Interview

Interview with Presidential Spokesperson Martin Andanar by Ina Andolong and Michael Fajatin for PolitiSkoop


Event Media Interview

INA ANDOLONG: Martin Andanar. Hi, sir!

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Hello, Ina and Mike. Kumusta kayo? It’s good to see you again. I think this is my third guesting sa programa ninyo.

INA ANDOLONG: Hi, sir. How does it feel? Are you likely to be the last na? Last Presidential Spokesman o baka naman i-appoint ka din katulad ni CabSec Nograles sa iba?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Ay hindi, wala akong…

MICHAEL FAJATIN: [Garbled] para walang problema.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Wala naman akong inaplayan na quasi-independent body na para mag-apply. At wala din akong balak na tumagal pa sa gobyerno ‘no. Gusto kong bumalik sa private sector.

INA ANDOLONG: Sir, was there any instructions for you as again possibly ikaw na iyong huling spokesman ni Pangulong Duterte?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Well, ang instruction lang naman is to continue what Secretary Karlo Nograles is doing at siguraduhin din na iyong

Inform the people what you have done and somehow it becomes either a barometer or not. Somehow it becomes a gold standard or not for the next president to follow.

INA ANDOLONG: May follow up lang ako diyan ano, Mike. ‘Pag pinag-uusapan iyong mga, legacy, iyong mga projects, you know many people, lumalabas iyong issue of credit grabbing because I assume plenty of what you will mention are likely to be big infrastructure projects. You know nagkakaroon sila lagi sila ng debate eh, how will you address those concerns to avoid that scenario.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Every president naman nagkakaroon ng ganitong klaseng issue. Now the real measure of maturity pagdating sa ating pamamahala ay iyong tinatawag na continuity of projects. So halimbawa, hindi naman lahat ng project ni Ferdinand Marcos ay natapos; hindi naman lahat ng project ni President Cory Aquino natapos na ni FVR. Halimbawa iyong mga MRT na naging project ni Tita Cory ay natapos ni FVR; iyong mga skyway na project ni FVR natapos sa panahon ni Erap iyong iba. So hindi naman tumagal si Erap yung iba natapos kay GMA, hindi natapos kay P-Noy, ngayon natapos kay president. So basically, what I’m saying is that if you have a mature public administration system ay itutuloy iyan ng bawat president.

So if we’re talking about iyong talagang Duterte legacy, of course it’s part of the Duterte legacy kasi tinuloy e. Mayroon tayong mga… mga nagdaang mga presidente na for example hindi tinuloy iyong mga project. Halimbawa na lamang iyong dredging ng Laguna Lake. Napakagandang project noon and hindi tinuloy ng Aquino administration. Eh nangyari pa nagbayad pa tayo ng ano ng penalty doon sa contractor. So

MICHAEL FAJATIN: Most progressive countries talaga iyong sinasabi ni Martin na maturity in terms of continuity whoever is the next president, ginagawa iyong mga proyekto na nasimulan para may progreso ika nga ano hindi iyong naguguluhan. Sinabi nga ni Martin kanina may mga proyekto na hindi tinutuloy ng susunod na administrasyon dahil nga may kaunting sigalot, parang ganun. So maganda nga, maganda siya.

Pero on that note, may mga gustong programa si Pangulong Duterte na nais niyang ipagpatuloy ng susunod ‘no very vocal siya about it. One is iyong war on drugs ‘di ba and  just recently sinabi niya sana huwag ninyo nang pakialaman – parang iyon yata ang sinabi niya mismong salita – itong deal with China on the exploration of West Philippine Sea. Ano ito Mart, can you give us a briefer on this para alam din ng taumbayan, ano ba itong nais ipagpatuloy ni Pangulong Duterte dito sa West Philippine Sea na joint exploration with China.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Hindi kasi ako privy diyan, Mike, sa pag-uusap ni DOE Secretary Cusi at ni Presidente. So hindi talaga, hindi ko kayo mabibigyan ng diretsang sagot diyan pagdating sa oil exploration either sa West Philippine Sea or sa Recto Bank. Wala akong masasagot, I’m sorry.

MICHAEL FAJATIN: Iyong sa war on drugs. ‘Di ba mayroong isang, may mga politiko na sinasabing itutuloy natin pero on a different o parang either pinaigting o pina-mellow o kung ano man na pamamaraan, ano ang tingin mo dito? Has that legacy on the war on drugs been successful and what particular points on the war on drugs would you like to be continued?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Of course, ang mahalaga dito ay iyong maintindihan natin na iyong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagresulta sa pagbaba ng crime volume by 64% at napakataas niyan and even if you ask anyone who walks the streets every night or in the wee small hours of the morning, they would say na mas safe sila ngayon.

