REVILLAME: Kapag napapanood natin siya sa Malacañang, kapag napapanood natin siya kasama si General Año o Secretary Año, lahat, DOH, si Senator Bong Go, seryoso kayo eh. Kapag nandoon ang Presidente seryoso kayo.
SEC. ROQUE: Oo nga po.
REVILLAME: Dapat ito naman iyong light moment. Anyway, ito ho live tayo ha. Sabi ko nga, isang channel lang ngayon napapanood. Ano po ang buhay ng mga Pilipino ngayon?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po talaga mahirap. At ang importante naman na iparating sa kanilang lahat ay ramdam naman ng Pangulo ang hirap ninyo. At dahil ramdam niya, ginagawa niya ang lahat, ginagamit niya iyong kaban ng bayan para kahit papaano ay maibsan iyong hirap na dulot nitong COVID-19. At ang Presidente po, noong pumutok nga ito, 67 days siyang nanatili doon sa kaniyang lungga doon sa Malacañang dahil sabi niya kinakailangan makibaka at makisama doon sa buong Pilipinas na talagang nakakulong din.
So bago siya umuwi ng Davao sinigurado niya, 67 days hindi siya umalis ng Bahay Pangarap kasi sarado iyong Malacañang mismo eh—
REVILLAME: Nag-birthday yata iyong isang apo ba o—
SEC. ROQUE: Naku, dalawang apo! Nag-birthday siya nag-iisa po siya diyan sa Bahay Pangarap, kasi napaka-istrikto ng PSG – bawal lumapit sa kaniya ‘no dahil nga pinag-iingatan dahil senior citizen ‘no, pinaka-vulnerable iyan ‘no. Pero ganiyan po mamuno ang iyong ating Presidente. Hindi ibig sabihin na Presidente siya, hindi niya mararanasan iyong dinaanan ng ating mga kababayan. Kung paano po kayo naghirap sa quarantine na ito, kasama ninyo po maghirap ang ating Presidente.
REVILLAME: All right, that’s right. So okay, Sec., ito lang ‘no kasi dapat magtatawag ako, magbibigay ako ng ten thousand. Pero bago ako tumawag, ito ang tanong ko ‘no: Papaano kapag walang solusyon itong COVID, huwag naman? Kung walang makuhang bakuna, papaano ang mangyayari sa mga Pilipino, sa atin, sa buong mundo? Ano sa tingin ninyo?
SEC. ROQUE: Well, alam ko hindi naman papayagan iyan ng Panginoon. Kasi walang katapusan itong problemang ito kung wala talagang bakuna o wala ka talagang gamot. Ang Presidente nga eh, kung makakuha kayo o maka-develop kayo ng bakuna, 50 million ang ibibigay at baka doblehin pa iyan, 100 million – talo ang ipamimigay mo kay Presidente. Kaya kailangan siguro magkaroon na nang sariling programa ang Presidente, “Come up with the COVID vaccine.” [applause]
REVILLAME: Pero liliwanagin ko lang, walang pinamimigay na jacket ang Presidente?
SEC. ROQUE: Wala—
REVILLAME: Kulang iyon.
SEC. ROQUE: Pero buhay ang ibibigay niya kapag nagkaroon ng vaccine sa COVID. [Laughs]
REVILLAME: Ang galing, magaling sumagot ha.
SEC. ROQUE: Puwede ba raise, Mr. President? Wala pa po akong suweldo, nade-delay. [Laughs]
REVILLAME: Ano naman po ang ECQ? Hindi, saan tayo nagsimula?
SEC. ROQUE: Nagsimula tayo sa ECQ. Ang ECQ, bawal talagang lumabas. Puwede ka lang lumabas, mayroong dalawang miyembro ng pamilya para ikaw ay bumili ng mga makakain. Walang industriyang bukas kung hindi iyong mga kinakailangan natin gaya ng ospital, iyong mga gumagawa ng pagkain natin, basic industries lang, at lahat tayo tigil. Ang tawag diyan ay quarantine kasi habang walang bakuna, ang tanging pamamaraan para mapabagal iyong pagkalat ay iyong tinatawag na manatili sa bahay, pagiging homeliners ‘no. So napakatagal nating naging homeliners dahil talagang hanggang ngayon—
REVILLAME: Almost two months, hanggang ngayon.
SEC. ROQUE: Oo, hanggang ngayon ECQ pa rin ang Metro Manila bagama’t ito ay modified ‘no pero ECQ pa rin.
REVILLAME: Ano naman ho iyong modified para maintindihan ng ating mga kababayan?
SEC. ROQUE: Iyong modified naman, may kaunting mga industriya na pinabayaang mabuksan na, hindi lang iyong mga kinakailangan natin. Ngayon naman mas maraming mga industriya na nabuksan. Halimbawa diyan, dati naman bukas na iyong mga bangko, iyong mga agrikultura; ngayon mayroon ng mga 50% industries na bukas na. Unti-unti kasi nating binubuksan iyong ekonomiya ‘no. Ang slogan diyan, DOH: Dahan-dahan, Onti-onti – kaya lang Bisaya kaya onte-onte – at saka Hinay-hinay. [Laughs]
REVILLAME: [Laughs] So DOH ho iyon.
SEC. ROQUE: Oo.
REVILLAME: Ngayon mayroon tayong tinatawag na MECQ.
SEC. ROQUE: Well, ito naman iyong transition, kumbaga in between ng ECQ na sarado halos lahat; doon naman sa GCQ na kahit papaano ay 75% ng mga industriya ay bubuksan na natin. Sa GCQ kasi, ang isasarado pa rin natin ay iyong mga amusement, mga maraming tao, iyong mga leisure, iyong mga playgrounds ‘no, iyong mga maraming pagtitipun-tipon, mga concerts. Ganiyan, bawal pa rin.
REVILLAME: Kaya ko tinatanong ito, Sec. excuse me. Kaya ko tinatanong ay para maintindihan ng ating mga kababayan. Kasi sa reporting ninyo—pero ang mga tanong ay pare-pareho, napapansin ko. Ngayon nandoon tayo sa ganoon.
Tanong ko, katulad po ng basketball, PBA, papaano iyan? Katulad ng programa namin, Wowowin, programa ng mga Showtime, ASAP, All Star Sunday, Eat Bulaga? Kasi kami ang nagpapasaya araw-araw, hinahaplos, niyayakap ang mga kababayan, pinapasaya. Katulad nito, ipakita natin ha. Ito naghanda ako ng mga katanungan, para po sa atin ito lalo na sa industriya po ng showbiz, okay. Pakita lang natin, iyan, iyan po ako. Iyan po ang araw-araw kong show. Iyan, batang-bata, 59 na iyan pero kung gumalaw 18.
