Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Tony Velasquez and Danny Buenafe – On the Spot/Teleradyo


Event Media Interview

VELASQUEZ: Nasa linya na ng ating telepono ngayong umagang ito ang Presidential Spokesperson, si Secretary Harry Roque para po tayo—

BUENAFE: Ah, suki…

VELASQUEZ: Oo. Para siguro mabigyan-linaw na rin iyong mga nauna pong mga announcements patungkol nga po sa ini-expect natin sa MGCQ. Secretary Harry, magandang umaga. Tony and Danny pong muli sa On The Spot.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Tony. And good morning, Sir Danny.

BUENAFE: Hello, Sir Harry.

VELASQUEZ: Secretary Harry, do you know where Danny is?

SEC. ROQUE: Well, I don’t know where is [laughs].

VELASQUEZ: Well, he is on the lockdown because he’s quarantined. [laughs]

BUENAFE: Quarantined. I just arrived from abroad so that’s why I have to abide by the rules, the protocol, you know. [laughs]

SEC. ROQUE: He is now an Englishman in quarantine. [laughs]

VELASQUEZ: That’s right. Not an Englishman. He is not an Englishman in New York; he’s an Englishman in quarantine. [laughs]

So, Sec. Harry, unang-una, before we go to the MGCQ siguro protocols na aasahan ng mga kapamilya natin, puwede ba nating balikan konti, linawin lang natin iyong patungkol sa mga indemnity agreements or indemnification fund. Marami po kasing mga kapamilya natin ang naniniwala na ang Pilipinas lang daw ang tanging bansa na kinakailangan daw magbigay ng indemnification fund sa mga mababakunahan. Totoo po ba ito o hindi?

SEC. ROQUE: Hindi po ‘no. Nakasaad po iyan sa COVAX Facility na kinakailangan magkaroon ng ganiyang kasunduan sa panig ng COVAX, ng mga gumagawa ng mga bakuna at ng mga bibigyan ng COVAX ‘no, na talagang kinakailangan magkakaroon ng indemnity agreement na magbibigay ng danyos kapag mayroong side effect ay iyong gobyerno at hindi po iyong manufacturer ‘no. Bagama’t talaga pong mas maingat sila pagdating sa Pilipinas dahil sa karanasan nila sa Dengvaxia.

Alam ninyo naman iyong mga drug manufacturers na iyan, [voice overlap] po iyan eh hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ‘no at alam nila iyong naging karanasan ng Sanofi dito sa Pilipinas sa Dengvaxia na bagama’t ito ay given General Use Authorization eh nakaharap sila sa mga iba’t ibang mga kaso ‘no. Bagama’t na hindi lang po FDA ng Pilipinas ang nagsabi na General Use Authorization na iyan kung hindi pati na po ang WHO ‘no.

So siyempre hindi natin maaalis sa mga multinational pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na maging mas maingat pagdating sa Pilipinas.

VELASQUEZ: ‘Ayun, oo. Dahil sa Dengvaxia scare na nangyari noon.

SEC. ROQUE: Opo.

BUENAFE: So at least nag-subscribe na tayo, naisumite na natin ‘yan ‘di ba, iyong indemnification agreement at iyon nga iyong hinihintay nilang requirement. So mayroon na ho ba tayong specific date kasi marami ho talaga excited, naghihintay ho. Ano ho ba mauuna talaga, Pfizer o AstraZeneca?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po ang Pfizer eh wala pa rin po tayong petsa ‘no kasi kinakailangan eh mag-agree muna iyong mga abogado ng Pfizer doon sa sinumite nating indemnity agreement at hindi ko po alam kung talagang aantayin pa nila iyong batas.

Pero pagdating naman po sa AstraZeneca, nagbigay po ng notice ang COVAX Facility na ang AstraZeneca, talagang matutuloy na ang delivery nila sa end of the month of February. Bagama’t sabi nga nila dahil nga po napakadaming kumukuha ng AstraZeneca, baka magkaroon po ng konting delay pagdating sa delivery dahil iyong logistics ba na nagbi-buildup ‘no, iyong pagdating sa numero ng mga AstraZeneca vaccines na idi-deliver.

VELASQUEZ: Ah. So wala ring specific number of doses? Secretary, may ka-interview pa rin po ba tayong iba? [laughs]

BUENAFE: [Laughs] May pumapasok na ibang linya.

