay din ng kanilang damdamin recently, sa panahon po ng ECQ hindi sila makapag-home service ‘no; hindi sila kasama doon sa mga frontliners na tinatawag eh, para po doon sa mga senior citizen o mga tao pong mayroong dapat nilang i-therapy, iyong mga biktima po ng stroke o aksidente, mga ganoon. Sa GCQ po ba puwede na silang mag-service sa mga tahanan po ng pasyente?

FAILON: Tatapatin kita, hindi ako sigurado; pero kung ang barbero naman po ay allowed, eh siguro po under strict hygienic practices eh baka puwede po ma-allow iyan. Pero isa po iyan sa itse-check ko sa guidelines na i-isyu ng DOH.

FAILON: Okay, sa ECQ po definitely, hindi pa pupuwede?

FAILON: Opo.

FAILON: So, hindi pa pupuwede, right? Opo, sa ECQ hindi pa puwede; sa GCQ supposed to be pupuwede na po, kasi kung puwede nga iyong barberong mag-home service eh.

FAILON: Opo, opo, i-check ko po iyan ha. Pero sa tingin ko nga po, ganoon lang. I am just being… kumbaga, applying logic, kung barber puwede, siguro iyong mga PTs na sila naman po ay allied medical professional at alam nila kung paano nila protektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID. Siguro iyong protected gear, baka kinakailangan mag-PPE din sila at face shield.

FAILON: Okay. Doon po sa public transportation po, Secretary, ang sabi subject to the guidelines to be issued by DOTr. As we speak now wala pa po itong guidelines po, sir?

FAILON: Iyan po, hindi ko pa po nakikita, pero mayroon na pong bahagya, kasi simula na nga po ngayon sa GCQ na puwede na. Ang alam ko po ay sa public transportation, kinakailangan isang metro ang social distancing. At ibig sabihin niyan, ang mga bus, hindi na sila full capacity. Baka nga hindi 50% capacity lamang, kasi ang one meter, hindi naman every other seat lang iyan eh. Parang kumbaga, iyong tatluhan na upuan, isang tao lang ang dapat uupo diyan, kasi ang one meter eh, iyon naman po iyong dapat size ng upuan. So, talagang kulang pa po sa 50% capacity ang mga bus.

Ngayon, iyong mga jeepneys nga po dahil harapan ay hindi pa po iyan pinapayagan, maski po sa GCQ. Pero ang mga tricycle, single siguro po, hindi dapat mayroong katabi, dahil imposible pong mag-social distancing sa tricycle.

FAILON: Opo. Sa usapin po ng magiging pamasahe sa public transportation po, kasi if you consulted some operators, maging ng UV Express o taxi o tricycle man iyan o bus, kapag 50% lamang ang allowed na dami ng pasahero; kung tricycle isa lang ang pasahero po, parang special trip ka, definitely ho baka sumingil ng mataas, papaano po kaya, Secretary?

FAILON: Linawin po natin iyan sa LTFRB ‘no. Naiintindihan naman natin ang predicament ng ating mga transport operators, pero ang dilemma din po is paano natin bubuksan ang ekonomiya kung wala namang masasakyan papunta ng trabaho iyong ating mga mamamayan; pero ikokonsulta ko po iyan sa LTRFB, dahil alam ko naman bago sila magpataw ng mas mataas na pamasahe, kinakailangan may otoridad po galing sa kanila.

FAILON: Opo, doon po naman sa magbubukas na po na 100% na kanila pong operasyon, concerning sa mga manufacturing, mga factory, etcetera. Mayroon po ba kayong pinag-usapan na in the absence of public transportation, bago payagang mag open sila ng 100% operation, mag-provide ng shuttle sa mga empleyado?

FAILON: Well, mayroon pong mga industriya na iniengganyo na magkaroon ng ganiyang Sistema. For instance, iyong mga hindi po subject sa 100%; iyong mga BPO na ine-engganyo pa rin na kung pupuwede 50% sa work places, 50% sa bahay, eh nire-require po sila na either magkaroon ng dormitoryo or iyong tulugan na malapit sa trabaho o di naman kaya ay mag-provide ng shuttle.