Now pagdating naman sa war on drugs siyempre hindi naman natin made-deny na more than you know, more than 1.2 million iyong nagpa-rehabilitate tapos mayroon tayong mga P61-B worth dangerous drugs seized at most of if not all majority of those who locally produce the drugs in the Philippines ay talagang napasara iyong mga drug dens.

Ang mga droga na pumapasok sa Pilipinas ay ito iyong droga na galing sa [ibang] bansa. So ipagpatuloy, depende iyan sa susunod na presidente kung papaanong istilo ang gusto niya sa pagpapatigil but definitely mas madali na lang ang trabaho ng susunod na presidente para sa pagsugpo, sa pagkontrol ng drugs.

Let me give an example, the total value of drugs that were seized during the time of President Noynoy Aquino was P29-B; now compared to the P61-B of dangerous drugs under President Rodrigo Roa Duterte. Now, of course you get all of these complaints, the human rights, mga human rights advocacy groups na tutol dito pero ganun naman iyan in any policy mayroon naman talagang kokontra diyan pero what’s important to us is that bumaba iyong ating crime volume, lumakas ang kumpiyansa ng ating mga kababayan sa kapulisan. Kahit papano ay tumaas ang, ang confidence sa mga pulis at mas nakaka-focus tayo sa mas, sa mas ano, sa mas importanteng bagay which is really to capacitate our people to build our manpower and to make sure that the next generation will be ano… will be away from dangerous drugs especially shabu.

INA ANDOLONG: Okay. Sec. ako may follow up ako doon sa since nabanggit mo na po iyong DOE kanina ito ay ang mga tanong na padala ng ating mga kasamahan diyan sa [garbled]

MICHAEL FAJATIN: Mga phone in questions.

ANDOLONG: Hi, MPC! Senator Drilon said, the DoF can suspend excise tax amid unabated oil price increases without Congress action. Can we expect the Palace to order the DoF to make such an action?

SEC. ANDANAR: Well, if I would answer na we can, then I’d be ano—siyempre papangunahan si Secretary Sonny Dominguez; pangungunahan ko si Presidente Duterte. But [garbled] is that noong meeting namin noong Monday ay inilatag ng economic cluster kung ano iyong mga dapat gawin para kahit papaano ‘no, maibsan iyong hirap na dadaanan natin o dinadaanan natin dahil sa sigalot diyan sa Ukraine. Alam natin na tumaas ang langis, problema sa gas. Kapag tumaas ang langis, tataas iyong mga produktong pang-agrikultura kaya nagbigay ng mga suhestiyon at rekomendasyon ang Department of Finance at NEDA kung ano iyong mga dapat gawin.

For example, iyong tulungan iyong ating mga magsasaka, tulungan iyong ating mga tsuper. Bigyan sila ng ayuda, bigyan sila ng kaunting break doon sa gastos ng kanilang gasolina. Now, of course iyong sa excise tax, that’s also part of the discussion. Pero hihintayin natin kung ano ang mga lalabas sa pag-uusap ng office ni Executive Secretary Bingbong Medialdea, ng DoF, ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasi kailangan talagang balansehin nang husto itong nangyayari ngayon. Obviously, the problem—

ANDOLONG: Sec., wala pa pong final decision sa suspension of excise tax on fuel?

SEC. ANDANAR:  The President will decide on the recommendations ng Pangulo [sic]. Pero ipinakita naman kahapon sa press briefing ni Undersecretary Rose Edillon kung ano iyong mga rekomendasyon ng NEDA, at base doon ay pag-aaralan ng ating mahal na Pangulo with the Office of the President and Office of the Executive Secretary kung ano ang magiging final decision.

Now, again, let me remind everyone na siyempre very volatile iyong nangyayari sa ating mercado, as volatile as what is happening in Ukraine. Talagang may giyera doon. We’re hoping that this does not escalate into a world war dahil kapag nangyari iyon, aba’y, siyempre magkakahetot-hetot tayong lahat dito.

Pero, you know, kaya nga mayroong mga rekomendasyon ang ating economic cluster just in case mag-escalate pa iyong gulo at tumaas pa iyong presyo ng langis. Alam naman natin, kapag tumaas ang presyo ng langis ay tataas iyong presyo ng mais na kinakain ng ating mga manok. So tataas ang presyo ng manok, iyong mga feeds para sa baboy, sa mga baka, presyo ng – lahat, lahat na ito – transportation.