SEC. ROQUE: Talaga ha. Naku, one year na lang mayroon ka nang diskuwento ha. [Laughs]
REVILLAME: So ito ho iyong araw-araw na ginagawa ko, Monday to Friday, may Sabado pa iyan. Iyan, iyan, niyayakap ka. Kaya ko ho tinatanong ito mga kababayan dahil ho itong programang ito ay buhay ko na at buhay ng ating mga kababayan. Nagbibigay ng cellphone, jacket, TV, pag-asa at nagbibigay ng tulong sa abot-kaya namin. At ang importante, nagbibigay ng haplos ng pagmamahal sa bawat Pilipino. At importante, kaligayahan – araw-araw iyan. Ngayon, papaano na po ang mangyayari ngayon sa industriya po na pagbibigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan?
SEC. ROQUE: Well, alam mo kasi iyong anyo ng sakit ng COVID, gusto niya nagdidikit-dikit tayo kasi talagang gusto niya maraming dikit-dikit para mas mabilis siyang kumalat. Ganoon ang kalaban natin. In fact, taksil ito eh. Karamihan nang mayroon ng COVID asymptomatic, walang sintomas. So akala mo wala kang sakit, iyon pala ikaw iyong nagkakalat. Traydor ang ating kalaban.
Kaya noong nagkaroon tayo ng ECQ, ng Modified ECQ at GCQ ay talagang pinagbabawal iyong madaming tao kasi diyan talaga kakalat at kakalat iyong sakit. Ngayon, alam nating malungkot, malungkot na wala iyong live natin. Pero ano ba ang gusto natin, iyong medyo malungkot tayo o buhay? So minabuti ng Presidente – siya rin naman ‘no nagdusa siya doon, nakakulong siya doon ng 67 days – eh mabuti siguro hayaan na muna natin iyang panandaliang kaligayahan at bigyan natin ng importansiya iyong buhay.
REVILLAME: Papaano na iyong girlfriend ko? Papaano ko yayakapin? Papaano kami manunood ng sine? Magkalayo kami? Papaano na… papaano na iyong mga kulasisi ko?
SEC. ROQUE: Eh talagang ikaw ang may problema. Dahil ECQ at saka MECQ, nakakulong ka eh, hindi ka pupuwedeng pumunta sa mga kulasisi mo! Kaya nga sabi ko, alam mo talagang gustung-gusto ng ECQ at MECQ ang mga misis – under house arrest ang mga mister. [Laughs]
REVILLAME: Eh papaano na iyong mga masahehan, magre-relax ako masahe—
SEC. ROQUE: Alam ko naman talaga kunyari nagpapamasahe ka, pero… bawal na bawal [Laughs] dahil alam natin kung ano ang nangyayari sa mga masahehan! [Laughs]
REVILLAME: Huwag mo akong pagbibintangan Sec., huwag—
SEC. ROQUE: Theoretical din ang nalalaman ko diyan, theoretical lamang. [Laughs]
REVILLAME: Ang kinukuha ko matataba at matatanda; at manghihilot ang kinukuha ko para hindi ako ma-tempt.
SEC. ROQUE: Wala ka palang pinipili. [Laughs]
REVILLAME: [Laughs] Kidding aside, sa industriya po namin, marami hong marami hong walang trabaho. Alam ninyo iyong mga utilities, nagbibigay ng pagkain sa aming mga artista. Taping, show, lahat, concert, entertainment, sa buong mundo. Papaano na po ang buhay namin?
SEC. ROQUE: Well, pupuwede naman tayong magpatuloy gaya ngayon, nagbibigay ka pa rin ng ligaya, tuloy na ngayon ang mga broadcast companies na pupuwede na ngayon talaga. At pagdating sa GCQ, pupuwede na talaga 100% iyong media ‘no.
And hindi lang talaga pupuwede ay iyong kumpul-kumpulan muli—
REVILLAME: Paano iyong sa teleserye?
SEC. ROQUE: Puwede namang mag-shooting.
REVILLAME: Papaano, magkalayo?
SEC. ROQUE: Hindi naman siguro.
REVILLAME: Papaano magyayakapan tayo, “Aalis na ako, mahal ko.”
SEC. ROQUE: Iyon na nga, mahirap diyan sa mga yakapan na iyan eh. [Laughs]
REVILLAME: Iyon ang mga tanong. Pelikula, papaano? Eh di magiging boring na ho ang panunoorin natin kasi wala nang katotohanan eh.
SEC. ROQUE: Eh panandalian lang naman po iyan. Babalik at babalik rin tayo sa new normal na tinatawag. At sa tingin ko rin, sa pagdasal natin, makakadiskubre na tayo ng vaccine, ng bakuna at ng gamot diyan. Darating at darating tayo diyan.
REVILLAME: Kaya ko ho tinatanong, in behalf of sa amin, sa industriya ano, sports, everything, para maintindihan ninyo. Kasi, of course, si Secretary po ang nakakaalam sa IATF, kasama ang President kapag nagmmi-meeting sila nandiyan. So ito na ho, tinatanong kung papaano ang buhay namin?
SEC. ROQUE: Well, sa mga shooting mayroon na pong alam mong mga kumpanya na nag-verify na sa IATF, kasi sa GCQ na tinatawag eh pupuwede nang mag-shooting.
REVILLAME: Ano ho ba iyong GCQ?
SEC. ROQUE: General Community Quarantine.
REVILLAME: Ano ho ang difference noon?
SEC. ROQUE: Well, sa dahan-dahan, unti-unti, hinay-hinay: ECQ – sarado talaga; ang GCQ – mga 75% bukas. Tapos mayroon pa tayong Modified GCQ, ito naman iyong transition sa GCQ at saka iyong new normal na tinatawag natin.
Iyong new normal, kapag wala ng quarantine – new normal pero hind pa rin tayo balik sa dating buhay natin.
REVILLAME: Which is hindi na katulad noong ganoon.
SEC. ROQUE: Oo, wala na tayo. Wala nang balikan sa dating buhay natin hanggang walang bakuna, hanggang walang gamot, so, kinakailangan pa rin social distancing, pagsusuot ng mask; tayo naman kaya tayo walang mask malayo tayo eh, so acceptable?