Pero kung kakayanin po naman ng mga kumpanya at marami naman pong mga kumpanya na mayroon talagang shuttle service na eh mas mabuti po iyon, dahil kapag sila ay nag-shuttle service, masisiguro nila iyong social distancing, mas masisiguro nila kumpara sa public transportation.

FAILON: Okay, sir maroon pong katanungan dito, kapag po ba pinayagang magbukas ang mall at papayagan po itong ika ninyo retail outlets, mayroon po bang specific po na kuwalipikasyon kung ano po itong mga retail outlets na ito?

FAILON: Well, ang retail outlets po ay kinakailangan ay hindi po leisure related. Ibig sabihin iyong mga amusement stores; iyong mga video games para po sa kabataan, lahat po na related sa kabataan hindi pa rin po pupuwede; iyong mga sinehan, hindi pa po iyan pupuwede. Iyong mga restaurant hanggang take out at order pa rin; pero iyong mga damit ay pupuwede na po iyan; at dati namang bukas na iyong mga botika, mga bangko, mga hardware.

So, in other words po, binabawalan pa rin iyong mga areas nga na kung saan puwedeng magkumpul-kumpol iyong ang tao.

FAILON: Puwede rin po pati po mga accessories and other non-essential except leisure. When you say non-essential, mga alahas, di ba tindahan ng relo mga ganoon po sa mga mall—

FAILON: Ang tingin ko po diyan, basta hindi sila magkukumpul-kumpulan, mayroon pong social distancing at saka iyong nature ng business ay hindi naman dinadagsa ng tao, iyon po ang pupuwede, dahil ang iniiwasan natin iyong pagdagsa ng tao ng walang social distancing.

FAILON: Alright, sige o. Sir, ito po galing po ito kay Vic Sumintac ng DZEC: Sinabi ninyo na pinutakti kayo ng tawag mula sa mga local chief executives, Governors at Mayors na tumututol nga na sila ay maisailalim na General Community Quarantine. Ibig bang sabihin nito nagdesisyon ang IATF na hindi kinokonsulta ang mga nagrereklamong local chief executive?

FAILON: Well, ang alam ko po nagkaroon sila ng dayalogo ‘no. Hindi ko lang po alam bago ako dumating dahil tatlong linggo lang naman po akong nakabalik ‘no. Pero ang alam ko po nagkaroon ng isang konsultasyon ng mga gobernador at mga lokal na opisyales. Bagama’t, tama po kayo, iyong mga tumawag sa akin ay mga Governors at Mayors doon sa area na nag-GCQ na. Halos lahat sila gusto nilang manatili as ECQ, tapos sabi nga nila iyong kung nasa GCQ kung hindi pupuwedeng manatili sa ECQ, eh bakit nga pinayagan iyong mga religious services at saka iyong mga work related meeting.

Ang problema kasi nila magpapatupad naman niyan ay lokal na gobyerno, eh paano nila papasukin ang mga simbahan, paano sila papasukin ang mosque, paano nila papasukin iyong mga pabrika kung saan gagawin iyong mga work related meeting. Parang sabi nila imposible. At dahil nga parang imposible na mapatupad iyan ng Local Government Unit baka mabale-wala daw iyong anim na linggong ECQ na pinagtiyagaan nating lahat.

So, sa akin naman po ang sabi ko sa kanila, ‘naku paunawa po, hindi naman ako nagdedesiyon, ako ay bibig lamang – ang pambansang bibig.’ Sabi ko sa kanila, ‘huwag po ninyo ako sisihin.’