At we must remember that we are barely out of this COVID-19 at napakalaking dagok sa ating ekonomiya, napakadaming nawalan ng trabaho, nawalan ng negosyo, nawalan ng pera. Ultimo gobyerno ay said na rin kasi ilang buwan din tayong nagbibigay ng mga ayuda – AICS, nagbigay tayo ng TUPAD, tapos iyong mga binibigay natin sa ating mga manggagawa na siyempre nawalan ng trabaho habang mahina ang takbo o ang ikot ng ating ekonomiya.

FAJATIN: Ang sundot ko lang diyan, Ina, doon sa tanong na iyan baka kasi gusto rin malaman ng MPC, discussion lang ‘no, pero is it even in the table iyong sinasabi ng ating mga, hindi man sa gobyerno, iyong ating mga economic geniuses na we suspend, you revise or revisit itong oil deregulation law; pangalawa, i-suspend, i-revise or revisit itong VAT una ‘no, para sa ating mga kababayan; at iba pang mga rekomendasyon nila para lang, you know, makabawas muna sa presyo ngayon. Mayroon bang naka-table nito [unclear]?

SEC. ANDANAR: Mayroong rekomendasyon si Secretary Karl Chua, kasama ang ating Secretary ng DoF, Secretary Carlos Dominguez, iyong sa economic impact which is inflation and translates investment, fiscal spending. Tapos iyong mga interventions, binanggit niya. Mayroon ding may kinalaman sa legislation.

I am trying to go through it, but this was reported already by Undersecretary Edillon as, you know, as a rejoinder to the report of Secretary Karl Chua na live nating ginawa—ay, hindi naman live; taped, but we played it. So I’m trying to go through the legislative act or recommendation na puwedeng gawin.

ANDOLONG: In the meantime, Sec, ito mabilis lang itong sagutin: Posible raw po ba na magpatawag si PRRD o ipatawag niya sa Malacañang ang mga oil industry players and other stakeholders just like what he did when he called on medical experts at business sector noong lumala po iyong COVID situation?

SEC. ANDANAR: Ayaw kong pangunahan—

FAJATIN: Diyan magaling si Pangulo, sa pakiusap sa mga [unclear]

SEC. ANDANAR: Alam mo, ayaw kong pangunahan si Presidente ulit kapag sinabi kong possible, tapos magiging headline bukas. This is my second day on the job. I might get fired tomorrow.

ANDOLONG: Mahirap naman talagang maging spokesperson kasi lahat ng issues [unclear]

SEC. ANDANAR: Anything is possible, you know. Yeah, of course—

ANDOLONG: [Unclear]

SEC. ANDANAR: Puwede ninyo ba akong bigyan ng 100 days na honeymoon para nakalabas na ako ng gobyerno.

ANDOLONG: One hundred days, tapos na iyong term.

FAJATIN: Mayroong oil deregulation, mayroong VAT, at may pangatlo pa, iyong parang bilhin daw ulit iyong Petron, parang ganoon. So iyon ang mga naririnig nating mga recommendations. Tama si Martin ‘no, nasa Pangulo iyan. ‘Di ba, nasa kaniyang mga economic managers din, pero siyempre bilang lider, sabi ko nga, magaling si Pangulo sa pagkumpul-kumpol ng mga ganiyan, ipatawag niya. Ipatawag ko iyong mga ano ng langis, kapag kayo nang-ano, kayo nang-abuso, jackpot kayo. Parang ganiyan.

ANDOLONG: Okay. Doon lang sa ano, kasi na-discuss na ito last meeting nila kahapon. Can we move on, Sir, doon sa appointment ni Atty. George Garcia as new COMELEC Commissioner?

SEC. ANDANAR: Sure.

ANDOLONG: Do you think this is a good move considering we have upcoming presidential elections, of course, as context, naging abogado po ni Bongbong Marcos si Atty. George Garcia?

FAJATIN: Ina, gusto ko lang isingit ito, kasi may post si Ms. Malou De Guia—ito, I have yet to verify this, pinapa-verify ko nga sa aking mga [unclear]. Kasi laging binabanggit naging abogado ni BBM, naging abogado ni Isko lately, naging abogado ni Grace Poe. Pero naging abogado rin daw siya ni PNoy. So that I have yet to verify. Pero iyon nga, kung ganito, iyong sa tanong nga ni Ina, do you think—ako, I personally know Atty. George kasi he has a program sa UNTV. And he is really good. Lagi namin siyang kinukuha sa election seminarist, sa ating mga reporters. So anong tingin mo sa tanong ni Ina, Mart?