SEC. ROQUE: Ah, hindi po. Nagpapa-antigen lang po ako pero tapos na ako dahil nandito po tayo ngayon sa inauguration, itong sa Subic ‘no, iyong bagong—ano bang tawag dito sa highway na ‘to? SCTEX ‘ata ito papunta sa Subic na may inauguration.

Pero ang inaantay lang po natin na mayroong petsa talaga ay iyong Sinovac na inaasahan nating dumating a-beinte tres. Pero ito po’y mayroon ding caveat, alam ninyo naman po ako wala talagang palamuti ‘no, sasabihin ko talaga kung ano ang katotohanan. Ang caveat po dito eh kinakailangan po maaprubahan muna iyong ating EUA bago matuloy iyong delivery ng mga donated na mga bakuna galing sa Tsina.

So nandito po tayo sa parang catch 22 na ang pupuwede lang nating gamitin Pfizer at AstraZeneca, wala naman pong supply na dumating ‘no; bagama’t inasahan natin nga na darating noong mid February. At iyong dinu-donate naman sa atin, hindi naman natin magagamit pa dahil wala pang EUA ‘no. Pero siyempre po baka naman eh may awa ang Panginoon, baka naman lumabas iyong EUA bago po dumating ang takdang petsa ng delivery ng Sinovac nang sa ganoon eh beinte kuwatro pupuwede pa rin tayong magpatuloy noong ating rollout at least ng ating vaccination program.

BUENAFE: Ibig sabihin Secretary, puwedeng mauna iyong delivery, kunwari February 23, kahit wala pa iyong EUA ‘di ng FDA?

SEC. ROQUE: Hindi pala po eh, kasi doon sa kumbaga deed of donation na ginawa ng Tsina, siguro ayaw rin nila na masayang lang iyong idi-deliver nila ‘no, eh nakasaad din doon na bago nila i-deliver dapat mayroon na tayong EUA para pag-deliver, gamit kaagad.

BUENAFE: Hindi ba natin makakalampag ang FDA para at least eh maaprubahan kaagad at para at least eh masiguro natin na mayroon na tayong rollout ng unang vaccination o vaccine?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po, ginagawa naman po ng lahat ng EUA kaya nga lang siyempre hindi sila nagku-compromise pagdating sa safety and efficacy at mayroon ‘atang apat na dokumento pang hinihingi sa Sinovac ‘no. Pero hindi ko naman sinasabing imposible nang mangyari, ang sinasabi ko lang iyong katotohanan na kapag wala pong EUA eh hindi rin magshi-ship out ang Tsina sa beinte tres ‘no na ang dati ko ngang sinabi nakaukit na sa bato pero hindi naman po kasi sa kakulangan ng supply kung hindi sa kawalan naman ng EUA.

Pero gaya ng sabi ko, mayroon pa naman po tayong isang linggo mahigit-kumulang, baka naman po lumabas iyong EUA ‘no at baka naman po mapa-ship out pa rin iyan sa beinte tres, dahilan nga po para makapagsimula tayo ng beinte kuwatro.

VELASQUEZ: ‘Ayun, oo. So, sige. So Pareng Danny, tanungin na natin si Secretary tungkol doon sa guidelines.

BUENAFE: Yes, iyong MGCQ.

VELASQUEZ: Oo, MGCQ guidelines. So Sec. Harry, ano po ba ang talagang significant difference po na mararamdaman ng ating mga kapamilya kapag napatupad na itong MGCQ?

SEC. ROQUE: Mass gathering po. Ang talagang pagkakaiba ng MGCQ at GCQ ay mass gathering at saka public transportation ‘no. Sa mass gathering, alam naman natin na unang-una mga sinehan hindi pupuwede, iyong mga amusement/arcade hindi pupuwede, iyong mga matao ibig sabihin hindi pupuwede ‘no.

Eh ngayon po ina-allow po ina-allow po iyan ng 50% capacity. As we speak po, bagama’t tayo sa mga Metro Manila ay parang ang hirap isipin na mayroon nang sinehan at mayroon nang mga Time Zone, eh sa mga probinsiya po na under MGCQ ay mayroon na po sila ‘no at pinapatupad naman po nila iyan every other seat din ang upuan nila at mukhang wala naman pong problema.