At nakikinig naman po ang IATF, kaya nga po naibalik po iyan uli sa agenda ng IATF ngayong araw. Pero naku, alam ko naging karanasan mo rin iyan lalung-lalo na kung nakasama mo sa Kongreso iyong mga lokal na mga opisyales, talaga nga naman dahil magkakaibigan kayo kamuntik na po akong mabingi sa aking tainga, dahil lahat sila nakasigaw. [laughs]

FAILON: Opo. Nauunawaan po natin iyan, Secretary. Well, anyway, ito nga po, ito nga pong kagandahan nga, ito nga pong ating kinaklaro pong mga isyung ito. Iyon daw po bang operasyon ng mga manpower agencies at travel agencies, sabi po nitong industriyang ito, sila po ay essential din ngayon sa usapin that they still deploy OFWs. Mukha daw pong nakaligtaan daw kaya ito, sir? Una, manpower agencies for our OFWs and travel agencies, sir?

FAILON: Ang alam ko travel agency baka hindi pa po, kasi talaga namang sarado pa iyong ating travel industry na tinatawag, except po iyong departing na mga OFW. Ngayon, iyong mga employment agencies po importante po social distancing, kasi puwede ring magkumpul-kumpulan iyan.

Dahil pinapayagan naman nating lumabas ang ating mga OFWs, natural po hindi naman makakalabas iyan kung walang mga manning agencies na tinatawag, eh puwede po iyan sa GCQ.

Pero iyon nga po, ang hamon po sa ating mga negosyante kalusugan po at ang garantiya po na mapapabagal ng pagbagal ang sakit ay social distancing, hindi po pupuwede na dadagsa ang mga tao sa inyong mga tanggapan.

FAILON: So, iyong tanong po ni Zen Hernandez tungkol sa manpower agencies, concerning ang deployment po, pangangalaga din sa mga OFWs natin, mga returning, they can operate under GCQ only and not ECQ?

FAILON: Hindi po ako nagkakamali, dahil wala naman po akong nakitang prohibition, ang prohibition po iyong pagdagsa ng tao.

FAILON: Kasi hindi kasama sa listahan po Sec. eh.

FAILON: Oo nga, hindi eh. So lilinawin ko rin po iyan sa DTI at sa DOLE ‘no. Pero sa tingin ko po kung mama-manage nila ang social distancing po ‘no, kasi nga po sa rules natin puwede pong lumabas na ang OFW kung wala namang travel restrictions doon sa mga lugar na pupuntahan nila ‘no. At saka siyempre, iyong mga skeletal force din nila dahil obligasyon pa rin nila iyong mga bumabalik na OFWs ‘no.

Pero hayaan ninyo po, isa rin po iyan na lilinawin. Dalawa na po iyong lilinawin natin ‘no, iyong physical therapist at saka itong manning agencies.

FAILON: Opo, manpower agencies. All right, sige po. Sec. ito pa ho ‘no—

FAILON: Saka mahaba po iyan eh, pero I think na-mention po ang manpower agencies—

FAILON: Wala po sir, wala po. Hawak ko ngayon dito itong inyong materyales na—

FAILON: Oo, napakahaba kasi nito eh [laughs]…

FAILON: Opo. Wala po sir, wala po dito.

FAILON: Siguro walong beses ko nang nabasa iyan ha, okay. Lilinawin po natin iyan.

FAILON: Opo. Ito pa po. Sir ito ho ‘no, iyon pong construction vis-à-vis sa real estate ‘no. Kagabi po sa TV Patrol ika ho ninyo, pinapayagan lang iyong allowed by DPWH ano po, itong mga major projects din po ng gobyerno, tama ho ba?

FAILON: Sa ngayon po, tuloy iyon.

FAILON: Opo. Papaano po iyong mga nagpapagawa ng kanilang sariling pribadong building ‘no o kaya mga pabahay/housing projects po na pribado po iyong nagpapagawa? Papaano po ito, ito hong ganitong uri po ng konstruksiyon whether—sa GCQ areas muna po sir, hindi pa rin po pinapayagan?

FAILON: Sa GCQ, nag-relax na po talaga tayo pagdating sa construction ‘no, so tinitingnan ko lang po para hindi magkamali ‘no: Essential public and private construction projects such as but not limited to sewerage, water services facilities, digital work, health facilities and priority projects shall be allowed to operate with guidance issued by DPWH. Ibig sabihin po, public works lang po, hindi pa po private. Iyon po ang pagkakaintindi ko sa probisyon na ito, number 7.