ANDOLONG: Was it a wise decision, Sir, considering all his relations?

SEC. ANDANAR: Again, itong mga appointments, iyong mga appointees ay dumadaan naman sa vetting process. You know, extensive vetting process lalung-lalo na iyong mga quasi-judicial independent bodies na tatagal sa gobyerno. Halimbawa, iyong COMELEC, Civil Service, COA, lahat iyan ay dumadaan. Once na dumaan iyan sa proseso, mayroong tinatawag na presidential prerogative. Siyempre dadaan sa lamesa ng Presidente iyan pero hindi naman … iyong mga applicants naman doon bago dumating kay Presidente, napakadami niyan. Pagdating kay Presidente, then he has a choice of choosing who he wants. Iyon nga, presidential prerogative, I read that in the Constitution na ano iyan, na kay Presidente talaga iyan.

Now, is it a wise decision? You’re asking me if it’s a wise decision, now if the President is the one who chose, so yes, it’s a wise decision. Kapag dumaan iyan sa vetting process, yes, it is a wise decision. Kung tatanungin mo iyong objectivity or partiality ng tao, alam mo, tulad nang sinabi ni Michael, hindi ko naman si Commissioner eh, hindi ko kilala. I mean, personally, wala kaming ano, hindi ko pa siya nakakausap. Pero iyong mga abogado, well, supposedly they are a very professional people. Pumasa ng bar examination iyan, mayroon pang mga courses na tini-take para ma-refresh iyong kanilang alam sa batas, at mayroon silang—anong tawag doon, Mike, iyong client to lawyer?

FAJATIN: Confidentiality.

SEC. ANDANAR: Oo, confidentiality. So mayroon silang ganoon.  You know, you could be a lawyer, again, you can be a lawyer of anyone today, and tomorrow you could be a lawyer of the other camp. So ano iyan eh, profession iyan eh. And I guess lahat ng mga abogado lahat nila iyan.

FAJATIN: Saka, dadaan pa ito, Mart, dadaan pa ito sa Commission on Appointment. So hindi pa final itong tatlong ito, so to speak, dadaan sa Commission on Appointments kapag sila ay nagkaroon na ulit ng session. So, hindi ito ura-urada lang, lahat iyan may vetting process. Hindi ako gaanong privy sa dalawa pa, pero they are qualified.

Iyong qualification is the question here, they are qualified kasi hindi ka naman papasa sa vetting process kung wala namang kinalaman talaga sa [garbled]. Pero, aside from this, you have mentioned, Mart, hindi ito midnight appointment ‘no, kasi it’s well within the range of law, its well within reach of the time frame wherein the President can still appoint. Hanggang kailan ba puwedeng mag-appoint diyan, para alam ng taumbayan na midnight appointment ito?

SEC. ANDANAR: Wait, is it March 25? I am not really certain kung hanggang kailan, pero   bago ata mag-start iyong kampanya ng LGU, March 25 ‘no, iyong last day na puwedeng mag-submit o mag-appoint.

FAJATIN: Puwede ka pang dahil sa Bureau of Customs, ibig sabihin ‘no.

SEC. ANDANAR: [laughs] “Di bale na, ‘di bale na lang. Alam mo naghihintay na iyong papasukan ko.

FAJATIN: Parang misis mo. Pag-usapan na nga natin iyan. Martin Andanar, the voice of TV 5, formerly from GMA, a good friend and everything, nasa media. Ano—what’s in store for you after few months of being in the Cabinet?

SEC. ANDANAR: Alam mo Mike and Ina, ang alam ko na trabaho ay ito, itong communication. Siguro kapag pinasok ko pa iyong engineering, siguro malulugi na ako [laughs]. Parang too late the hero ako, siguro naman eh—sabi ko nga, maroon akong… ano kasi ako, reserved officer ng Philippine Navy. So kausap ko iyong isang Commodore, sabi ko puwede ba akong—kasi puwede pa lang mag-active iyong isang reserved, so two years. So, naisip ko, ano kaya, pero masyado ng malaki iyong tiyan ko para magsuot ng uniporme [laughs]. Baka walang maniwala sa akin.

FAJATIN: So, ano magkakapamella, Camella ka na rin ba?