REVILLAME: Oo, saka safe naman dito.
SEC. ROQUE: At saka safe at saka malayo, wala naman tayong mga kasama ano. Ako rin kapag ako ay nag-iisa sa press briefing, wala naman akong mask at saka ang layo natin. Sige nga – two meters away tayo hindi ba? Hindi lang two meters baka three meters away pa.
Tapos iyong pananatili ng malinis sa katawan at sa ugali; iyong paggamit ng disinfectant at saka iyong pananatiling malusog, iyan ang number one sandata natin.
REVILLAME: I think tama kayo, Sec… excuse me ano, iyong pag-uugali. Kasi hindi ka magiging malinis kung ang ugali mo marumi.
SEC. ROQUE: Correct! Kaya nga—
REVILLAME: Kung hindi ka makikinig, wala rin eh, tama ka dahil ang coronavirus po, ang gusto niyan dikit-dikit. Tama ho iyan, so, tama! Kaya malaking bagay po itong pag-interview na ito para maintindihan.
Ngayon, kailan ho magkakaroon ng GCQ ang Metro Manila?
SEC. ROQUE: Ayaw kong pangunahan kasi nagpupulong po ngayon iyong IATF at iisa lang naman ako doon sa 38, it’s a 38 member committee.
REVILLAME: Sir, is it advisable na maging GCQ na ang Metro—sa inyong punto sa nangyayari?
SEC. ROQUE: Well, alam mo sa totoo lang, binabalanse natin palagi iyong kalusugan sa karapatan na magkaroon ng hanapbuhay. Alam natin na ang mas mabuti para sa kalusugan ay manatili pa tayong nasa Modified ECQ dahil mataas pa rin ang numero.
Pero binabalanse naman natin iyan kasi tinitingnan natin mayroon na ba tayong sapat na kakayahan na magbigay ng medical attention doon sa mga magkakasakit, iyong critical care na tinatawag.
So, it’s a… isang desisyon na nakabase sa siyensiya, sa datos. So kumbaga susugal tayo na alam natin habang walang bakuna ay kakalat iyong sakit na iyan pero kung kumalat man siya, mayroon tayong sapat na kakayahan para gamutin, bakit naman natin isusugal iyon? – Kasi kailangan tayong mabuhay?
REVILLAME: That’s right. So, tama—
SEC. ROQUE: Kailangan tayong mabuhay.
REVILLAME: So, napakahirap po ng desisyon ng Presidente, ng IATF at ninyo, sa Malacañang dahil nagugutom, magkakasakit, mamamatay – so, anong gagawin mo, and also papaano magtatrabaho ang mga tao kung walang sasakyan, walang transportation, public transportation?
SEC. ROQUE: In fact, noong nasa ECQ tayo talagang walang trabaho ang halos lahat except iyong mga indispensable na industriya na kakaunti lang naman iyan. Kaya nga napilitan tayo na gastusin ang kaban ng bayan para bigyan ng sustento/ayuda iyong mga tao na hindi nakapagtrabaho.
REVILLAME: Ah, iyon na iyong amelioration.
SEC. ROQUE: Iyon iyong Social Amelioration Program.
REVILLAME: Ano po ba ito?
SEC. ROQUE: Ayuda sa Tagalog. Dahil hindi ka makapagtrabaho, binigyan tayo ng gobyerno, ng pamahalaan, galing sa Kongreso at kay Pangulo ng five to eight thousand. Depende kung saan ka nakatira at ito ay para sa dalawang buwan.
REVILLAME: Iyon ang ayuda?
SEC. ROQUE: Iyon ang ayuda.
REVILLAME: Kung wala ka nang asawa, ikaw ay isang biyuda, makakakuha ka ba ng ayuda?
SEC. ROQUE: Siyempre, kung wala ka talagang pinagkakakitaan at isa ka sa pinakamahirap sa ating bayan, makakakuha ka.
REVILLAME: Question, Secretary. Ako na ho ang magtatanong nito, hindi tanong ng isang reporter: Hanggang kailan natin kaya iyan, may pera ba tayo, may pondo, walang taxes, walang business, walang ekonomiya – papaano?
SEC. ROQUE: Well, dito sa buwan ng Mayo, mayroong nakalaan na pondo na binigay ang Kongreso, so kaya pa natin iyan. Pero kaya mapipilitan tayong magbukas kahit papaano kasi hindi nga natin kakayanin magbigay ng ayuda forever – iyan ang katotohanan.
So, kung kaya natin, bakit hindi? Pero sa tingin ko, mahirap na forever iyan, so kinakailangan talaga paghandaan lang natin iyong posibilidad na maraming magkakasakit. Eh ngayon naman napakadami nating ‘We Heal as One Centers’: Iyong mga mega, iyong mga Rizal Memorial Stadium, iyong Philippine Arena, iyong sa Clark, iyong PICC, Pati PICC; iyong World Trade Center, ginawa natin iyan parang ospital ngayon.
REVILLAME: Pero ang question ko ito. Siguro iba iyong mga tanong sa iyo, pinapanood ko—ang mga tanong pare-pareho eh. Ang tanong ko, papaano ang frontliners? Mayroon kang lugar, ilan ang puwede mong maging frontliners; Iyong mga hindi nga naka-graduate, pinaga-graduate ninyo na?
Ako, isang nurse, isang doktor, ibinubuwis ko ang buhay ko eh para makapagbigay ako ng ano – hindi ba – haba ng buhay ng ating kapwa-Filipino. Papaano kaming frontliners – sundalo, lahat ng iyan, basurero ito mga bayani natin ngayon which is I think na talagang tunay na bayani dahil buhay nila ang ibinubuwis – ano ang ibibigay nating ayuda, anong magiging buhay nila?
SEC. ROQUE: Well, doon po sa batas binibigyan na natin sila talaga ng hazard pay at kung may mangyari sa kanila bibigyan din natin sila ng ayuda. Ayaw ko na sabihin kung mamatay sila kasi maski hindi pa sila mamamatay eh binibigyan na naman natin sila ng mas kaunting biyaya pa doon sa pamamagitan ng hazard pay.
At sa ngayon po, napakahigpit ng protocol na sinusunod natin para nga huwag magkasakit ang mga frontliners. For instance, iyong PPE – Iyong PPE 1,900, pero sabi ng Presidente, wala akong pakialam kung gaano kamahal iyan bilhin iyan dahil iyan ay katumbas ng buhay ng ating frontliners. So kahit mahal iyan, wala akong pakialam, kinakailangan mabigyan ng proteksiyon ang mga frontliners.