FAILON: Mayroon pong number 4 sir ‘no, consider for a 100% closure, ‘closure,’ okay. Construction limited opening nakalagay po, number 4 po dito, option to shift to GCQ in moderate to low-risk areas. Construction limited opening, ano ho ang ibig sabihin noon Secretary?

FAILON: Well ito nga po siguro iyong sinasabi dito sa 7 ‘no. Sabi ninyo po number 4 ‘no, saan po iyong number 4 na iyan?

FAILON: Opo. Page 14, option to shift to GCQ in moderate to low-risk areas by industry. Opo ano, iyong construction daw po.

FAILON: Ah siguro ang binabasa ninyo iyong DTI recommendation.

FAILON: Opo, oo.

FAILON: Na of course ang tinitingnan ko po ngayon itong pinal na in-approve ng IATF, at ang nandito po ay essential public and private construction projects but not limited to—so public works po ito ‘no. Pero tinitingnan ko po itong—

FAILON: So hindi ho pinapayagan ho muna ngayon ang konstruksiyon po ng mga gusali kapag po pribado nagpapatayo ano ho? Kasi may mga ano ho din po sila, ‘di ba may mga dues din sila, I mean may mga timetable din po sila. So papaano po iyon, hindi ho muna papayagan even under GCQ, sir?

FAILON: Tsini-check ko po ‘no, mabilis naman tayo magbasa.

FAILON: Okay lang po, we are going to wait, sir.

FAILON: Mukhang ano po, mukhang hindi pa po siya provided ‘no. Dahil ang nakasulat lang ho dito ay iyon nga po ‘no… puwede po siguro kung pribado siya, eh ‘provided it is related to sewerage, water services facilities, digital work, health facilities and priority projects ‘no.’ Pero nakasulat din dito po ‘in accordance with guidelines issued by the DPWH.’ So siguro po, tingnan natin iyong guidelines ng DPWH, pero iyon lang po ang nakasulat ngayon dito sa GCQ. So ang sagot ko po, ‘mukhang hindi pa,’ pero tingnan po natin ang guidelines ng—

FAILON: Kasi po dito, medyo broad po ito ho ‘no, ‘and priority projects ‘no, essential public and private construction projects.’ All right, so—

FAILON: Oho. Well kasi alam ninyo, mayroon din tayong mga PPP projects na pribado iyan. For example, iyong mga Skyways ‘no, alam ko po under GCQ, talagang tuloy na iyon ‘no. Pero dahil pribado naman sila, titingnan po natin iyong guidelines ng DPWH. Pero ang tinatanong ninyo talaga, for example, kung nagpapagawa ako ng bahay.

FAILON: Bahay, opo, bahay o sarili mong building.

FAILON: Oo, ng office building. Eh hindi pa po provided dito ‘no, except po iyong mga—for example, iyong mga pribadong ospital, eh health facility po iyan eh ‘no, so allowed na po iyan ‘no. Lahat naman po ng water services ngayon na-privatize na ‘no, so tuloy na rin sila maski pribado sila. Iyong digital works po ‘no, puwedeng pribado iyan ‘no. Pero iyong mga bahay po, tingnan natin iyong guidelines ng DPWH.

FAILON: Okay, sige po. Sir, iyon hong sa real estate ano ho, iyon pong mga pabahay na—una, pabahay po ng gobyerno, is that essential? Pabahay po, housing project, tuloy iyan?

FAILON: Tuloy po iyan.

FAILON: Okay. Real estate, bakit daw ho bawal magbenta?

FAILON: [Laughs] Well sa totoo lang ho, tinanong ko rin iyong sarili ko doon. Bakit pupuwedeng magpaupa, bawal magbenta. Eh siguro kasi iyong sales force, alam mo naman iyong ginagawa nila, iyong malawakang pagdi-distribute ng brochures, iyong mga ganiyan ‘no. Pero linawin po natin iyan, pero nakita ninyo naman iyong provision na talagang nakasulat ho, bawal pa iyong pagbebenta.