SEC. ANDANAR: Kasi ‘di ba uso na itong mga vlogging, iyong mga podcasting dahil sa technology, madali na lang maging stringer, tulad ng ginagawa ng Ina, di ba nagiging stringer siya. So, napakadali nang gawin because of technology at ako naman ay napakataas ng paghanga ko pagdating doon sa technology at iyong mga nag-i-stringer, nagre-report, because out of the passion for work. So, those are options that I can do, babalik ba ako sa network, siyempre mahirap magsalita ng patapos eh, di ba. Eh, mahirap eh. Pero—

FAJATIN: Iibahin ko na lang iyong statement. Ang tanong: May kumausap na ba sa iyo o nagparamdam, iyan?

SEC. ANDANAR: Wala pa naman.

FAJATIN: Sa Capamella, walang ganoon?

SEC. ANDANAR: Wala talaga, honest wala.

FAJATIN: Tatawagan kita mamaya, kasi may nagpapatanong.

SEC. ANDANAR: Saka alam mo kaibigan ko naman iyong mga taga-Channel 4, mga taga Radyo Pilipinas, mga kaibigan naman natin lahat eh. So, honestly, Mike at Ina. Hindi ko talaga iniisip dahil last five years and seven months ay—alam mo iyong parang na-drain ka talaga, naubos iyong baterya eh.

FAJATIN: Iyon na sana iyong tanong ko sa iyo, Mart: Has this been an experience for you in terms of you know, ano ba ito stress, ang dami eh, encapsulated it in one sentence eh. Pero more than that, have you grown to be a better man in this endeavor, being in government?

SEC. ANDANAR: Siguro iyong asawa ko dapat ang tanungin mo [laughs].

FAJATIN: Huling tanong ko iyan sa personal: Ang misis mo ba, hinihintay ka ba? Dito ka na Mart, huwag ka ng lumabas, ano ba ang tagal-tagal mo nang… may ganoon bang pasisisi?

SEC. ANDANAR: Wala naman. Kasi ang wife ko naman ay she comes from political family. Alam naman niya kung ano ang kailangan para sa isang nasa gobyerno. Iyong sa akin lang ay… you know, I cannot thank the President enough, dahil nga sa binigay niyang opportunity. Kasi ano kasi ako, I like new ideas, I like to create new ways of communicating. Iyon naman ang trabaho ko sa Channel 5, apart from being on cam.

So, masasabi ko na lahat ng mga ideas na naisip ko na maganda para sa government media na naging—alam mo Mike, iyong kasamahan nating si Del Clark, pumanaw na, so alam natin kung ano iyong mga nangyari sa government channel. So, I think, I was able to implement the things that I thought before would be good for the government. Like for example, we are able to open the Mindanao Media Hub. We are already building the Visayas Media Hub. We are building the Government Communication Academy. Iyong PIA ay mayroon silang Build Build Build na mga buildings nila, for such a long time nagre-rent sila. Iyong ating mga empleyado sa PCOO, I think when I leave the PCOO proper, 60% ay appointees nitong administration, meaning naglagay tayo ng mga bagong empleyado, iyong mga bakante noon ay napunuan natin ng mga empleyado ng regular.

Kasi iyon nga, our goal here is to strengthen this department, the bureaucracy, ma-achieve natin iyong mga na-achieve ng DSWD na talagang ano sila, gold standard sila pagdating sa  government  administration. So iyon ang gusto nating mangyari sa PCOO. Dahil alam naman natin, from Ministry of Information, from National Production Unit of the government tapos naging Office of the Press Secretary, PCDSPO, PCOO, Office of the Spokesperson. So you know, grabe iyong evolution eh. So, ang nangyari, nag-sacrifice din iyong buong burukrasya. I am very confident that when we leave the PCOO, maraming pagbabago. At saka ISO certified na ang PCOO proper, halos lahat ay ISO certified na. We have done really so many things and I came as a technocrat and you know, it’s great that I will be leaving as a technocrat and I am really proud that, you know, of course the President can still fire me tomorrow or the next day but if I finish this until June 30, 12 noon [laughs]—

FAJATIN: That’s achievement enough, oo. And that is Martin Andanar’s legacy, guys.

SEC. ANDANAR: You know, it’s the President’s, not me.

FAJATIN: Sinabi mo nga [garbled]. Marami ring insights sa iyong personalidad, sa iyong personal na buhay at sa iyong hinaharap.