REVILLAME: Pero marami naman din hong tumutulong sa Presidente?
SEC. ROQUE: Marami hong tumutulong. In fact, nakakatuwa naman na sa panahon ngayon bagamat moderno na tayo, hindi natin nakakalimutan iyong bayanihan. Sa totoo lang, hindi naman kakayanin ng gobyerno alone, iyong pagbibigay ng ayuda, pagbigay ng mga kailangan para sa mga testing. Talaga pong nagkaroon tayo ng bayanihan sa parte po ng gobyerno at ng pribadong sektor, kaya nagpapasalamat din tayo sa ating mga partners sa private sectors.
REVILLAME: May question ako, kasi iyong huling nagkaroon kayo ng pagsasalita ni Presidente, late ko na napanood eh. Sinabi niya, nasaan iyong mga tumutulong bakit hindi sila pumunta rito? Eh, kung mayroong gustong tumulong puwede bang kausapin ang Presidente?
SEC. ROQUE: Puwede po, puwede po.
REVILLAME: Kunwari sabihin ko sa iyo, Secretary, puwede ba akong pumunta kay Secretary—kay Presidente?
SEC. ROQUE: Sasabihin ko po. Oo, sasabihin ko kay Presidente, si Willie po gustong magpunta, puwede ho ba siyang pumunta? Ang sasagutin niyon, siyempre kahit sinong gustong tumulong at puwedeng tumulong, haharapin ko.
REVILLAME: Siyempre, kanta ko iyon. Siyempre, ikaw lang.
SEC. ROQUE: Siyempre, alam ko naman iyon.
REVILLAME: So, ang ibig kong sabihin, pupuwede kahit sino?
SEC. ROQUE: Ang tingin ko po pupuwede, sabi naman niya eh, “Kung gustong tumulong, tumawag.”
REVILLAME: Papaano, papaano? Kunwari, ako mismo, Secretary, can I talk to the President? May gusto akong sabihin.
SEC. ROQUE: Ano muna sasabihin mo? Kailangan malaman ko kung ano iyon.
REVILLAME: Eh, tsismoso kayo!
SEC. ROQUE: Ay, siyempre!
REVILLAME: Hindi pupuwede kasi sikreto namin. Hindi… iyong sasabihin ko sa inyo, iyong sasabihin ko sa kaniya malalaman ninyo rin pero gusto ko—nandoon din naman kayo, bigyan ninyo ako ng pagkakataon dahil mayroon akong gustong sabihin sa kaniya – gusto mong malaman?
SEC. ROQUE: Ano, ano? Bulong mo, bulong mo.
REVILLAME: Secret.
SEC. ROQUE: Ikaw talaga! Showbiz na showbiz ka talaga!
REVILLAME: Hindi, ganito ang buhay ko. Alam ninyo ba, huwag ninyong minamata ang taga-showbiz, kami ang nagbibigay ng kasiyahan sa bawat tao.
SEC. ROQUE: Alam ko naman iyon.
REVILLAME: Hindi ba? Minsan nasasaktan ka eh. Porke artista lang kayo!
SEC. ROQUE: Hindi porke artista huh! Sabi ko nga eh, baka mamaya pagkatapos nitong show na ito, puwede na rin akong maging showbiz.
REVILLAME: Kaya ang sarap kausap.
SEC. ROQUE: Ayaw ko na mag-abogado, showbiz na lang ako. Alam mo, puwede rin akong bomba star? Bakit hindi ka tumatawa diyan huh? Tumawa ka diyan!
REVILLAME: Iyon ang pinakamasamang bomba star na ginawa.
SEC. ROQUE: Aray, ang sakit!
REVILLAME: Hindi … baka nami-misinterpret ninyo, sinabi ko kay Secretary, ito ho light lang ayaw ko ng masyadong seryoso. Alam ninyo ho kasi itong programang ito 5-6:30, magpapasalamat lang ako sa GMA 7 – Atty. Gozon, Mr. Duavit, Mr. Philip – alam ninyo binigyan tayo ng five minutes extension. Bakit? Special kasi ang paghihingi ko ng special na oras para sa inyo para maintindihan naming mga kababayan ninyo, buong mundo na may Pilipino, ano dapat nating pag-usapan.
So, nakakapag-interview na tayo, marami pa tayong pag-uusapan dahil hindi lang ho iyan, up next pag-uusapan natin o tatawag ako kasi bawat tawag lang iyan, Pak! Ten thousand! Sabihin mo nga, Secretary.
SEC. ROQUE: Ten thousand pesos!
REVILLAME: Walang pesos, pati – walang pati iyon. Ten thousand!
SEC. ROQUE: Ten thousand!
REVILLAME: Hindi, hindi … Iyon bang ten thousand!
SEC. ROQUE: Ten thousand!
REVILLAME: Walang dating eh … masyadong malambot eh.
SEC. ROQUE: Sampung libo!
REVILLAME: Ayun! Tuluy-tuloy tayo diyan lang ho kayo, marami pa tayong pag-uusapan. Palakpakan natin, Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque. We will be right back!
Thank you very much. We’re back, siyempre with of course special guest natin, Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque.
Pero bago ang lahat, Atty. alam mo, dito kasi iyong Front Row na iyan, ang dami na niyan natulungan. Kaibigan ko iyong may-ari niyan, si Aries Francisco at si Sam Verzosa, isang tawag ko lang umiikot din sila ng buong Pilipinas, nagbibigay ng mga bigas, Spam, corned beef, PPEs tapos iyong test kits nang hindi natin alam.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Maraming salamat po.
REVILLAME: Oo, si Sam Verzosa at si RS ng Front Row.
SEC. ROQUE: Babalik naman po sa kanila iyan.
REVILLAME: Okay, ganito ang ginagawa ng—everyday tumatawag kami, nagbibigay sila ng, of course, limang P10,000.
SEC. ROQUE: Okay.
REVILLAME: ‘Di ba? Ito, tawagan ko lang. Maganda nandito kayo para maramdaman ninyo kung ano iyong ginagawa ng programang ito araw-araw. Sa buong Pilipinas ho tumatawag kami, pagsagot P10,000 kaagad. [ is either unattended…] Wala iyan, ‘di ba?