FAILON: Oo nga po. Bawal hong magbenta. Iyon nga daw ho, iyong logic sa panahon po—kahit mag-GCQ ka, hindi ka pa rin pupuwedeng magbenta ng real estate o maging—example, condominium unit ho ngayon dahil napakaraming pinapa—alam ninyo ho iyon ‘di ba, kasi diyan din po kumikita itong mga brokers na ito.

FAILON: Opo. Siguro po kasi nga iyong possibility of social mingling ‘no, lalo na po kung socialized housing project iyan, iyong mga sales teams ‘no, siguro hindi pa po pupuwede iyon ‘no. Tapos iyong maglalagay ng mga, kumbaga ng mga booths ‘no, dahil diyan puwede kayong dagsain din ng tao, saka siguro po iyong mga tripping-tripping ‘no.

FAILON: Opo. Ito ho sir, iyong POGO operation daw po?

FAILON: Well sa tingin ko po, ang POGO po ay nasa BPO ‘no. Kasi po ang BPO naman po ay—ang pagkakaintindi ko po, ang POGO po ay hindi naman dito ang sugal. Ang sugal po niyan ay abroad at ang ginagawa po ng mga POGO centers para silang BPO talaga kasi nandito lang iyong mga hardware at software ‘no, at wala namang physical na nangyayari po ditong sugal.

FAILON: Oho. Pero ho iyong operasyon niyan, ‘di ho ba ang POGO daan-daan ang mga manggagawa niyan sa isang kuwarto?

FAILON: Well narinig ko na po iyong interview kanina ni Ginang Andrea Domingo ‘no, at ang papayagan ‘ata po na operasyon – ma mabuti po PAGCOR ang mag-discuss nito – ay hanggang 30% lamang at kinakailangan magkaroon ng testing bago mapapasok iyong mga 30% workforce ‘no na papapasukin. Pero hayaan ko na po ang PAGCOR dahil sa kanila namang negosyo iyan ‘no. Mas alam po nila ang detalye ng kung ano iyong kanilang papayagan o hindi.

FAILON: Okay. Galing po sa fitness industry ho naman ito ‘no: Can we open for operations following strict implementation daw po sa health screening, sanitations, protective gears, etcetera? Iyong mga fitness industry…

FAILON: Ito po sigurado ako, sigurado po ako dito – ‘no!’ At ako rin po nalulungkot dahil lalo po akong tumataba na hindi ako nakakapunta sa gym. Dati anim na araw, isang linggo; ngayon hindi pa rin po. Kaya po sabi noong ating coach sa gym eh mag-virtual ano na lang daw kami, gym training.

FAILON: Slimming clinics at skin clinics?

FAILON: Hindi pa rin po, pati po mga derma facilities hindi pa rin po allowed.

FAILON: Okay. Kapag ho GCQ, bawal mamasyal pero puwede ho bang lumabas ng bahay at magpunta sa park para mag-walking?

FAILON: Well tingin ko naman po pupuwede na iyan dahil importante rin naman po ang ehersisyo natin ‘no. Huwag lang pong magkukumpulan! Alam ninyo naman po may mga barangay dito, kung mayroong espasyo sa Metro Manila, eh may mga barangay naman na pumapayag dahil siyempre health promotion din po iyong pag-e-ehersisyo ‘no. Ang importante lang po talaga, ang nature ng sakit eh ‘pag nakahanap ho iyan ng host, talagang kakapitan. So kung paisa-isa po, wala na po iyong mga mag-asawa, mga magnobyo-nobya na nagwo-walking-walking na may holding hands pa ‘no, eh pupuwede naman po iyan.

FAILON: Okay. Ito pa ho ang isa pa hong katanungan po para sa inyo. Papaano daw ho iyong sa church gatherings na inyo daw hong pinahinto ‘no? Is that a possibility? Oho, ito ho ba’y under study ho lamang o inaasahan ba ho nila na eventually daw ho papayagan na ang mga misa o pagtitipon po ng ilang mga sekta?

