Q: Sec. Harry, dahil nga kahapon inanunsyo na ng pamahalaan na kailangan sa halip na pagdating pa lamang noong pasahero from abroad ay mati-test na siya hihintayin muna iyong ikalimang araw. So ibig sabihin noon habang nasa quarantine saka siya mati-test on the 5th day, tama po?
SEC. ROQUE: Tama po iyon, wala pong makakalabas kaagad. Ibig sabihin lahat sila diretso muna sila sa quarantine pagdating nila ng Pilipinas. So malinaw po iyon, kasi kapag lumabas iyan ay baka makalat nga iyong COVID-19 kung mayroon man iyong isang tao ano.
So ang requirement po, lahat punta muna sa quarantine facility, pang-limang araw test ng PCR. Kapag ikaw ay negatibo ng limang araw tuloy pa rin ang quarantine pero pupuwede ka ng mag-quarantine doon sa LGU kung saan ka pupunta at magiging responsibilidad na ng LGU iyan na ipatupad iyong 14-day quarantine.
Q: Kasi nga dahil nga siguro iyong mga nati-test ‘no na pagdating na pagdating pa lang, bigla silang ay nagpo-positibo several days after. Kaya naging dahilan iyon para ipagpaliban muna iyong test para siguro mahintay na mag-incubate muna iyong virus kung sakaling asymptomatic pa iyong pasahero. Tama po ba, Sec. Harry?
SEC. ROQUE: Tama po iyon, kasi may mga pagkakataon na nakukuha iyong COVID-19 siguro iyong sa eroplano na ano at iyon iyong mga dahilan kung bakit pagdating na pagdating eh negative, tapos a few days later magpo-positibo. So ngayon para maiwasan po iyan ay pinababayaan muna natin, dahil ang alam natin on the 6th day naman ay magiging accurate na iyong ating PCR ng malaman natin kung nakuha iyan sa biyahe eh made-detect natin bago sila mai-release for their quarantine sa LGU.
Paulit-ulit kong sinasabi hindi ibig sabihin na palalabasin na kayo ng airport quarantine ay libre na kayong umuwi, hindi po; kinakailangan sumunod pa rin sa quarantine at naku, mga kababayan itong new variant ay mas talagang nakakahawa at potentially mas delikado.
Q: So Secretary, so ibig sabihin when an arriving passengers – dapat ito Pilipino, I suppose na dapat may Filipino passport – pagdating po sa ho airport ay kailangan ma-quarantine siya, minimum of five days and then five days after kapag na-clear na siya doon sa vaccine [PCR test] niya, kukuha po siya, tama po ba, ng parang clearance from the Bureau of Quarantine before he goes home. And then pagdating sa bahay, he still has to stay for 14-day quarantine, hindi pa rin po siya puwedeng pumasok sa opisina, tama?
SEC. ROQUE: Oo tama po iyon. In fact, ang magi-enforce ng quarantine pag-uwi niya ay iyong LGU ‘no. So magkakaroon po tayo ng endorsement doon sa LGU para tanggapin iyong lumalabas ng airport pagkatapos po ng PCR nila, matapos po ang limang araw.
Q: Sa ngayon ba, Sec. Harry, iyong mga hotel or iyong mga quarantine facilities na tutuluyan nitong mga parating na mga pasahero, hindi po ba sila masyadong napupuno kapag ganiyan po ang magiging bagong testing restriction natin?
SEC. ROQUE: Hindi naman po, dahil harinawa iyong mga OFWs na bumabalik natin ay hindi naman po ganoon kasing dami compared doon sa nagsimula ang lockdown at saka kung mapapansin naman ninyo kakaunti din naman talaga iyong mga dayuhan na pupuwedeng pumasok ng Pilipinas.
Q: Oo, dahil sa restrictions.