So iyon po ang pinakamalaking diperensiya natin at saka doon sa simba ‘no. Sa simba kasi, kinailangan nating magkaroon ng special rule dito sa Pilipinas at saka sa mga restaurant. Sa MGCQ talaga kasi, 50% talaga sila capacity – simbahan, restaurant.

Pero kung naalala ninyo po dito sa Maynila dahil GCQ tayo, kinailangan nating magpasa ng special IATF resolution na parang by way of exemption sa Metro Manila na hanggang 70% na ang mga restaurant ‘no.

So ang ginawa lang po ng IATF kahapon dahil anticipating na mag-i-MGCQ na ang buong Pilipinas, eh ibinalik na natin iyong rule na talagang kung ano ang applicable sa MGCQ, iyon ang magiging applicable sa buong Pilipinas para wala na iyong mga special rules na ginawa natin para sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa GCQ.

VELASQUEZ: Oo. Para uniformed, uniformed na.

BUENAFE: So for example, siyempre marami hong nakikinig ngayon, for example sa mga wedding ha. Kunwari sa simbahan, let’s say ang wedding eh medyo 200 ang guest niya. Puwede ang isandaan na maka-attend? Parang ganoon.

SEC. ROQUE: Well, depende po iyan sa capacity noong room, kasi iyong capacity po niya ang point of reckoning. So kung ang capacity po ng room ay 500, eh pupuwede siya na hanggang 250 ‘no dahil 50% capacity. So ang isang table ngayon kung pang-dose ang roundtable, eh ngayon anim lang po ‘no, so iyon po ‘yung rule sa MGCQ.

At tama po kayo ‘no, iyong mga unang nagtanong sa akin ay iyong mga ikakasal kong estudyante ‘no sa UP College of Law—

BUENAFE: Iyon nga ang naisip ko kaagad eh, maraming naudlot na mga kasal eh.

VELASQUEZ: Kaya din tinanong ni Pareng Danny iyon dahil marami siyang iaanak sa kasal.

BUENAFE: Kung makakaiwas ako o hindi.

SEC. ROQUE: Tony kailangang magpakasal tayo muli ng makakuha tayo ng regalo.

VELASQUEZ: Huwag dapat marinig ni Ma’am Mylah iyan ha.

SEC. ROQUE: Hindi! Sabi ko lang naman, magpapakasal tayo ulit, pero pareho pa rin iyong pakakasalan natin.

VELASQUEZ: Renewal of vows, oo.

SEC. ROQUE: Oo, mayroon nang regalo dahil galing kay Danny di ba?

BUENAFE: Pero, Secretary, iyong mga videoke, will that be allowed?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po off-hand, hindi ko siya memoryado. Pero ang general rule of sum po kasi is 50%. Kasi mayroong mga lugar talaga na karaoke talaga ang pinupuntahan. Pero sa akin po parang wala namang distinction iyan, basta 50% capacity po ngayon. Ang rule of sum po kasi, ang GCQ, 50% lang ng ekonomiya ang bukas. Sa MGCQ po gagawin na nating 75% ang ekonomiyang bukas. Pero dahil limited nga po ang mga capacity kaya siya nagiging 75% lamang. At ang dahilan nga po ay parang napakadami naman pong nagugutom na bagama’t talagang seryoso pa rin ang problema sa COVID-19, eh iyong mga namamatay at nagkakasakit ay parang kakaunti kung ikukumpara mo doon sa mga 23 million yata ang mga numero ng Pilipino ngayon na nagugutom dahil dito sa ating mga ginagawang partial lockdown.

BUENAFE: Pero, Secretary alam ko marami pa ring mayors ang against doon sa March 1 na pagluluwag, iyong MGCQ. Mayroon din yata silang power na puwede silang mag-localize lockdown, just in case magkaroon ng increase doon sa COVID cases sa lugar nila?

SEC. ROQUE: Ay hindi po natin tinanggal iyan sa kapangyarihan ng LGU. In fact, alam ninyo pareho ang tinatahak nating direksiyon kagaya ng ating karatig bansa na Indonesia, na sila ay nagbubukas na rin at iyon nga po ano, ang alternatibo natin para nga mapangalagaan ang kalusugan eh mga localize lockdown. So, tuloy pa rin po ang localize lockdown natin. May kapangyarihan pa rin ang specific na siyudad kung gusto nila iyong mga barangay o mismo nga iyong isang buong siyudad na bumalik sa ECQ kung gusto nila. Pero ang iniiwasan po natin iyong malawakang pagbabalik sa pagsasara ng ating ekonomiya.