ANDOLONG: Diretsadang tanong, tapatan na talaga. Alam na ito ni Secretary Andanar, okay, let’s go.

FAJATIN: At para sa mga fans niya na mga millennials. Ang tanong namin sa iyo, Tol: Handa na ba you, kapag sumagot ka na Handa na me, then we start, okay. Let’s ask PCOO Secretary, now Spokesperson, tomorrow might BOC Commissioner, hindi natin alam pa. Secretary Martin Andanar, handa na ba you?

SEC. ANDANAR: Handa na me.

FAJATIN: Ratsadang tanong, tapatan at taran… tahan.

ANDOLONG: Pili lang po kayo sa isa sa aking sasabihin – pigil o andar?

SEC. ANDANAR: Andar.

ANDOLONG: Paandar o padama?

SEC. ANDANAR: Padama.

ANDOLONG: Mag pedal na lang tayo o full tank ninyo?

SEC. ANDANAR: Full tank ninyo [laughs].

ANDOLONG: [laughs] Mag-beach or private pool?

SEC. ANDANAR: Mag-beach.

ANDOLONG: Manuod ng sine, mag-netflix na lang?

SEC. ANDANAR: Mag-Netflix.

ANDOLONG: Radyo, TV o social media?

SEC. ANDANAR: Radyo.

ANDOLONG: Ito, Kapamilya, Kapuso o Kapatid or Kapamella?

SEC. ANDANAR: [laughs] Kapatid.

FAJATIN: Oh ito, charot o trulalo? Gaano ka-true, gaano ka-charot? Pabor ka ba sa partnership ng Comelec sa media tulad ng sa Rappler? Alam mo trulalu?

SEC. ANDANAR: Alin doon iyong pabor o hindi?

FAJATIN: Charot not true, charot not true, trulalu, totoo. Ang hindi pabor siyempre charot?

SEC. ANDANAR: Kapag charot approved, kapag trulalu, hindi pabor? O, sige-sige.

FAJATIN: Ang tanong pabor ka ba sa partnership ng Comelec sa media tulad ng sa Rappler?

SEC. ANDANAR: Eh, quasi-judicial body iyon eh [laughs]. Iyong charot ay totoo, iyong trulalu ay hindi totoo? Kung approved ako, trulalu?

FAJATIN: Trulalu.

SEC. ANDANAR: Trulalu? Teka muna, mahirap! Ano ba iyong next question?

FAJATIN: [Laughs] O sige, pass.

SEC. ANDANAR: Objective ako diyan eh. Gusto ko nasa gitna lang ako eh.

FAJATIN: O sige. O isang pass lang allowed sa iyo, isa lang ha. Okay. Pangalawang tanong: May balak ka bang pumasok sa network ni Ka Manny Villar?

ANDOLONG: Hindi tayo [garbled]…

SEC. ANDANAR: Eh… charot.

FAJATIN: Charot… Yehey! Tatanggapin mo ba kung may offer ka ulit sa Gabinete sa papalit na administrasyon?

SEC. ANDANAR: Charot.

FAJATIN: Hmm charot ha… Sige ka ha, kapag ikaw sinabihan ka ni Vice Sarah, bahala ka sa buhay mo [laughs]. Para sa iyo, si PRRD ba ang the best president ever?

SEC. ANDANAR: Trulalu.

FAJATIN: [Laugh] Iyan, okay. May forever ba sa gobyerno?

SEC. ANDANAR: Charot.

FAJATIN: Okay. May kandidato ba sa pagkapangulo ang tumawag na o nagparamdam kay PRRD kamakailan lang?

SEC. ANDANAR: Charot.

FAJATIN: Charot ha, okay. Ina, ikaw.

ANDOLONG: A – E – I – O – U…

FAJATIN: A – E – I – O – U…

SEC. ANDANAR: Ano? A – E – I – O – U…?

ANDOLONG: Sabihin ang letra na mayroon sa pangalan o nickname at apelyido ha sa mga sasabihin ko. Basta you’ll get this, okay?

SEC. ANDANAR: Oo…

ANDOLONG: Sa tingin mo lang naman. Okay?

FAJATIN: Ito cue ha – halos lahat naman ng letter ng A – E – I – O – U mayroon itong mga ito pero ang ilan wala. Ang ilan dalawang letra lang o isa o dalawang lang letter. Okay? Sige…

ANDOLONG: Kung may susuportahan o iendorso man si Pangulong Duterte sa pagkapangulo, anong letra kaya ang mayroon sa kaniyang pangalan?