SEC. ROQUE: So, limitado pa rin po ang ating mga arrivals at paalalahanan ko lang po na maski ganito ang requirements, wala pa rin tayong mga tourist arrival sa mga dayuhan at pati po iyong mga dayuhan mayroon din pong special requirements lalo na iyong mga balikbayan kinakailangan kasama nila iyong mga Pilipino na pauwi dito sa Pilipinas.
Q: Iyon po bang test na gagawin, Sec, iyon pa rin po bang swab or magagamit na po ba iyong saliva test dito po sa iti-test on the 5th day?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po ngayon ay PCR test po ang required, iyong saliva test naman po ay PCR test din, pero I think tanging PRC lang po ang mayroong ganiyang facility; samantalang sa airport po ay hindi lang naman po Red Cross ang naroroon, nandoon din po iyong Philippine Airlines testing at saka kung hindi ako nagkakamali, iyong Philippine Air Force diagnostic.
Q: So, Sec, for incoming mga OFWs na dumarating, mga incoming passenger ibig sabihin, five days sila sa quarantine hotel. Ibig sabihin libre po ito, sasagutin ng gobyerno?
SEC. ROQUE: Oo, sa mga OFWs dati na pong libre iyan ‘no—
Q: Pati iyong swab test nila after the 5th day?
SEC. ROQUE: Opo, sagot po natin iyan dahil sagot naman po iyan ng PhilHealth din ‘no. So, wala naman po silang iintindihin.
Q: Pero iyong ibang mga non-OFWs na bumabalik sa bansa, sila they have to shoulder the cost of the quarantine hotel at pati iyong swab test?
SEC. ROQUE: Well, iyong quarantine hotel, talagang sila po ang magso-shoulder. Iyong swab test, kung mayroon naman po silang PhilHealth at kung sila po eligible doon sa expanded testing protocols natin ay pupuwede mapasagot din po iyan sa PhilHealth.
Q: Sec. Harry, ang ating status dito sa Metro Manila na GCQ ay pahahabain pa at hindi kaagad ito ibababa—
Q: Beyond February?
Q: Oo, sa MGCQ?
SEC. ROQUE: Napakahirap ko po kasing magsalita, kasi talagang nirireserba natin kay Presidente iyong desisyon. Nakita naman po ninyo, hindi lahat ng rekomendasyon ng IATF ay nai-implement ni Presidente; kaya napakahirap pong magsalita ngayon. Bagama’t napapabalita nga na iyong mga Metro Manila Mayor ay sang-ayon din sa GCQ at iyan naman po ay naianunsyo na kahapon ni Mayor Lino Cayetano. So sa akin naman po ilang tulog na lang naman po iyan. Antayin na natin ang desisyon ng Presidente. Ang importante po siguro sa ganitong punto eh ikumpirma na may mga lugar tayo na magkakaroon ng escalation po from MGCQ magiging GCQ. At tama naman po na ilang mga probinsiyang scheduled for escalation ay naghahanda na para magpatupad ng mas mahigpit na community quarantine.
Q: Sec. Harry, we will take advantage of your presence ha, siguro puwede naman ninyong sagutin kami ng hindi na lang pabiro or whatever. Eh, ano ho ba talaga ang latest ho kay Presidente, talaga po ba siyang magpapabakuna in private o sa puwet ba talaga. Ano po ba talaga ang gustong mangyari po ni Presidente pagdating ng bakuna?
SEC. ROQUE: Sinabi na po niya magpapabakuna talaga siya, kailangan niya iyan pero hindi naman siya kinakailangang sumunod doon sa sinasabi na kinakailangan isapubliko ‘no. So he will make it in private. Private, and I expect iaanunsiyo po natin kung tapos na siyang magpabakuna.
BUENAFE: Oo, pero hindi ho sa braso?
SEC. ROQUE: Well, iyon po ang sabi niya. Ano ba, inuulit ko lang iyong sinabi niya. Kaya lang, isang araw matapos kong inulit iyong sinabi niya, walang tigil iyong tawa ko ‘no dahil na-realize ko iyong sinabi ko ‘no. Pero anyway, iyon talaga ang sinabi niya, wala tayong magagawa – inulit ko lang po.