VELASQUEZ: Ayon. So, kung ang mga mayor po ng Muntinlupa, Marikina, Navotas, Valenzuela at iba pa ay nagnanais na huwag munang mag-shift to MGCQ ay maaari po nilang gamitin ang kapangyarihan nila to retain the GCQ status sa kanilang mga lungsod?

SEC. ROQUE: Well, actually po ang mangyayari diyan mayroon pa rin silang kapangyarihan na mag-lockdown specifically ng mga barangay ‘no. At well, depende rin iyan sa kanilang mga konseho. Kung sa tingin nila na mas kinakailangang mas mataas ang classification. Pero ang talagang ninanais po nating makita is to resort iyong localize lockdown, napakaganda po noong naging karanasan ng Taguig, nagkaroon po sila ng hundreds of cases doon sa isang construction site, pero imbes na isarado nila iyong buong Bonifacio Global City, eh sinarado nila iyong building na naging dahilan na nagpatuloy pa rin ng ekonomiya noong Global City at na-contain naman po iyong pagkalat ng sakit, dahil doon lang sa locality mismo na mayroong outbreak ang sinarado.

VELASQUEZ: So, if I understand you correctly, Sec. Harry. Mas mabuti kung kunwari, even though opposed iyong mga mayors nitong ibang cities to shifting to MGCQ na ipatupad na rin nila iyong MGCQ but only select kung aling mga barangays within the cities.

BUENAFE: Oo, iyong medyo mataas.

VELASQUEZ: Ang medyo ila-lockdown pa rin nila. Not the entire city, but just some barangays?

SEC. ROQUE: Well, mayroon pong mga pagkakataon that can justify the entire city. Kung nabalitaan ninyo for instance iyong Tuguegarao, nagkaroon sila ng pagbabalik sa ECQ, eh pupuwede naman po iyon. Pero ang inaasahan po talaga natin, hangga’t maaari, kasi hindi naman po talaga nangyayari na iyong buong siyudad na talaga ang dumami iyong kaso eh. Nakikita naman natin kung saan talaga umuusbong iyang mga kaso, iyong clustering of cases na tinatawag.

So bagama’t mayroon pong possibility eh ang talagang nasubukan na ng mga lokal na opisyales ay iyong localize lockdown, kasi hindi po tayo tumigil, kasi under GCQ tayo. Sa Quezon City ang tawag nga nila Enhanced ECQ pa ano, kasi talagang pati doon sa mga areas na covered by localize lockdown, hindi pupuwedeng lumabas para magtrabaho. Ang local government ang nagbibigay ng kumbaga excuse letter sa employer na talagang hindi pinalalabas iyong mga empleyado na covered by localized lockdown. So puwede naman pong gawin po iyan.

BUENAFE: Pero, Secretary, ulitin lang natin baka may mga huling nag-tune in lang ngayon sa atin. So, ibig sabihin by Monday we expect the President to make the announcement, ito po ba ay nationwide na MGCQ para sa Pilipinas po? Kasi may mga ibang areas pa rin po ha, Cebu medyo mataas pa rin ang COVID cases. Para lang malinaw sa lahat at saka tama ba – 50 or 75% occupancy sa mga mass gathering?

SEC. ROQUE: Okay, ayaw ko pong pangunahan ang Presidente at hindi ko po sigurado kung ia-announce niya sa Lunes, sa a-22. Kasi ang announcement naman ng ating classification ay end of the month, so pupuwede po na mangyari siguro na gusto muna niyang makita talaga iyong data analytics. So huwag po natin siyang pangunahan. Pero sa ngayon po ang rekomendasyon ng IATF na sinang-ayunan na rin ng mga Mayors ng Metro Manila ay para mailagay po sa MGCQ sa buwan ng Marso ang buong Pilipinas. At dahil po MGCQ iyan, magkakaroon po ng allowed na mass gathering at mga amusement, kasama na po ang turismo na hanggang 50% capacity. Kaya nga po minsan napupulaan ang mga kagaya ko dahil nagpupunta tayo sa mga MGCQ areas na ang mga taga-Metro Manila akala hindi allowed. Pero ang turismo po, ang amusement, allowed po sa MGCQ hanggang 50%.