FAILON: Alam ninyo po ang tingin ko dahil nga doon sa nangyari, at hindi lang naman po ako ang at the receiving end of the complaint. Hindi lang po si Executive Secretary kundi siguro pati mga miyembro na ng IATF ‘no. Eh talagang nais pong pagbigyan na ang pagsamba dahil importante po iyan lalung-lalo na sa ating mga Pilipino ‘no at sa ating mga kapatid na Muslim sa panahon ng Ramadan.

Pero talagang mukhang tama naman po iyong concerns ng ating mga kababayan, na gusto nating pakinggan lalung-lalo na iyong sinabi ni Senator Angara ‘no na ang karanasan ng ibang mga bansa ay talagang dito po muli na nagkakaroon ng second wave sa mga religious gatherings ‘no.

So tingin ko naman po dahil tinanggap iyan ng IATF sa agenda today ay mukha nga pong ire-reconsider iyan. Kaya nga po minabuti ko na nagsalita kahapon, maski wala pa pong IATF approval, alam po ninyo kapag you are dealing with your colleagues eh kinakailangang mag-ingat ka, dahil sasabihin nila baka pinanghihimasukan mo kami.

Pero sa tingin ko, there is now a previous position na huwag na muna pong i-allow itong religious services o iyong religious meetings at saka iyong mga work related meeting dahil nga po doon sa impossibility of social distancing.

FAILON: Sorry ho, Sec ha, another question. GCQ area kasal, binyag kung kami po naman ay pamilya lang pupuwede ba kami?

FAILON: Well, ngayon po, kung talagang ibabalik iyong pagbabawal eh ang puwede lang po talaga ngayon iyong wake, iyong lamay sa patay, dati po kasi hindi pupuwede. Ngayon ang mga pamilya, basta hindi po namatay sa COVID-19 ay pupuwede nang magkaroon ng wake.

So siguro po ang kasal hindi pupuwedeng maitigil, wala lang talaga kayong selebrasyon at malaking pagtitipon, iyon po. Pero kung na-allow na po sana iyong religious gatherings, eh pupuwede na po sana iyan. Pero kung civil wedding naman po, mag-asawa lang saka iyong required witnesses, wala naman pong problema.

FAILON: Iyong church wedding po, bawal na muna kasi kung wala din pong religious activity.

FAILON: Correct po.

FAILON: Saka siguro kung kayo po ay ikakasal, medyo awkward naman sa picture ninyo magkakahiwalay kayo.

FAILON: Dapat pag-usapan po natin iyang mga virtual weddings [laughs]—

FAILON: Sa simbahan, kung ikakasal kayo sa simbahan, di ba family photo di ba, family of the bride. Eh tig-dadalawang metro ang layo ninyong lahat di ba.

FAILON: [laughs] Baka simula pa lang kasal ay nagkahiwa-hiwalay na. [laughs]Sorry po.

FAILON: Hintayin ninyo munang matapos ito. Mayroon daw pong mga reaksiyon si Presidente dito po sa apparently nga problema po sa distribution po ng SAP nationwide. In Metro Manila po, may mga LGUs halos 10% pa lang, ang tao daw po nagugutom na, ang iba galit na. Ano daw po ang reaksiyon ni Presidente dito sa tila kabagalan po sa pamamahagi po ng tulong pinansiyal under SAP, sir?

FAILON: Well, siguro hindi naman mamasamain ni Presidente. Talagang na-frustrate po ang Presidente. In fact, medyo nairita na bagama’t nandiyan ang pera, hindi nakarating. Ang katunayan naman, malinaw naman po, naibigay sa LGU. At noong una nga po, sabi niya kinakailangan within the deadline ibigay, otherwise show cause at saka possibility of dereliction of duty.

Pero alam po ninyo iyong nakalipas na araw, may mga Mayor na nagsabi, ikulong na po ninyo kami, kasi hindi po talaga namin makakaya habang pinagbabawal po ang pagtitipon, habang may social distancing. So tingin ko naintindihan naman ni Presidente iyan bilang isang Mayor ‘no.