SEC. ROQUE: Wala, unattended eh.
REVILLAME: Tama, unattended ano. Ano ho ba ibig sabihin noon?
SEC. ROQUE: [Laughs] Mayroong kulasisi [laughs]
REVILLAME: So ang mga misis ngayon masayang-masaya—
SEC. ROQUE: Masayang-masaya sila.
REVILLAME: Kasama ang kanilang mga—
SEC. ROQUE: House arrest, oo, house arrest. Biro mo iyon lalabas, kailangan pa ng barangay quarantine pass.
REVILLAME: Malalaman, saan ka pupunta?
SEC. ROQUE: Oo nga, nasaan ang quarantine pass?
REVILLAME: Ba’t ang tagal mo?
SEC. ROQUE: At saka kakampi niya lahat ng mga tanod, sumisita. [laughs]
REVILLAME: [Laughs] Ang ganda ng nangyaring ‘to. Hindi ba nalulungkot si Presidente na ganiyan?
SEC. ROQUE: Nag-iisa siya doon sa Bahay Pangarap eh. [laughs]
REVILLAME: Nag-iisa lang siya? Napakabait na Presidente, totoong-totoong Presidente. Tatawag ho tayo, ito pero sayang naman, kasi alam ninyo iyong tinatawagan ko buong Pilipinas eh. Iyon ang maganda dito, lahat ito may tsansa tulad nito… Atty. ha, ma-experience mo lang ito para iba naman.
SEC. ROQUE: Aba kung ako man ang tatawagan lang, bibigyan ng P10,000 magtatatalon ako niyan ‘no.
REVILLAME: Siyempre sa hirap ng buhay ngayon. Pinapanood ko kayo eh—sa Malacañang ba kayo nagmi-meeting, iyong meeting ninyo?
SEC. ROQUE: Sa Malacañang po iyon, tawag po doon Malago Club House. Sarado po ngayon ang Malacañang eh ‘no dahil ‘di ba nagkaroon ng mga COVID positive doon ‘no. So ngayon doon sa Malago Club House.
REVILLAME: So anong araw kayo—kamukha niyan, nagmi-meeting sila ngayon, ‘di ba?
SEC. ROQUE: Ang Gabinete po nagmi-meeting ngayon sa IATF, by Zoom. Sumama naman po ako from 2 to 4:30. Babalik din ako doon.
REVILLAME: Ang hirap ‘pag Zoom eh, parang hindi mo maintindihan minsan … ‘di ho ba?
SEC. ROQUE: Pero iyan ang ating new normal eh. At least walang kalabang traffic dahil …
REVILLAME: Iba na talaga ‘no, nag-iiba na buhay natin. [contestant answers] Sino ang special guest natin, sino?
CONTESTANT: Harry Roque po.
REVILLAME: Tama. Meron kang 10,000!
CONTESTANT: [Shouting happily] Thank you Harry Roque, thank you po Wowowin!
REVILLAME: Taga-saan po ba kayo?
SEC. ROQUE: Ay, taga-Bataan po.
REVILLAME: Bataan. Saan kayo sa Bataan?
SEC. ROQUE: Limay po, Limay.
REVILLAME: Pero kayo ay talagang abogado?
SEC. ROQUE: Opo—
REVILLAME: Pero naging congressman kayo?
SEC. ROQUE: Naging congressman po ako, pero naimbita po ako ni Presidenteng maging Tagapagsalita so isang taon at kalahati lang po ako sa Kongreso.
REVILLAME: And then umalis kayo ha…
SEC. ROQUE: Oo, tapos—well nag-file po ako para sa Senado pero umatras din ako dahil nagkasakit.
REVILLAME: Ahh… Huwag kayong mag-alala may pagkakataon pa ulit. Ang buhay naman ganiyan, ‘di ba?
SEC. ROQUE: Oo, mahirap iyon. Siguro pag-usapan natin mamaya iyan. Pero ang hirap ng nangyari sa akin doon kasi wala akong plano na… biglang hindi ako makakatakbo, hindi ako mananalo. Sabi ko, anong gagawin ko sa buhay ko. So iyon, namundok ako at pumunta ako doon sa Benguet, sa Baguio ‘no.
REVILLAME: Ah, talaga?
SEC. ROQUE: Oo. Nagtanim ako ng strawberries, nag-alaga ng baboy until 6 months later sabi ko, ano ‘tong ginagawa ko? [laughs] Kaya bumalik ako.
REVILLAME: Buti ho nakabalik kayo. [contestant answers] Isipin ninyo nagdidilig siya, tatawagan mo siya… ‘di ba napakalaking kaligayahan ang nabibigay ng programang ito?
SEC. ROQUE: At sa panahon na ngayon na talagang napakahirap ng buhay ‘no.
REVILLAME: Kayo ho ba’y, napanood ninyo na ba ako dati? Marami akong mga pinagdaanan sa programang ito eh ‘di ba?
SEC. ROQUE: Eh sino ba naman ang hindi nakapanood na kay Kuya Wil ‘no?
REVILLAME: Pero si Secretary puwedeng maging talk show ano, ang galing. Hindi totoo, very spontaneous saka when I ask may sagot kaagad eh.
SEC. ROQUE: [Laughs] Hindi naman po, madaldal lang po ako. Talagang grade school pa ako pinapatayo ako sa likod, “Ang daldal mo Harry Roque!” ‘Ayun, nakahanap ako ng trabaho – tagadaldal. Kaya ngayon ang aking trabaho, ‘Pambansang Bibig’. [Laughs]
REVILLAME: [Laughs] Nakakatuwa, anyway dalawa na natatawagan natin. Tatawag pa tayo isa pa. Sec. para may pampasaya lang tayo. Alam ninyo kasi masarap matulog nang alam mo may sumisigaw, na alam mong may napapasaya ka hindi ba?
SEC. ROQUE: Oo nga.
REVILLAME: Ano nagpapasaya sa inyo?
SEC. ROQUE: Siyempre pagkain [Laughs]. Hindi ba mayroon namang ebidensya? [Laughs]
REVILLAME: Pagkain, nananaba…
SEC. ROQUE: Siyempre pamilya, walang ano…
REVILLAME: Ilan ba anak ninyo?