So, iyon po iyong malaking pagbabago talaga in shifting from GCQ to MGCQ. Pati nga po iyong mga parks, magbubukas, kaya nga po iyong mga Intramuros, iyong Luneta naman po mayroong hours na bukas. Pero ngayon po na mag-i-MGCQ siguro maglilimita lang sila ng numero kapag binuksan na.

VELASQUEZ: Hindi, kaya ka napupulaan yata, Sec. Harry, dahil sabi nila, one time daw sabi mo na-expose ka yata sa isang nag-positive tapos nag-self isolate ka pero nakikita ka raw namamasyal, so parang iyon ang sinasabi ng mga ano—

SEC. ROQUE: Malisyosong isip lang po iyon at nakakahiyang mga diumano’y mga peryodista iyon kasi hindi naman ako tinanong. Eh siyempre po, mag-a-isolate ka matapos ng exposure. Bakit naman ako mamamasyal kung ako’y na-isolate ‘no. Siyempre exposure happened after pa mamasyal. Hindi ko nga po maintindihan, pero marami po talaga ang malisyoso eh pinababayaan ko na lang sila.

VELASQUEZ: Actually, tama. Eh iyong isa pang lilinawin siguro natin, Pareng Danny, sa schools ha. Kasi iyong mga magulang nga eh, iyong mga nagri-react doon sa isang survey na sinasabing hindi raw masyadong effective ang tingin ng mga educators mismo doon sa distance learning. So makaka-expect ba tayo, Secretary Harry, ng significant change in school protocols pagdating sa MGCQ?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po napatutohanan ko iyan na talagang napakahirap po ng online learning ‘no dahil ako po ay bumalik sa pagtuturo nitong semestre na nakalipas na online; iba po talaga. Ako naman ay halos 20 years akong nagturo ng face-to-face, at for the first time nga, nag-agree ako magturo online, napakahirap po. At I think in terms of efficiency, wala pa tayo siguro sa mga 60% efficiency as far as teaching is concerned.

Hindi nga po ako kuntento sa nangyari so pinangakuan ko iyong klase ko na bago sila mag-bar, mag-i-special review ako sa kanila sa International Law dahil parang kulang talaga iyong pag-aaral na online.

Pero ang desisyon po talaga nito ay magiging desisyon na gagawin ng ating Presidente kasi kung maaalala ninyo, eh ni-recommend nila iyong pilot ‘no na limited face-to-face sa mga lugar na mababa ang transmission at naunsyami nga po dahil pumasok itong new variant. At sabi ni Presidente, hindi natin alam kung ano itong new variant na ito, tingnan muna natin.

Pero ngayon po nakita na natin na hindi naman po malawak ang pagpasok ng new variant sa atin. Sa ngayon po ay parang wala pa pong ebidensiya ng community transmission. At maski mas nakakahawa siya eh alam naman natin na ang panlaban pa rin natin ay mask, hugas at iwas. So inaasahan po natin na baka naman po ikunsidera ng Presidente na iyong limited pilot face-to-face dahil tayo na lang talaga ang bansa na hindi pa bumabalik sa face-to-face dahil iyong iba maski isang oras isang araw o tatlong oras sa isang linggo ay bumabalik na po.

VELASQUEZ: Diyan sa Amerika din yata, Sec. Harry, sa Amerika, wala pa rin yatang face-to-face classes ‘di ba?

SEC. ROQUE: Hindi ko alam, pero dito sa ating mga karatig-bansa po, parang tayo na lang po ang wala talagang face-to-face.

VELASQUEZ: So the President will also have make a decision kung ia-allow na rin niya na ituloy iyong limited face-to-face classes, finally, kung itutuloy na iyon?

BUENAFE: Sa March 1, March 1 ba?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, ang IATF ay recommendatory lamang; at siyempre iyong tinatawag nating police power para pangalagaan ang kalusugan ng ating mamamayan ay kapangyarihan pa rin ng Presidente. So ultimately, it is the President that will decide.

VELASQUEZ: Ayun, so lahat po iyan?

BUENAFE: Pero ngayon, Secretary, mayroon na ba kayong, let’s say mga areas na parang nirirekumenda na rin ho na kung saan puwedeng ipatupad itong mga pilot, mga face-to-face na mga classes para—iyong mga siguro mabababang COVID cases diyan ‘di ba.