Dati kasi napakadali eh, iyong mga 4Ps pupunta lang iyan sa Multi-Purpose Hall, ang daming tao para kang nasa political rally. Isa-isang bibigyan, pipirmahan at alisan na. Eh hindi po tayo pupuwedeng magkaroon ngayon ng ganoong mga pagtitipon ngayon. Kung hindi ako nagkakamali si Yorme po ang nagsabi, ikulong na po ninyo ako dahil imposible pong mangyari na mapapabilis namin iyong pamimigay habang mayroong social distancing.

So, bagama’t talagang frustrated na frustrated na po ang President naiintindihan po niya iyong paghihirap, masipag ka man, hindi ka naman makapagtrabaho, hindi mo naman kasalanan iyon at nandiyan naman iyong ayuda, eh nandiyan din po iyong riyalidad na iba po talaga itong hinaharap nating kalaban na hindi tayo pupuwedeng magtipun-tipon.

So, iniintindi po ng Presidente, pero ang panawagan namin, siguro naman po iyong 7 days na palugit na ibinigay sa LGUs ay sapat-sapat na iyan. At ang pakiusap namin lalo na iyong mga LGUs na hindi naman nagbigay po ng kanilang ayuda, kung wala silang naibigay ay madaliin na po. Bagama’t iyong mga lugar na gaya ng Maynila ay namigay naman po sila nilang ayuda, so kahit maantala kahit papano ay magsu-survive naman iyong mga taga-Maynila.

Pero iyon po talaga ang posisyon ng Presidente, nagalit na siya, na-frustrate na siya pero naintindihan din niya at hindi na po panahon ngayon para magsisihan, dahil talaga naman pong nahabag din tayo noong narinig natin iyong mga Mayors na ikulong na po ninyo kami, pero lahat po ay ginawa na namin, hindi talaga kakayanin.

FAILON: Sir, iyong sulat daw po ba ni Atty. Romy Macalintal ay nabasa po ng Pangulo, tungkol po sa mga seniors?

FAILON: Lilinawin ko po: Sa mula’t mula naman po, halos 10 lang kami sa Gabinete na hindi 60s, parang 80% sila doon ay senior citizens kasama si Presidente at hindi naman sila papayag na hindi na sila puwedeng magtrabaho.

So sa mula’t mula po, hindi ko nga po alam kung saan nanggaling iyong parang protesta sa social media na sinusupil ang kalayaan ng mga seniors. That was never an option, Manong Ted. Dahil nga po karamihan ng IATF ay seniors; at ang Presidente senior.

So sa mula’t-mula po ang intention is, ang siyensya nagsasabi na ang pinaka-vulnerable dito ang senior. So, kung wala ka namang trabaho na at ika’y retirado, manatili sa bahay kasama iyong mga kapamilya mo na kasama rin sa bahay, dahil kapag mayroong kabataan diyan na lalabuy-laboy natural mahahawa si lolo at si lola.

Pero kung ikaw naman ay naghahanap-buhay ay siyempre hindi ka naman puwedeng pigilang maghanap-buhay, so papayagan ka pa rin.

Pero ang pakiusap nga natin, kung talaga namang walang dahilan si lolo at si lola na lumabas, ito po ay para sa kanilang safety rin, manatili sa bahay.

So, makikita po ninyo iyan, maski sa ECQ po iyan ang nakasulat, kaya hindi po namin alam saan nanggaling itong parang galit ng mga seniors, dahil sa mula’t mula ay hindi naman sila pinagbabawalang lumabas lalung-lalo na kung wala naman silang kasama sa bahay at kinakailangan nilang pumunta—

FAILON: Ang pinaggalingan po niyan, Sec, ay iyon pong draft, may draft kasing lumabas na sinasabi na itong age zero to 20… may ganoon po kasing lumabas na draft eh, at saka 60 and above.

FAILON: Pero sa pagpapatupad naman natin ng ECQ, maski rito sa Metro Manila ay alam naman natin na puwede ring ma-designate na lalabas ng bahay ang mga senior, kasi kung wala silang kasama sa bahay ano ang magagawa natin.

FAILON: Paano bibili ng pagkain, ng gamot. Sige po.

FAILON: Sa akin common sense din po, nakasulat po iyan, basta work related exempted po.