FAJATIN: A – E – I – O – U

SEC. ANDANAR: O

FAJATIN: [Laughs] Ang galing nito… magaling ito. Mamaya sasabihin ko kung bakit.

ANDOLONG: Mayroon na talaga ‘no, mayroon na talaga. Okay, sige. Oh, A – E – I – O – U. Kung mayroong malabong suportahan naman si PRRD sa mga tumatakbong pangulo, anong letra ang mayroon sa pangalan niya? A – E – I – O – U…

SEC. ANDANAR: Ang hirap noon. U siguro!

FAJATIN: [Laughs] Parang alam mo na ito ah!

SEC. ANDANAR: Hindi. Hindi ko alam iyan [laughs].

ANDOLONG: O, anong letra naman sa A – E – I – O – U ang tingin mo hindi niya mapapatawad?

SEC. ANDANAR: Hmm… Ano kaya? [Laughs]. E [laughs]…

ANDOLONG: Anong letra naman ang kanyang makasundo? Makasundo ha, kahit pa minsan ay magkaiba sila ng opinion.

SEC. ANDANAR: O [laughs]. O… A-E-I-O – O [laughs]…Oscar Oida, kumusta ka na?

FAJATIN: Oida, kinukumusta ka namin ha. Tumayo ka na. Tumayo na si Oida, medyo gumagaling na siya. [Overlapping voices]…

SEC. ANDANAR: Walang kalaban-laban ang daga kay Oscar…

FAJATIN: Oo nga, ang dami oh!

SEC. ANDANAR: Oo…

FAJATIN: O, buksan natin ang cabinet. Ang susunod na segment, buksan natin ang cabinet, sa tingin mo lang ulit ito ha… O sige! Sino ang pinaka-favorite na Cabinet member ni PRRD? Paboritong puriin ha – past or present.

SEC. ANDANAR: Ano rin iyan, A-E-I-O-U rin? Ano?

FAJATIN: Hindi! Aura ito, oo. Puwede mo nang banggitin kung sino. Sino pinaka-favorite niya?

SEC. ANDANAR: Galvez.

FAJATIN: Si Galvez, very good. O, sino naman ang paborito niyang asarin?

SEC. ANDANAR: Panelo.

FAJATIN: [Laughs] Sino naman ang pinakamadaldal, iyan, sa Cabinet meeting?

SEC. ANDANAR: Si Dabs Mamao.

FAJATIN: [Laughs] Sa Cabinet meeting lang naman iyon…

SEC. ANDANAR: [Laughs]

FAJATIN: Eh sino ang pinakamatakaw? Iyan, naku…

SEC. ANDANAR: Naku, baka mapagalitan ako eh [laughs]. Ako na lang, ako.

FAJATIN: Ahh ikaw na lang hayan. Malakas kumain itong si Mart eh. O, sino naman ang palaging parang ‘I woke up like this’ or in short mukhang palaging puyat tuwing Cabinet meeting?

SEC. ANDANAR: Hmm… Lorenzana.

FAJATIN: Lorenzana [laughs]…

SEC. ANDANAR: Hindi yata natutulog…

FAJATIN: Oo, iyon ang trabaho talaga niya…

SEC. ANDANAR: Hindi yata natutulog iyon eh, oo.

FAJATIN: Ito medyo light ito, may bonus ka. Ano ang pinakamami-miss mo? Kaya hindi ko na finorce ito, Sec, kanina sa iyo eh. Ano ang pinakamami-miss mo bilang Cabinet secretary ngayong ilang buwan na lang ay magkakahiwa-hiwalay na kayo at bakit?

SEC. ANDANAR: Mami-miss ko si Presidente.

FAJATIN: Iyon lang? Ganoong lang kasimple?

SEC. ANDANAR: Si Bong Go mami-miss ko rin. Si Bong Go mami-miss ko, si Presidente. Eh ‘di, siyempre six years din ‘di ba? Six years tapos nakakatrabaho mo araw-araw eh siyempre mayroon ding ano eh, kahit papaano iyong relationship namin hindi lang ni President at SBG kung hindi lahat ng Cabinet ay mas malalim ngayon kaysa six years ago.

FAJATIN: Para kayong band of brothers. All right! Thank you. Huwag po kayong aalis. Thank you…

[COMMERCIAL]

FAJATIN: Iyan… [Unclear] to tell our viewers what are you having for the future, what you have in mind and what you feel. Go ahead.