SEC. ROQUE: Iyong mga mabababa po talaga ang COVID cases, iyon talagang matagal ng nasa MECQ. At mayroon nga tayong mga lugar na walang transmission for 28 days na eh. So nakakagulat ‘no pero may mga ganoong lugar po talaga.

VELASQUEZ: Alam mo, Pareng Danny, importante nga iyon kasi sinasabi ni Sec. Harry, napakahirap magturo online. At naluwagan na at magkaroon na ng limited face-to-face interaction sa eskuwela, puwede na rin iyong face-to-face recruitment diumano sa UP ng mga rebelde? [laughs] Ha, Sec. Harry, what do you say?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, pilot pa lang po ito ‘no, pilot face-to-face sa DepEd. Pero ang alam ninyo po mayroon nang face-to-face, iyong mga medical school ay pinayagan na pong mag-face-to-face. Dahil kapag hindi naman natin sila pinayagan ay sino ang magiging doktor natin ‘no pagdating—at inaasahan naman natin dahil sila ay mga estudyante ng medicine and allied medical professions, siguro naman alam nila iyong gagawin nila na mask, hugas at iwas.

Pero sa akin naman, alam mo iyang recruitment na iyan, pupuwedeng online recruitment iyan dahil mga techie na lahat ngayon. [laughs]

VELASQUEZ: Pati NPA techie na rin. Grabe naman! Pero nakita ninyo, Sec. Harry, iyong nangyari doon sa bakwit school sa University of San Carlos?

SEC. ROQUE: Hindi ko po talaga nasusundan iyan ‘no. Papunta po ako sa Cebu, malalaman ko kung ano talaga ang kuwento diyan. Pero hindi ko po nasusundan iyan. Ang aking sagot lang diyan ay magtiwala tayo doon sa mga nag-iimbestiga ‘no kasi lahat naman tayo ay nandito, wala naman tayong personal knowledge kung ano talaga ang nangyari diyan.

VELASQUEZ: Kasi ang mismong CHR, Sec. Harry, naglabas sila ng kanilang initial investigation findings na hindi naman daw being held against their will iyong mga batang Lumad na tinuturuan doon sa bakwit school. Kumbaga, sinisira nila iyong akusasyon ng mga awtoridad doon na nagkaroon ng kidnapping.

SEC. ROQUE: Well, taliwas naman po iyan doon sa mga kasong sinampa ng kapulisan for illegal detention ‘no. Kaya nga ang sabi ko kahapon sa press briefing, hayaan nating umusad iyong imbestigasyon, hayaan nating umusad iyong proseso. Kung mayroong ebidensiya ay isasampa ng piskal ang mga kaso; kung wala namang ebidensiya, idi-dismiss.

At kung mayroong finding din naman ang CHR na walang iligal na nangyari doon bagama’t nagkaroon po ng pag-aresto eh mayroon din po tayong illegal detention na tinatawag. So kapag mali talaga ang ginawa ng pulis eh sila naman ang magkakaroon ng criminal liability.

VELASQUEZ: Kasi nga ‘di ba pati po iyong punto na kung mayroong warrant na iprinisenta iyong mga pulis na pumasok doon sa campus, parang dini-dispute din iyon ng mga teachers na nandoon na wala naman daw ipinakitang warrant. Pati iyon lilinawin din dapat eh.

SEC. ROQUE: Well, alam naman po natin iyong issues ‘no, iyong mga pagkakataon na mayroong warrantless arrest na tinatawag. Kapag ang mga pulis agents po na nakita nila mismo sa sarili nilang mga mata iyong commission of a crime ‘no, so lahat po iyan ay ia-address nila sa piskalya dahil nagsampa na nga ng kaso iyong kapulisan for illegal detention or kidnapping laban doon sa ilang mga tao diyan sa insidenteng iyan.

VELASQUEZ: Iyon. Kasi kung crime in progress iyon, eh kung nakikita nila iyong mga bata ay tahimik lang naman at nakikinig sa lesson, parang mahirap isipin para sa mga karaniwang mamamayan kung paano naging krimen iyon, nagkakaroon ng lesson iyong mga bata ‘di ba, Secretary.