FAILON: Sorry po, sir itong mga pahabol na tanong ‘no.

FAILON: Parang bar exam ito, Manong Ted. Binabati ko iyong mga pumasa nga pala ng bar exams.

FAILON: Sec, kasi po daw, maging ang ilan pong mga naghihintay na nga po na makapag-ehersisyo, iyon pong mga laro naman daw na wala naman pong physical contact. Bakit po ayaw payagan kahit na under GCQ – tennis, badminton o maging golf puwede daw po ba itong i-review ninyo?

FAILON: Alam ko bakit mo tinanong iyan, dahil nakita kita minsan [laughs] sa golf course. Ay naku, ang dami rin po, ang dami din pong nagsabi niyan, pero hindi pa po iyan ina-allow. Paumanhin po.

FAILON: Opo. So pati po tennis o maging swimming for example po daw?

FAILON: Well, wala pa pong probisyon na pinapayagan iyan. Kasi nga po, although that is a sport ay may tendency pa rin iyan. Alam naman ninyo barkadahan system iyong mga nagte-tennis, at pati iyong mga golfers sila po talaga ay nagrereklamo dahil wide open space naman talaga iyan. Pero ang nature ng sports talaga is a very sociable sport. Basta aaminin ko po talagang ang dami na rin na gusto na buksan iyong ganiyang mga sports, pero wala pa pong nakalagay na ganiyan sa ating guidelines.

FAILON: Sige po, tumawag na po si Presidente, pinapatawag na po yata kayo. Sec, ito lang ho. Last ‘no para lang po maintindihan natin na ito pong May 15 na sinasabi po ‘no na hangganan ng ECQ hindi po ito sigurado, dedepende pa po ang desisyon ng IATF at finally po ni Presidente doon sa mga figures, doon sa mga datos na manggagaling sa DOH on our COVID status, tama po?

FAILON: Siyensya po – iyong pagkabilis ng pagkakalat ng sakit, iyong kapasidad magbigay ng critical care at saka siyempre kino-consider din natin iyong ekonomiya. Hangga’t maari, hangga’t pupuwede bakit hindi, pero ayaw po nating dumating tayo sa punto na parang maging Italy tayo o Spain na namamatay na lang ang mga tao, hindi na po nabibigyan ng medical attention dahil hindi po sapat ang facilities. Kaya naman po ang ginagawa natin, bukod dito sa malawakang kampanya na social distancing and hygiene and quarantine ay napakadami na po nating mga itinayong mga We Heal as One Center.

At ang mabuting balita nga po, nagbukas na rin iyong Philippine Arena na puwede nang tumanggap at saka kinakailangan din nating i-increase din ang ating testing capacity, kasi bagama’t dadami iyang mga kaso ng COVID, at talaga pong totoo iyan dadami at dadami po iyan sa ayaw at sa gusto natin, eh with testing po ay mai-increase po iyong capacity natin na to locate iyong mga sakit, to isolate and to cure.

So iyan po ang ating istratehiya ano. Bagama’t—number one, pabagalin through social distancing and good hygiene; pangalawa, paghandaan sa pamamagitan nga po ng mga We Heal as One Center; at pangatlo, iyong increased testing capacity dahil sa pamamagitan niyan ay maski mas maraming magkakasakit ay mababawasan iyong tyansa na makakalat ito kung ma-isolate natin sila at mapapagaling.

FAILON: Oh, sige po. Ito nga po tumawag na si Presidente sa amin at sabi ho tama na. Salamat po, thank you very much po.

FAILON: Maraming salamat po, parang bar exam at sana po pumasa naman tayo, bagama’t mayroon akong dalawang punto na babalikan kayo, at pinapangako sa Lunes at sasagutin ko po kayo doon sa isyu ng physical therapist at saka sa isyu ng—ano pa ho iyong isa, rerebyuhin ko po iyong statement ho—house construction at saka manning agency.

FAILON: Opo, opo. At saka bakit daw bawal pang magbenta ng real estate. Okay, salamat po. Thank you. Mabuhay!

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)