SEC. ROQUE: Dalawa po, dalawa. Si Bianca at saka si Allison,
REVILLAME: [Talks to contestant] Sec., ganoon lang eh ‘no, ang sarap ng feeling ‘di ba? Biruin mo nakakulong lahat ng ating mga kababayan, ibig sabihin ang hirap ‘di ba? And then tatawagan mo, iyan ang concept, ako nag-isip nito – Tutok to Win, tumutok ka para manalo ka ‘di ba?
SEC. ROQUE: Opo at talaga namang nagbibigay ligaya, nagbibigay pag-asa.
REVILLAME: ‘Di ba, iyon ang importante. Alam ninyo kabahagi ninyo rin kami, hindi naman kami—hindi ba lagi kong sinasabi dito, sumunod tayo sa Presidente, sumunod tayo sa sinasabi ng Secretary, sumunod tayo kasi gusto natin marisolba itong problemang ito nang tayo’y tumutulong sa ating pamahalaan. Hindi mo ito maso-solve nang titigas ang ulo mo eh.
SEC. ROQUE: Opo, opo. Eh lalo na po ngayon talaga namang mahirap ang ginagawa natin pero ang katumbas niyan, buhay natin. Buhay na po ang pinag-uusapan dito.
REVILLAME: Buhay na kaya dapat talaga alagaan mo lalo na may mga mahal ka sa buhay, may mga anak ka. Gusto mo bang mahawa iyan? Gusto mo bang—alam mo iyong nasa New York iyong nurse, nakita mo sa video? Last minute, last seconds niya na wala na siyang hininga… kita mo talaga na, wala namatay siya pero nagsasalita siya. Iyong mga ganoon, dapat siguro kinakausap natin iyong mga anak noon.
SEC. ROQUE: Opo, opo. Kaya ngayon po dahil, you know, banta talaga itong COVID, talagang panahon na para mas lalong maging mas malapit sa mga mahal natin sa buhay at talagang dapat isipin na natin walang mas importante kung hindi ang buhay ng tao.
REVILLAME: Iyon… importante po, kaya ho nandito si Secretary para ho maintindihan ninyo, iyong mga katanungan—mamaya magtatanong pa tayo, tatawag lang ako para ho may mabigyan lang tayo ng tulong.
SEC. ROQUE: Opo, ten thousand. Alam ninyo, pag-ingatan ninyo iyong ten thousand ninyo huh! Puwede ng kapital iyan sa negosyo at malay ninyo iyong ten thousand simula ng pagiging milyonaryo nila.
REVILLAME: Totoo naman iyan…
SEC. ROQUE: Marami naman ganiyang mga kuwento, nagsisimula sa maliit.
REVILLAME: Mayroon po ba kayong TV?
CONTESTANT: Opo, nanononood ako po.
REVILLAME: Nandito si Sec. Harry Roque, ayan oh. Kumusta, mayroon po ba kayong gustong sabihin o itanong?
CONTESTANT: Hindi na ako maka—Secretary, salamat po.
SEC. ROQUE: Congratulation po at kinukumusta po kayo ng ating Presidente, congratulations din daw po.
REVILLAME: Ayan oh … Talaga? Ang bilis namang tumawag ni Presidente sa inyo. Ang bilis naman ni Presidente!
SEC. ROQUE: Nakakuha na ba ho kayo ng ayuda?
REVILLAME: Umiiyak eh
SEC. ROQUE: Ito na ang ayuda niya, ten thousand.
REVILLAME: Nakakuha na ho ba kayo, Nanay Marilyn ng ayuda, sabi ni Secretary?
CONTESTANT: Hindi po.
REVILLAME: Hindi daw. Secretary, bahala ka na.
SEC. ROQUE: Mayroon pa pong limang milyon na bibigyan ang gobyerno, ng ating Presidente, so kung hindi kayo nakakuha noong una eh puntahan ninyo po ang Barangay Captain ninyo dahil baka naman mabigyan pa kayo. Limang milyon pa po iyang bibigyan natin na bagong mga pangalan.
CONTESTANT: Opo, opo. Salamat, Secretary. Salamat po.
REVILLAME: Nanay Marilyn, hindi galing kay Secretary iyong pera, sa akin.
CONTESTANT: Kuya Wil, salamat. Salamat talaga!
REVILLAME: Pero siya ang gagawa ng paraan para sa ayuda ninyo, tutulong siya. Biro lang ho, biro lang. Si Secretary pa, baka mag-abot pa sa akin sa ilalim ng mesa iyan mamaya.
REVILLAME: Kaya ko inimbita si Secretary Harry Roque para ho iyong mga katanungan ninyong katulad na maliliit na ganiyan, mga nahihirapan sa buhay, ako ang magiging tulay ninyo sa mga katanungan, huwag ho kayong mag-alala. Kaya anong gusto ninyong sabihin sa Wowowin at sa Frontrow?
CONTESTANT: Salamat po sa Frontrow at saka Wowowin at saka GMA po, salamat. Maraming salamat po.
REVILLAME: Kay Secretary Harry Roque dahil iyong ayuda daw aayusin na?
SEC. ROQUE: Opo … salamat, Secretary po…
SEC. ROQUE: Opo, opo. Salamat din po!
REVILLAME: Secretary, alam mo, it’s a good thing—
SEC. ROQUE: Nakakahabag naman talaga…
REVILLAME: Hindi, maganda nandito ka. Ito ho kasi nangyayari araw-araw sa programang ito. Paki sabi kay Presidente na ito, kasi siyempre naiintindihan natin mahihirapan pero kita ninyo gumagawa kami ng paraan na kahit papaano makatulong sa pamahalaan, sa ating mga kababayan.
Ten thousand, hindi po ito biro kasi everyday nagbibigay kami ng limang ten thousand bigay ng Frontrow, nagbibigay ang Liveraide ng ten thousand, nagbibigay ang Shopee ng 110,000 everyday.
SEC. ROQUE: Wow!
REVILLAME: So, ito parang gumagawa na rin kami ng paraan para ho makapagbigay tayo ng tulong sa ating mga kababayan.
SEC. ROQUE: Salamat naman, salamat naman…
REVILLAME: O, hindi ba? It’s a good thing nandito kayo. Iyan—
SEC. ROQUE: Ako ang testigo.
REVILLAME: Hindi namin kilala iyan. It’s a good thing also na nandito kayo para sabihin ninyo kay Presidente na hindi ba—hindi lang iyong malalaking kompanya ang gumagawa. Kaya ho ang industriya ng showbiz ay industriya ho ng film, telebisyon, hindi iyong kumikita kami, iyong nababalik naming kasiyahan ng ating mga kababayan.