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, gaya ng aking sinabi, wala po talaga akong personal na knowledge diyan. Kaya ang sasabihin ko na lang is magtiwala na lang po tayo sa ating institusyon kung magsasampa ng kaso eh ang piskal naman po ang magri-recommend. Eh nakita naman po natin ‘no—

BUENAFE: So you’ll go to Cebu.

SEC. ROQUE: Ako po, papunta po ako ng Cebu at isa po sa mga bagay-bagay na gusto kong tingnan nga ay ano ba iyang imbestigasyon ng kapulisan diyan. At palagi kasi po akong tinatanong diyan eh, sa buong linggo tinatanong ako diyan eh nakakahiya naman na wala akong personal knowledge. Wala pa rin akong personal knowledge pero at least gusto kong makita iyong mga records ng kapulisan.

VELASQUEZ: But your trip to Cebu is related to what project?

SEC. ROQUE: Eh wala naman po ‘no. This is just a side trip dahil pupunta talaga ako ng Cebu.

VELASQUEZ: Ah okay, sige, sige. Not official.

BUENAFE: Oo, pero panghuli lang siguro, Secretary, bago namin kayo bitawan or unless may question pa si partner. Mayroon ho bang pagbabago doon sa deklarasyon na handa na ang Presidente to do it in public, iyong kaniyang pagbabakuna pagdumating na ho iyong mga bakuna?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po talaga, nagkaroon kami ng seryosong mga pag-uusap doon sa mga pagpupulong namin at talagang sinabi namin na kinakailangan talagang maitaas iyong vaccine confidence ng mga mamamayan. Kasi alam mo talagang nasira iyang vaccine confidence na iyan dahil sa Dengvaxia. So sabi namin, talagang malaki iyong magiging impact kung magpapaturok siya in public.

At sabi naman ni Presidente, sige magpapaturok ako in public. Bagama’t ang sabi niya noong ano, “Ayaw ko nga, mukha akong uto-uto just because sinasabi nila na dapat akong magpaturok ay magpapaturok na ako.” Pero sabi namin, ‘hindi po, talagang kinakailangan ng taumbayan na magtiwala sa bakuna at talagang kapag kayo po ay nagpabakuna dahil kayo po ang number one na pinagkakatiwalaan ng taumbayan ngayon ‘no,’ eh alam mo naman, 91% ang trust at satisfaction rating ni Presidente ng dalawang consecutive quarters.

At noong lumabas nga po iyong datos na iyon, nakita naman ni Presidente na, oo nga, baka naman makakatulong talaga sa vaccine confidence iyong pagpapaturok niya in public; so sabi niya, ‘sige, magpapaturok na ako in public.’

BUENAFE: Pero ito ho ay regardless kung anong bakuna ang unang dumating, so wala siyang preference kung anong bakuna ang—

SEC. ROQUE: Wala po talagang—oo, wala na po talagang pilian, hindi lang sa Presidente, sa lahat. Matagal ko na pong sinasabi ito. Maraming mga nagalit sa akin pero ako, sa totoo lang naman ako eh. Eh kung pupuwede, sino ang aayaw … hindi puwedeng mamili kung pupuwede. Para tayong pupunta sa restaurant. ‘Ito po ang menu, anong gusto ninyo?’ Hindi nga po ngayon, eh tingnan ninyo ang nangyayari. Ako po talaga, nakita ko po ito na baka hindi dumating talaga itong mga western na bakuna bagama’t nandiyan ang COVAX Facility kasi nga po, otsenta porsiyento ng supply ay nakuha na ng mga European, mayayamang mga bansa eh.

Can you imagine, lahat ng mundo ay nag-uunahan sa bente porsiyento na lamang ‘no. Kaya nga po, tayo naman, ang solusyon natin eh ‘di kumuha tayo doon sa hindi pinagkakaguluhan na alam naman nating ligtas at epektibo rin – Chinese, Russian at saka Indian. Kasi ang Indian, hindi lang naman iyong sa kanila ang ginawa ng Indian; gumagawa rin sila ng AstraZeneca at saka ng Novovax na tinatawag na American licensed bagama’t it will be made in India rin.

VELASQUEZ: All right. Nagpapasalamat kami ni Pareng Danny kay Secretary Harry Roque sa oras na binigay ninyo sa amin.

BUENAFE: Salamat, Sec.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center