SEC. ANDANAR: Wow. Ako ay nagpapasalamat na mayroon tayong bagong platform na ibinigay ni Presidente, itong tinatawag natin na Office of the Presidential Spokesperson dahil, number one, iyong Duterte legacy ay maitutuloy natin at pangalawa iyong aking personal advocacy – ito iyong tinatawag ko na sustainable communication which includes the last mile of information delivery.

When I say that, it means that we need to be updated sa ating mga technologies, sa AI – artificial intelligence, we need to be updated pagdating sa algorithms and I think our government and even the private sector should invest more in algorithms and in the last mile information delivery para maka-compete tayo hindi lang dito sa buong Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

Halos lahat naman tayo, Mike and Ina, we go to a certain place, algorithm nagdala sa atin – mayroon tayong mga ways, umu-order tayo ng pagkain, naghahanap tayo ng news at algorithms na lahat. So it’s already the time of broadcast or media na hindi na—it’s no longer a television to the ear or the eyes, dadaan ka pa ng social media. Pero napakamaraming mga last mile companies eh na puwede tayong mag-piggyback like for example iyong mga Grab delivery, mga food, mga ganoon.

In fact iyong batas nga din natin na pagdating sa telecommunications ay medyo outdated na rin. Kasi like what I said, when we watch the news – for example CNN or any station – ay dumadaan na sa mga social media sites bago natin mapanood, sa mga applications. Siguro it’s about time that the government regulates iyong mga applications – kung ang applications ay puwedeng mag-stream ng mga advertisement. Siguro naman puwede silang mag-stream ng balita galing sa gobyerno, public information service and I don’t think that’s [unclear].

So it gives me this leverage to be able to expound and to advocate, to campaign for sustainable communication through the last mile information delivery which basically includes also new technology like the algorithms at iyong mga bagong technology, artificial intelligence. Kapag hindi natin gawin iyon sa gobyerno or sa private sector, then I think we are doomed to fail.

FAJATIN: Hindi lang makapagpadali ng buhay, nakakapagbigay pa sa atin ng mga mahahalagang konteksto.

ANDOLONG: Sec, kailan daw po iyong next Talk to the Nation ni PRRD?

SEC. ANDANAR: The next one?

ANDOLONG: Yeah. May schedule na daw po ba?

SEC. ANDANAR: Usually kasi Monday. So I’m assuming that it’s going to be Monday, unless told otherwise.

ANDOLONG: Okay. Ito, last na ito, ngayon lang. Reaksiyon, baka lang daw po mayroon nang TRO versus Oplan Baklas—ay, reaksiyon ninyo daw po pala, sorry, sa TRO versus Oplan Baklas ng COMELEC?

SEC. ANDANAR: May TRO… Oplan—hindi ko pa nababasa iyong ano na iyan eh. Sorry, hindi ko pa nabasa.

FAJATIN: Oo. Bigyan natin ng panahon si Secretary Andanar, si Spox Andanar diyan, oo.

SEC. ANDANAR: Alam mo isa iyan sa mga natutunan ko over the years kasi kanina nga pinapaano sa akin, Ina, pinapa-confirm sa akin iyong lumabas na directive galing sa Office of the Executive Secretary iyong sa e-sabong – lumabas kanina ‘di ba? Tapos pinapa-confirm sa akin kung totoo ba ito o hindi at lehitimo ba ito?

So noong sinabi ko kay ES, “Boss, ito ba ay legit? Galing ba sa opisina mo ito?” Sabi sa telepono, “Yes, yes, yes!” Sabi niya, “Boss paki-check naman iyong Viber kasi mamaya iyong papel na umiikot iba doon sa…” [Laughs]

FAJATIN: Oo, exactly. Oo… [Unclear] ganoon eh. Totoo iyan, Mart, talagang-talagang double, triple check. Sanay ka naman sa mga ganiyan, iyong training natin sa media talaga ganiyan eh. Ang training natin sa [garbled] verify and verify. Sabi nga ni Antonio Seva, dating SVP: “Kapag sinabi ng nanay mo na guwapo ka, huwag ka kaagad maniwala.

SEC. ANDANAR: [Laughs]

FAJATIN: “Find a second source,” laging sinasabi ni Tony Seva iyan eh. Find a second course… Eh si Mike na mismo ang nagsabi niyan, baka hindi totoo eh lalo na bias eh ‘no, na guwapo ka dahil anak ka eh. Salamat, Mart, ha. See you soon again.

 

ANDOLONG: Thank you, Sec. Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Thank you.

 

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)