VELASQUEZ: Trending ha, trending iyong mga ganoong mga … [laughs]
SEC. ROQUE: Dalawang araw, kapag naaalala ko iyong sinabi ko, tawa ako nang tawa. Pero ngayon hindi na ako natatawa; tapos na iyong aking laughing trip.
VELASQUEZ: Ayun, nailabas ninyo na lahat ng tawa ninyo.
SEC. ROQUE: Naitawa ko na nang naitawa, oo.
VELASQUEZ: Kasi naman, Sec. Harry, matapos nga na ihayag ninyo iyon at siyempre binalita din naman namin, lumabas bigla sa ilan ding mga pahayagan abroad – tsinek ko lang kung baka naman fake news, pero hindi, tama eh – kinukunsidera raw ng mga Chinese researchers ngayon na bukod sa swab test, sa nasopharyngeal test, puwede na raw sa rectal swab test.
SEC. ROQUE: Oo nga eh, nagpauso tayo sa puwet niyan ano—
BUENAFE: Parang sumunod sa statement ninyo eh. Parang naging relevant eh.
SEC. ROQUE: Natatawa na naman ako ngayon. [Laughs] Nagpauso tayo, pati PCR sa puwet na rin.
VELASQUEZ: Oo, parang lahat doon na idinaan.
BUENAFE: Sabi ko nga baka sa susunod, rectal scanner na nga eh, Sec. Harry.
VELASQUEZ: Pero alam ninyo, Sec. Harry at saka Pareng Danny, binibigyan nila ito ng scientific basis. At ang paliwanag nila – pasintabi na po ha doon po sa medyo kumakain – kasi mas matagal daw na naiiwan iyong traces ng virus doon mismo sa tumbong.
BUENAFE: Sa tumbong, ah mas matagal. Ibig sabihin, mas okay, mas effective nga ‘di ba.
VELASQUEZ: Oo, kung rectal or anal swab na sinasabi nila. But anyway, mukhang hindi pa naman natin kinukunsidera iyon dito sa Pilipinas.
SEC. ROQUE: Oo, pero kinakailangan mag-anunsiyo rin kayo kung kayo ay magpapaineksiyon sa puwet.
VELASQUEZ: Sec. Harry, sa Baguio City ha dahil nga sa Bontoc mismo pala, iyong clustering ng mga UK variant cases doon medyo nakakabahala, tapos nagkaroon pa nitong mga party-party diumano. Si Contact Tracing Czar pa mismo ha, si Mayor Benjie Magalong, medyo nasangkot sa kontrobersiya. Ano po ba ang pananaw ninyo patungkol diyan? Kapag mayroon mga ganito na nga na naghihigpit na dahil nga sa UK variant tapos nasasali pa iyong mismong Contact Tracing Czar doon sa kontrobersiya?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, hinahayaan na po natin sa kanila kung paano mariresolba iyan. Pero iyon nga po ‘no, from MGCQ iyong Baguio at buong Cordillera ay nagkaroon ng rekomendasyon ‘no at inanunsiyo naman ni Mayor Magalong din na ang rekomendasyon ay mas mahigpit na community quarantine para sa mga lugar na iyan. Pero sa tingin ko po talaga is wake-up call to everyone. Kung dati po ay nakasanayan na natin ang old variant, at in fairness ay number 32 naman tayo in the world at parang 117th yata tayo pagdating sa fatality rate. Meaning, we have managed the old variant rather well. Eh ngayon po new variant, kinakailangan paigtingin pa natin iyong ating pangangalaga na hindi tayo mahawa ng sakit na ito. Paigtingin po natin iyong mask, huwag at iwas.
VELASQUEZ: Iyon, oo. So sa ngayon, siyempre ang hihintayin natin ay iyong rekomendasyon by the end of the month kung talaga bang magpapatuloy pa rin ang GCQ status dito sa Metro Manila.