SEC. ROQUE: Tama.
REVILLAME: So, sana dumating ang pagkakataon ho na hindi ba, matulungan ang industriya. Ako ho sana, isa ho ako sa mga taong gagawa ng paraan. Ako, I’m so blessed, Attorney. Sobrang blessed akong tao, binigyan ako—ito, naisip ko lang ito.
Nasa Puerto Galera ako, na-lockdown ako doon eh. Noong na-lockdown ako doon, sa totoo lang para sabihin ko sa inyo, isang buwan ako mahigit, tinawag ko iyong staff ko, halika nga kayo, bumaba kayo sa Mangrove. Ano ba iyong Facebook, wala akong Twitter, wala akong Facebook, wala akong lahat niyan, wala akong YouTube, telepono lang, staff ko lang ang kausap ko.
Wala rin akong girlfriend, wala akong babae, wala akong sex life, wala ako lahat!
SEC. ROQUE: Sige na nga.
REVILLAME: Iyon ang problema. Pero ang mayroon ako, pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. Bakit? Maaaring ako ay ginagawang tulay ng Panginoon para sa ating mga kababayan. Ginawa ko itong programang ito, Tutok to Win. Bakit? Kahit ho wala na po—dahil hindi na ako makakabalik sa Wowowin eh! Wala nang – ‘Handa na ba kayo?’ Wala ng pipila sa GMA, alam ninyo bakit? Social distancing.
Bago kayo pumila – ang mga audience namin, anong taon? Hanggang 70 years old na. Hindi na ho kayo makakalabas, ang ginagawa ko, ito ho naisip ko ito. Ito ho penthouse ko ito, ginagawa ko ang fine dine. Dito, mga meetings ko, anong ginawa? Ibinigay ng Diyos ito, nagawa ang lahat, nagawa ang aming kitchen na inabot pa ng—natapos lahat. Parang inadya ng Diyos, ayon ang feeling ko, hindi ako nag-aano.
But nagpapasalamat talaga ako sa GMA, kay Mr. Joey Abacan, of course, Mr. Philip Yalung, Mr. Duavit and of course, kay Atty. Gozon – Ms. Annette Gozon. Alam ninyo kung bakit? Kung hindi naman nila ako pinayagan, Facebook, YouTube lang ako eh. Ang gusto ko mas maraming makapanood at mas maraming matulungan kaya pini—
Heto seriously, bakit ko kayo kinukulit? Kinukulit ko talaga siya, kinuha ko ang number ninyo kay Secretary Martin Andanar. Sabi ko, Sec., can I get the number, ibinigay naman niya.
Alam ninyo na na-stranded ako doon, gumawa ako ng paraan, nakiusap talaga ako dahil—ayaw magpasabi. Nakiusap ako kay Senator Bong Go na makalipad ako para makabalik tayo sa programa. Napakadaming tao na gumagawa ng paraan para ano—Willie, gusto ko iyong totoo lang. Sabi ko, Senator, kay Atty. Jenny Ong, sinabi ko talaga magkakaprograma ako, kailangan kong makabalik para makatulong ako. Bumibili kami ng mga kailangan pero mas kailangan ng pera ng tao ngayon dahil kailangan nila ng pambili ng pagkain.
SEC. ROQUE: Tama.
REVILLAME: Kaya ko gusto makipag-usap kay Presidente to be honest with you, mayroon akong gustong ibigay sa pamahalaan. Ito ho ay galing sa akin—
SEC. ROQUE: Opo.
REVILLAME: At ipinagdasal ko ito, pinag-isipan ko, kinausap ko iyong aking mga padre, Atty. Boy Regino, Atty. Ferdie Domingo. Sabi ko, puwede ko bang gawin ito? Tinawagan ko si Senator Bong Go, sabi niya, ii-schedule. Basta doon ko na lang sasabihin kay Presidente. Kung mamarapatin ninyo, kayo na ang maging tulay ko, si Senator Bong Go, gusto ko lang kahit na five minutes lang.
SEC. ROQUE: Sige po.
REVILLAME: Mayroon lang akong gustong sabihin at mayroon lang akong gustong gawin para sa ating mga kababayan kung mamamarapatin ninyo.
SEC. ROQUE: At alam ninyo naman ang Presidente, tumatanaw po iyan ng utang na loob sa ngalan po ng buong bansa. So, kung talaga naman pong tutulong eh open naman po ang Malacañang bagamat mayroon nga lang social distancing.
REVILLAME: Of course! Hindi naman—gusto ko lang na makausap siya at—Tatay siya eh…
SEC. ROQUE: Opo, opo.
REVILLAME: Anak kami eh, hindi ba?
SEC. ROQUE: Tama po, tama.
REVILLAME: Huwag niya lang ako mumurahin.
SEC. ROQUE: Hindi, wala ka naming dahilan para murahin ka eh. Ang galit lang naman siya eh sa mga kurakot ano kaya eh … hindi ka naman kurakot, ikaw pa ang namimigay.
REVILLAME: Iyan … Naku! Marami tayong pag-uusapan pero bago ang lahat siyempre Attorney, ano pa ba ang dapat natin pag-usapan, ano ho ba ang dapat ninyong sabihin sa ating mga kababayan?
SEC. ROQUE: Well—
REVILLAME: About sa OFWs, iyong Balik-Probinsiya?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, itong Balik-Probinsiya ay ito po ay napakagandang ideya ng napakagaling na senador na si Sen. Bong Go. Sabi niya, puwede bang huwag mo ng banggitin ang pangalan ko, eh mahirap eh kasi talagang ideya niya iyong Balik-Probinsiya. Napakagandang programa, ang tawag niya ‘Balik-Probinsiya, Bagong Pag-asa’.
Ano bang naging karanasan natin na nagkaroon ng lockdown, ng ECQ dito sa Metro Manila? Napakahirap ng buhay. Iyong dahil hindi ka makapagtrabaho ang kakainin mo nakasalalay sa ayuda. Napakahirap noon at marami sa ating mga kababayan na na-realize ang hirap ng buhay dito. Samantalang sa probinsiya bagamat siguro mas maliit ang suweldo, hindi ka magugutom doon. Dahil mayroong gulay na itinatanim, may isda na mahuhuli, may manok na mahihingi. Kaya marami ngayon ang nagnanais na makaalis dahil natikman nila kung gaano kahirap ang buhay sa siyudad habang nasa ECQ tayo.
So, itong programa po na sinimulan ni Sen. Bong Go, sinuportahan naman po ng ating Presidente at ngayon po, sa short term lahat ng gustong umuwi sa probinsiya hahanapan nila ng paraan para makauwi.
REVILLAME: Pag-uusapan natin iyan, Secretary, diyan lang ho kayo. Susunod na po ang Shopee dahil sa Shopee may tatawagan pa tayo at fifty thousand ang mananalo sa ating Shopee Shake. We will be back!
Sec, ito lang, matanong ko lang, saan po papunta ang Pilipinas, ang ating mga kababayan sa puntong pinagdaaanan natin, itong pagsubok na ito hindi lang Pilipinas, buong mundo. Kayo ho bilang isang tao, isang Pilipino. Ano ang nararamdaman ninyo sa nangyari sa atin?
SEC. ROQUE: Ako po ay nagpapasalamat sa Panginoon. Sino ba naman ang mag-iisip na mananalo iyong isang City Mayor na galing Davao; ang kalaban, batikan na mga mambabatas, mayayaman, napakalaki ng exposure sa national. Eh ito hamak na Mayor sa Davao, pero alam mo ang suwerte natin, dahil Mayor siya, alam niya iyong pulso ng tao, alam niya iyong hirap ng tao, alam niya iyong panaginip ng tao. Hindi nga siguro siya presidentiable, hindi mahilig mag-english palaging nagmumura. Maraming nag-iisip, nagsasabi ganyan ba ang asta ng Presidente, pero ninais po ng Panginoon na ang maging lider natin sa mga panahon na ito at sino ba naman ang mag-aakala na magkakaroon tayo ng COVID-19. Sino ang nag-aakala na masasarado ang buong mundo, hindi lang naman dito sa Pilipinas.
REVILLAME: Kayo ho, bilang isang… well, Spokesperson, naging Congressman, you’re a lawyer, being a Harry Roque. Ano iyong nararamdaman ninyo bilang isang kapwa Pilipino?
SEC. ROQUE: Well, alam mo kanina, sabi ko nga, umalis na ako eh, nagkaroon ako ng sarili kong pagsubok, tinanong ko sa Panginoon, bakit mo ginawa sa akin ito. Akala ko mananalo ako, ipinagdadasal kong manalo ako, bigla akong nagkasakit at noong ako ay nagpapahinga na at gumagawa ng aking papel sa pribadong sector, dumating ang COVID, at hindi ko rin akalain dumating na naman ang tawag, ang paghamon galing sa Pangulo na, ‘halika sumama ka dito,’ dahil iba ang panahon ngayon.
Ang sabi ko siyempre ‘boss, paano tayo makakatulong?’ Iba eh, kinakailangan, hindi lang talino, hindi lang kakayahan, kinakailangan may puso at nararamdaman niya iyong nararamdaman ng tao. Kinakailangan iyong namumuno sa atin alam niya iyong paghihirap, alam niya iyong kinakailangan magkaroon ng pangarap, kinakailangan bigyan ng pangarap iyong ating mga kababayan.
REVILLAME: Kapag umuuwi po kayo, siyempre nandoon iyong misis ninyo, iyong mga anak ninyo. Ano iyong sinasabi sa inyo, ano iyong sinasabi mo?
SEC. ROQUE: Well, alam mo talaga, dahil nga dito sa pagsubok na ito, iba talaga iyong mare-realize mo, mahal mo talaga ang iyong pamilya unang-una. Pupuwede na tayong tawagin ng Panginoon kahit kailan ngayon, pero mare-realize mo talaga na tanging yaman mo pamilya pa rin.
REVILLAME: Bakit po nangyari sa mundo, bakit ba nangyari ito sa inyong pananaw?
SEC. ROQUE: Well, alam mo dahil ako naman ay Kristiyano, iniisip ko kasi siguro inisip natin na lahat kaya natin, saka siguro naging masyado na tayong obsessed sa mga material na bagay, masyado ng iba iyong paningin natin sa buhay, masyado na tayong digital, masyado na tayong modern. Siguro sabi ng Panginoon, back to basics, back to family, back to love, back to appreciating life. After all, ngayon alam nating lahat na ang pinakaimportanteng gift galing sa Panginoon ay ang buhay.
Kung hindi nangyari siguro iyong COVID-19 wala tayong appreciation ngayon na importante muna mabuhay tayo, importante iyong mga nagmamahal sa atin habang nabubuhay tayo at nagkakaroon din tayo ng pagasa dahil nakita natin na kinakailangan ipagpatuloy magmahal sa iba, kakayanin natin ito, mabubuhay pa rin tayo.
REVILLAME: Very well said. Pero ako, I would say na nakalimutan na nga siguro nating laging magdasal. Nakalimutan natin noong pinako sa krus ang Hesukristo ni isang aray, ni isang imik wala tayong nadinig. Pero sino ang hinahangaan natin, kapwa tao natin. Sino ang sinasamba natin, kapwa tao natin.
Ako sa pananaw ko, nakalimot tayo, kahit maaring ako din, tayong lahat, naging materyoso tayo, naging makamundo. Kaya sabi siguro ng Panginoon, sandali nandito ako, ako ang nagligtas sa buhay ninyo, nandito ako nagmamahal sa inyo. Tuturuan ko kayo para magtagal pa ang mundo.
Secretary Harry Roque, marami pong salamat. Thank you for your time, we really appreciated, isang karangalan po. Of course, I cannot shake your hands, alam ninyo naman. Marami pong salamat.
SEC. ROQUE: Kuya Will, ang karangalan ay nasa akin. Alam mo bilang tagapagsalita, ninanais natin na makarating ang mensahe ng pag-asa ng lahat ng Pilipino at dahil sa programa mo napakadaming nalaman ang taumbayan kung bakit ginagawa ng Presidente ang mga nangyayari ngayon. At sana naman sa kaunting impormasyon na naparating natin sa kanila, alam naman nilang may pag-asa habang mayroon tayong Presidente na may puso at mayroong karanasan.
REVILLAME: Thank you very much, of course ang atin pong mahal na Presidential Spokesperson. Pero hindi puwedeng matapos ito ng wala tayong entertainment. Aba Secretary kantahan time.
SEC. ROQUE: [laughs] Alam ninyo kung sino ang magaling kunmanta, ang Pangulo, pero ako sintunado. [laughs] [sings ‘Ádik sa iyo’ with gusto]
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)