Pero ang mas exciting kanina, si Pareng Danny ay na-excite na, Sec. Harry, dahil nga sa magpapa-presscon ang Food and Drug Administration mamaya. At maaaring ipahayag daw na mabibigyan na ng Emergency Use Authorization ang—ano ba iyon, Pareng Danny?
SEC. ROQUE: AstraZeneca.
BUENAFE: AstraZeneca, oo. Pero alam ko iyong ano rin, Sinovac din, sir, ‘di ba?
SEC. ROQUE: Sa Sinovac mayroon na rin pong application. Tapos mayroong isang Indian po na nag-apply na rin ng Emergency Use Authorization.
VELASQUEZ: Si Bharat ba iyon?
SEC. ROQUE: Oo, opo. Pero iyan po ay mabuting balita kasi habang tayo ay nag-aabang ng actual supply na dumating, at least alam natin na mayroon nang EUA na ibig sabihin kapag dumating ay magagamit na kaagad; wala nang antayan.
BUENAFE: Pero ang problema natin, Sec. Harry, marami pa rin ho ang mga apprehensive, iyong mga takot pa rin sa mga kababayan natin. Ano ho ba ang magandang messaging na dapat gawin ho ng Malacañang para ma-promote ho iyong confidence ng mga tao kasi, sabi ninyo nga eh, pribado iyong gagawin ni Presidente, eh iyong mga ibang government officials o kahit ibang mga high personalities, high profile personalities ‘di ba?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, unang-una ‘no, paulit-ulit nating sinasabi na masusing pinag-aaralan po iyang mga bakunang iyan hindi lang naman po sa Pilipinas kung hindi sa iba’t ibang bansa pa. Tayo po ay mayroong international emergency na umiiral. At wala naman pong ipatuturok kahit kanino dito sa Pilipinas o kahit saang parte ng daigdig na hindi po napag-aralan ng mga eksperto na ito po ay ligtas at epektibo. Ang importante lang, makinig tayo sa eksperto at hindi iyong mga ekspe-eksperto ‘no, kasi ngayon lima-singko ang ekspertong lumalabas lalo na sa bakuna. Hindi po sapat na maging doktor para maging eksperto sa bakuna; kinakailangan trained po iyan na virologist or iyong talagang mahabang karanasan dito sa pagsusuri ng iba’t ibang mga bakuna.
Tayo naman po sa press briefing, nakilala na natin – parang kasing sikat na ni Fauci – si Dr. Bravo ‘no. Importante na kilalanin kung sino talaga iyong mga eksperto.
Pangalawa po ay nandiyan na po iyong new variant, kung tayo po ay nag-aatubili eh talagang pag-isipan ninyong mabuti, mas nakakahawa at potentially mas matindi po ang epekto nitong new variant na ito so bakit naman hindi natin kukunin ang bakuna kung ito po ay makakapagliligtas sa atin. Iyon lang po.
VELASQUEZ: Ayon. So, Pareng Dan, may itatanong ka pa kay Sec. Harry?
BUENAFE: I think that’s all my friend.
SEC. ROQUE: Okay, sige po. Mag-enjoy po kayo ng LA at mas maraming COVID diyan, ingat po kayo.
BUENAFE: That’s why I’m very conscious where I’m going, you know.
SEC. ROQUE: Oo, ingat po kayo diyan.
VELASQUEZ: Oo, dahil diyan sa America yata parang nakapagtala na naman ng parang mas mataas na death rate, iyong daily.
BUENAFE: Four hundred twenty-three thousand na ang namamatay dito. Parang one-fourth of the number ng mga total na mga namatay, mahigit two million na kasi ang namatay sa COVID, Pare, buong mundo.
VELASQUEZ: Anyway, Sec. Harry, maraming salamat sa oras na ibinigay ninyo po sa amin ha.
BUENAFE: Oo, masaya lagi kapag si Sec. Harry ang kasama natin.
SEC. ROQUE: Oo, maraming salamat po at magandang umaga po.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)